• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

Bagong number coding scheme, maaaring ipatupad matapos ang eleksyon

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maaaring ipatupad ang bagong number coding schemes matapos ang May 9 elections.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA general manager Frisco San Juan nagpapatuloy na sa ngayon ang konsultasyon sa ibang ahensiya ng pamahalaan ukol sa panukalang number coding schemes.

 

 

“Nakikipag-usap pa rin po tayo sa other government agencies upang maibigay din nila ang kanilang mga suhestyon kung ano sa dalawa ang ating ipapatupad at maari po siguro after elections na po natin ito ipaiiral,” ayon kay San Juan.

 

 

Nauna rito, ipinanukala ng MMDA ang dalawang bagong number coding schemes na magbabawal sa mga sasakyan sa pampublikong daanan sa kalagitnaan ng rush hours upang mabawasan ang matinding trapiko sa Metro Manila.

 

 

Prinisenta ni MMDA Chair Romando Artes ang panukala na layong makabawas ng bigat ng trapiko ng hanggang 5%.

 

 

Una, pagbabawalan ang mga sasakyan na may registration plates na may odd last numbers na 1,3,5,6 at 9 sa mga pampublikong daanan sa Lunes at Huwebes mula alas syete hanggang alas diyes ng umaga  at mula alas singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi.

 

 

Pangalawa, ang mga sasakyan na may registration plates na even numbers na 2,4,6,8, at 0 ay pagbabawalan mula sa mga pampublikong daanan kada Martes at Biyernes sa kalagitnaan ng kaparehong oras.

 

 

Ibig sabihin, ang lahat ng sasakyan ay maaari lamang gumamit ng pampublikong daanan kada Miyerkules.

 

 

“Ang una pong isasagawa kung maramdaman natin ang pagdagsa ng marami pang pribadong sasakyan ay ang pagbabago nga ng ating vehicle reduction program sa halip na ‘yung sa kasalukuyan ay 20% lang ang ating naibabawas kada araw ay maaring 40% sa isang panukala or sa pangalawang option ay 50% reduction,” ayon kay San Juan.

 

 

“’Yan po ang mga pinag-aaralan ngayon at ‘yan po ay idadaan sa masusing pag-aaral para sa mas detalyado pa pong mga gagawing protocols,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Pinag-aaralan naman ng MMDA ayon kay San Juan ang posibilidad na palawakin ang afternoon number coding scheme, na nakatakda mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

 

 

Tiniyak naman ni San Juan sa publiko na handa ang MMDA sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko ngayong Semana Santa.

 

 

“Meron na pong mga paghahanda tayo at ‘yan naman po ay mula’t mula pa noong nakaraang taon pare-pareho ang ginagawa ng ating ahensya kaya kung may pagbabago ay madali naman po kaming mag-adjust para mabigyan ng solusyon,” anito.

 

 

“Nakahanda po ang ating mga additional traffic enforcers, mga mobile units, at mga motorcycle units para po mabilis ang pagresponde sa mga sitwasyon ng trapiko,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring natatanggap na kahit na anumang reklamo ang MMDA hinggil sa two-week dry run para sa pagbabalik ng provincial buses sa EDSA, nananatili aniyang may konsultasyon sa mga bus operators.

 

 

“Sa Lunes po ay muli tayong makikipag-usap sa provincial bus operators para malaman natin kung ano ang kanilang assessment at kung meron silang hihilingin para i-adjust po ang kasakuluyang programa,” ayon kay San Juan. (Daris Jose)

Dahil sa korapsyon, 5 hanggang 6 na Cabinet members, sinibak sa puwesto

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may lima hanggang anim na miyembro ng kanyang gabinete ang sinibak nito dahil sa korapsyon.

