Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
SA MAKASAYSAYANG National Museum of the Philippines inaasahang gaganapin ang panunumpa sa tungkulin ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang ika-17 pangulo ng bansa sa darating na Hunyo 30, 2022.
Dating kilala bilang Old Legislative Building, dito rin ginanap ang panunumpa sa tungkulin ng mga dating pangulo noon gaya nina Manuel L. Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), at Manuel Roxas (1946).
Ayon kay dating Manila representative at ngayo’y Presidential Management Staff (PMS) Secretary-designate Zenaida “Naida” Angping, ang mga miyembro ng inaugural committee ay nagsagawa na ng ocular inspection at kanilang nakita na ito ang pinakamagandang venue para sa inagurasyon ni Marcos.
“The National Museum of Philippines building and its surrounding areas match our requirements for President-elect Marcos’ inauguration. Preparations are already in full swing to ensure that it will be ready by then,” sabi ni Angping.
Dinisensyo ng Bureau of Public Works (ngayon ay DPWH) noong 1918 bilang bagong tirahan ng National Library of the Philippines habang natapos naman ang pagbuo nito noong 1926.
Noong 1935, dito rin ginanap ang proklamasiyon ng Philippine Commonwealth at dati rin itong kilala bilang National Assembly Building.Nasira ito noong World War II at sumailalim sa reconstruction mula 1949 hanggang 1950.
Sinabi rin ni Angping na kanilang inisip ang Quirino Grandstand bilang isang potential venue para sa inagurasyon ngunit napansin ng kanilang ocular inspection team na nakatayo pa rin ang ilang COVID-19 field hospitals sa lugar.
“The safety and welfare of our people are paramount. As such, we chose to avoid disrupting the medical care being given to the COVID-19 patients housed there. That’s why we opted for the National Museum as the venue,” dagdag niya.
Si Marcos ay naproklamang president-elect ng Kongreso nitong Mayo 25 matapos ang kanyang landslide na pagkapanalo sa nagdaang 2022 national elections.
Nangako si Marcos na agad siyang magtatrabaho at nakita nga ito sa pagsisimula niyang maglagay ng mga tao sa kanyang gabinete.
Sa press briefing na naganap, inanunsyo ni Press Secretary-designate Atty. Trixie Cruz-Angeles ang nominasyon ni Angping pati na rin ni Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco bilang tourism secretary, at Amenah Pangandaman bilang head ng Department of Budget and Management (DBM).
Nominado rin ang beteranong journalist na si Erwin Tulfo bilang Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary at Atty. Ivan John Uy bilang head ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Napabalita nitong Linggo na tatlong lugar ang kinokonsidera ng kampo ni Marcos para sa kanyang inagurasyon at ito ay sa: Quirino Grandstand, Fort Santiago, at sa National Museum.Sa Quirino Grandstand ginanap ang panunumpa ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. bilang ika-10 pangulo ng bansa noong 1965. (Daris Jose)
HANDA na ba sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na sabihin kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon?
“Sakto lang,” sagot ni Paulo tungkol sa real status ng relasyon niya with the award-winning young actress. “Busy naman kami sa mga trabaho namin ngayon. Janine is doing another teleserye.”
“Next month we will start a new serye sa ABS-CBN. So I’m excited. Meron din akong Cinemalaya na i-su-shoot,” pahayag naman ni Janine, during a media conference for her latest flick “Ngayon Kaya?” under T-Rex Productions.
Tinanong si Paolo kung lalagyan ng label ang kanilang relasyon ni Janine, sagot niya, “Ayos naman kami. Kung gugustuhin po ni Janine okay lang sa akin.”
Natatawang sagot naman ni Janine, “I knew you would say that. Kung papahintulutan po ako.”
Tanong naman ni Paolo kay Janine, “Ikaw? Gusto mo ba?”
Ang “Ngayon Kaya?” ang first movie together nina Janine and Paulo, na co-producer for the film. Nauna nilang ginawa ang pelikula noong 2019 bago nailagay ang maraming lugar underlockdown.
