LUMAGDA sa isang kontrata ang Department of Transportation (DOTr) upang bumili ng 304 railway train cars na gagamitin sa North-South Commuter Railway (NSCR) project.
Ayon sa DOTr, ang NSCR project ay malayo na ang narating para sa development nito dahil nauna ng kumuha ang ahensya ng eight-car Electric Multiple Unit na gagamitin naman sa PNR Clark Phase 1 mula Tutuban hanggang Malolos kasama na ang paglagda sa kontrata ng 304 railway train cars.
Ang nasabing eight-car train set naman ay may habang 160 meters at may operational speed na 120 kph kung kayat ito ay inaasahang makapagsasakay ng 2,229 na pasahero kada train set.
“To the Philippines and Filipino people, now you see the project – pray that it is completed, be happy that it has started, and I tell you, President Duterte and his Build, Build, Build team will go all the way to make sure that the projects are completed for the comfort and convenience of the people,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
Dagdag pa ni Tugade na dahil ang proyekto ay pinayagan ng gawin at may pondo ng nakalaan habang ang kontrata naman ay nagawa na kung saan ang pagtatayo at deliveries ay patuloy ng ginagawa, kung kayat hindi lamang on track ang proyekto kung hindi ito ay “full steam ahead” upang maging totoo ang pangako ni President Duterte na kanyang ibibigay ang isang “Golden Age of Infrastructure” para sa mga magandang buhay ng mga Filipino.
Ang NSCR ay may tatlong (3) bahagi: PNR Clark Phase 1 na mula sa Tutuban hanggang Malolos sa Bulacan at may habang 38 kilometro. Ang travel time ay mababawasan mula sa dating isang (3) oras at 30 minuto kung saan magiging 30 minuto na lamang ito.
Samantalang ang PNR Clark Phase 2 ay magmumula sa Malolos, Bulacan papuntang Clark sa Pampanga kung saan ang travel time ay makukuha lamang ng mula 30 hanggang 35 minuto na lamang. Magkakaron rin ito ng kauna-unahang Airport Railway Express Service na magdudugtong sa Makati City at Clark International Airport (CIA). Magiging 55 minuto na lamang ang travel time sa bahaging ito mula sa dating dalawa (3) hanggang tatlong (3) oras ng paglalakbay.
Ang ikatlong (3) bahagi ay ang PNR Calamba na may habang 56 na kilometro kung saan ang train ay magmumula sa Solis Street sa Tondo, Manila papuntang Calamba sa Laguna. Tinatayang ang travel time ay magiging isang (1) oras na lamang mula sa dating apat (4) na oras.
Nagkakahalaga ng P777.55 billion ang kabuohang proyekto. Itatayo ang NSCR na may habang 147 kilometer sa double-track fully elevated railway system na siyang magdudugtong sa Region III (Central Luzon), National Capital Region (NCR), at Region IV-A (CALABARZON). Magkakaron din ito ng seamless transfer stations mula sa LRT 1, LRT 2, at MRT 3 kasama rin ang gagawing Metro Manila Subway.
Babagtas ito sa 28 lungsod at bayan sa rehiyon ng Central Luzon, Metro Manila at CALABARZON at magkakaron ng 37 na estasyon. Inaasahang milyon na pasahero ang makakasakay dito. LASACMAR
NAG-DONATE ang China ng $200,000, o P10.2 million, sa Pilipinas bilang suporta sa Tropical Storm Agaton relief operations ng bansa.
ANG “house-to-house/person-to-person” na pangangampanya ng mga taga-suporta ng tambalang Robredo-Pangilinan ay ang “tunay na mukha ng pagkakaisa,” ayon kay dating senador Antonio Trillanes.
THE most intense film training ever… You won’t believe the training each actor had to go through!
WALANG ng extension sa pagpa-file ng taunang income tax returns ngayon taon, ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
UMAPELA ng pag-unawa ang Philippine Consulate General sa New York sa mga Pilipinong botante doon kasunod delay sa shipment ng election paraphernalia mula sa Pilipinas.
SI WORLD No. 5 pole vaulter Ernest John Obiena ang tatayong flag-bearer ng Team Philippines sa opening ceremony ng 31st Southeast Asian Games sa MNy Dinh National Stadium sa Hanoi, Vietnam.
KAARAWAN ni Kim Chiu kahapon, April 19.
TINULIGSA ni Presidente Rodrigo Duterte ang mayayamang mga bansa na siyang dapat magbayad sa mga dinaranas ng developing nations tulad ng Pilipinas sa epekto ng climate change.