• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

Casimero-Butler fight kanselado uli

Posted on: April 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING  mauudlot ang laban nina reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero at Paul Butler sa Abril 23 na gaganapin sana sa M&S Bank Arena sa Liverpool, England.

 

 

Ito ay matapos lumabag si Casimero sa patakaran ng British Boxing Board of Control (BBBC) kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng sauna ilang araw bago ang laban.

 

 

Ayon sa patakaran ng BBBC, hindi pinapayagan ang sinumang boksingero na gumamit ng sauna upang mabawasan ang timbang nito bago ang official weigh in ng laban.

 

 

Mismong si Casimero ang nagpost sa kanyang YouTube account na nasa sauna ito matapos duma­ting sa England noong nakaraang linggo.

 

 

Wala na ang video sa kanyang account.

 

 

Nagpadala na ng sulat ang BBBC sa mga organizers.

 

 

“This is against the BBBofC’s medical guidelines and therefore we cannot permit him to compete in the proposed contest on Friday,” ayon sa sulat ng BBBC na nilagdaan ni General Secretary Robert Smith.

 

 

Nakasaad pa sa sulat na nagulat ang BBBC sa mabilis na pagbabawas ng timbang ng Pinoy cham­pion gayong tatlong araw pa lamang itong namamalagi sa England.

 

 

Pinagpapaliwanag ng BBBC ang kampo ni Casimero para sagutin ang isyu.

 

 

Dahil dito, posibleng mahubaran ng korona si Casimero dahil ito ang ikalawang pagkakataon na mauudlot ang laban.

₱40B COVID-19 vaccines, maaaring masayang dahil sa mababang vax turnout — Concepcion

Posted on: April 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA si Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na may ₱40 bilyong halaga ng COVID-19 vaccine doses ang malapit nang mapaso’ o ma-expire at masayang lamang bunsod ng mababang immunization turnout.

 

 

“Yes, I’m told the cost of all of these vaccines amount to ₱40 billion.” Concepcion said in a public briefing. “Siyempre iba diyan dinonate ng COVAX facility, so wala naman bayad tayo diyan. I think it’s about, If I’m not mistaken, about 30 million vaccines.”ayon kay Concepcion.

 

 

“Aside from ‘yung pera na bilyon ang masasayang, syempre ‘yung mga vaccines na that will be available at that time, mas kakaunti,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Siyempre, you cannot use an expired vaccine.”

 

 

Matatandaang sinabi ni Concepcion na may 27 milyong bakuna na binili ng gobyerno at pribadong sektor ang nakatakdang ma-expire sa Hulyo.

 

 

Ang halaga ng perang masasayang dahil dito ay ₱13 bilyong piso.

 

 

“As of April 18,” makikita sa data ng pamahalaan na may kabuuang 114.78 milyong indibiduwal ang nabakunahan laban sa COVID-19. sa nasabing bilang, 72.01 milyon ang nakatanggap ng one dose; 66.97 milyon naman ang fully vaccinated; at 12.68 milyon ang nakatanggap ng booster shots.

 

 

Dahil dito, hinikayat ni Concepcion ang publiko na magpabakuna na upang mapanatili ang “wall of immunity” sa bansa.

 

 

“We are trying not just to save these vaccines from getting wasted, but what’s more important is we are trying to save yung economy natin,” ayon kay Concepcion. (Daris Jose)

100M jabs na stockpile, sapat para sa 2022 vax ops- Galvez

Posted on: April 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SAPAT pa rin ang natitirang 100 milyong coronavirus vaccine doses na stockpile para sa vaccination operations ngayong taon.

 

 

“We are confident we can distribute and administer these 100 million doses this year,” ayon kay National Task Force (NTF) against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr.

 

 

Aniya, ang natitirang stockpile na 10 milyong doses ay gagamitin sa pediatric age groups, 60 milyong doses bilang booster shots, 1.8 milyong doses para sa mga lolo’t lola o senior citizens at 24 milyong doses para sa fourth dose o second booster shots.

 

 

“Part of our strategy is that those we have procured from last year, it can suffice to 2022,” dagdag na pahayag ni Galvez.

 

 

Nauna rito, nakapaglaan ang pamahalaan ng P45.3 bilyong piso para sa pagbili ng Covid-19 vaccine booster shots para ngayong taon.

 

 

“Hindi na po natin nagamit yun sa ngayong year dahil napababa po naitn ang presyo ng vaccine during our first negotiation,” aniya pa rin.

 

 

“’Yung savings po natin ay nagagamit natin sa 2022 vaccination,” dagdag na pahayag ni Galvez.

 

 

Ang 144 million doses programmed para sa nakalipas na taon ay nagamit na kung saan 66.9 milyong katao ang nakatanggap ng dalawang primary series at 12.5 milyon naman ang nabigyan ng booster shots habang 5.1 milyong indibidwal ang naghihintay para sa kanilang second doses.