 

 

“When I became President, I heard reports of corruption. So si [Acting Environment] Secretary [Jim] Sampulna is new because I fired them all. I won’t name anybody because it’s painful for them for this to have happened. But you know, whether you helped me during the elections or contributed something good, I am very thankful,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging talumpati nito sa isinagawang National Joint Task Force- Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict Meeting na idinaos sa JPark Island Resort, M.L. Quezon National Highway, Maribago, Lapu-Lapu City, Cebu, araw ng Huwebes, Marso 31.

 

 

“Pero alam mo maski kaibigan tayo, I have fired—hindi lang ninyo alam, hindi kasi ako mahilig ng … I’m not fond of announcing to the media pero about—in the process, I’ve fired five or six Cabinet members because of corruption,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Aniya, matagal na niyang sinibak sa puwesto ang mga nasabing cabinet officials na hindi naman nito pinangalanan.

 

 

“I’m not campaigning, I’m just talking about what ails the system. I’m not even naming names, but to those who are listening now, did you know about this? But if you ask me, I’ll say who are the Cabinet members that I fired. I fired them a long time ago. I’ve probably fired around six of them—an unholy hour, I really—nagbuhos din ako ng sama ng loob,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

“You know, kaibigan tayo, I invited you in hoping that you could help me. O if you helped me, then it’s coupled with corruption, talagang sabi ko you know you have to go. It pains me deeply too but I never realized that you are capable of doing it because I thought all the while na pag-usapan natin dito, ‘yung tama lang,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Philippine beach volley teams handa na sa Vietnam SEAG

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAYROON  nang sapat na eksperyensa ang national beach volleyball teams para lumaban sa gold me­dal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23.

 

 

Nagmula sa training camp sa Australia ang dalawang koponan kung saan humataw ang national men’s team ng gold habang isang gold at isang silver ang nakamit ng wo-men’s squad.

 

 

“After the Australian camp, we decided to join the competition in Brisbane. Talagang lutang na lutang iyong kahandaan ng mga players,” ani national coach Jan Doloiras sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ noong Huwebes via Zoom.

 

 

Humataw ng gintong medalya sina Ranran Abdilla at Jaron Requinton sa Men’s Challenger Division I at tinumbasan ito nina Jovelyn Gonzaga at Dij Rodriguez sa women’s class ng Australian Beach Volleyball Championship.

 

 

Nag-ambag sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ng tansong medalya.

 

 

Noong 2019 Manila SEA Games ay kumubra ang men’s at women’s beach volleyball pairs ng tig-isang bronze medal.

 

 

Ang Thailand at Indonesia ang mananatiling mahigpit na karibal ng Pilipinas para sa agawan sa gold medal sa Vietnam SEA Games.

Ads April 4, 2022

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Stars of “The Secrets of Dumbledore” Cast a Spell at the World Premiere in London

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE cast and filmmakers came together March 30 (Manila Time) for the world premiere of Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore at the Royal Festival Hall in London.

 

 

Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore world premiere at The Royal Festival Hall on March 29, 2022 in London, England.

 

Led by stars Jude Law, Eddie Redmayne, Mads Mikkelsen, director David Yates and Wizarding World creator J.K. Rowling, they were joined, on the red carpet, by a number of fans and influencers from around the world to celebrate the release of the third Fantastic Beasts film.

 

 

Check out the photos taken from the red carpet below and watch Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore in cinemas across the Philippines on Black Saturday, April 16.

 

 

About Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore:

 

 

Warner Bros. Pictures’ Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore is the newest adventure in the Wizarding World™ created by J.K. Rowling.

 

 

Professor Albus Dumbledore (Jude Law) knows the powerful Dark wizard Gellert Grindelwald (Mads Mikkelsen) is moving to seize control of the wizarding world.  Unable to stop him alone, he entrusts Magizoologist Newt Scamander (Eddie Redmayne) to lead an intrepid team of wizards, witches and one brave Muggle baker on a dangerous mission, where they encounter old and new beasts and clash with Grindelwald’s growing legion of followers.  But with the stakes so high, how long can Dumbledore remain on the sidelines?

