SOBRA na ang volume o dami ng mga sasakyan sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes na para sa taong 2021 lamang ay mayroon ng 300,000 karagdagang sasakyan sa bansa o hanggang 70% na bumabagtas sa Kalakhang Maynila.
“Sobra na po ang volume ng vehicles sa ating Kamaynilaan. Last year alone, 300,000 po ang nadagdag na vehicles sa buong Pilipinas at 60% to 70% po nyan ay pumapasok po sa Metro Manila,” ayon kay Artes.
Idinagdag pa ni Artes na ang mga concerned agencies at stakeholders na dumalo sa kamakailan lamang sa isinagawang Traffic Summit ay kapuwa sumang-ayon na ang mga sasakyan sa NCR ay dapat na mabawasan o ipakalat sa ibang lugar sa isang buong araw.
“Lahat din naman po nag-a-agree na kailangan magbawas ng bilang ng sasakyan sa kalsada or at least i-spread out all throughout the day,” ayon kay Artes.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Artes na ang EDSA Bus Carousel program ng pamahalaan ay nakatulong para ma-cut ang end-to-end travel time ng mga mananakay dahil lumalabas na isang oras at 30 minuto na lamang ang travel time ng mga ito.
Aniya, ang end-to-end travel time sa EDSA ay naitala noon na tumatagal ng dalawa hanggang tatlong oras. (Daris Jose)
UMAMIN ang isang paralegal sa Los Angeles sa kanyang papel sa pamemeke ng visa at kasal para makapasok sa US ang mga opisyal ng Kingdom of Jesus Christ o grupo ni Pastor Apollo Quiboloy.
BALIK na sa paglalaro ang mga NBA superstars na sina LeBron James at Anthony Davis pero minalas pa rin ang Los Angeles Lakers matapos na masilat ng New Orleans Pelicans, 114-111.
SALUNGAT ang naging pananaw ng mga pinuno ng European Union at China hinggil sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
NAKASENTRO ang atensyon ng lahat sa bakbakan ng Creamline at Choco Mucho sa pagsisimula ng semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference bukas sa The Arena sa San Juan City.
HINDI rin aniya sinasabi kay Putin ang full impact ng sanctions sa ekonomiya ng Russia.
APAT na broadcasting company ang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng prangkisa.
INIHAYAG ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang Department of Justice (DOJ) at iba pang kaugnay na ahensya ay magbibigay ng “preferential attention” sa mga reklamong may kinalaman sa vote-buying upang ang mga kaso ay mabigyan ng mabilis na resolusyon.
MULA NANG lusubin ng Russian forces ang Ukraine, naapektuhan ang global energy market dahil sa isa ang Russia sa largest oil producer.