 

 

Ani Galvez, ang inilaang P45.3 bilyong piso ay multi-lateral loans ng pamahalaan sa Asian Development Bank (ADB), World Bank, at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

 

 

“Considering also that next administration will take over, we intended not to use this P45 billion since the remaining 100 million doses in the stockpile can sufficiently—suffice the 2022 vaccination,” ayon kay Galvez.

 

 

Samantala, sinabi ni Galvez na nakabili na ang administrasyong Duterte ng kinakailangang bilang ng vaccine supplies needed para sa vaccination program ngayong taon.

 

 

“Para po wala ng problema ang next administration,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Tennis star Maria Sharapova, buntis na

Posted on: April 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG  ibinahagi ng five-time Grand Slam tennis champion Maria Sharapova na ito ay buntis na.

 

 

Sa kanyang social media account ay isinagawa ang anunsiyo kasabay ng kaniyang ika-35 na kaarawan.

 

 

Magugunitang noong Pebrero 2020 ay nagretiro na sa paglalaro ng tennis ang Russian tennis player.

 

 

Inanunsiyo rin nito noong Disyembre 2020 ang kaniyang engagement sa British businessman Alexander Gilkes.

Bagong number coding scheme pinag-aaralan

Posted on: April 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

May bagong number coding scheme ang pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipapatupad kung saan dalawang (2) araw sa isang (1) linggo na bawal ang pribadong sasakyan na lumabas sa mga lansangan.

 

 

Inihayag ito ni MMDA chairman Romando Aries sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng President Duterte’s Talk to the People na pinalabas noong nakaraang linggo.

 

 

Ayon kay Aries ay may tatlo (3) silang pinag-aaralan na mungkahi para sa number coding scheme na ipapatupad. “This will reduce the number of cars on the road by 40 percent,” wika ni Artes.

 

 

Ayon sa number coding scheme na ipapatupad ng MMDA, ang mga sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa 1 at 2 ay hindi papayagan na lumabas sa lansangan ng Lunes at Miyerkules; 3 at 4 ng Lunes at Huwebes; 5 at 6 ng Martes at Huwebes; 7 at 8 ng Martes at Biyernes; habang ang 9 at 0 ay bawal ng Miyerkules at Biyernes. Ang number coding scheme ay epektibo mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

 

 

Habang ang mga pampublikong sasakyan kasama ang technology at app-based transportation network vehicle services ay exempted naman sa number coding scheme na gagawin.

 

 

“The target date is on May 1, but it may be adjusted to May 16 because this is in preparation for the upcoming return of classes in June. From the moderate to heavy, we are expecting the traffic flow on roads to be light to moderate, and that the traffic would be smoother,” dagdag ni Artes.

 

 

Tinitingan din ng MMDA ang mungkahi ng odd-even scheme kung saan ang mga sasakyan na may license plates na nagtatapos sa odd numbers ay hindi papayagan na lumabas at tumakbo ng Lunes at Huwebes habang ang may license plates na nagtatapos sa even numbers ay bawal naman na lumabas kada Martes at Biyernes.

 

 

Sa scheme na ito, ang odd-even rule ay hindi ipapatupad tuwing Miyerkules. Ayon sa paraang ito, ang presence ng mga sasakyan sa Metro Manila ay inaasahang mababawasan ng 50 percent.

 

 

Sa ngayon, ang number coding scheme ay bawal ang mga pribadong sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa 1 at 2 ay bawal tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes habang ang 9 at 0 ay bawal tuwing Biyernes. Sa ngayon na number coding scheme, ang dami ng sasakyan sa lansangan ng Metro Manila ay nababawasan lamang ng 20 percent. LASACMAR

Nominasyon para sa mga mahuhusay na barangay, lingkod barangay sa Bulacan, simula na

Posted on: April 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA na ng nominasyon para sa mga natatanging barangay at lingkod barangay sa Bulacan para sa nalalapit na pagsasagawa ng ika-21 Gawad Galing Barangay (GGB) sa Disyembre 2022.

 

 

Ang Gawad Galing Barangay (GGB) ay isang proyekto sa ilalim ng programang Bulacan Awards Program for Barangay Innovation and Excellence (BAPBIE) na inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa bisa ng Panlalawigang Kautusan Blg. 03-T’06 bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga barangay sa kaunlaran ng lalawigan.

 

 

Nakapaloob sa taunang implementasyon ng proyektong ito ang pagpili at pagpaparangal sa kagalingan at kahusayan ng mga barangay mula sa tatlong kategorya: mga Natatanging Gawaing Pambarangay; Natatanging Lingkod Barangay kabilang ang mga Punong Barangay, Kagawad ng Barangay, Kalihim ng Barangay, at Ingat-Yaman ng Barangay; at Natatanging Volunteer Workers kabilang ang mga Barangay Tanod, Mother Leader, Lingkod Lingap sa Nayon, Barangay Health Worker, Barangay Training and Employment Coordinator at Volunteer Group  na maaaring Non-Government Organization, People’s Organization, Civic Organization at iba pa.

