• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

Duterte sa PDEA: Bilang ng illegal drugs na nakapasok sa Pinas, ireport sa ICC

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAGSUMITE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang law enforcement agencies ng report sa International Criminal Court (ICC) tungkol sa bilang ng tonelada ng ilegal na droga na nakapasok sa bansa.

 

 

Kabilang umano sa ilalagay sa report ang toneladang shabu na araw-araw ay dumadagsa sa Pilipinas, sa kabila umano ng ginagawa ng gobyerno ay talagang marami pa rin ang droga sa bansa.

 

 

Sa kabila nito, iniulat naman ni DILG Secretary Eduardo Año sa Pangulo na mayroong 1,162 anti-illegal drug operations ang mga otoridad simula Marso 20-26 kung saan mayroong 72 indibidwal ang personal na sumuko, 167 katao naman ang naaresto.

 

 

Wala namang naiulat na nasaktan sa mga nasabing police operations habang may P453,203,447 halaga ng droga ang nakumpiska.

 

 

Samantala, pansamantala munang sinuspinde ng ICC ang imbestigasyon laban sa crime against humanity ng war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting para pormal na makapagpa­alam bago ang kanyang pagbaba sa puwesto sa Hunyo.

 

 

Sa meeting sa mga opisyal ng gobyerno sa Davao, nagpasalamat si Duterte na ika-16 pangulo ng bansa, sa mga miyembro ng kanyang Gabinete ngayong nalalapit na ang May elections at pagtatapos ng kanyang anim na taong termino.

 

 

“Salamat, and it has been a very exhilarating atmosphere, joining with you in government. Salamat. Magkita-kita pa rin tayo,” sabi ni Duterte sa recorded meeting niya na inere kahapon.

 

 

“Yung cabinet, there may be the last meeting just to say hello and goodbye. Salamat po,” dagdag niya.

 

 

Nauna na rin sinabi ng Pangulo na naghahanda na siya sa pagbaba sa puwesto para madali ang transition ng susunod na Pangulo matapos ang eleksyon. (Daris Jose)

Jake Paul inalok sina Smith at Rock ng tig-$15-M para magharap sa boxing ring

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INALOK ni boxing promoter Jake Paul sina Will Smith at Chris Rock na maglaban sa boxing ring.

 

 

Kasunod ito sa kontrobersyal na pananampal ni Smith kay Rock sa Oscar’s Award nitong Lunes.

 

 

Sinabi ni Paul na mayroon siyang inilaan na $15 milyon sa bawat isa para matuloy lamang ang laban.

 

 

Dagdag pa nito na maaring gawin nila ito sa buwan ng Agosto bilang undercard sa laban niya.

 

 

Hindi naman binanggit ni Paul kung sino ang maaring makaharap nito sa Agosto.

 

 

Magugunitang humingi na ng paumanhin si Smith sa Academy Awards dahil sa ginawa nitong pananampal sa kapwa nitong actor.

 

 

Nagbunsod ang pananampal nito ng magbiro si Rock sa asawa ni Smith na may sakit.

DA, naglaan ng P7-M ayuda para sa mga magsasaka, mangingisda na tinamaan ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng P7 milyong piso para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa Batangas na apektado ng kamakailan lamang na pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

 

 

Sa Talk to the People, sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, may nakahanda na silang tulong para sa 1,561 magsasaka at mangingisda, ilan sa mga ito ay inilikas sa mga barangay Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo.

 

 

“Ang ating pong regional offices at  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), naghanda ng P7 million na handa po nating ipamigay,” ani de Mesa.

 

 

Kabilang sa ipamimigay na tulong ng DA ay ang 1,401 bags ng inbred seeds, 500 kilograms ng glutinous corn, 250 kgs ng iba’t ibang vegetable seeds, at 1.5 milyong tilapia at fingerlings.

 

 

Subalit, sakali’t magkaroon na naman ng kaso ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal, sinabi ng DA na maglalaan sila ng hanggang P200 million na karagdagang tulong mula sa quick response fund ng departamento.

 

 

Bukod dito, sinabi pa ni de Mesa na ipinalabas na rin ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget na inilaan para sa iba pang programa ng DA.