Natapos nila ang movie bago sila nagksama sa Kapamilya series “Marry Me, Marry You” na nagtapos nitong January 2022.
Fans believe that the movie will trigger rumors about their relationship as it opens in theaters on June 22.
***
FIRST acting job ni Anthony Flores ang role niya bilang leading man ni Rex Lantano sa BL series na “Papa What Is Love” na dinirek ni Shandii Bacolod.
Si Anthony ang Man of the Universe (Philippines) winner noong 2019 at naging representative ng Pilipinas sa Man of the Universe pageant na ginawa sa Cebu.
He was only 17 nang unang sumali si Anthony sa isang pageant at winner siya agad. He waited for two years bago nag-join sa Man of the Universe where he represented Angeles City.
“Sinabi lang sa akin na may potential ako. I am the type of person na hanggang di ko nasusubukan or di ko natitikman, hindi ko alam kung masarap o kung gusto ko talaga.
“Tulad sa pagkain, hanggang di ko natitikman ang pagkain, hindi ko alam kung magugustuhan ko siya o hindi,” wika ni Anthony over lunch sa Limbaga 77 Café last Saturday.
Pero na-shock si Anthony nang alukin siya to play the lead role sa “Papa What is Love.” Wala kasi siyang acting experience at never pa siya nakapag-worskshop. Ang tanging ginagawa niya ay mag-Tiktok.
“Well, siguro it’s about time that I try acting kasi marami na rin naman ang nagsasabi sa akin to give it a try. Subukan ko muna kasi wala nga akong experience. Baka matawa ko infront of my co-actor. Luckily naman, maganda naman ang resulta ng acting ko sa BL. Nag-improve ako,” sabi pa ni Anthony.
Nagdalawang-isip man siya the first time he was asked na subukan ang acting ay nag-decide na rin si Anthony to say yes.
Pero aminado si Anthony na hindi sya risk-taker. Hindi raw siya pupusta sa isang bagay kung di siya sigurado.
“Pero this year I want to try many things na gusto kong gawin,” sabi pa ni Anthony.
Ipinalalabas ito every Saturday at 8 p.m. sa Rex Lantano YouTube channel. The series also stars Arnold Reyes.
(RICKY CALDERON)
SUMIRIT sa panibagong all-time high ang outstanding debt ng pamahalaan matapos itong maitala sa P12.76 trilyon sa pagtatapos ng Abril 2022 — bagay na naapektuhan ng paghina ng piso kontra dolyar.
Ibinalita ito ng Bureau of Treasury, Huwebes, ilang linggo matapos maiulat na katumbas na ng 63.5% ng ekonomiya ang utang ng Pilipinas. Matatandaang naitaya ang utang ng bansa sa P12.68 trilyon para sa buwan ng Marso.
“For April, the [national government’s] total debt increased by P83.40 billion, or 0.7% due to the net issuance of government securities to both local and external lenders and the depreciation of the local currency against the USD,” ayon sa Treasury kanina.
“Of the total debt stock, 30.0% was sourced externally while 70.0% were domestic borrowings.”
Kung hahatiin, narito ang itsura ng outstanding debt ng national government:
utang panlabas (P3.83 trilyon)
utang panloob (P8.93 trilyon)
Lumundag ng P67.2 bilyon ang domestic debt kumpara sa end-March 2022 level habang P16.2 bilyon naman ang itinaas ng external debt.
Ang naturang problema sa paghiram ng pera, marami rito ginamit sa COVID-19 response, ang isa sa mga haharapin ng papasok na administrasyon ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siyang katatalaga pa lang ng kanyang economic team.
Miyerkules lang nang banatan ng economic think tank na IBON Foundation ang iiwang legacy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ekonomiya, lalo na’t lumala raw ito nang husto kumpara noong simula ng kanyang termino noong 2016.
“The economy that the Duterte administration painted in its final report was a fantasy,” ayon sa IBON sa isang pahayag kahapon.
“It omitted important numbers that show how it wasn’t an economy that worked for ordinary Filipinos.”
