• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

Sotto nabalewala career-high

Posted on: April 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAWALANG halaga career-high 21 points ni Kai Zachary Sotto sa pagtaob ng Adelaide 36ers laban sa Brisbane Bullets, 93-85, sa pagpapatuloy Lunes (Abril 11) ng gabi ng 44th Australia’s National Basketball League 2022 regular round sa Adelaide Entertainment Center.

 

 

Dumausdos ang Pinoy reinforcement at kampo sa 7-17 win-loss slate upang mapirmi pa rin sa pangsiyam na puwesto sa 10-koponang torneo. Ito rin ang fourth-straight defeat ng Sixers.

 

 

May magarang shooting na 7-of-8 ang 19-anyos, 7-3 ang taas at pinagmamalaki ng ‘Pinas na basketbolista, sahog pa ang 3 rebounds sa  17-minute play.

 

 

Sunod na nakahambalang kay Sotto at sa 36ers ang pumapang-anim, may barahang 13-12 na South East Melbourne Phoenix sa Biyernes, Abr. 22. (REC)

Kasama sa Holy Week special programming: Movie nina LIZA at ENRIQUE, mapapanood na sa GMA ngayong Black Saturday

Posted on: April 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG long weekend, hatid ng GMA Network sa Kapuso viewers ang special Holy Week programming to keep connected in their faith and reflection habang magkakasama sa kani-kanilang tahanan.

 

 

Simula ngayong Maundy Thursday sa quick vacation via “Biyahe ni Drew” at 6 a.m.

 

 

Kasunod nito, muling balikan ang stories of His miracles and greatness with “Jesus” at 7 a.m., ang heartwarming animated features “Barbie in a Mermaid Tale” at 8 a.m. and “Antz” at 9 a.m., at and CBN Asia’s Holy Week specials at 10:30 a.m.

 

 

Mapapanood din ang entertaining film for the family with “Spy Kids 4” at 11:30 a.m.      Muling balikan ang epic fantasy-adventure trilogy “The Lord of the Rings” starting with “The Fellowship of the Ring” at 1:30 p.m.

 

 

Susundan ito ng “This Time I’ll Be Sweeter,” nina Ken Chan at Barbie Forteza, at 4:30 p.m.

 

 

Patuloy ang paghahatid ng mga balita sa GMA Network’s flagship newscast na “24 Oras” at 6:30 p.m. Tiyak naman mai-enjoy ng pamilya ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa “Imagine You and Me,” pagsapit ng 7 p.m.

 

 

Tapusin ang gabi sa pamamagitan ng classic Hollywood movie na “Spartacus” at 9 p.m.

 

 

Salubungin ang Good Friday with the internationally-acclaimed religious program ‘Power to Unite’ at 6 a.m., kasunod nito, saksihan ang story of the woman who followed Jesus sa “Magdalena” at 7 a.m.

 

 

Sundan ang next adventure ni Barbie sa “Barbie in A Mermaid Tale 2” at 8 a.m., at ituloy ang panonood sa animated film na “Ferdinand” at 9 a.m.

 

 

‘Wag ding I-miss ang CBN Asia’s Holy Week specials at 10:30 a.m., na susundan ng seven last words ni Hesus mula Dominican Province via ‘Siete Palabras’ at 12:00nn.

 

 

Spend the rest of the afternoon sa continuation ng trilogy sa “The Lord of the Rings: The Two Towers” at 2 p.m. at muling ma-inlove sa “Moments of Love” kasama sina Dingdong Dantes at Iza Calzado at 5 p.m.

 

 

Pagsapit ng 6:30 p.m. ‘wag I-miss ang biggest and latest news with “24 Oras” na susundan ng “Miss Granny” starring Sarah Geronimo, James Reid, Xian Lim, and Nova Villa at 7 p.m.

 

 

Tapusin ang Good Friday sa Hollywood film na “The Ten Commandments” at 9 p.m.

