• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

Pagbati bumuhos matapos magkampeon si Alex Eala sa W25 Chiang Rai

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMUHOS ang pagbati kay Filipina tennis player Alex Eala matapos na magkampeon sa W25 Chiang Rai sa Thailand.

 

 

Tinalo kasi nito si Luksika Kumkhum ng Thailand sa score na 6-4, 6-2.

 

 

Ito na rin ang pangalang international Tennis Federation (ITF) champion title ni Eala kasunod ng pagkawagi nito sa W15 Manacor tournament na ginanap sa Spain noong 2021.

 

 

Naging matindi ang paghaharap ng dalawa sa finals k ung saan tumagal ang laro ng isang oras at 22 minuto.

 

 

Kapwa binati naman sa social media ng mga kapwa tennis players nito at maging ilang mga atleta ng bansa.

Present si Beatrice at missing in action si Rabiya: MICHELLE, nangabog at tumanggap ng ‘Multi-Level Beauty Award’

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUMANGGAP ng Multi-Level Beauty Award si Michelle Dee sa naganap na Miss Universe Philippines Top 32 Official Press Presentation noong nakaraang April 9.

 

 

Kinabog ni Michelle ang 31 other finalist ng MUP 2022 sa naturang award. 

 

 

“Thank you so much to everyone that constantly supports me and my journey to the Universe. All love,” caption pa ni Michelle sa kanyang Instagram post.

 

 

Nagpakitang-gilas ang 32 official candidates ng MUP na napanood ding live sa YouTube channel ng Emipre PH at sa kanilang official na Kumu account.

 

 

Ang original na 50 candidates ay na-trim down to 30 pagkatapos ng anim na online challenges: the headshot challenge, introduction challenge, swimsuit challenge, fashion and runway challenge, casting video challenge, and interview challenge

 

 

Dalawa sa finalists ang napili via streaming platform Kumu. Ito ay sina Shawntel Cruz of Benguet was named Kumunity’s Choice while Davao del Norte’s Jeanne Nicci Orcena had the most number of streaming hours. Silang dalawang ang nagbuo ng Top 32 finalists.

 

 

Present sa gabing iyon si MUP 2021 Beatrice Luigi Gomez, pero missing in action naman si MUP 2020 Rabiya Mateo. May nagbiro na baka raw nagbabantay ito sa lock-in taping ng boyfriend na Jeric Gonzales. Pero may prior commitment daw si Rabiya at hahabol na lang daw ito sa event.

 

 

Sa latest post ni Rabiya ay pinagupitan na niya ang mahaba niyang buhok dahil tapos na ang taping niya ng Agimat Ng Agila.

 

 

May caption pa ito na: “He told me he doesn’t want my hair short so I cut it right away.” 

 

 

Obviously, ang binaggit niyang “he” ay walang iba kung ang boylet niyang si Jeric.

 

 

Anyway, sa Mall of Asia Arena magaganap ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 on April 30.

 

 

***

 

 

PINAKILALA na ni Donita Rose ang lalakeng nagpapatibok ng kanyang puso na si Felson Palad.

 

 

Noong nuna ay tinatago pa ni Donita ang identity ng kanyang karelasyon ngayon. Ngayon sa latest post niya sa Instagram, kitang-kita na ang buong mukha nito.

 

 

“The grass seems greener these days, or is it just me? After my last post yesterday, this guy called to say he posted these photos. When I saw them, I laughed so hard and asked, ‘Why this as an introduction photo’? His response: ‘Para habang tumatagal pumopogi ako.’ (So as time goes by, I’ll become more handsome.’ I almost died laughing. That’s @felsonpalad for you peeps,” caption pa ni Donita.

 

 

Pinost din ni Felson sa kanyang IG account ang mga photos with Donita at nilagyan niya ng caption na: “Life is short, we need to believe and know Jesus and fall in love with a person who loves more the Lord than you.”

 

 

Isang music artist si Felson at pareho sila ni Donita na madalas um-attend ng church services.