 

 

The film features an ensemble cast led by Oscar winner Eddie Redmayne (“The Theory of Everything”), two-time Oscar nominee Jude Law (“Cold Mountain,” “The Talented Mr. Ripley”), Ezra Miller, Dan Fogler, Alison Sudol, Callum Turner, Jessica Williams, Katherine Waterston, and Mads Mikkelsen.

 

(ROHN ROMULO)

Nangakong magsisikap pa para sa mga pangarap sa pamilya: HERLENE, ‘di mapigilang maiyak dahil natupad na magkaroon ng sariling sasakyan

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI mapigilan ni Herlene “Hipon Girl” Budol na maiyak dahil natupad na ang matagal na niyang hiling na makabili ng sariling sasakyan.

 

 

Sa kanyang vlog, mapapanood ang pagbili ni Hipon ng kanyang kauna-unahang brand new car kasama ang manager na si Wilbert Tolentino. 

 

 

Naging emosyonal si Hipon dahil matagal na raw niyang pangarap ito simula noong madiskubre siya sa programang Wowowin.

 

 

Natuwa ang marami sa vlog ni Hipon dahil inuwi pa niya ang malaking symbolic key ng auto shop at katabi pa niya itong natulog. Pinaliguan daw niya muna ang malaking susi bago siya bumalik sa auto shop para makuha ang sasakyan niya.

 

 

Iyak-tawa si Hipon noong iabot sa kanya ang susi ng kanyang biniling sasakyan. Hindi raw siya makapaniwala na natupad na ang matagal na niyang gustong makamit.

 

 

“Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa pangyayari, mga KaSquammy. Dream come true at para akong nanaginip,” sey pa ni Hipon.

 

 

Nangako si Hipon na lalo raw siyang magsisikap sa kaniyang pagtatrabaho para matupad niya ang mga pangarap para sa kanyang pamilya.

 

 

Bukod sa pagiging isang vlogger, mapapanood din si Hipon sa bagong romcom ng GMA na False Positive kunsaan kasama niya sina Glaiza de Castro at Xian Lim.

 

 

      ***

 

 

BINIGYAN ng early birthday celebration ang Kapuso teen star na si Sofia Pablo ng kanyang Spakle GMA Artist family.

 

 

Sweet 16 na si Sofia on April 10 at present sa kanyang advanced birthday celebration ay ang kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay at ang mga taga-Sparkle na sina Ms. Tracy Garcia at Joy Marcelo.  

 

 

Post ni Sofia on Instagram: “Thank you to my @gmanetwork and @sparklegmaartistcenter family for my advanced Sweet 16th lunch treat!!! And of course! Thank you Aki @itsmeallenansay for being there with me!”

 

 

Kaya raw binigyan ng maagang birthday celebration si Sofia dahil magla-lock-in taping na raw ito para sa pagbibidahan na mini-series na Raya Sirena. 

 

 

Nagsimula bilang isang episode sa Regal Studio Presents ang Raya Sirena last year, ngayon ay 7-epsiode mini-series na siya na mag-launch sa AlFia loveteam nina Sofia at Allen.

 

 

Babalikan ang kuwento ni Raya at ang sumpang napunta sa kanya noong magbakasyon siya sa kanilang beach resort sa Casa Elena. Pero ang pagiging sirena niya ay mas malalim pang dahilan kaya sa tulong ng kanyang close friend na si Gavin, marami silang madidiskubre sa kanilang journey of self-discovery.

 

 

“Excited na po ako sa gagawin naming ito ni Allen. From being one episode, naging series na po ang Raya Sirena na marami ang nabitin sa kuwento.

 

 

Ngayon po, may buong kuwento na siya at babalik ako sa pagsuot ng mermaid’s tail,” sey ni Sofia na napapanood din sa season 2 ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

 

 

***

 

 

KINASAL na ang Kapuso hunk na si Lucho Ayala noong April 2 sa kanyang fiancee na si Emma Rueda.

 

 

Naganap ang kanilang garden wedding sa Blue Moon Los Ilustrados Events Place in Silang, Cavite.