 

 

Sa April 16, Black Saturday, balikan ang “Biyahe ni Drew” at 6 a.m. at ang “The Story for Jesus for Children” at 7 a.m.

 

 

Susundan ito ng lineup ng exciting films na “Kung Fu Panda 3″ at 8 a.m; “The Prince of Egypt” at 9 a.m.; “The Secret Life of Pets” at 10:30 a.m.; “How to Train Your Dragon: The Hidden World” at 11:30 a.m.; at ang katapusan ng The Lord of the Rings trilogy: “The Return of the King” at 1:30 p.m.

 

 

Papatawanin naman ang Kapuso viewers sa  “Enteng Kabisote 10 and The Abangers,” starring Vic Sotto and Oyo Sotto at 4:30 p.m.

 

 

Tutukan pa rin ang latest news sa ‘24 Oras Weekend’ at 6:30 p.m.

 

 

Finally, fall in love sa romantic drama movie “Alone/Together” nina Liza Soberano at Enrique Gil at 7 p.m., written and directed by award-winning filmmaker Antoinette Jadaone.

 

 

First time itong mapapanood sa Kapuso Network, ang pangalawang Star Cinema movie after ng pinag-usapang landmark deal ng GMA at ABS-CBN.

 

Tapusin ang araw sa pamamagitan ng epic historical drama movie na “Ben Hur” at 9 p.m.

 

 

Let us all pause and spend a fruitful Holy Week with our loved ones from the comfort of our homes at I-enjoy ang panonood ng GMA’s Holy Week specials mula April 14 hanggang April 16.

 

 

(ROHN ROMULO)

Robredo natuwa sa muling paglipat sa kanila ng ex-Isko Moreno supporters

Posted on: April 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSITIBO ang naging pagtanggap ng kampo nina 2022 presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo sa pag-endorso sa kanila ng iba pang nasa liderato ng Ikaw Muna (IM) Pilipinas, na dating sumusuporta sa kandidatura ng katunggaling si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

 

 

Martes lang kasi nang ilipat nina Tim Orbos at Elmer Argaño, convenor at secretary-general ng IM Pilipinas, ang kanilang pagsuporta sa ikalawang pangulo. Aniya, ito ang resulta ng kanilang panawagan sa presidential candidates na magkaisa para hamunin ang survey frontrunner na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

“Nagpapasalamat kami sa tiwala at suporta ng IM Leni. Sang-ayon kami sa kanilang panawagan para sa pagkakaisa; at malaking karangalan na pinili nilang makiisa sa laban ni VP Leni,” ani Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, kanina.

 

 

“Sabi nga ni VP Leni, ang ating lakas ay galing sa ating pagsasama sa ngalan ng pag-asa.”

 

 

Una nang minaliit ni Domagoso ang mga ulat ng paglipat ng IM Pilipinas Visayas chapter — na pinangungunahan ni Nick Malazarte — patungo sa kampo nina Robredo. Ika-11 naman ng Abril nang mag-defect din ang Zamboanga chapter nito kina Robredo at vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

 

 

Ipinaliwanag kanina nina Orbos kung bakit sila nag-shift ng IM Pilipinas — na ni-rebrand bilang IM Leni — ang naging desisyon ng kanilang volunteer group matapos ang bigong unification talks.

 

 

“From our call for unity, we now shift to a call for unity for Vice President Leni Robredo in her campaign to be our president this 2022… Except for the camps of Leody de Guzman and Vice President Robredo herself, all other candidates have rejected the call of unification,” ani Orbos sa isang press conference sa Lungsod ng Quezon.

 

 

“The Vice President is consistently the second place in the past months and has been on a steady rise with the biggest increase as shown in the latest survey… She is now in the best position to win this for us.”

 

 

Maliban sa magandang survey standing, papalaki nang papalaki ang bilang ng mga dumadalo sa campaign rally ni Robredo. Sabado lang nang umabot sa halos 220,000 ang dumalo sa kanyang rally sa San Fernando City, Pampanga.

