• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

Navotas mega projects, binisita ng potential investors

Posted on: April 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAGPULONG sina Mayor Toby Tiangco, Cong. John Rey Tiangco at mga kinatawan ng San Miguel Corporation sa mga potential investors.

 

 

Binisita ng grupo ang mga site ng 343-hectare Tanza Airport Support Services at 73.3-hectare Navotas Coastal Development.

 

 

Iprinisinta din Mayor Tiangco mga disenyo ng Palafox Associates para sa mga naturang mega projects.

 

 

“The Tanza Airport Support Services will bring diverse opportunities for Navoteños. To prepare for this, we passed City Ordinance No. 2021-40 that requires new businesses in Navotas to hire at least 70% of its workforce from bonafide residents of the city,” pahayag niya.

 

 

“Our NAVOTAAS Institute will also offer technical-vocational courses relevant to the needs of emerging industries,” dagdag niya.

 

 

Napansin din ni Mayor Tiangco na ang Navotas Coastal Development, na kinabibilangan ng expressway patungo sa New Manila International Airport sa Bulacan, ay magtatampok sa pinakamalaking socialized housing ng lungsod.

 

 

“We thank San Miguel Corporation for their trust and confidence in bringing in this big project and acceding to our request to include our biggest in-city housing. Some 3,480 families will have their new homes at the Navotas Coastal Development. Once completed, we will have a total of 7,167 housing units,” aniya.

 

 

“We have planned and prepared for these projects for years now. We are happy and excited that these plans will soon come into reality with your help,” sabi naman ni Cong. Tiangco sa mga investors.

 

 

Nilibot din ng grupo ang Navotas-Malabon River Flood gate, NavotaAs Homes 1 and 2-Tanza, Urban Vertical Farm, at Sitio Pulo. (Richard Mesa)

Dahil sa special bond na nabuo sa teleserye: SHARON, gustong angkinin at gawin pang-apat na baby girl si JULIA

Posted on: April 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY special bond na nabuo between Megastar Sharon Cuneta at kay Julia Montes.

 

 

Mahigit 12k na ang nag-like sa IG post ni Sharon (@reallysharoncuneta) last Sunday which reads, “This girl. My “Juya.” @montesjulia08 My baby girl. I feel closer to her, sharing secrets, laughing with her, being loved by and loving her. I’ve worked with other younger stars and loved them all, but Julia is the one who is most liked me.

 

 

She has a beautiful heart, a beautiful soul. Sweet, bungisngis, funny, just fun to be with. Always there for me as I am for her. She feels up some of the empty spaces in my heart. I have a feeling I will love this beautiful girl forever and that our friendship will go beyond work and will last a lifetime.

 

 

I love you, baby ko. I will always take care of you and protect you. Akin ka na lang! Para apat na ang baby girls ko. I really always miss you kahit magkapitbahay tayo sa Ilocos. Take care and see you soon.

 

 

I love you. Mommy.”

 

 

Common knowledge sa showbiz na kapag may nakakatrabaho si Sharon na girls whether younger or older than her ay nagiging close. Think of Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Rossana Roces just to name a few.

 

 

Kapag naging close mo si Sharon ay para kang tumama sa lotto kasi Sharon chooses her friends wisely. May special reason why she likes a person and only Sharon knows that reason.

 

 

‘Pag natapos na ang participation ni Sharon sa FPJ’s Ang Probinsyano, she will surely miss Julia, Coco Martin and her other co-stars.

 

 

***

 

 

AMINADO si Zanjoe Marudo na he felt awkward the first time he reported on the set of 366, ang debut directorial assignment ni Bela Padilla.

 

 

Ang ‘thought balloon’ ni Zanjoe, sana raw hindi raw istrikto si Bela sa set at kung paano ba niya ito biruin while working.

 

 

Ngayon lang uli makakatrabaho Zanjoe si Bela since may ginawa silang teleserye sa ABS-CBN some years ago.

 

 

Pero kwento ni Zanjoe, marami siyang natutan kay Bela as an actor. Kailangan lang sumunod siya sa vision ni Bela as a director.

