• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

Mapayapa, violence-free polls sa May 9 national at local elections

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan ang mapayapa at malinis na halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

 

“Again, it is my commitment to the nation that the elections will be peaceful and free from violence, intimidation of voters. ‘Wag ninyo gawin iyan  because I would still be here to oversee the elections,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People.

 

 

Nauna nang sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagan ang anumang election-related violence na mangyayari sa panahon mga nalalabing buwan ng kanyang administrasyon.

 

 

Nagbabala ang Chief Exective laban sa violent electioneering.

 

 

“Do not do it kasi I will see to it na itong eleksyon na ito ay malinis at walang dayaan, walang patayan sa panahon ko. Maghanap kayo ng ibang presidente. Huwag ninyong gawin sa akin kasi pupuntahan talaga kita,” anito sabay sabing ang mga pulitiko ay hindi dapat gumamit ng karahasan para puwersahang iboto ang mga ito sa eleksyon.

 

 

Ipinangako rin ng Punong Ehekutibo na poprotektahan niya ang pagkasagrado ng boto ng mga mamamayang Filipino.

 

 

“I have a sacred oath, and that sacred oath is not only for friends or enemies but for all Filipinos. Kaya pagdating sa election, tingin ko tabla lahat,” anito.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagiging ‘neutral” ng Philippine National Police (PNP) sa panahon ng halalan.

 

 

Base sa DILG memorandum na may petsang Marso 24, ang mga PNP personnel ay hindi pinapayagan na umakto bilang bodyguards ng political candidates.

 

 

Ide-deploy ang mga police officers sa identified election hotspots para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

 

 

Nauna nang inirekomenda ng PNP na ilagay sa ilalim ng red category ang 100 munisipalidad at 14 lungsod sa buong bansa para sa May 9 elections. (Daris Jose)

Inamin ng ka-loveteam na totoong nagkarelasyon sila: SETH, pinasalamatan ni ANDREA sa pagdepensa sa kanila ni RICCI

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSALITA na si Andrea Brillantes sa pamamagitan ng kanyang Instagram Live sa mga isyu sa kanilang tatlo nina Seth Fedelin at Francine Diaz.

 

 

Nagpauna naman ito na binabasa niyang talaga ang statement niya para raw wala siyang makakalimutan.

 

 

Sinimulan ni Andrea sa pasasalamat kay Seth dahil sa ginawang pagdepensa sa kanya, after na tanggapin niya ang proposal ng ngayo’y boyfriend na basketball player/actor na si Ricci Rivero.

 

 

Sabi ni Andrea, “I would like to say thank you to Seth Fedelin for speaking up. Thank you, Ali kasi kahit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako pinabayaan.

 

 

      “Alam ko na this past few months, napakahirap para sa atin, para sa ating dalawa at para sa ating lahat. And I have mad respect for you dahil kinaya mo pa rin akong ipagtanggol, kahit alam ko na gustong-gusto mo na rin magsalita.”

 

 

      Inamin na rin ni Andrea na nagkaroon talaga sila ng relasyon ng ka-loveteam sa loob ng two years and three months.

 

 

Sey pa niya, “We broke-up last year, early October ‘yon. It was a painful break-up but it was a mutual decision, ‘yung paghihiwalay namin.  We both loved each other truly and deeply. We learned so much from each other but in the end we realized na we weren’t growing as individual na.”

 

 

Inisa-isa rin ni Andrea ang mga naging isyu at inamin nito na ang pagkakamali niya, dahil mas pinairal daw niya ang emotion niya. Sobra raw siyang in pain noong makita niya ang larawan nina Seth at Francine na magkasama (pero hindi niya binabanggit ang pangalan ng huli) kaya nag-post siya. Huli na raw nang malaman niya ang totoo.

 

 

Kaya sana raw, maging lesson sa lahat na think before you post.