 

 

Sa IG account ni Felson, makikitang madalas siyang mag-show sa iba’t ibang venues at nakasama niya ang ilang Filipino performers. Makikita rin na mahilig mag-perform si Felson sa mga nursing home para aliwin ang mga elderly patients doon.

(RUEL MENDOZA)

Ilan pang dosenang bangkay natagpuan malapit sa Kyiv

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KYIV – Ilang dosenang bangkay ng mga sibilyan sa Ukraine ang natagpuan sa nayon ng Buzova malapit sa Kyiv sa harap nang pagkakatuklas ng mga awtoridad sa marami pang mass grave matapos na umatras ang mga Russian forces sa kanilang opensiba sa capital city ng Ukraine at itinuon ang kanilang kampanya sa east side ng bansa.

 

 

Ayon kay Taras Didych, head ng Dmytrivka community kabilang na ang Buzova, may mga bangkay na natagpuan malapit sa isang gasolinahan.

 

 

Pero hindi pa tukoy sa ngayon ang kabuuang bilang ng mga namatay.

 

 

Mababatid na sa mga nakalipas na linggo, umani ng panibagong pagbatikos ang dumaraming bilang ng mga nasawi sa gitna ng giyera.

 

 

Partikular na ang ilang daang nasawi sa bayan ng Bucha, na hanggang noong nakaraang linggo ay okupado pa ng Russian forces.

 

 

Kaya naman inaakusahan ng Ukraine at ng mga Western countries ang Russia nang war crimes sa mga kaganapan sa Bucha.

Pukpukan na sa UAAP 2nd round

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAPASOK  na ang UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa krusyal na second round.

 

 

Kaya naman inaasahang mas magiging matin­ding bakbakan ang masi­silayan dahil unahan na ang lahat ng teams para ma­kapasok sa Final Four.

 

 

Magsisimula ang se­cond round bukas tampok ang salpukan ng reigning champion Ateneo at La Salle sa alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

 

 

Lalarga rin ang bakba­kan ng Nationa University at University of the Philippines sa alas-10 ng umaga kasunod ang duwelo ng Far Eastern University at Adamson University sa alas-12:30 ng tanghali at ng Uni­versity of Santo Tomas at University of the East sa alas-4:30 ng hapon.

 

 

Namamayagpag ang Blue Eagles na hawak ang solong pamumuno ma­­tapos ang seven-game sweep sa first round.

 

 

Ngunit para sa Ateneo, kailangang pa ring pumukpok sa second round upang maabot ang inaasam nito.

 

 

“I think every game’s really going to be a dogfight. We’re not looking at our re­cord, how many wins we have. That’s something we’ve been stressing to our players even in this game. The game’s not yet over,” ani assistant coach Sandy Arespacochaga.

 

 

Nakabuntot sa ikalawang puwesto ang Fighting Maroons na may matikas na 6-1 baraha at ikat­lo ang Green Archers na hawak ang 5-2 marka.

 

 

Nasa Top 4 ang Bull­dogs na may 4-3 rekord ka­­sunod ang Tamaraws (3-4), Growling Tigers (2-5), Soaring Falcons (1-6) at Red Warriors (0-7).

‘Balik Probinsya’ ipinakilala ang bagong website, application process

Posted on: April 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa (BP2) program na opisyal na papalitan na nito ang kanyang website sa  www.balikprobinsya.nha.gov.ph simula Abril 22, kung saan ay hindi na magiging available ang kasalukuyang  www.balikprobinsya.ph

 

 

Sa ilalim ng bagong sistema, mapabibilis ng gobyerno ang aplikasyon para sa BP2 program sa tatlong paraan: “through the applicants’ respective barangays (villages), via the Department of Social Welfare and Development (DSWD), or by visiting the BP2 Depot along Agham Road in Diliman, Quezon City.”

 

 

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 114 noong May 6, 2020 na naglalayong i-institutionalize ang BP2 program, na naglalayon pa rin tugunan ang “congested urban areas” sa Kalakhang Maynila sa pamamagitan ng paghikayat sa mga tao lalo na sa mga informal settlers, na bumalik na sa kani-kanilang tahanan sa lalawigan.