 

 

“Sabi sa akin ni Bela, ito lang ang gusto na gawin mo to interpret your role. Hindi kailangang sobra. Dapat sakto lang,” kwento pa ni Zanjoe.

 

 

May hirit pa nga si Zanjoe na sana raw yung role na napunta kay JC Santos ang ibinigay ni Bela sa kanya.

 

 

Pero Bela said napanood naman niya ang movies ng aktor and she’s been a fan kaya naniniwala siya na kaya ni Zanjoe ang role na napunta sa kanya.

(RICKY CALDERON)

Aminadong naging greedy at ‘di pa nakuntento: DIEGO, na-scam nang big time matapos i-invest ang napanalunan

Posted on: April 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG binanggit na actual amount ng pera, pero isiniwalat ni Diego Loyzaga sa naging online mediacon ng Vivamax’s Greed na na-scam siya.

 

 

Hindi rin actually malinaw kung tumama ba sa lotto si Diego katulad sa kuwento ng Greed na mai-stream na sa Vivamax simula sa April 8 kunsaan, nanalo ang mga characters nila ni Nadine Lustre sa lotto at do’n na nagsimula ang “greediness” o pagiging ganid sa kuwento.

 

 

Sa personal na karanasan ni Diego, ang ikinuwento niya lang, nanalo raw siya ng malaking amount.  Pero para sa kanya, pagiging greed yun instead na makuntento siya, in-invest pa raw niya at nag-hope na mas lalaki pa ang malaking pera naman na napanalunan niya.

 

 

Ang siste, may dapat daw sana siyang pagbigyan ng pera, pero dahil nga in-invest niya, hindi niya ito naibigay at ang masaklap, naloko pa siya o na-scam nga.

 

 

Lahad ni Diego, “Honestly, to be honest, of course, I wanted to keep some amount for me. But the most of it talaga, I was supposed to give it to somebody else.

 

 

“What happened was, I invested the money thinking that it would be smarter, after a long period of time, lalaki siya. More for me and more also for that person I want to be given. Eh, ang nangyari, na-scam ako. I guess, do’n siguro talaga umiral si greed and in that scenario, I lost. I lost bigtime.” 

 

 

Kung matatandaan, nanalo rin kasi sina Diego at Cristine Reyes habang ginagawa nila ang seryeng Encounter sa TV5’s The Wall Philippines noong isang taon ng kulang 3 million din.

 

 

Kaya palaisipan kung ‘yung panalo ba niya rito ang na-scam sa kanya o kung tumama nga ba siya sa lotto.

 

 

Sey rin kasi ni Diego, if ever man daw tumama siyang muli, sisiguraduhin daw niyang magtitira na ng certain amount for himself at sa totong bibigyan niya.

 

 

Sayang at hindi rin pala nalinaw kay Diego kung sino ang taong tinutukoy na pagbibigyan niya sana.

 

 

***

 

 

MARAMI ang nag-send ng messages kay Kylie Padilla na “stay strong,” “marami ang nagmamahal sa ‘yo,” “stay strong for your two kids.”

 

 

Nag-post kasi si Kylie na kasalukuyang nasa lock in taping ng bago niyang teleserye sa GMA-7, ang Bolera na siya ay nagkakaroon ng anxiety attack.

 

 

Hindi sinabi ni Kylie kung ano ang dahilan o nagti-trigger sa anxiety niya, pero nagpapasalamat daw ito sa mga kasama niya sa taping sa pag-aalaga sa kanya.

 

 

       “I had another anxiety attack on set the other day, so grateful that everyone on set takes good care of me.  Thank you guys. You know who you are. 

 

 

        Pero mas na-highlight sa post ni Kylie ang aso na parang alam daw ang napi-feel niya at siyang nag-cuddle at tinabihan na rin niya. In short, di rin humugot ng lakas si Kylie.

 

 

        “Little Nami came up to me and gave me a cuddle, I think naramdaman nya di ako ok. We cuddled for a bit. Humiga na ako sa tabi niya. I needed this moment, In love na talaga sa aso na to. Canine therapy is real.”