 

 

Pero pinakadiin-diin ni Andrea na hindi raw totoo na sumugod siya sa dressing room. Sabi pa niya, May CCTV raw sa buong ABS-CBN at nanghingi raw siya ng kopya para maipakita ang ebidensiya kung nasaan siya.

 

 

Sa ngayon, masaya raw siya at gusto na niyang mag-move-on.

 

 

***

 

 

SAKSI kami sa naganap na Pampanga rally ng tandem nina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa San Fernando, Pampanga and so far, pinakamarami ang attendees with 220,000 kakampinks.

 

 

Isa si Nadine Lustre sa inaabangan din na mag-perform among the artists present. Pero ang witty ng isa sa mga Kakampink na habang nasa stage at kumakanta. Tuwang-tuwa naman si Nadine sa nangyari.

 

 

Nag-trending din ang pangyayaring ‘yon kaya ang daming nagsa-suggest na dapat, kuhanin na ng Mang Tomas si Nadine bilang celebrity endorser nila.

 

 

Aba, kung hindi man, dapat siguro ay magpahatid sila ng pasasalamat kay Nadine na nabibigyan talaga sila ng bonggang publicity at marketing.

 

 

Nagsimula ang pagkaka-link ng naturang brand kay Nadine noong nasa Siargao ito at ang daming naaliw sa kasimplehan ng actress habang nakuhanan na bumibili ng bote ng Mang Tomas sa isang sari-sari store.

 

 

***

 

 

INIHALINTULAD ni Anne Curtis sa isang mother’s love ang isa sa mga kandidato sa pagka-Presidente na si VP Leni Robredo.

 

 

Kasunod ni Piolo Pascual, tumindig na rin nang todo si Anne kay VP Leni at larawan ng isang pink rose ang pinost nito sa kanyang Instagram kasunod ang caption na, “A mother’s love.

 

 

      “Yan ang tawag sa rosas na ito. My mum planted this rose in her garden and how apt it is for this time… dahil ang pangarap ko sa ating bansa ay magkaroon ng ilaw sa ating tahanan na tinatawag nating Pilipinas na gagabay, ipaglalaban, proprotektahan at mamahalin ito… mamahalin tayo…

 

 

      “Kaya para sa akin, #KulayRosasAngBukas. #LetLeniLead at saka siya gumawa ng sariling hashtag na Luv Anne Leni.”

 

 

      Ang dami namang kapwa niya artista ang natuwa sa pagtindig na ito ni Anne kabilang na sina Pokwang, Angel Locsin, Bianca Gonzales, Jolina Magdangal na nag-comment pa na, “Mabuhay ang mga nanay na may paninindigan!”

(ROSE GARCIA)

Operasyon ng ilang tren sa Metro Manila, suspendido muna para sa Holy Week – DoTr

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PANSAMANTALA munang sususpindehin ang railway services sa Metro Manila ng ilang araw dahil na rin sa Holy Week.

 

 

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Metro Rail Transit-Line 3 (MRT 3) at Light Rail Transit-Line 2 (LRT2) ay isasara sa April 13 (Holy Wednesday) hanggang April 17 (Easter Sunday).

 

 

Ang regular na operasyon ay asahan daw na ibabalik na sa Abril 18.

 

 

Samantala, sa April 12, Holy Tuesday, ang LRT2 operations ay magsisimula mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi habang ang operasyon naman ng MRT3 ay susundin ang normal schedule.

 

 

Sa kabilang dako, ang Philippine National Railways (PNR) naman ay pansamantalang ititigil ang kanilang operasyon sa April 14 (Maundy Thursday) hanggang April 16 (Black Saturday).

 

 

Asahan ang normal operations sa April 17, Easter Sunday.

 

 

Una rito, inanunsiyo ng management ng Light Rail Transit-1 (LRT1) na ang kanilang operasyon ay sususpendehin mula Abrl 14 hanggang 17 para sa annual maintenance activities.