 

 

Ipinagkibit-balikat naman ng kampo nina Mayor Isko ang development na ito, at sinabing “wala” itong magiging epekto sa kanya.

 

 

“Nothing. Sabi ko sa inyo, dati silang wala sa buhay ko,” banggit niya ngayong araw.

 

 

“I wish them goodluck. I hope the other group [Robredo] will trust them.”

 

 

Kahit na tumalon sa kabilang bakod, tanging papuri lang naman ang ibinigay nila sa alkalde ng Maynila. Aniya, nasa kanya pa rin ang mga katangiang hinahanap nila sa isang pinuno. Gayunpaman, sadyang iba ang hinihingi raw ng panahon.

 

 

“In a different time, different place–he could have been a good leader and he is a good leader. And I believe that the future is open for him… but times are different right now,” patuloy ni Orbos.

 

 

Sinasabing merong 20,000 aktibong miyembro ang IM Pilipinas maliban pa sa hanggang 300,000 volunteer mula sa 30 provincial chapters(Daris Jose)

HODGE, MERALCO POKUS SA DEPENSA Takbo ng best-of-7 Finals series:

Posted on: April 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Game 1 noong April 6 sa Smart Araneta Coliseum: Meralco 104, Barangay Ginebra San Miguel 91

Game 2 nu’ng Apr. 8 sa SM Mall of Asia: Barangay Ginebra San Miguel 99, Meralco 93

Game 3 nitong Linggo sa MOA Arena: Meralco 83, Barangay Ginebra San Miguel 74

 

 

Game 4 ngayong Miyerkoles (Smart Araneta Coliseum)

5:55 n. h.  – Awarding Best Player of the Conference, Best Import

6:00 n. g. – Meralco vs Ginebra  *Bolts lamang sa series 2-1*

 

MALA-DEPENSA militar ang ilalatag ng Meralco upang layuan pa ang Barangay Ginebra San Miguel sa Game 3 ng best-of-seven series ng 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors Cup Finals ngayong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

 

 

Papasok sa hardcourt ang dalawa na tangan ng Bolts ang 2-1 bentahe sa ganap na alas-6:00 ng gabi makaraan ang alas-5:55 ng hapon na pagpaparangal muna sa Best Player of the Conference at Best Import.

 

 

Kandidato ng Gin Kings sina Earl Scottie Thompson at Justin Brownlee sa BPC at BI, ayon sa pagkakasunod. Sina reinforcements Tony Bishop ng Meralco at Michael Harris ng Magnolia, at Robert Bolick ng NorthPort at iba pa ang mga kontender.

 

 

Ang mala-pagkit na depensa ng Bolts ang dumiyeta sa Gins sa 13 points sa final quarter upang matangay ang Game 3 noong Linggo, 83-74.

 

 

Aangkla uli si coach Norman Black kay Clifford Marion ‘Cliff’ Hodge para sa mga magkukuryente. Siya ang nagpahirap kina Brownlee at Christian Standhardinger sa huling laro.

 

 

“It was difficult to score out there, and it was a matter of getting some stops and try to hold as long as we could,” sey ni Black. (REC)

Pagpasok ng murang imported na sibuyas, inireklamo

Posted on: April 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIREKLAMO ng progresibong party-list group na Anakpawis ang pagpasok at pagbaha ng imported na sibuyas sa pamilihan na pumapatay sa lokal na magsasaka.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni Anakpawis National Chairperson Rafael “Ka Paeng” Mariano na ang importation ng nasa 35, 000 metric tons ng pulang sibuyas mula Tsina ngayong taon ay nagtulak sa magsasaka ng sibuyas sa bangkarota.

 

 

Resulta ng importation, paliwanag ng Anakpawis ay napilitan ang maraming magsasaka ng sibuya na itapon na lamang ang kanilang ani dala na rin sa mababang farm gate prices.

