MULING kinastigo ni 2022 presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo ang mga nag-uugnay sa kanya at kanyang mga tagasuporta sa armadong rebelyong komunista, dahilan para maitulak ang kanyang kampong ipagtanggol ang mga tagasuporta kung magkagipitan sa otoridad.
“Kaisa ako ng mga volunteers natin na tumitindig para sa katotohanan at pag-asa; na nalalagay sa panganib at nakakaramdam ng pangamba dahil ni-reredtag sila,” ani VP Leni sa isang pahayag, Huwebes.
Marso lang nang maiulat na inaresto sa Cavite ang ilang kampanyador ng Anakpawis party-list, na bahagi ng Makabayan bloc na nag-endorso kay Robredo. Marami sa mga naaaresto at napapatay na aktibista ay nare-red tag sa kasaysayan.
Ilang beses nang ikinakabit ang pangalan ng opposition bet at kanyang supporters sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA). Bukod sa ilang nagpapakalat ng pekeng impormasyon online at text blasts, nariyan din ang kampo ng kalaban niya sa eleksyon na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson.
Iniuugnay din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga “dilawan” — na kadalasang tawag sa mga taga-suporta ng partido ni VP Leni na Liberal Party — sa mga komunista para “manggulo sa eleksyon.”
Humaharap din ngayon sa ilang administrative complaints sa Office of the Ombudsman si NTF-ELCAC spokesperson at Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy dahil sa social media posts na nagsasabing “supporter” at “mouthpiece” si Robredo ng CPP-NPA, na siyang tinatawag niyang “teroristang grupo.”
“Malinaw ang motibasyon ng walang-tigil na pangre-redtag sa akin at sa mga volunteers natin: Ang pigilan ang momentum ng ating People’s Campaign,” dagdag pa ng bise presidente, habang idinidiing hindi siya makikipag-alyado sa sinumang gumagamit ng dahas para magsulong ng anumang agenda.
“Tandaan natin, nagsimula ito noong naging sunud-sunod ang pagdagsa ng mga tao sa ating mga People’s rally—na para bang di makapaniwala ang iba na puwedeng magkaisa ang karaniwang Pilipino sa ngalan ng pag-asa.”
Bagama’t magkahalintulad sa prinsipyo pagdating sa maraming bagay ang Makabayan bloc at ligal na Kaliwa sa CPP-NPA, walang armas ang una at ikalawa.
Ikinagalak naman ng grupong Amihan National Federation of Peasant Women (Amihan) ang pagtindig ni Robredo laban sa red-tagging at pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya habang itinutulak na mapanagot sa batas ang mga nasa likod nito.
“Kami ay nagagalak na nagpahayag si VP Robredo laban sa red-tagging na karaniwang inilulunsad ng mga kalabang kandidato, mga pasista sa gubyerno at kanilang mga ahente. Nangangahulugan… ito na sila ay apektado sa bumabahang partisipasyon ng mamamayan sa mga grand rallies ni VP,” ani Zen Soriano, national chair ng Amihan.
“Red-tagging against activists is dangerous as it usually leads to extrajudicial killings and other grave human rights abuses. Red-tagging the vice president should not be taken lightly.”
Hinimok din ng grupo ang lahat ng sektor at indibidwal na nagdadala sa kandidatura ni Robredo na ipahayag ang kanilang pagtutol sa red-tagging na ginagawa ng mha kampo ng kanilang mga kalaban sa eleksyon.
Ilan sa mga tagasuporta ni Robredo ay mga retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, mga institusyong dati nang nag-uugnay sa mga progresibo sa CPP-NPA.
Paliwanag pa ng Amihan, labag sa Bill of Rights, karapatan sa pagpapahayag, pag-oorganisa atbp. ang red-tagging.
“I-normalisa natin ang paglaban rito at biguin ang dominansya nito sa publiko, na naglalayong takutin, patahimikin at pasunurin ang mga mamamayan sa mga kontra-demokratiko o pasistang patakaran ng gubyerno, partikular ngayong eleksyon, para paburan ang kandidatura ni Marcos Jr. na anak ng isang diktador at mandarambong, at isang tax evader,” panapos ni Soriano.
INIULAT ng Philippine Embassy sa Israel na naging matagumpay ang final testing at ang sealing o pagpapatakbo at pagseselyo ng vote counting machines (VCM) na gagamitin sa halalan.
PINADARAMA ng GMA Network sa Kapuso viewers na as long as we love together, walang makapipigil na I-enjoy ang summer fun at lalo ngayong nakikita na ang pagtatapos ng pandemya.
SIMULA na ng pukpukang ensayo ni World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire para sa kanilang unification bout ni World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamweight king Naoya Inoue.
IDRIS Elba reveals that he improvised much of Knuckles the Echidna’s spoken dialogue for
TINUKOY ng Malakanyang na kasama ang mga indigenous people’s groups at local government units (LGUs) sa negosasyon para sa pagsisimula ng Kaliwa Dam project sa Quezon at Rizal province.
DAHIL sa mga kilig Tiktok videos ni Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ‘di napigilang tanungin si Julie tungkol sa pag-unfollow sa kanya sa social media ng ex-girlfriend ni Rayver na si Janine Gutierrez.
BINIGYANG diin ng Department of Agriculture (DA) ang pangangailangan para sa ahensiya na mabigyan ng police power para arestuhin at kasuhan ang mga smugglers sa bansa, maging ito man ay technical o outright.
NAGBIGAY na ng pahintulot ang Commission on Elections (Comelec) sa inihain na petisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling ipagpatuloy ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga drivers ng pampublikong transportasyon.
PERSONAL na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng bagong P1,000 polymer banknotes.