 

 

Mula April 11 hanggang 13, ang LRT1 operating hours ay magsisimula dakong alas-4:30 ng madaling araw.

 

 

Ang huling tren namang mula sa Baclaran Station ay mag-o-operate dakong alas-9:15 at ang nasa Balintawak Station ay bibiyahe dakong alas-9:30 ng gabi.

 

 

Ang regular LRT1 operations ay babalik naman sa Lunes April 18 ayon sa DoTr.

 

 

Ngayong araw ay naka-heightened alert na rin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa asahang pagbuhos ng mga commuters para sa Holy Week at summer season.

PITX may paglilinaw, lahat ng mga drivers negatibo raw sa drug test

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ngayon ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na walang nag-positibo sa drug test na mga drivers na gumagamit sa bus terminal.

 

 

Ang naturang drug test ay isinagawa noong nakaraang linggo.

 

 

Nilinaw ito ni PITX spokesperson Jason Salvador kasunod na rin ng mga napaulat na mayroong mga drivers ng bus na nagpositibo sa isinagawang random drug tests.

 

 

Aniya, ang naturang mga drivers ay naka-deploy daw sa ibang terminal at hindi sa PITX.

 

 

Noong Sabado nang magsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng drug test sa iba’t ibang bus terminal at nasa 61 public utility vehicle drivers, conductors at dispatchers ang nag-positibo sa iligal na droga.

 

 

Ang isinagawang random drug test ay bilang paghahanda pa rin ng pamahalan sa Holy Week.

 

 

Ayon sa PDEA, nasa 4,210 individuals ang sumailalim sa screening sa nationwide implementation ng Oplan Harabas noong Biyernes na isinagawa dahil sa asahang pagbuhos ng mga Holy Week travelers.

 

 

Samantala, kahapon, Palm Sunday, mas kaunti raw ang naitalang pasahero sa PITC kumpara sa mga nakaraang mga araw.

 

 

Noong Biyernes, mahigit 100,000 na pasahero daw ang bumuhos sa PITX.

 

 

Inaasahan naman daw ng PITX management na asahan ang pagbuhos ng maraming pasahero bukas hanggang Good Friday dahil sa mga uuwing mga pasahero sa probinsiya para sa Holy Week.

Publiko, masyadong naging kampante nang ibinaba ang Alert level 1 sa maraming lugar sa bansa – NTF Against COVID-19

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING relax o naging kampante ang maraming Filipino magmula ng ipinatupad ang Alert level 1 sa maraming lugar ng bansa.

 

 

Ito ang ipinahayag ni NTF Against COVID-19 medical adviser Dr Ted Herbosa na kung saan, naging barometro nito ang bilang ng mga dapat sana’y kuwalipikado ng magpa- booster shot subalit hindi naman ginawang magpaturok.

 

 

Aniya, naipit na sa labing dalawang milyon lamang ang mga nagsipag- booster shot samantalang nasa 66 na milyon na ang may 2nd dose.

 

 

Malayo aniya ang hahabulin na datos kaya panawagan ni Herbosa sa publiko. Sana ay samantalahin ang Holy Week at walang trabaho.

 

 

At kung nasa bakasyon naman, mayroon din namang vaccination sa mga lalawigang pupuntahan at ang ipapakita lang naman ay ang vaccination card na may two doses at lampas na ng three months .

 

 

“Medyo nag-relax iyong mga kababayan natin noong bumaba tayo sa Alert Level 1. Naipit tayo sa 12 million lang na naka-booster, whereas, 66 million na ang may two doses. So, malayo iyong hahabulin,” ayon kay Herbosa.