 

 

“Inilabas na po ng DBM ‘yung ating  P500-million fuel discount program at ‘yun pong ating  Rice Farmers Financial Assistance ngayong taon na nagkakahalaga po ng P8.9 billion. Ito po ay malaking tulong kung sakaling magpapatuloy ang problema ng Taal Volcano,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, nananatili namang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Bulkang Taal mula nang magkaroon ng phreatomagmatic eruption noong Marso 26, dahilan para ilikas ang 3,000 residente sa kalapit-barangay. (Daris Jose)

Buong NCR, mananatili sa Alert Level 1

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MANANATILI sa Alert Level 1 ang buong National Capital Region (NCR) mula Abril 1 hanggang 15, 2022.

 

 

Inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Marso 31, 2022, ang Abril 1 hanggang 15, 2022 Alert Level Classification sa mga lalawigan, highly urbanized cities (HUCs), at independent component cities (ICCs).

 

 

Bukod sa NCR, nasa ilalim din ng Alert Level 1 ang Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Kalinga, at Baguio City; Region I: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at Dagupan City; Region II: Batanes, Cagayan, Isabela, City of Santiago, at Quirino; Region III: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City, Tarlac, Zambales, at Olongapo City; Region IV-A: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Lucena City; Region IV-B: Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Puerto Princesa City; Region V: Albay, Catanduanes, at Naga City; Region VI: Aklan, Guimaras, Capiz, Bacolod City, at Iloilo City; Region VII: Siquijor, Cebu City, Lapu-Lapu City, at Mandaue City; Region VIII: Biliran, Ormoc City, at Tacloban City; Region IX: Zamboanga City; Region X: Camiguin, Bukidnon, Iligan City, at Cagayan de Oro City; Region XI: Davao City; Region XIII (CARAGA) : Surigao del Sur, Surigao City, at Butuan City.

 

 

Nasa ilalim ng din Alert Level 1 ang mga sumusunod na component cities at municipalities gaya ng

Cordillera Administrative Region:

Ifugao: Lagawe, Lamut

Mountain Province: Besao, Bontoc, Sagada

Region II:

Nueva Vizcaya: Bambang, Bayombong, Dupax Del Norte, Quezon, Solano, Villaverde

Region IV-A:

Quezon: City of Tayabas, Lucban, Mauban, Pagbilao, Plaridel, Polillo, Quezon, Sampaloc

Region IV-B:

Occidental Mindoro: Lubang

Palawan: Culion

Region V:

Camarines Norte: Daet, San Vicente

Camarines Sur: Bombon, Cabusao, Camaligan, Iriga City, Presentacion (Parubcan), San Fernando

Sorsogon: Barcelona, Bulusan, Casiguran, City of Sorsogon, Gubat, Juban, Magallanes, Prieto Diaz

Region VI:

Antique: San Jose, Sebaste

Iloilo: Anilao, Balasan, Banate, Barotac Nuevo, Barotac Viejo, Bingawan, Concepcion, Dueñas, Guimbal, Janiuay, Lemery, Mina, Pototan, San Dioniso, Santa Barbara

Negros Occidental: Enrique B. Magalona (Saravia), La Carlota City, Pulupandan, Sagay City, San Enrique

Region VII:

Bohol: Batuan, Corella, Dimiao, Jagna, Lila, Loay, Loboc, Sikatuna, Tagbilaran City

Negros Oriental: Dumaguete City

Region VIII:

Eastern Samar: Arteche, Balangkayan, Can-Avid, City of Borongan, Jipapad, Maydolong, Salcedo, San Policarpo, Sulat, Taft

Leyte: Albuera, City of Baybay, Dulag, Matag-Ob, Palo, Tunga

Northern Samar: Capul, Lapinig, Lavezares, San Antonio, San Jose, Victoria

Samar (Western Samar, Marabut, Pagsanghan

Southern Leyte: Anahawan, City of Maasin, Hinundayan, Libagon, Limasawa, Macrohon, Padre Burgos, Pintuyan

Region IX:

Zamboanga Del Norte: Dapitan City, Dipolog City, Piñan (New Piñan), Polanco, Rizal

Zamboanga Sibugay: Ipil (Capital), Tungawan

Region X:

Lanao del Norte: Bacolod

Misamis Occidental: Clarin, Jimenez, Ozamiz City, Panaon

Misamis Oriental: Alubijid, Binuangan, City of El Salvador, Initao, Laguindingan, Libertad, Lugait, Naawan, Sugbongcogon, Tagoloan

Region XI:

Davao de Oro: Montevista

Davao Oriental: Cateel, City of Mati

Region XII:

Cotabato (North Cotabato, City of Kidapawan, President Roxas

South Cotabato: Polomolok, Santo Niño

Sultan Kudarat: City of Tacurong

CARAGA:

