• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

LRMC magbibigay ng libreng shuttle service sa pasahero ng LRT1

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGBIBIGAY ng libreng shuttle service ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) sa mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1).

 

Ayon sa LRMC, ang pilot implementation ng libreng shuttle service ay magaganap sa pagitan ng estasyon ng LRT 1 EDSA at Manila Bay ASEANA area kung saan magkakaron ng mga designated loading at unloading points sa kahabaan ng Macapagal Boulevard hanggang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

 

Naging partner ng LRMC ang Global Electric Transport (GET) na isang emission-free transport system.

 

“GET will provide its extensive experience in the operations of an integrated passenger and fleet management system for the shuttle service to benefit LRT 1 passengers,” wika ng LRMC.

 

Ang nasabing shuttle service ay magtatampok sa isang Community Optimized Managed Electric Transport (COMET) mini-buses na siyang gagamitin upang magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng LRT 1.

 

“At LRMC, we are always on the lookout on how we can better service our passengers and make their commute more convenient. LRT 1 passengers will also get to enjoy the first end-to-end emission-free transport system in the Philippines, as both LRT 1 and COMET help in reducing carbon footprint,” saad ni LRMC president at CEO Juan Alfonso.

 

Ang COMET electric mini-buses ay may kapasidad ng 30 pasahero at makakapaglakbay ng higit pa sa 100 kilometro sa isang single full charge. Ito ay air-conditioned, fully electric at may on-board cameras, media system, display monitors, internet connectivity at wheelchair slot at electric ramp para sa mga persons with disabilities (PWDs).

 

Magkakaron rin ito ng ikalawang bahagi kung saan ang ruta ay pahahabain galing sa estasyon sa EDSA-Taft papuntang Makati Central Business District (MCBD). Magsisimula ang operasyon ng 4:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado maliban kung holidays.

 

“We are excited to be partnering with LRMC to be able to provide green and affordable transport solutions to every Filipino,” dagdag ni GET Worldwide chairman Tony Olaes.  LASACMAR

AMERIKANO, INARESTO SA MONEY LAUNDERING AT THEFT SA TAGUIG

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng mga operatiba ng  Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted ng awtoridad ng US federal dahil sa money laundering at theft.

 

 

Kinilala ni  Immigration Commissioner Jaime Morente ang wanted na si Renato Rivera Cuyco Jr., 48, na inaresto ng mga ahente ng BI’s fugitive search unit sa isang condominium unit sa Bonifacio Global City sa Taguig.

 

 

Sinabi ni Morente na si Cuyco ay pababalikin sa US batay sa summary deportation na naisyu sa kanya ng bureau’s board of commissioners noong nakaraang taon.

 

 

“He was also already placed in our immigration blacklist, thus he is banned from re-entering the country for being undesirable alien,” ayon sa BI Chief.

 

 

Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, inisyu ang warrant of arrest laban kay Cuyco  noong pang May 1, 2018 ng US district court sa  New Jersey.

 

 

Si Cuyco  ay kinasuhan sa nasabing korte dahil sa money laundering at theft by deception.

 

 

Nag-ugat ang kanyang kaso  dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal acquisition at  pagbebenta ng 58 luxury vehicles sa isang third-party export companies at isang kahina-hinalang bumilikung saan kumita ito ng mahigit US$3 million.

 

 

Bukod dito, si Cuyco ay isa nang undocumented alien  matapos na i-revoked ng US State Department ang kanyang passport. (GENE ADSUARA)

3 drug suspects kalaboso sa P448K shabu sa Caloocan

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr ang naarestong mga suspek na sina Charlie Cortez alyas “Charles”, 31, June Christian Rivera, 27 at Glenn Batucan, 35, pawang ng Brgy., 168, ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Mina, habang nagsasagawa ng Anti-Criminality Operations “Oplan Galugad” ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 7 sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Anthony Co sa Brgy., 167 nang isang concerned citizen ang lumapit at sinabi sa kanila ang hinggil sa pagbebenta umano ng illegal na droga ng isang alyas Charles sa kahabaan ng Bernardo Ave., Silanganan Subdivision, Brgy., 167.