 

 

“So, reminder: Habang Holy Week at walang trabaho, siguro ang maganda ay puwede na tayong magpa-booster. And by the way pati doon sa mga probinsiya na bibisitahin ninyo, puwede tayong magpa-booster doon. Ipakita ninyo lang iyong inyong vaccination card na may two doses at kung lampas three months na puwede kayong makatanggap ng booster shot doon sa lugar na iba sa inyong address,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Overseas absentee voting larga na

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMARANGKADA na kamakalawa ang ‘overseas absentee voting’ para sa Halalan 2022 na inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na sasamantalahin ng mahigit 1.6 milyong nakarehistrong botante.

 

 

Sa ilalim ng Overseas Absentee Voting Act, ang mga rehistradong botante sa abroad ay pipili ng presidente, bise-presidente, mga senador at party-list groups.

 

 

Ayon sa Comelec, ang United Arab Emirates ang may pinakamalaking bilang ng rehistradong absentee voting na nasa 290,182.

 

 

Nagkaroon naman ng bahagyang kaguluhan sa Hong Kong nang ipatigil ng konsulada ang pagboto dahil sa hindi na makayanang tanggapin ang mga dumagsang botante sa unang araw ng OAV. Nasa higit 93,000 ang rehistradong botante doon. Hinimok na lang ng konsulado ang mga botante na bumoto sa ibang araw.

 

 

Nasa higit 150,000 naman ang aktibong rehistradong botante sa buong Europa. Ang Italya ang may pinakamarami na umabot ng 38 libo kasunod ang United Kingdom, mahigit 30 libo at Espanya na mahigit 20 libo.

 

 

Sa konsulado ng Pilipinas sa Milan, magpapatupad ng ‘mixed-mode voting’ o parehong personal at postal voting.

 

 

Postal voting din ang ipatutupad sa Philippine Embassy sa Rome, Albania, Malta at San Marino. Personal voting naman ang ipatutupad sa Philippine Embassy to the Holy See.

 

 

Ang local absentee voting ay tatagal hanggang sa Mayo 9, araw ng eleksyon dito sa Pilipinas. (Daris Jose)

Cebu City, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Agaton

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN  nang nagdeklara ng state of calamity si Cebu City Mayor Mike Rama sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Agaton na nagdala ng walang humpay na pag-ulan sa lungsod.

 

 

Alinsunod sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinatupad rin ng alkade ang “no work, no classes” ngayong araw bilang preventive measure.

 

 

Kanselado na rin ang lahat ng biyahe sa mga sasakyang pandagat at dahil dito, may mga stranded na pasahero na ang naitala sa mga pantalan.

 

 

Nabatid na ang pag-ulan ay nagdulot na ng ilang pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa probinsiya ng Cebu.

 

 

May tumaob din na RoRo vessel sa Consuelo Port, San Francisco sa isla ng Camotes dahil sa malalaking alon na humampas sa pantalan.

 

 

Ang nasabing vessel ay may dalang 5,439 liters na diesel oil at 68 liters na lube oil, pero ligtas naman ang 14 na crew members na sakay nito.

 

 

Sa ngayon, nararanasan pa rin sa lungsod ang maulap na kalangitan at hindi naman gaanong kalakasan ang ulan ngunit nararamdan ang malakas na bugso ng hangin.

 

 

Maliban sa Cebu, ramdan na rin ang Bagyong Agaton sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at may naitala na rin umanong namatay dahil sa epekto na dala ng bagyo.

 

 

Sa Negros Oriental, tatlo na ang naitalang nasawi kung saan isa rito ay isang apat na taong gulang na bata na naiulat na nalunod sa isang sapa sa Barangay Bongalonan, Basay, Negros Oriental.