Maliban sa malaking utang, tumaas raw patungong 15% ang rice import dependency ng Pilipinas nitong 2020, kumpara sa 5% lang noong 2016.
Naabot din ang 4.9% inflation rate (bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin) nitong Abril 2022 na siyang pinakamataas sa tatlong taon, maliban pa pagpalo ng debt payments sa P1.2 trilyon noong 2021.
Una nang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na pwedeng magdagdag ng buwis ang susunod na administrasyon para masolusyunan ang problema sa paglobo ng utang. Pero ayon naman kay incoming Finance Secretary Benjamin Diokno, pwede namang pahusayin muna ang koleksyon at efficiency sa tax administration kaysa magkaroon ng mga pagtataas.
“Ang utang kasi, hindi dapat katakutan kung halimbawa may dahilan kung tayo nangutang,” ani Department of Budget and Management (DBM) acting Secretary Tina Canda sa Laging Handa briefing.
“Alam naman natin na ‘yung time na tumama ang COVID… wala tayong mga isolation facilities. Wala tayong tamang dami ng hospital beds. Hindi naman natin pwedeng isakripisyo ang buhay ng ating mga kababayan dahil lang ayaw natin mangutang.”
HINIKAYAT ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon na nananawagan na kanselahain ang kanyang certificate of candidacy (COC) na inihain laban sa kanya ng civic leaders.
Ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na ayon kay Marcos Jr. ang may hurisdiksyon na tingnan ang kanyang “eligibility.’
“[I]t is respectfully prayed of the Honorable Court to protect the free choice of the Sovereign Filipino People that their president is respondent Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. (BBM) and to dismiss the instant Petition for Certiorari dated May 16, 2022 for lack of jurisdiction and/or complete lack of merit,” ang pahayag ni Marcos Jr. sa Korte Suprema sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Estelito Mendoza.
Matatandaang, buwan ng Mayo nang dalhin sa pinakamataas na korte ng Pilipinas ang laban kontra sa kandidatura ni Marcos Jr.
Ang petisyon sa Korte Suprema ay inihain ng kampo nina Fr. Christian Buenafe, et al. na una nang hiniling sa Commission on Elections kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Bongbong. Sa kabila nito, ibinasura ito ng Comelec.
Ang naging kahilingan ng mga petitioners ay ibaliktad o isantabi ng Supreme Court ang naunang resolusyon ng Comelec; ikansela o ideklarang “voice ab initio” ang COC ni Bongbong, na hindi siya talaga naging kandidato sa 2022 national elections; at gawing permanento ang temporary restraining order laban sa Kongreso at pigilan silang i-canvass ang mga botong nakuha ni Bongbong.
Para naman sa kampo ni Marcos Jr., walang hurisdiksyon ang Korte Suprema para pigilan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso mula sa canvassing ng boto at proklamasyon ng mga nanalo sa katatapos lamang ng May 9 presidential election.
Sa isang manipestasyon na isinumite sa Korte Suprema ni Atty. Estelito Mendoza, mula sa kampo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nakasaad dito na ang “duly elected president and vice president” ay kailangan na masimulan ang kanilang termino sa Hunyo 30, alas-12 ng tanghali at magtatapos ang kanilang termino sa kaparehong oras at petsa matapos ang anim na taon, gaya ng nakasaad sa ilalim ng 1987 Constitution.
Tinukoy ni Mendoza ang Seksyon 4, Article VII ng Saligang Batas, kung saan binigyan ng mandato ang mga mambabatas na mag-canvass ng mga boto.
Nakasaad pa rin sa kaparehong probisyon na ang isang indibidwal o kandidato na may mataas na bilang ng boto ay “shall be proclaimed elected.”
“All of the above provisions, in language and intent, are mandatory and the Supreme Court is without jurisdiction to prevent their implementation,” ani Mendoza.
Base sa partial at unofficial results, nanguna si Marcos na may 31.1 milyong boto na sinundan naman ni Vice President Leni Robredo na may 14.8 milyong boto. (Daris Jose)