 

 

Suot ng bride ay bridal gown na designed ni Khristelle Tan samatalang black and white tux ang suot ng groom.

 

 

Sa isang video clip, makikitang teary-eyes si Lucho habang pinapanood niyang naglalakad sa aisle ang kanyang bride.

 

 

Na-engage ang dalawa noong October 2020. Matagal na raw silang may relasyon at noong magkaroon ng pandemic, nagdesisyon na si Lucho na mag-propose kay Emma.

 

 

Ilang araw bago ang kanilang wedding, nilabas nila via social media ang kanilang engagement photos na kinunan pa sa Subic, Zambales.

 

 

Huling napanood si Lucho sa mga teleserye na Las Hermanas, The Lost Recipe at Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).

(RUEL MENDOZA)

Health expert, nagbabala ng COVID-19 ‘surge’ matapos ang May 9 polls

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING maharap ang bansa sa panibagong surge ng COVID-19 cases matapos ang May 9 polls o sa mga susunod na ilang buwan.

 

 

Pinagbasehan ng isang government health adviser ang multiple factors na puwedeng maging dahilan nito kung saan kabilang dito ang pagdaraos ng superspreader events at ang humihinang immunity sa populasyon ng mga mamamayan na hindi pa nakakapagpa-booster shot.

 

 

“Pwedeng meron tayong surge of cases, especially after the election,” ayon kay Dr. Rontgene Solante, hepe ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit sa government-run San Lazaro Hospital sa Maynila, sa Laging Handa public briefing, araw ng Biyernes.

 

 

“Pwedeng magkahawaan ulit yung mga nabakunahan na na hindi pa naka-booster, pwedeng mayroong reinfection,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ng Department of Health (DoH) na may mahigit na 33 milyong Filipino ang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakakakuha ng COVID-19 booster shot.

 

 

Bukod dito, sa pagpapaluwag aniya ng restriksyon, karamihan na sa mga mamamayan ay hindi na gumagamit at nagsusuot ng face mask na maaaring maging dahilan ng muling pagsirit ng bilang ng kaso ng Covid 19.

 

 

“Yung iba ‘di na nagsusuot ng face mask. So ito ay multifactorial na pwedeng tataas ang kaso after election or during the next two to three months,” dagdag na pahayag ni Solante.

 

 

Samantala, sinabi ni Solante na dapat na palawakin ng pamahalaan ang national vaccination days at gawin itong regular activity. (Daris Jose)

PDu30, kakausapin si Xi sa Abril 8

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG kausapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Chinese President Xi Jinping sa Abril 8 para muling ipabatid dito ang kanyang alalahanin na ang armed conflict sa Eastern Europe ay maaaring mag- spill over sa Asya at madamay ang Pilipinas sa “vortex of a war” sa rehiyon.

 

 

Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa isinagawang National Joint Task Force- Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict Meeting na idinaos sa JPark Island Resort, M.L. Quezon National Highway, Maribago, Lapu-Lapu City, Cebu, araw ng Huwebes, Marso 31.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na nakatakda siyang makipag-usap kay Xi sa nasabing petsa subalit hindi na ito nagbigay pa ng kahit na anumang detalye sa kanilang magiging pag-uusap. Hindi rin ito nagbigay ng ideya kung ito’y phone conversation o face-to-face meeting.

 

 

“I’m scheduled to… April 8. Gusto ako kausapin ni Xi Jinping. Magkaibigan man rin kami,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ako, hindi ako kakampi kampi ako. I just don’t want [a] war to enter my country,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Inamin ng Chief Executive na nananatili siyang nag-aalala ukol sa posibleng ‘spillover’ sa Pilipinas ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

“Mag-usap kami ni Xi Jinping kasi, siguro, yung sabi ko na… Para masabi ko lang na the Philippines might really be included in the vortex of giyera dito,” ani Pangulong Duterte.

 

 

“‘Pag tinamaan ang Russia ng nuclear o ang Russia ang unang magtira , then there’s going to be serious trouble, and China will not just sit idly there,” dagdag na pahayag nito.