Agusan del Norte: Carmen, Jabonga, Magallanes, Nasipit

Agusan del Sur: Bunawan, Loreto, Prosperidad

Dinagat Islands: Loreto

Surigao del Norte: Tagana-an

 

 

Samantala, ang mga sumusunod na lalawigan, HUCs, ICCs, component cities, at municipalities na ilalagay naman sa ilalim ng Alert Level 2 ay ang Cordillera Administrative Region: Benguet, Mountain Province, at Ifugao; Region II: Nueva Vizcaya; Region IV-A: Quezon; Region IV-B: Occidental Mindoro at Palawan; Region V: Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, at Masbate; Region VI: Antique, Iloilo, at Negros Occidental; Region VII: Cebu, Bohol, at Negros Oriental; Region VIII: Leyte, Southern Leyte, Northern Samar, Eastern Samar, at Western Samar; Region IX: Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, at City of Isabela; Region X: Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Misamis Oriental; Region XI: Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, at Davao Occidental; Region XII: North Cotabato, South Cotabato, General Santos City, Sarangani, at Sultan Kudarat; Region XIII (CARAGA) : Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, at Dinagat Islands; Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Basilan, Cotabato City, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, at Tawi-Tawi.

 

 

Ang lahat ng iba pang component cities at municipalities na hindi nabanggit ay classified naman sa ilalim ng Alert Level 2.

Booster dose kontra COVID-19, pinag-aaralan na gawing requirement

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IISIPAN ng pamahalaan na isama ang booster dose bilang requirement para sa isang indibidwal para makonsidera bilang isang fully vaccinated laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje na tinukoy ng World Health Organization (WHO) ang terminong “fully vaccinated” para sa mga nakakuha na ng kanilang primary vaccine series.

 

 

Dahil dito, pinag-usapan ng mga lokal na opisyal na idetermina kung ang booster dose ay maaaring idagdag bilang requirement para sa fully vaccinated individuals para hikayatin ang mas maraming tao na makakuha ng kanilang third dose o booster jabs.

 

 

“We are looking at the possibility of adding a booster dose, baka pwedeng fully vaccinated, updated na vaccination para mahikayat ‘yung mga tao. The studies are currently being discussed, ano pa ‘yung puwede nating gawin para ma-encourage ‘yung ang ating mamamayan magpa-booster,” ayon kay Cabotaje.

 

 

Noong nakaraang linggo, ipinanukala ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na ang terminong  “fully vaccinated” ay i-redefined para sakupin ang mga taong nakakuha na ng kanilang booster shot.

 

 

Ang panukalang ito ay pinalagan ng ilang eksperto, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi aniya tama na gawin ito, lalo pa’t ang institusyon gaya ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay hindi naman ni-redefine ang kanilang kahulugan sa “fully vaccinated.”

 

 

At nang tanungin si Cabotaje sa naging panukala ni Concepcion na lagyan ng expiry date ang validity ng vaccination cards at palitan ito ng booster cards sa oras na mapaso’ na, sinabi ni Cabotaje na, “That’s also a good strategy.”

 

 

Gayunman, binigyang diin ni Cabotaje na mayroon dapat na “detailed enforcement” ng vaccine cards upang makita kung gaano kahuli na ang pagbabakuna sa isang tao, o kung ang vaccine cards na kanilang ipini-presenta sa ilang establisimyento ay pag-aari talaga ng mga ito.

 

 

“Hindi naman lahat titignan, kahit mag-random ka lang para mataon ay makita mo ay incomplete ka. That could be another strategy,” ani Cabotaje.

 

 

Para naman kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa, pabor siya sa naging panukala ni Concepcion upang hikayatin ang mas maraming tao na kumuha na ng kanilang booster shots laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni Cabotaje na tanging 12 milyon ng target population ang nakatanggap ng kanilang booster shots, at kailangan ng gobyerno na pataasin ang booster drive nito dahil na rin sa paghina na rin ng immunity mula sa primary vaccine series makaraan ang maikling panahon. (Daris Jose)

LALAKI, NAIPIT NG SASAKYAN HABANG NAGKAKABIT NG GPS

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang 32-anyos na lalaki nang naipit ng isang tractor head nang paandarin ng driver nito  habang nagkakabit  ng GPS sa likuran ng kasunurang tractor head sa Port Arae, Manila Huwebes ng umaga.

 

 

Naisugod pa sa Philippine General Hospital ang biktimang si Jay Mark Kee ng 118 Unit 8 Gen Tinio St. Brgy 132 Bagong Barrio Caloocan City subalit idineklarang dead on arrival.