 

 

Ang farmgate prices ng sibuyas sa Mindoro at Nueva Ecija ay naitala sa halagang P8/kilo hanggang P15/kilo na 71% ibinagsak sa P51.89/kilo farm gate price ng local onions nito lamang Enero ng taon.

 

 

“Importation has always been a scourge to local industries because cheap imports pull down the value of our local products. Similar to the devastating impacts of importation measure to rice farmers and fisherfolks, onion farmers are at the losing end courtesy of government’s commitment to trade liberalization. The DA is accountable to our local food producers for always resorting to this dangerous liberalization measure,” dagdag ni Mariano, na dating nagsilbing kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR).

 

 

Dagdag pa ang kakulangan sa access ng mga local onion growers sa cold storage facilities kung kaya tumaas ang post-harvest losses ng mga bagong aning sibuyas na nasa 45.06% o 48, 891 metric tons na nagkakahalaga ng P1.6 billion, ngayon taon.

 

 

“Due to lack of post-harvest facilities, local produce of onion growers is either left wasted or being sold at a very low price that it can’t recover the ever-rising cost of production. We call on the government to immediately take concrete measures to improve the production of onions which are staple on every Filipino’s table,” pagtatapos ni Mariano. (ARA ROMERO)

8,241 o 72.28% pumasa mula sa 11,402 examinees sa first digitalize Bar exam – Justice Leonen

Posted on: April 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ngayon ni Supreme Court associate justice at Bar Examinations chairperson Marvic Leonen na umaabot sa 8,241 ang mga pumasa sa kauna-unahang digitalized Bar examinations na isinagawa noong nakalipas lamang na buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan.

 

 

Ang naturang bilang ng mga nakapasa ay katumbas ng passing rate na 72.28%.

 

 

Ayon kay Leonen, umaabot sa 14 na mga Bar takers ang nakakuha ng “excellent performance” makaraang maabot ang grade na mahigit pa sa 90%.

 

 

Sa ginanap na press conference bago inilabas ang mga pangalan ng mga nakapasa, iniulat ni Leonen na sa 14 na nakamit ang excellent performance, apat sa mga ito ang nagmula sa University of the Philippines, dalawa ang graduates mula sa Ateneo de Manila University gayundin sa University of San Carlos, at tig-isa mula sa Arellano University, Ateneo de Davao, FEU, San Beda, University of Cebu, at University of Cordillera.

 

 

Kaugnay nito, isinunod din ang encoding ng mga Bar passers bago naman isinapubliko ang kanilang mga pangalan. (Daris Jose)

9 KATAO, NI-RESCUE NG PCG SA BAYONG AGATON

Posted on: April 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SIYAM na katao ang maingat na nailigtas ng search and rescue team ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos matabunan ng landslide sa kasagsagan ng bagyong Agaton sa Barangay Cantagnos, Baybay City Leyte .

 

 

Katuwang ng PCG ang iba pang rescue groups sa nasabing operasyon sa mga apektadong residente kabilang ang isang buntis.

 

 

Ayon sa PCG Station Leyte, maayos ang kondisyon ng siyam na biktima ng landslide na sa ngayon ay patuloy na obserbahan sa malapit na ospital.

 

 

Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation ng PCG at ilang rescue groups at ahensya sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Agaton Kung saan may mga iniulat na mga malubhang binaha at landslide . (GENE ADSUARA)

Panalo ni BBM tiniyak ng political families

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSANIB-puwersa ang mga kinikilalang political families sa lalawigan ng Leyte upang tiyakin ang panalo ni presidential bet Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr. at ng UniTeam Alliance sa darating na halalan sa Mayo.

 

 

Sa pagbisita ng UniTeam sa Ormoc City noong Sabado, nagkaisa ang maiimpluwensyang angkan na ibuhos ang suporta kay Marcos na tinaguriang “anak ng Leyte.” Ang pamilya ng ina ni Marcos na si dating unang ginang Imelda Marcos ay tubong Tacloban, Leyte.