 

 

“Babanat din siya (China), kukunin niya ang Taiwan ,” pagpapatuloy ng Pangulo.

 

 

Aniya, walang kaduda-duda o sigurado aniyang apektado ang Pilipinas ng “full-scale war” dahil ang presensiya ng American forces sa bansa.

 

 

Nagdesisyon aniya siyang payagan ang Estados Unidos na gamitin ang base ng Pilipinas sa pangambang mag-spillover nga ang giyera ng sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

“I have given the Americans the unrestricted use of… because it will be a stupid thing [to send them away]. It will just also– nandiyan na kasi,” anito.

 

 

“Hindi man natin mapaalis , and it’s not good at this time na paalisin ang Amerikano . So I allowed them the unrestricted use mga airport, mga base militar. Kasi nandito na sila, eh,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Sa kabila nito, muli namang inulit ng Pangulo na hindi niya papayagan ang mga sundalo ng Pilipinas na magpartisipa sa nangyayaring labanan sa Europa.

 

 

“I will never commit my soldiers or the police to go and participate,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Hindi natin ano ‘yan. We are not even connected, however big or small,” aniya pa rin.

 

 

Simula Marso, nananatiling ‘neutral’ ang posisyon ni Pangulong Duterte sa nagpapatuloy na giyera sa Europa.

 

 

“We better maintain our neutrality. Let us avoid meddling in it so that we won’t get involved,” ang pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Palaisipan kung para saan ang pagmamaneho ng jeep: DINGDONG, labis-labis ang pasasalamat sa suportang nakuha para sa ‘Family Feud’

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil after two weeks pa lamang siyang nagho-host ng Family Feud ay grabe na ang suportang nakuha nila sa mga televiewers.  

 

 

“Moment of joy po ang nararamdaman ko, and I’ll be forever grateful for the opportunity to bring joy and laughter to all our Kapuso and every Filipino family watching the show.  Kaya ngayon pa lamang, salamat po!”

 

 

Kitang-kita naman kay Dingdong ang saya at game na game siya bilang host ng show, kaya may mga nagtatanong sa kanya, kung part raw ba ng pagiging host niya ang post niya sa kanyang Facebook account na nagmamaneho siya ng jeepney.

 

 

Naka-face mask si Dingdong, pero nakilala pa rin siya ng mga tao.

 

 

Walang caption na inilagay si Dingdong kung bakit siya nagmaneho ng jeep, kaya ang tanong nila, para saan daw ba iyon, para sa Family Feud o para sa Sunday infotainment show niyang  Amazing Earth?

 

 

Sa Family Feud kasi ay may ini-interview silang mga tao na magbibigay ng iba’t ibang sagot sa kanilang tanong, at maaaring may kinalaman dito ang mga jeepney drivers.  Abangan!

 

 

Ang Family Feud ay napapanood daily, Mondays to Fridays, 5:45PM sa GMA-7.

 

 

***

 

 

TULAD ng romantic-drama series na First Lady, nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, gabi-gabi ring pinag-uusapan ang first suspense-serye ng GMA Network, ang Widows’ Web na nagtatampok sa apat na mahuhusay na Kapuso actresses, sina Carmina Villarroel, Vaness del Moral, Ashley Ortega at Pauline Mendoza. 

 

 

Pahulaan ang mga televiewers kung sino ba talaga ang pumatay kay AS3 played by Ryan Eigenmann; ang older sister niyang si Barbara (Carmina), ang wife niyang si Jackie (Ashley) o ang kaibigan nilang si Hillary (Vaness)?       Pinagbibintangan din si Frank (EA Guzman) na siya raw pumasok sa bahay ng mga Sagrado, o si George (Michael Agassi), ang ‘boy toy’ ni Barbara.