 

 

Sa ulat ni Corporal Ron Henry Gemzon, Imbestigador, dakong alas-8:30 kahapon ng umaga nang naganap ang insidente kung saan kapwa nakatigil ang isang Fuso Tractor Head With trailer na may plakang KAH 4931 na ang driver ay si  Mateo Solano Jr y Mabaling,  34, binata ng B5 L376 Bagong Silang Sucat Muntinlupa City at isang Isuzu Tractor Head na may trailer  at may plakang DCQ 6544  sa Southbound lane ng Delgado St, malapit sa panulukan ng 24th St., Port Area, Manila at driver nito ay si Marvin P Canuel,  25, ng Kanluran Brgy Mabato Maragondon Cavite.

 

 

Umakyat sa driver side si Canuel at bahagyang pinaandar paabante ang kanyang tractor head   kung saan nasa likurang bahagi ng kasunurang truck ang biktima  habang nagkakabit ng GPS sa Fuso tractor head dahilan upang maipit ito. GENE ADSUARA

Nakatulong ang pagpayag nina ZANJOE at JC: BELA, sinabihan na ready nang magdirek kaya in-accept ang kakaibang challenge

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI naman daw conscious choice para kay Bela Padilla ang pagdidirek niya ng pelikula.

 

 

Ipalalabas via streaming sa Vivamax ang debut film niya titled 366 kung saan co-stars niya sina Zanjoe Marudo at JC Santos.

 

 

“Maraming nagsasabi na ready na raw ako to direct and one of them is Boss Vic (del Rosario) of Viva na itinuturing kong tatay sa industry. Para siya ang nagbigay ng seal of approval na I can do it kaya itinuloy ko na,” sabi Bela sa digital presscon ng 366.

 

 

Bela took Boss Vic’s words seriously. Isa pang pinakinggan niya ay si Direk Irene Villamor, na idol niya as a director. Since pumayag si Direk Irene to serve as her debut film’s creative producer kaya mas lalo siyang na-encourage na tanggapin ang offer na magdirek.

 

 

Nakatulong din sa pagdedesisyon ni Bela ang pagpayag nina Zanjoe and JC to appear in the film as her actors.

 

 

“Nakikita talaga nila na ready na ako kaya I accepted the challenge,” pahayag pa ni Bela.

 

 

Pero aminado si Bela na sobrang kabado siya on her first shooting day. Pinanood lang daw niya na umaakting si Zanjoe at nalimutan niya na artista rin siya sa pelikula.

 

 

But she eventually got the feel of directing and naging smooth sailing na ang kanyang trabaho as a director.

 

 

Ipapalabas ang 366 sa Vivamax beginning April 22.

 

 

***

 

 

NEVER pa pala nagkaroon ng intimate scene sa pelikula sina Bela Padilla at JC Santos kahit na ilan beses na rin silang nakagawa ng pelikula.

 

 

Pero sabi ni JC ay wala naman daw magiging problema if ever magkakaroon man sila ng ganitong eksena in any of their future movies.

 

 

Excited si JC to be part of the cast of 366, ang debut film ni Bela as a director.

 

 

“When I reported on the set sa first day shoot namin, I was looking forward kung paano ako ididirek ni Bela sa mga scenes namin,” wika ni JC who told himself na dapat kasali siya sa unang movie ni Bela as a director.

 

 

And Bela didn’t disappoint as a newbie director. Impressed si JC sa trabaho ni Bela on the set. Kaya naman very thankful si JC na he accepted 366.

(RICKY CALDERON)

P323 diskwento sa singil sa tubig, asahan sa buwan ng Abril – MWSS

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na nakatakda itong magbigay ng diskwento sa singil sa tubig sa buwan ng Abril para sa mga customer ng Maynilad Water Services Inc na saklaw ng Putatan Water Treatment Plant (PWTP) Supply Zone na nakaranas ng matagal na water service interruptions.

 

 

Sa isang statement, sinabi ni MWSS-RO chief regulator Patrick Ty, na sa bisa ng Resolution No. 2022-02-CA, papatawan ng ahensiya ng financial penalty na nagkakahalaga ng P63,973,362.00 laban sa west zone water concessionaire dahil sa unusual at matagal na water service interruption mula Disymebre 2021 hanggang Pebrero 2022.