(ROSE GARCIA)

Stunt Coordinator Praises Working with Michelle Yeoh in ‘Everything Everywhere All at Once’

Posted on: April 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TIMOTHY Eulich, the stunt coordinator for Everything Everywhere All at Once, details and praises what it was like working with Michelle Yeoh.

 

 

Written and directed by Daniels, the filmmaking duo of Dan Kwan and Daniel Scheinert, the new science fiction movie follows Yeoh’s character, Evelyn Wang, an aging Chinese immigrant who finds herself thrown into an adventure to save the world, exploring different parallel universes and lives she could have led.

 

 

Released last March 25, 2022,  Everything Everywhere All at Once has received praise for its performances and the complexity of its story, as well as its unique editing and action sequences.

 

 

No stranger to the world of film, Eulich has been involved with a number of well-known projects, such as Spider-Man: No Way Home and Jurassic World, and has worked closely with Daniels before, serving as the stunt coordinator on their 2016 theatrical debut, Swiss Army Man.

 

 

In speaking with Bleeding Cool recently, Eulich described his experience working with Michelle Yeoh as “amazing,” and stated how her filmography played a role in his decision to pursue a career in stunt coordinating. He also commended her ability to perform and tell stories through movement.

 

 

He added that while the script and acting seemed like a lot to him, Yeoh would continue to impress by coming in and executing all of the action involved as well.

 

 

According to Timothy, “It was amazing working with Michelle Yeoh. Her previous films were highly influential in my decision to pursue a career as a stunt coordinator. Having an opportunity to work with her was nothing short of awesome. She was just such a lovely person who genuinely and deeply cares about everyone on set.

 

 

That was great just being around her. She has such an amazing command over her physical performance and takes such exquisite care of her physical instrument. It really gives her the ability to tell a story through movement alone.

 

 

Michelle Yeoh has had an impressive career, though fans might be surprised to know that she faced uncertainty following an on-set injury in 1996’s The Stunt Woman. When expressing his admiration for the actor, Eulich stated, “I can’t even imagine the amount of work that she was putting into this movie because she’s in just about every single frame of the film.

 

 

Yeoh’s commitment and ability to persist through trials are just some of the many reasons fans have been thrilled to see her shine in Everything Everywhere All at Once and have supported the film since its premiere. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Katuwang si MARJORIE at iba pang naniniwala sa plataporma: ANGEL, nagbahay-bahay para personal na ikampanya si VP LENI

Posted on: April 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGKATUWANG sina Angel Locsin at Marjorie Barretto na nagbahay-bahay para personal na ikampanya si Vice President Leni Robredo bilang Pangulo ng Pilipinas.

 

 

Nagbahay-bahay ang mga artistang sumusuporta sa kanyang kandidatura, sa pangunguna ng mga aktres noong Sabado sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Mula sa pagbisita sa Marawi City ay pinangunahan ni Angel ang pagbabahay-bahay sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental kung saan hinikayat niya ang mga kapwa tagasuporta na kumausap ng 10 tao bawat araw at kumbinsihin silang iboto si Leni sa halalan sa Mayo.

 

 

Sinamahan naman ni Marjorie si Aika Robredo, anak ng Bise Presidente, sa kanilang pagbisita sa ilang barangays sa Quezon City. Maagang sinimulan ng aktres ang pagbabahay-bahay nang bisitahin niya ang ilang lugar sa Pasig kung saan kinumbinsi niya ang mga botante na si VP Leni ang pinakuwalipikadong pamunuan ang bansa.

 

 

        “This was the reason why I decided to do house-to-house yesterday with other volunteers because we want to convince more of our fellow Filipinos that VP Leni is the most qualified to lead our country,” wika ni Marjorie sa Instagram.

 

 

Nag-ikot naman ang “PieDu” loveteam naman ng aktor na sina Edu Manzano at aktres na si Cherry Pie Picache sa isang palengke sa Quezon City at ipinabatid ang mga plano ni Robredo para sa bansa.

 

 

Nagpamigay rin sila ng pamphlets at ibang babasahin na naglalaman ng track record at mga nagawa ni VP Leni.