 

 

Pero may isa pang character na pumasok, si Vlademir (Adrian Alandy), dating bodyguard ni AS 3 at may gusto siya kay Jackie, bago pa namatay si AS 3.  Ginagawa namang lahat ni Elaine (Pauline) ang lahat para lumitaw na inosente si Frank.

 

 

Napapanood ang Widows’ Web at 8:50PM, after ng “First Lady” sa GMA-7.

 

(NORA V. CALDERON)        

PDu30, kumpiyansa na ang kanyang successor ay magko-‘commit’ na tuldukan ang problema sa ilegal na droga

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang susunod na Pangulo ng bansa ay masigasig din na itigil ang malaganap na ilegal na droga sa bansa.

 

 

Ito’y bunsod na rin ng pag-aalala ng Pangulo sa posibleng muling pagkabuhay ng ilegal na droga matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022.

 

 

“Paalis na ako , but I’m worried. I’m not saying that basig mudaog — kinsay mudaoag nila nga (I’m not saying that whoever wins is) incompetent or not the person who would… Kay kaning droga either paghawa nako, mubalik ni, mubalik gyud ni (Because once I step down, the drugs situation may come back. It will really come back) and it’s entering our shores,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging talumpati nito sa isinagawang National Joint Task Force- Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict Meeting na idinaos sa JPark Island Resort, M.L. Quezon National Highway, Maribago, Lapu-Lapu City, Cebu, araw ng Huwebes, Marso 31.

 

 

Aniya, malalagay sa gulo ang bansa kapag lumala ang problema nito sa ilegal na droga.

 

 

Kaya umaasa siya na ang kanyang magiging successor ay magiging masigasig na maglunsad ng giyera laban sa ipinagbabawal na gamot.

 

 

“I am not saying that anyone of them or all of them are incompetent. Masyadong paghambog iyan pero ang ano ko lang , if they are really as committed as me in fighting the insurgency and the drug problem of our country. ‘Yun lang ang worry ko,” aniya pa rin.

 

 

Marso 21 nang sabihin ni Pangulong Duterte na makikipag-dayalogo siya sa kanyang successor upang pag-usapan ang drug menace na patuloy na namamayagpag sa bansa.

 

 

May kabuuang P76.01 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa buong bansa simula nang ikasa ang giyera sa ipinagbabawal na gamot noong Hulyo 2016, ayon sa pinakahuling Real Numbers data na ipinalabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), araw ng Miyerkules.

 

 

Tinatayang 14,648 high-value targets ang naaresto, “as of February 2022.”

 

 

Pumalo naman sa 331,694 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga ang naaresto ng mga awtoridad.

 

 

Sa gitna ng walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga, muling inulit ng Pangulo ang kanyang pangako na protektahan ang mga police officers na ginagampanan ang kanilang tungkulin bitbit ang batas para sa anti-drug operations.

 

 

“Do your duty. If mademanda ka, sabi ko, I am behind you lalo na dito sa droga ,” ayon sa Pangulo sabay sabing “The police have the assurance that I will be there to protect them and to assume the full legal responsibility para sa inyo .”

 

 

Nito lamang Martes, inatasan ni Pangulong Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang ahensiya na magsumite ng report sa mga human rights groups at International Criminal Court (ICC) ng mga nakukumpiska nilang iligal na droga sa bansa.

 

 

Sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na tone-toneladang iligal na droga kabilang na ang mga shabu at marijuana ang pumapasok sa bansa na sumisira ng buhay ng mga Pilipino.

 

 

Kasunod nito, pinayuhan ng pangulo ang mga kritiko na pag-aralan ang sitwasyon ng droga sa Pilipinas bago batikusin ang administrasyon.

 

 

Kamakailan, inilunsad ng International Coalition for Human Rights in the Philippines ang kampanya para hikayatin ang foreign governments na magpataw ng sanctions kay Pangulong Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan dahil sa paglabag umano sa karapatang pantao.

 

 

Samantala, binigyang diin ni Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na “false” at “rehashed” ang AI report ukol sa drug war ng administrasyong Duterte.  (Daris Jose)