 

 

Sa kasalukayan, itinaas na sa signal number 1 ang the northeastern portion sa Cebu (Daanbantayan, Medellin, Bantayan Islands, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Borbon, Tabuelan, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) including Camotes Island, at eastern portion sa Bohol (Buenavista, Danao, Dagohoy, Pilar, Guindulman, Candijay, Mabini, Alicia, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Trinidad, Bien Unido, Talibon, Jetafe). (Daris Jose)

Ads April 12, 2022

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Higit 60K dumalo sa ‘Pure Love’ rally ng ‘KakamPing’ sa QCMC

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG  umabot sa mahigit 60,000 mga Pilipino na nagnanais ng bagong liderato ang dumagsa sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) noong Sabado (Abril 9) para ipakita ang kanilang pagsuporta sa kandidatura nina presidential bet Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

 

 

Tinaguriang ‘Pure Love’ ang nasabing rally na dinaluhan ng ilang mga sikat na performer at celebrity guests mula hapon hanggang gabi. Inorganisa ang aktibidad ng mga miyembro ng Lacson-Sotto Support Group (LSSG) mula sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya sa Luzon.

 

 

Itinaon ang naging pagtitipon sa paggunita ng ‘Araw ng Kagitingan’ kung saan lumagda ng isang manifesto ang tambalang Lacson-Sotto para isulong ang tapat na pamahalaan at protektahan ang tiwalang ibibigay sa kanila ng taumbayan sakaling mahalal bilang susunod na pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.

 

 

“Sisiguraduhin naming walang bahid ng katiwalian ang aming panunungkulan upang hindi masayang ang inyong boto. Ang lahat ng plataporma na aming inihain ngayong kampanya ay aming tutuparin nang may kagi­tingan, buong husay at katapatan,” pangako nina Lacson and Sotto sa kanilang manifesto.

 

 

Hinikayat ni dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares, assistant campaign manager ng tambalang Lacson-Sotto, ang mga botante na pumili ng isang pinunong handang solusyunan ang mga problema ng bansa alang-alang sa mga susunod na henerasyon ng Pilipino.

 

 

Kumbinsido naman si retired Gen. Raul Gabriel Dimatatac, pinuno ng LSSG Metro Manila chapter at iba pang mga tagapagtaguyod ng LSSG sa Laguna, Nueva Ecija, Rizal, Cavite, Bulacan at Batangas na kaya nilang ipanalo ang tambalang Lacson-Sotto ngayong Halalan 2022 dahil nasa likod nila ang puwersa ng tinatawag na ‘silent majority.’

 

 

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Lacson ang kanilang mga ‘KakamPing Tunay’ mula sa LSSG at mga organizer ng ‘Pure Love’ rally na pursigidong ikampanya sila ni Sotto, gayundin ang kanilang mga adbokasiya. Organisado ang LSSG sa 59 na lalawigan sa buong bansa.

 

 

“Hindi lang sila kumikibo, hindi lang sila masyadong maingay, pero tahimik po silang nagtatrabaho, tahimik silang nagsasagawa ng kanilang ground work at para kumumbinsi ng ating mga kababayan upang ipahayag ang ating mga kuwalipikasyon, ang ating karanasan, ang ating competence sa pamumuno, at ang aming walang pag-iimbot na hangarin para magsilbi sa ating bansa sa susunod na anim na taon,” sabi ni Lacson sa kanilang masugid na mga tagasuporta.

Omicron XE makakapasok sa Pinas sa Mayo

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang grupo ng mga doktor na posibleng makapasok na at maramdaman sa bansa ang Omicron XE sub-variant sa Mayo kung magpapatuloy ang mababang bilang ng nagpapa-booster shot kontra COVID-19.

 

 

Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na bumababa na ang immunity ng mga taong nakakumpleto ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines na magreresulta ng pagkakalantad nila sa impeksyon ng mga bagong variants ng virus na higit na nakakahawa ngayon.

 

 

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 12.2 milyong indibidwal pa lamang ang nakatanggap ng booster shots habang 66.2 mil­yong Pilipino na ang ‘fully-vaccinated’.

 

 

Sa kabila naman na wala pang pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa at hindi pa natutukoy ang Omicron XE, malaki ang posibilidad na makapasok rin ito sa Pilipinas lalo na’t bukas na ang lahat ng borders ng bansa sa mga dayuhang biyahero at turista. (Daris Jose)