 

 

Sumama naman ang aktres at singer na si Agot Isidro sa pagbabahay-bahay sa Tagbilaran, Bohol at bumisita sa isang palengke kasama ang campaign manager ni VP Leni na si dating Senador Bam Aquino.

 

 

Tinalakay naman ng aktres na si Pinky Amador at hipag ni VP Leni na si Dr. Josephine Robredo-Bundoc ang plataporma ni Robredo na “Oplan Angat Agad” na nakatuon sa trabaho, kalusugan at edukasyon, sa mga residente nang mag-ikot sila sa Dumaguete City.

 

 

Nais matiyak ni VP Leni na hindi bababa sa isang miyembro ng pamilya ang tumatanggap ng buwanang suweldo habang ang mga nawalan ng trabaho ay bibigyan ng tatlong buwang pinansiyal na ayuda habang naghahanap ng hanapbuhay.

 

 

Pagdating sa kalusugan, magbibigay din si VP Leni ng access sa libreng doktor sa bawat pamilya at gagawing abot-kaya ang pagpapagamot para sa lahat ng Pilipino. Nais din niya na bigyan ng kalidad na edukasyon ang mga estudyante upang maabot nila ang pangarap na trabaho sa hinaharap.

 

 

***

 

 

TEARY-EYED si Maris Racal nang purihin siya nang husto ng co-actor niya sa YouTube series na How to Move On in 30 Days na si John ‘Sweet’ Lapus dahil siya na ang next rom-com queen.

 

 

In fairness naman ay nakakakilig talaga si Maris sa mga nagawa niyang rom-com movies at series.

 

 

Nabanggit ni Sweet na si Maris ang susunod na sa yapak nina Regine Velasquez, Toni Gonzaga at Angelica Panganiban.

 

 

Say ng TV host/director/actor/vlogger, “Mahusay si Maris Racal dito. She really is the romcom princess now. And now that Angelica Panganiban is a mother and Toni Gonzaga is technically retired, I’m pretty sure that Maris Racal will be the next romcom queen.

 

 

        “Siya talaga ‘yung romcom (actress). Siya ‘yung Regine Velasquez noong araw, na naging Toni Gonzaga, na naging Angelica Panganiban. It’s Maris Racal’s time to shine.”

 

 

Kaya panay ang pasalamat ni Maris kay John at sa ABS-CBN at YouTube Philippines dahil isinama siya sa first collaboration na How to Move On in 30 Days.

 

 

At pinost ni Maris ang video clip kung paano ito sinabi ni John, “Grabe yung puso ko kanina. Salamat po.”

 

 

        Ang romantic-comedy series na ito ay tungkol kay Jen (Maris), isang vlogger na iniwan at niloko ng boyfriend niya ng pitong taon na si Jake (Albie Casino) kasama si Anastacia (Sachzna Laparan), isang sikat na model at social media influencer. Makikilala si Jen bilang “The Winarak Girl” matapos mag-viral sa social media ang kanyang pagwawala dahil sa pagiging sawi.

 

 

Para tulungan si Jen na malagpasan ang pagiging broken-hearted, kukumbinsihin siya ng kanyang mga kaibigan na sina Anton (Kyo Quijano) at Sara (Jai Agpangan) na i-download ang “the break app.”

 

 

Sagot ng app na ito ang lahat ng solusyon at payo para tulungan si Jen na maka-move on mula kay Jake sa loob lamang ng 30 araw.

 

 

Ngunit hindi ito magiging madali para kay Jen dahil makakasama niya sa trabaho si Jake at ang bagong kasintahan nito. Dahil desperado na si Jen na maka-move on, mapipilitan siyang lapitan si Franco (Carlo Aquino), isang gwapong surfer at “professional boyfriend-for-hire.”

 

 

Magkukunwari sina Jen at Franco bilang magkasintahan at unti-unti rin silang magiging malapit sa isa’t isa dahil dito. Makaka-move on nga ba si Jen sa tulong ni Franco at ng “break app”? Mauuwi kaya sa tunay na pagmamahalan ang pekeng relasyon nina Jen at Franco?