 

 

Agad pinuntahan ng mga pulis ang nasabing lugar kung saan nakita nila si alyas Charles na may iniabot umanong hinihinalang shabu sa dalawang suspek na naging dahilan upang arestuhin silang tatlo bandang alas-12:10 ng madaling araw.

 

 

Narekober sa mga suspek ang tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng humigit kumulang 66 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P448,800.00.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Nandyan lang ‘pag kailangan ng onscreen partner: KEN, sinabihan si ROB na alagaan at protektahan si RITA

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY segment ngayon sa morning show na Mars Pa More, ang “Taran Tanong,” at mabilis na sinagot ni Kapuso actor Ken Chan ang tanong na kung mayroon ba siyang mensahe para sa actor na si Rob Gomez, na crush daw ng regular onscreen partner niyang si Rita Daniela?

 

 

Hindi nagdalawang-isip si Ken at mabilis na sumagot: “Rob, mabait itong si Rita.  Alagaan mo tulad nang … the way ko siya inalagaan.  At protektahan mo rin siya kasi sensitive ‘yan in a good way.  

 

 

“Alagaan mo siya.  Mahilig ‘yan sa food, ang favorite food niya ay roasted chichen at saka donut.”

 

 

Mensahe naman ni Ken kay Rita: “Basta kung kailangan mo nang makakakuwentuhan, nandito lang ako.  Alam mo ‘yan.”

 

 

Matagal nang onscreen partners sina Ken at Rita sa mga shows na ginawa nila sa GMA at gumawa na rin sila ng movie, ang Huling Ulan sa Tag-Araw.

 

 

Sa first episode ng Mano Po Legacy, isa si Rob sa bida, kasama sina Barbie Forteza at David Licauco, ngayon sa second episode na Mano Po Legacy: Her Big Boss, magkatambal naman sina Ken at Bianca Umali.

 

 

Napapanood ito at 9:35 PM, after Widows’ Wife, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MASAYA na ang mga fans and followers ng GabLil couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, dahil after almost a year na na-shelve muna ang first teleserye nilang Love You Stranger, ngayon ay natapos na ang kanilang lock-in taping.

 

 

At ang good news pa, malapit nang mapanood ang mystery romance series mula sa GMA Public Affairs.  May naiiba sa presentation ng serye at naikuwento ng magka-love team na may angle ito towards mental health, na naikuwento nila sa ‘Chika Minute’  ng 24 Oras.

 

 

     “Bago po kami nagsimula ng lock-in taping, pina-consult muna kami sa psychiatrist, hindi basta-basta lang, they made sure we were responsible enough to tackle the topic. 

 

 

“After that, halos 50 days kami sa lock-in taping at ito ang pinakamatagal na nawalay kami sa aming mga families at pinakamatagal na pagsasama namin for a project, kaya marami rin kaming na-discover sa aming sarili, sa aming trabaho, kung paano maging dedicated sa work, na-test din namin ang patience namin sa isa’t isa, while working together.”

 

 

Mapapanood na sa GMA Telebabad ang Love You Stranger, sa April.  Kasama nila sa serye sina Gil Cuerva, Kim de Leon, Lexi Gonzales, Tonton Gutierrez, Carmi Martin at Andrea del Rosario.

 

***

 

 

MARAMI nang nagagalit ngayon kay Alice Dixson sa role niya bilang si Atty. Ingrid Domingo sa romantic-drama series na First Lady.

 

 

Naging Maritess na rin daw ang character niya bilang dating girlfriend ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion), at masaya siyang pinagtsitsismisan nila ng mga kamukha niyang Maritess, ang kakulangan ni First Lady Melody (Sanya Lopez) dahil hindi raw nito mabibigyan ng anak si Glenn.

 

 

    “Pero mas dapat nilang abangan  ay kung sino ba ang tunay na anak namin ni Glenn,” natatawang wika ni Alice.