 

 

Ang agarang pagtulong sa ilalim ng BP2 program ay kinabibilangan ng transportation allowance, travel requirements, at emergency cash aid.

 

 

Sa pamamagitan ng whole-of-nation approach ng gobyerno, ang mga aplikante ay maaaring makakuha ng pangkabuhayan at employment opportunities, transitory support package, at transitory shelter assistance.

 

 

Sinabi naman ng DSWD na ang eligible applicants ay maaaring iyong mga apektado ng mga proyekto ng pamahalaan at legal demolition activities; pamilyang naninirahan sa kalye o nasa danger zones; mga tinamaan ng human-induced o natural disasters, kabilang na ang health hazards gaya ng coronavirus disease 2019 pandemic; nawalan ng hanapbuhay o income opportunities; at informal settlers.

 

 

Ang mga nasa marginalized, disadvantaged, o vulnerable individuals na nais na magsimula sa kabukiran ay maaari ring mag-apply para sa programa.

 

 

“Eligibility may include other situations deemed acceptable and valid based on the assessment of the social workers during the period of application,” ayon sa DSWD.

 

 

Ang mga aplikante ay maaaring magtanong via DSWD email address balikprobinsya@dswd.gov.ph o tumawag sa hotline (02) 8952-0697 o (02) 8931-8101, local 513.

 

 

Ang uri ng serbisyo at kabuuang halaga ng tulong na ibibigay sa bawat pamilya ay ibabase sa gagawing assessment ng DSWD, sa pakikipagtulungan sa local social welfare officers, partner stakeholders, at DSWD field offices.

 

 

Magbibigay din ang DSWD ng psychosocial support sa panahon ng transition period sa mga lalawigan. (Daris Jose)

11-K Pulis ipakakalat sa NCR para magbigay seguridad sa paggunita ng Semana Santa

Posted on: April 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN na ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mag deploy ng nasa 11,000 police personnel sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

 

 

Layon nito para masiguro ang seguridad para sa tahimik, maayos at mapayapang paggunita ng mga Katoliko sa Semana Santa.

 

 

Ayon kay NCRPO Spokesperson, P/LtCol. Jenny Tecson, inatasan na ni NCRPO Director, P/MGen. Felipe Natividad ang lahat ng District Police Directors nito na gawin ang ibayong hakbang para sa okasyon.

 

 

Partikular aniya rito ang paglalatag ng help desk sa mga places of convergence tulad ng mga Terminal ng Bus, mga Paliparan at Pantalan maging sa mga Simbahan at Mall gayundin sa iba pang mga pook pasyalan.

 

 

Pinayuhan naman ng NCRPO ang publiko na planuhing maigi ang kanilang pagbabakasyon at tiyaking susunod sa mga itinakdang minimum health protocols laban sa COVID-19. (Gene Adsuara)

Walang pakialam sa bashers at pananaw ng iba: BUBOY, ‘di ikinaila na supporter ang pamilya ng BBM-SARA tandem

Posted on: April 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG-MALUNGKOT ang pagbabalik ni comedienne-actress Rufa Mae Quinto sa bansa kamakailan lamang.  

 

 

After three years na nanirahan sa Amerika, sa piling ni Alexandria, ang anak na babae nila ni Trevor Magallanes, parang natapat naman ang pagbalik niya sa pagyao ng brother niyang si Vincent Sy.

 

 

Sadya palang umuwi sa bansa si Rufa Mae, dahil nami-miss na niya ang showbiz.  Pinayagan naman siya ng husband niya, kaya kasama ang baby girl nila, ay bumalik nga sila sa bansa.

 

 

Sa palagay naman namin, hindi mahirap para kay Rufa Mae ang makakuha ng kahit mga guest roles sa mga shows ng GMA Network na dating contract artist, bago siya bumalik muli sa America.

 

 

Our condolences, Rufa Mae and your family.