 

 

Sa naturang period, nagpatupad ang Maynilad ng water service interruption sa Putatan Water Treatment Plant Supply Zone sa apat na lungsod sa Metro Manila kung saan apektado dito ang mga residente ng Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Pasay gayundin sa lima pang lungsod at munisipalidad sa probinsiya ng Cavite.

 

 

Samantala, sa panig naman ng Maynilad, nauna ng inihayag ng water concessionaire na tatalima sila sa desiyon ng MWSS habang nanindigan ito na ang water production sa may Putatan Water treatment Plant ay naapektuhan sa kalidad ng tubig na nagmumula sa laguna Lake.

 

 

Ayon kay MWSS-RO deputy administrator Evelyn Agustin, nasa 198,315 customers ang kwalipikado para sa P323 rebate.

Paalala sa lahat na maging matapat, mapanuri at patas: DINGDONG at MARIAN, pinangunahan ang election advocacy campaign na ‘Dapat Totoo’

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUKOD sa GMA News and Public Affairs personalities, full-force rin ang mga Kapuso celebrity sa election advocacy campaign ng GMA na ‘Dapat Totoo.’

 

 

Pinangunahan ito nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga bigating artista na kasama sa nasabing proyekto na ang full video ay unang umere sa TV nitong Biyernes, March 25.

 

 

Ang pagsasama-sama ng Kapuso stars ay bilang pagpapaalala sa publiko na kahit tayo ay magkakaiba, pareho pa rin ang pangarap natin para sa bansa at sa bawat Pilipino: disente at ligtas na buhay at magandang kinabukasan.

 

 

At pare-pareho rin tayong may responsibilidad mapa-kandidato, botante, o mamamahayag man: ang maging matapat, mapanuri, at patas. Dapat Totoo ika nga lalo na’t ilang araw na lang, Eleksyon 2022 na!

 

 

Kasama rin sa ‘Dapat Totoo’ advocacy campaign ng Kapuso Network sina Bea Alonzo, Rhian Ramos, Jasmine Curtis Smith, Barbie Forteza, Bianca Umali, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Ken Chan, Rita Daniela, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Aicelle Santos, Glaiza De Castro, at Andrea Torres.

 

 

Nauna na ang mga GMA News and Public Affairs pillars at news personality sa ‘Dapat Totoo’ advocacy plug na ni-launch late last year.

 

 

***

 

 

KAPUSO na nga ang young singer at songwriter na si Zephanie (Dimaranan) after ng contract signing na naganap noong Huwebes, March 31.

 

 

Ayon kay Zephanie gusto niyang makasamang mag-perform sina Mark bautista, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Christian Bautista, at Lani Misalucha.

 

 

At ngayong Linggo, inaasahan na mapapanood na ang Generation’s Pop Princess sa noontime musical-variety show ng GMA-7 na All-Out Sundays.

 

 

Sanib-puwersa na ngayon ang Cornerstone Entertainment at Sparkle GMA Artist Center sa pangangalaga ng career ni Zephanie.

 

 

Ang 19-year-old singer ay produkto ng isang talent search reality show. Isa sa kanyang labis na hinahangaan si Popstar Princess Sarah Geronimo. Kaya naman sa kanyang auditions, kinakanta niya ang classic hit ng iniidolo, ang “Forever’s Not Enough.”

 

 

Ilan sa mga awitin ni Zephanie “Isa Pang Araw,” “Pangarap Mong Parangap Ko,” “Tinadhana Sa’yo” at ” Magpakita Ka Na.”

 

 

Sa naging pahayag ng Sparkle Consultant na si Mr. Johnny Manahan, “Zephanie is known for her beautiful and powerful voice, her disarming smile, and great personality. She is a popular product endorser and a strong social media celebrity with millions of views and followers.

 

 

Sparkle is so proud to have her as part of our growing family and wish her the best of luck and lots of exciting projects at GMA,”

 

 

“We are very happy to welcome Zephanie to the Sparkle family. She will be singing the Summer theme for Sparkle so we hope everyone will watch out for that! Her Kapuso family is also excited to welcome Zephanie in All Out Sundays this Sunday.

 

 

We really want to harness the powerhouse talent of Zephanie, to watch her grow as an artist, and to see her in more programs and projects in GMA”, sabi naman ni Gigi S. Lara, Senior Assistant Vice-President for Alternative Productions.

 

 

Ayon naman kay Jeff Vadillo, Vice President of Cornerstone Entertainment, “We are excited, Zephanie will shine even more with our new partnership with Sparkle. Looking forward to new possibilities and platforms where Zephanie can showcase her talents.”

(ROHN ROMULO)