 

 

“Tiyak ikagugulat ninyo iyon, ikagugulat ko rin kung sino, dahil maliit pa ang anak namin nang ipaampon ko siya,  But I’m thankful sa mga viewers na sumusubaybay sa ‘First Lady’ gabi-gabi after ng ‘24 Oras’.”

(NORA V. CALDERON)

Rematch ni Donaire kay Inoue itinakda na sa Hunyo

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINAKDA na sa Hunyo ang rematch fight ni Filipino boxer Nonito Donaire kay Japanese Naoya Inoue.

 

 

Gaganapin ang bantamweight title unification fight sa June 7 sa Saitama, Japan na magiging mas mainit aniya ito kumpara sa unang paghaharap ng dalawa noong 2019.

 

 

Nakataya dito ang WBA at IBF titles ng unbeaten Japanese boxer at ang WBC belt naman ng tinaguriang ‘The Filipino’ Flash.

 

 

Ang laban kasi ng dalawa noong 2019 ay tinagurian bilang fight of the year kung saan makikitang nakarecover si Inoue mula sa fractured eye socket nito sa 11 round.

 

 

Ang tinaguriang 28-anyos na ‘Monster’ ng Japanese boxing ay wala pang talo sa kanyang 22 laban kung saan mayroong 19 knockouts.

 

 

Habang si Donaire ay mayroong 42 na panalo at anim na talo.

 

 

Huling laban ni Inoue ay noong Disyembre ng patumbahin sa ikawalong round ang Thailand boxer na si Aran Dipaen habang ang 39-anyos na si Donaire ay pinatumba ang kababayan na si Reymart Gaballo noong Disyembre para makuha ang WBC belt.

 

 

Tinaguriang pinakamatandang 118 pounds world champion si Donaire ng talunin si Nordine Oubaali noong Mayo 2021.

Ads April 1, 2022

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Marvel’s ‘Morbius’ Brings Out a Dark, Unforgettable Side of Jared Leto

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

JARED Leto disappears into his roles, bringing characters to life in ways that can be moving, or terrifying, or enigmatic, but always unforgettable.

 

 

“I’m attracted to roles where there’s an opportunity to transform – physical transformation, but also mental, emotional, any and all,” says Jared Leto, who is indeed renowned for his transformations.

 

 

From his Academy Award®-winning performance as Rayon in Dallas Buyers Club to his portrayal of Paolo Gucci in House of Gucci, Leto disappears into his roles, bringing characters to life in ways that can be moving, or terrifying, or enigmatic, but always unforgettable.

 

 

In his new film Morbius, based on the Marvel antihero, Leto brings all of these together for his performance as Dr. Michael Morbius, a brilliant doctor with a rare and fatal blood disease, determined to find the cure.

 

Morbius’s genius finds a way not only to cure the illness but to give him unimaginable strength and powers, but at a terrible cost: an uncontrollable thirst for human blood.                   

 

 

“I played Dr. Michael Morbius from his most frail, to his most powerful, to his most monstrous,” Leto continues.                             

 

 

“There’s a lot of range in there, so that was really fun to tackle. Not only does the movie have action, stunts, and fighting, but the role itself was taxing. Whenever he is fighting the affliction, he is caught in a crossroads between different parts of the character. It’s like a withdrawal process, a full body experience.”

 

 

“Jared Leto was the only actor that could really play the part of Morbius. That wasn’t really a choice – it was predestination,” says Daniel Espinosa, who directs the film.

 

 

“Jared is a beautiful actor to work with – he comes to set fully prepared, completely immersed in his character,” adds the director. “He’s become known for his approach to his characters, but it was truly surprising to see how much emotionality he could wrest out of Dr. Michael Morbius. He has a strong dedication, beginning to end, and more than just an actor. He’s a colleague, a partner.”                       

 

 

 

“I was excited about taking on the challenge of putting a character on screen that had never been on screen before,” says Leto.

 

 

“It gets harder and harder to find, and that was unique about this – a Marvel character that had never been portrayed outside of a couple of episodes of a Spider-Man cartoon.”               