 

 

Napapanood na sa ABS-CBN YouTube channel ang How to Move On in 30 Days, mula ito sa direksyon nina Benedict Mique at Roderick Lindayag at kasama rin dito sina John Arcilla, Sherry Lara, Phoemela Baranda, Poppert Bernadas, Hanie Jarrar, Elyson De Dios, Rans Rifol, at James Bello.

(REGGEE BONOAN) 

Pinakamataas na daily tally ng COVID-19 sa PH sa loob ng halos isang buwan, naitala ng DOH

Posted on: April 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA ng nasa kabuuang 690 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health (DOH).

 

 

Ito ang pinakamataas na daily tally sa mga kaso ng nasabing virus na naitala ng kagawaran mula noong Marso 7, kung saan 332 sa mga ito ang nagmula sa Metro Manila.

 

 

Bukod dito ay nakapagtala din ang ahensya ng dagdag na 19 na mga bagong nasawi ng dahil sa sakit na magdadala naman sa 59,343 na total number of deaths sa bansa.

 

 

Sa ngayon ay umakyat na sa 3,679,629 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nasa 35,967 dito ay aktibo.

 

 

Samantala, una nang pinaalalahanan ng mga kinauukulan ang lahat na huwag pa rin makakapanti kahit na nakatanggap na ng kumpletong bakuna ang mga ito.

 

 

Pinayuhan din ang mga indibidwal na hindi pa nakatatanggap ng booster shot na magpabakuna bilang dagdag na proteksyon laban sa nasabing nakamamatay na virus.

 

 

Layunin naman ng pamahalaan ngayon na palakasin pa ang bakunahan nito sa iba’t ibang mga probinsya sa bansa upang makamit na ng mga ito na maisailalim sa Alert Level 1.

Ateneo paghahandaan ang NU

Posted on: April 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG makatibag sa defending champion Ate­neo na solo na ang liderato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament.

 

 

Maging ang mortal ni­lang karibal na La Salle ay walang naisagot sa ma­­la­kas na puwersa ng Blue Eagles sa kanilang pag­ha­harap noong Sabado sa Mall of Asia Arena.

 

 

Inilampaso ng Ateneo ang La Salle, 74-57, para pa­lawigin ang ka­nilang winning streak sa 30 games.

 

 

Hindi pa nakakatikim ng kabiguan ang Blue Eagles sa liga sapul nang matalo sa Far Eastern University Ta­­maraws, 60-63, noong Oktubre 10, 2018.

 

 

Sa kabila ng solidong la­ro ng Ateneo ay itinutu­ring pa rin ni head coach Tab Baldwin na mahirap ang panalong ito dahil hindi ka­agad bumitiw ang La Salle hanggang sa huling sandali ng laro.

 

 

“Tough game. It was ne­ver comfortable until the end. The defense was solid in the game as was theirs,” wika ni Baldwin.

 

 

Matayog ang lipad ni na­turalized player Angelo Kouame na nagtala ng 16 points, habang solido ang kon­tribusyon nina Dave Il­defonso at Gian Mamuyac na may 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Walang balak magpahi­nga ang Blue Eagles dahil na­katutok sila sa susunod na laro laban sa Bulldogs.

 

 

Move on na muna sa La Salle dahil sunod na ta­­targetin ng Ateneo ang win No. 5 laban sa National University bukas,

 

 

“I think both teams played themselves to a standstill,” sabi ni Baldwin. “It was a great Ateneo-La Salle game. We are looking for­ward to NU this Tuesday. It doesn’t get easier.”

Women’s volleyball semis sa MOA nagtala ng record sa may pinakamaraming sports fans sa gitna ng pandemya

Posted on: April 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMUHOS ang mga volleyball fans kagabi sa ginanap na semifinals game ng Premier Volleyball League (PVL) na isinagawa sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City.

 

 

Maraming mga sports analysts ang nagulat at natuwa dahil sa kabila ng umiiral na pandemya ay nagagawa nang punuin ng mga fans ang ganitong mga laro na huling nangyari ay noon pang bago ang COVID pandemic.