 

 

***

 

 

THANKFUL ang buong cast ng GMA Network’s first suspense-serye na Widow’s Web dahil lagi silang nagri-tate sa mga kasabayan nilang shows at 8:40PM gabi-gabi.

 

 

Isa nga sa naging usap-usapan ng mga netizens ay ang daring role na ginawa ng bida-kontrabidang si Barbara Dee, played by Carmina Villarroel.

 

 

Tanong nila, hindi raw ba nagkaroon ng second thought si Carmina, na may love scene kay Mike Agassi na sports coach ng anak niya sa story?  Mike was in his briefs while si Barbara ay naka-night gown.

 

 

Hindi raw tumanggi si Carmina, nang mabasaa niya ang script, kailangan talaga iyon sa story, kaya hindi siya tumanggi.

 

 

Si Direk Jerry Sineneng ang nagsabi na si Mike ang naging reluctant dahil nahihiya raw siya kay Carmina.  Kaya naman ang actress ang kumausap mismo kay Mike para maging comfortable sa kanya doing the scene, kaya maayos nilang na-execute ang said love scene.

 

 

“Masaya kami sa taas ng rating ng serye gabi-gabi,” wika pa ni Carmina.

 

 

“Siguro gigil na ang mga viewers malaman  kung sino ba talaga ang pumatay sa kapatid kong si AS3 (Ryan Eigenmann).  

 

 

Lahat kasi, parang isa sa amin ang killer, ako, ang wife niyang si Ashley Ortega, ang half-brother naming si Adrian Alandy, si Vaness del Moral, pero ang nakakulong ay si EA Guzman as Frank, ang driver ni AS3 at boyfriend ni Pauline Mendoza na lihim na nag-iimbestiga sa kaso.”

 

 

Pero ngayon nasa last three weeks na lamang ang serye, happy ang cast dahil hindi na sila naka-lock-in taping.

 

 

Si Carmina ay masaya dahil nakakasama na niya araw-araw ang kambal nila ni Zoren Legaspi, sina Mavy at Cassy. Si Zoren ang naka-lock-in taping ngayon dahil out-of-town ang location nila ng bagong serye sa GMA, ang Apoy sa Langit, katambal si Maricel Laxa.

 

 

***

 

 

NAGKAROON ng ambush interview si Kapuso actor Buboy Villar sa isang political vlogger, habang nagpapakain siya nang libre sa harapan ng bahay nila.

 

 

Mahusay magluto si Buboy, kaya may small karinderia siya. Iyon ang isa pa niyang pinagkakaabalahan, ang pagluluto ng mga ulam, sa tulong ng kanyang pamilya, kapag wala siyang shooting or taping sa GMA Network.

 

 

Hindi ikinaila ni Buboy na supporter siya ng BBM-SARA tandem sa coming 2022 national elections.

 

 

Kaya tanong sa kanya, hindi ba siya bina-bash ng mga supporters ng ibang kandidato?

 

 

   “Wala po naman akong pakialam sa kanila, basta supporter po lamang ako, alam ko ang mga pananaw nila, pero nagisnan ko na po ang family ko na Marcos loyalists sila, kaya tuluytuloy lang ang suporta namin sa BBM-SARA,” sagot ni Buboy.

 

 

“Kaya ito pong ginagawa ko ngayon, para rin sa mga supporters nila. Support ko po para sa future ng ating bansa. Bahala po ang iba kung ano ang gusto nilang gawin, basta ako, suporta po lamang.”

 

 

May coming new teleserye si Buboy sa GMA-7, ang False Positive, na kasama niya sina Glaiza de Castro, Xian Lim at Herlene  Budol.  Papalitan nila ang Widows’ Web, simula sa Monday, May 2.

(NORA V. CALDERON)        

DOLE naglaan ng P100-M para sa free COVID-19 testing sa mga newly-hired employees

Posted on: April 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGTALAGA ng nasa Php100 milyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang programa libreng COVID-19 testing sa mga bagong hire na manggagawa.

 

 

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na layunin nito na bawasan ang bigat ng pasanin ng mga kababayan nating newly -hired jobseekers sa iba’t ibang sektor.