 

 

Leto was drawn to the character by the idea that the audience would discover the character as he transforms, and by the challenge of portraying those unusual transformations.

 

 

 

“I liked that he had this lofty goal while being frail. But then, he finds the cure and becomes incredibly powerful and strong – he succeeds in that mission only to have everything go wrong,” he concludes.

 

 

 

“There’s a lot to discover about this character.”                               

 

 

Exclusively in cinemas across the Philippines starting March 30, Morbius is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

 

 

Connect with the hashtag #Morbius

(ROHN ROMULO)

DOLE, mag-aalok ng 10-day cash-for work para sa mga indibidwal apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Taal

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAG-AALOK ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng sampung araw na trabaho bilang tulong para sa libu-lubng indibidwal na apektado matapos ang pag-alburuto ng bulkan.

 

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kikita ng P4,000 ang kada manggagawa para sa 10 araw na trabaho dahil ang minimum na sahod sa region 4 o Calabarzon ay P400.

 

 

Base sa ulat mula kay DILG Secretary Eduardo Ano nasa 1,006 pamilya o 3,649 indibidwal ang mga apektado sa pag-aalburuto ng Taal Volcano kayat ang agarang tugon dito ng kagawaran ay ang pagbibigay ng trabaho sa mga apektadong residente sa loob ng sampung araw.

 

 

Mayroon din aniyang inihandang P50 hanggang P100 million pondo ang ahensiya para sa mga Taal victims partikular na sa munisipalidad ng Agoncillo, laurel, San luis, Taal, calaca, Calatagan at sa lemery, Batangas.

 

 

Maliban pa sa temporary 10 day work, ayon kay Bello nakahanda ang DOLE na mabigyan ng pangmatagalang livelihood assistance ang lahat ng apektadong indibidwal.

Libreng sakay sa MRT, posibleng mapalawig

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGANDANG balita para sa mga commuters.

 

 

Posible umanong mapalawig pa ang implementasyon ng libreng sakay  na ipinagkakaloob ngayon ng Department of Transportation (DOTr) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa kanilang mga pasahero.

 

 

Ayon kay MRT-3 OIC-general manager Mike Capati, pinag-aaralan na ng DOTr at ng MRT-3 management kung magpapatupad sila ng ekstensiyon sa lib­reng sakay na sinimulang ipatupad noong Marso 28 at nakatakdang magtapos sa Abril 30, alinsunod na rin sa kautusan ni Pang. Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade.

 

 

Una nang iniulat ng MRT-3 na naging matagumpay ang unang araw ng pagpapatupad nila ng ­libreng sakay matapos na mapagserbisyuhan ang kabuuang 281,507 pasahero noong Lunes.

 

 

Sinabi pa ni Capati na inaasahan nilang posibleng umabot ng mula 300,000 hanggang 400,000 ang mga pasahero kada araw ng MRT-3 habang umiiral ang kanilang libreng sakay.

 

 

Plano rin aniya ng MRT-3 na pagsapit ng taong 2023, ilipat na ang configuration ng four-car trains at alisin na ang mga three-car trains upang mas marami pa silang pasahero na maisakay.

 

 

Ang MRT-3 ay bumabaybay sa kahabaan ng EDSA mula North Avenue, Quezon City hanggang sa Taft Avenue, Quezon City. (Gene Adsuara)

Ginebra pasok na sa finals ng PBA matapos ilampaso ang NLEX 112-93

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PASOK NA sa finals ng PBA Governor’s Cup ang Barangay Ginebra matapos ilampaso ang NLEX 112-93 sa best of five semifinals.

 

 

Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 47 points.

 

 

Ito na ang pang apat na beses na makapasok ang Ginebra sa Governors Cup finals sa huling limang seasons.

 

 

Nag-ambag naman ng 20 points si Jeff Chan habang mayroong 14 points si LA Tenorio.

 

 

Hihintayin na lamang ng Ginebra ang sinumang manalo sa pagitan ng Meralco Bolts at Magnolia Hot Shots.