 

 

Sa kabila ng masamang lagay ng panahon, tumulak ang UniTeam sa Ormoc upang makipag-pulong sa halos 500 local leaders na pinangungunahan ng pamilya Larrazabal, Codilla, Aviles, Fiel, Aparis, Mendoza, Pepito, Santiago, Tugunon at Chu. Bukod sa kanyang mensahe ng pagkakaisa, nagpasalamat si Marcos sa pagbuhos ng suporta ng mga Leyteño.

 

 

Ayon kay dating Comelec Commissioner Gregorio “Goyo” Larrazabal, kandidato pagka-kongresista sa ika-apat na distrito ng Leyte, buo ang kanilang suporta kay Marcos. “Itinuturing namin siyang kapamilya dahil tunay siyang anak ng Leyte,” diin niya.

 

 

Ani Larrazabal, nagdesisyon siyang sumabak sa pulitika upang isulong ang pagbabago at mga adbokasiya sa kanyang distrito. Kasama niyang tumatakbo bilang mayor ng Ormoc City si dating mayor Edward “Ondo” Codilla. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ateneo, La Salle muling magtutuos!

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING magkukrus ang landas ng mortal na magkaribal na Ateneo de Manila University at De La Salle University sa pagsisimula ng second round ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena.

 

 

Nakatakda ang bakbakan ng Blue Eagles at Green Archers sa alas-7 ng gabi habang masisilayan din ang duwelo ng NU at UP  sa alas-10 ng umaga.

 

 

Lalarga rin ang laro ng FEU Tamaraws at Adamson University sa alas-12:30 ng tanghali kasunod ang laban ng University of Santo Tomas at University of the East sa alas-4:30 ng hapon.

 

 

Mas magiging exciting ang laban ng Ateneo at La Salle sa pagkakataong ito dahil mayroon nang fans na inaasahang daragsa sa venue.

 

 

Hindi tulad noong Abril 2 sa kanilang unang pagtutuos kung saan nakuha ng Blue Eagles ang 74-57 panalo sa venue na walang expectators.

 

 

Target ng Ateneo na makuha ang ikawalong sunod na panalo upang mapatatag ang kapit nito sa solong pamumuno.

 

 

Sariwa pa ang Blue Eagles sa 91-80 panalo sa Growling Tigers noong Sabado para makumpleto ang first-round sweep.

 

 

Nadugtungan din ang winning streak ng Ateneo sa 33 games na nagsimula noon pang 2018.

 

 

Subalit walang balak magpakampante ang A­teneo  dahil alam ng tropa na mas magiging matindi ang labanan sa second round.

 

 

Desidido rin ang La Salle na makaresbak sa pagkakataong ito.

 

 

Mataas din ang moral ng Green Archers na matikas na isinara ang first round sa bendisyon ng 61-58 panalo sa Soaring Falcons.

 

 

Okupado ng La Salle ang No. 3 spot bitbit ang 5-2 marka.

Kung wala sa minutes, fake news

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang bali-balitang “may marka na” ang ilang balotang ibinigay sa ilang botante sa pagsisimula ng overseas absentee voting ng mga Pinoy abroad.

 

 

Lunes nang ibalita ng Singapore-based voter na si Cheryl Abundo na may shade na agad ang nakuha niyang balota nang boboto sana para sa 2022 national elections. Bandang 9 a.m. daw nang mangyari ang insidente.

 

 

“Kakatapos lang bumoto sa embahada. The ballot I received came pre-shaded. Nang binalik ko para palitan, ito raw ay spoiled ballot from yesterday,” wika niya sa isang social media post kanina.

 

 

“It could be an honest mistake pero hindi dapat inaallow na mangyari ang mga ganitong pagkakamali. Be vigilant and report to the watchers and marshalls if it also happens to you.”

 

 

Sinabihan naman daw siya ng poll watcher na na sinabihan ng reklamo na vinoid at minarkahan na ang barcode ng ibinalik niyang balota.