 

 

Ang naturang programa ay alinsunod sa DOLE Department Order 232, series of 2022 na nilagdaan ni Bello na sumasaklaw sa mga jobseekers mula Pebrero 1, 2022 na hindi pa nakakakuha ng posisyon dahil sa kawalan ng negatibong resulta ng RT-PCR test.

 

 

Kinakailangan lamang na magsumite ang mga new hire ng photocopy ng valid government-issued ID , duly accomplished subsidy application form at iba pa sa pinakamalapit na DOLE field office upang agad itong ma-endorso sa mga kinauukulang regional office matapos ito ma-evaluate.

 

 

Makakatanggap naman ng email o SMS ang mga aplikante sa loob ng five working days na naglalaman kung kung aprubado ba ito o hindi.

 

 

Samantala, sinabi naman kagawaran na upang matiyak naman na mahigpit na nababantayan ang nasabing programa ay inatasan ang lahat ng DOLE regional offices na mag-sumite ng weekly monitoring reports sa Bureau of Local Employment. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

3 bansa, kinukunsidera bilang employment markets para sa OFWs- POLO

Posted on: April 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG bansa ang kinukunsidera bilang  employment markets para sa Overseas Filipino Workers (OFWs), ayon sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Lebanon.

 

 

Sinabi ni Labor Attache Alejandro Padaen na tinitingnan nila ang bansang  Turkey, isa rin sa ilalim ng hurisdiksyon ng POLO kasama na rin ang mga bansang Georgia, Azerbaijan, at north Cyprus, bilang iba pang  employment destination para sa Filipino workers.

 

 

“Turkey is a good prospect as an employment market for our workers once everything has normalized,” anito sa virtual forum.

 

 

Ang kasalukuyang bilang ng mga Filipino workers ay 4,000.

 

 

“Slowly, the number is increasing since we have a regular deployment there,” dagdag na pahayag ng  POLO-Lebanon.

 

 

Kabilang sa mga  OFWs na nasa  host country  ay skilled workers, household services workers (HSWs), at iyong mga nasa service sector.

 

 

Sinabi ni Padaen na ang minimum salary ng HSWs ay US$800 kada buwan.

 

 

Ang halaga ay doble sa sahod ng mga manggagawa sa ibang bansa.

 

 

“Recently, we approved a job order for workers in a big tuna factory which is managed by a Filipino,” anito.

 

 

Sa kasalukuyan,  11 foreign recruitment agencies (FRAs) ang accredited para sa deployment ng HSWs.

 

 

“Another good prospects are Georgia and Azerbaijan because they have oil and gas sector there. Although we already have workers there, skilled and of course HSWs,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa Northern Cyprus, ang mga OFWs na nagta-trabaho roon ay  HSWs, cleaners, staff sa mga hotels at nagta-trabaho sa bazaars.

 

 

Samantala, pinayuhan ni Padaen ang mga  Filipino na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na makipag-transaksyon lamang sa mga  recruitment agencies na accredited ng gobyerno, o ng  Philippine Overseas Employment Administration (POEA).  (Daris Jose)

Phivolcs, ibinaba na sa Alert level 2 ang alerto sa Taal Volcano – Phivolcs

Posted on: April 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINABA na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alerto sa Alert level 2 sa bulkang Taal sa probinsiya ng Batangas.

 

 

Paliwanag ng Phivolcs na kasunod ng phreatomagmatic eruption ng main crater noong Marso 26 ng kasalukuyang taon at naitalang anim na phreatomagmatic bursts hanggang sa katupasan ng Marso.

 

 

Nakitaan din ng siginificant na pagbaba ang aktibidad ng bulkan sa nakalipas na dalawang linggo.

 

 

Ayon sa Phivolcs nakapagtala lamang ng 86 volcanic earthquakes na hindi malalakas at hindi gaanong nararamdaman na pagyanig.

 

 

Karamihan aniya sa mga pagyanig ay dahil sa volcanic degassing mula sa shallow magma at hydrothermal region mula sa ilalim ng taal volcano island.