 

 

Naging crowd drawer ang Game 2 ng semis sa pagitan ng Creamline at Choco Mucho at ang harapan naman ng Cignal versus PetroGazz.

 

 

Sinasabing ang gate attendance sa Game 2 ng dalawang laro ay umabot ng 16,687 upang maitala ang record bilang biggest indoor sports crowd ngayong pandemic.

 

 

Sa labis na jampacked ng crowd, marami ang hindi na rin nakapasok sa venue dahil nagkaubusan na ng tickets.

 

 

Nalampasan pa nito ang mahigit 13,000 na mga basketball fans na nanood ng personal sa Game 3 ng PBA Governor’s Cup.

 

 

Ang isa sa volleyball superstar sa bansa na si Alyssa Valdez ay hindi rin makapaniwala sa nasaksihang dami ng mga fans na pumuno sa arena na tinawag niyang “biggest comeback sa sports.”

 

 

Ang Game 1 ng finals sa Premier Volleyball League ay gaganapin sa Miyerkules.

Creamline diretso sa Finals

Posted on: April 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING  humataw si op­po­site spiker Tots Carlos para buhatin ang Creamline sa 23-25, 25-19, 25-18, 25-15 pananaig sa Choco Mucho at angkinin ang finals berth ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa Mall of Asia Arena.

 

 

Nakalikom ang dating Uni­versity of the Philippines standout ng 23 points kabilang ang 19 attacks para dal­hin ang Cool Smashers sa ikaanim na sunod na fi­nals appearance.

 

 

“Thankful kami kasi na­ka-recover kami sa first set. Medyo kinapos iyong habol na­min sa first set, pero iyong maturity ng Creamline nandiyan na palagi,” sabi ni Cool Smashers’ coach Sherwin Meneses.

 

 

“In terms sa disiplina, nag­lalaro na lang kami nang maayos para makuha iyong panalo,” dagdag nito.

 

 

Ramdam na ramdam din ang puwer­sa ni Jema Ga­lanza na humataw ng 18 points at 15 digs gayundin si skipper Alyssa Valdez na may 17 points para sa 2-0 sweep ng Creamline sa Choco Mucho sa semis.

 

 

May pinagsamang 19 markers sina middle bloc­kers Jeanette Panaga at Ce­line Domingo sa net defense ng Cool Smashers.

 

 

Nagpako ang Creamline ng kabuuang 67 attacks na nagawa nito dahil sa matikas na setting skills ni Jia Morado na nagtala ng 27 excellent sets.

 

 

Bantay ni libero Kyla Atienza ang floor defense nang magrehistro ito ng 17 digs at 17 receptions.

 

 

Nakakuha naman ang Flying Titans ng 14 hits mu­la kay Kat Tolentino galing sa 11 attacks at tatlong blocks, habang naglista si Des Cheng ng 13 points at nagdagdag si team captain Bea De Leon ng siyam na puntos.

 

 

Nauna nang naitarak ng Creamline ang 25-18, 17-25, 25-19, 25-11 panalo sa Flying Titans sa Game 1.

 

 

Samantala, tinalo ng Chery Tiggo ang Philippine Army, 25-15, 25-20, 20-25, 23-25, 15-12, tampok ang 32 points ni Dindin Santiago-Manabat sa classification phase.

Pope Francis planong bumisita sa Ukraine

Posted on: April 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG  bumisita sa Ukraine si Pope Francis.

 

 

Sinabi nito na pinag-uusapan na ng mga opisyal ng Vatican ang posibilidad ng nasabing pagbisita sa Kyiv.

 

 

Sa unang pagkakataon din ay binatikos ng Santo Papa si Russian President Vladimir Putin dahil sa pag-atake nito sa Ukraine.

 

 

Sa kanyang talumpati habang ito ay nasa Malta, tinawag nito ang Russian president bilang “potentate,” isang lider na nagpapasimuno ng hindi pagkakaunawaan para sa nationalist interests.

 

 

Hindi rin maitago ng Santo Papa ang kalungkutan sa patuloy na labanan sa Ukraine kung saan maraming mga sibilyan na ang nasawi.