 

 

Nababahala tuloy ang maraming botante sa ngayon na maaaring may nangyayari nang dayaan sa eleksyon bago pa man ang Mayo, kung kailan ikakasa ito sa Pilipinas mismo.

 

 

Ayon naman sa Philippine Embassy in Singapore, “isolated incident” lang daw ang nangyari. Gayunpaman, pinabulaanan nila ang ilang “unverified sources” na maraming pre-shaded ballots ang naipamahagi.

 

 

“It has come to the attention of the Philippine Embassy that some unverified sources allege that pre-shaded ballots have been given to voters who came to the Embassy to cast their vote today. This is not true,” ayon sa embahada.

 

 

“The Embassy is aware of only one (1) incident wherein one (1) spoiled ballot from yesterday’s voting exercise was inadvertently and unintentionally given to a voter this morning. This was subsequently recorded in the official OVF No. 11-A (Minutes of Voting for AEWS Voting Posts).”

 

 

Sa isang press briefing kasama ang media, sinabi ni Comelec commissioner George Garcia na wala pa raw silang natatanggap na opisyal na ulat pagdating sa reklamo ng pre-shaded na balota.

 

 

“Wala po kaming natanggap na report kahit sa ating post, kahit na kaming mga opisyal natin dun sa Singapore and therefore, fake news po iyun. May kumakalat rin po na sa Dubai daw meron ding [pre-shaded ballot],” ani Garcia kanina.

 

 

“Meron kasing tinatawag na minutes of voting. Ang tanong ko, and baka ika-countercheck ko kung totoo ang sinasabi niya, ‘yun bang pre-shaded na balota at ‘yung incident na ‘yun, na-report ba ‘yun sa minutes of voting?”

 

 

“Kasi kung walang na-report sa minutes of voting at wala ring nakita ‘yung watcher… isa lang ang ibig sabihin: hindi po totoo ‘yung sinabi niya [nag-aakusa].”

 

 

Ibeberipika raw ngayon ni Garcia kung talagang naiulat ito sa minutes. Kung wala raw kasi, ibig sabihin ay walang nagreklamo.

 

 

Nananatiling “best evidence” daw ng mga kaganapan ng eleksyon ang mga naturang minutes, kung kaya’t mahalaga raw na nailagay ito kung totoo.

 

 

“I’m verifying with the poll watcher I reported to if it was included in the minutes. I also sent an email to comelec and the embassy,” sabi ni Abundo.

 

 

“Pinapabasa raw niya yung minutes and she’ll update me.”

 

 

Pinayuhan naman ni Comelec commissioner Marlon Casquejo ang lahat na i-report agad-agad sa otoridad kung makakikita ng iregularidad ang mga botante para madaling maaksyunan ang isyu.

 

 

“Kapag nakita na ng botante na may shaded ballots na, hindi na dapat tatanggapin ni botante ‘yon. So automatic dapat ire-report niya agad… Sasabihin niya, ‘Maam/sir, may shade na po ‘yung balota. Bakit ganoon?'” dagdag ni Casquejo.

 

 

“Kapag umalis na si botante without any opposition as to the ballots, then there is a presumption already na malinis ‘yung balota na natanggap niya. Kapag pumunta na siya sa voting booth… Tapos binalik niya, sasabihin niya pre-shaded na ito, may nakasulat na, hindi na katanggap-tanggap ‘yun na rason.”

 

 

Ayon kay Abunda, sinabi niya raw ito sa poll watchers sa site matapos bumoto. Sambit naman ng Casquejo, karaniwan ay sinusulatan ng “spoiled” ang balota kung nanggaling ito noong mga nakaraang araw pa.

 

 

Linggo nang magsimula ang overseas absentee voting sa ibayong dagat. Tinatayang nasa 1.6 milyong botanteng Pinoy ang rehistrado sa ibang bansa. Matatandaang nasa 2 milyong Pilipino ang umuwi ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.