 

 

Hinihikayat ni Gob. Daniel R. Fernando na makilahok ang may 569 na barangay sa lalawigan maging ang mga nagwagi sa nakaraang parangal ng GGB.

 

 

“Bagaman pinakamaliit na yunit ng pamayanan ang mga barangay, hindi po natin matatawaran ang malaking kontribusyon ng mga makabuluhang program na isinasakatuparan sa lalong ikauunlad ng lalawigan. Bunsod nito, umaasa po ako na lahat ng ating mga barangay ay makikiisa sa gawaing ito,” ani Fernando.

 

 

Pagkakalooban ang mga magwawagi ng plake ng pagkilala at perang insentibo na P200,000 bawat isa sa limang Natatanging Gawaing Pambarangay; P50,000 sa Natatanging Punong Barangay at tig-P20,000 para sa Natatanging Kagawad ng Barangay, Natatanging Kalihim at Ingat-Yaman ng Barangay at sa mga Natatanging Volunteer Workers at Group.

 

 

Maaaring magsumite ng lahok hanggang sa Mayo 23, 2022. Para sa karagdagang impormasyon at pagsagot ng nomination form sa bawat kategorya, tumawag lamang sa Provincial Planning Development Office (PPDO) sa telepono bilang (044) 791 8176 o bumisita sa www.bulacan.gov.ph at www.facebook.com/gawadgalingbarangaybulacan. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PBA finals apektado ng sunog sa Big Dome

Posted on: April 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IMBES na sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum ay sa ibang venue lalaruin ang Game Six ng PBA Governors’ Cup Finals sa pagitan ng nagdedepensang Barangay Ginebra at Meralco.

 

 

Ito ay matapos pasukin ang venue ng makapal at mabahong usok mula sa sunog sa isang construction site na katabi ng Big Dome kahapon ng umaga.

 

 

Dahil sa insidente ay inilipat ng PBA Commissioner’s Office ang nasabing bakbakan ng Gin Kings at Bolts bukas sa MOA Arena sa Pasay City.

 

 

“Ayaw nating ipagsapalaran ang kaligtasan ng mga fans, ng mga players at mga game staff. Better safe than sorry,” sabi ni PBA Commissioner Willie Marcial.

 

 

Halos ala-1:10 na ng hapon naapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasabing sunog, subalit nanatili pa rin ang usok sa loob ng venue.

 

 

Posibleng umabot sa 20,000 ang bilang ng mga fans na gustong sumaksi sa inaasahang pagkopo ng Gin Kings sa korona mula sa hawak na 3-2 lead sa kanilang best-of-seven title series ng Bolts.

 

 

Umabot sa 18,251 live audience ang nanood sa 115-110 paggiba ng Ginebra sa Meralco sa Game Five noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Samantala, makukuha ng mga ticket holders ang kanilang refund sa Big Dome ticketing office.

 

 

Hindi rin tinapos ng liga ang knockout stage ng PBA 3×3 Second Confe­rence Grand Finals.

 

 

“For now suspended muna iyong Grand Finals natin because of what happened until further notice,” ani tournament director Joey Guanio.

 

 

“We’ll reschedule it for everybody to be prepared also.” Nasa quarterfinals na ang First Conference champions Limitless App, TNT Tropang Giga, Meralco at San Miguel na sasamahan ng apat pang koponan.

Rekonsiderasyon sa sinuspindeng oil search sa WPS, hiniling

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ng Department of Energy (DOE) ang rekonsiderasyon sa sinuspindeng oil exploration activities sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Ang pahayag na ito ay matapos na ang oil at gas firm PXP Energy Corp. ay inatasan na itigil ang kanilang exploration activities sa kanilang service contracts sa WPS hanggang sa makakuha ito ng clearance mula sa Security, Justice, and Peace Coordinating Council (SJPCC), isang government cluster na nangangasiwa sa political, diplomatic, at national security concerns.

 

 

“The DOE is still waiting for the decision on its requests for reconsideration,” ayon kay acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar.

 

 

Ipinag-utos kasi sa DOE, noong Abril 6, ang suspensyon ng PXP Energy’s exploration activities para sa Service Contracts 72 at 75, dalawang sites off Palawan province, nakabinbin naman ang SJPCC’s approval.

 

 

Ang clearance mula sa SJPCC ay isang pre-condition sa kahit na anumang oil exploration sa WPS, “given the political, diplomatic and national security implications of any activity in the strategic waters.”

 

 

Ang paliwanag pa ni Andanar, ang oil search ay ipinagpaliban bilang pagtalima sa desisyon ng SJPCC.

 

 

“The survey was held in abeyance because of the decision of the Security, Justice, and Peace [Coordinating] Cluster or SJPC[C] in the Cabinet,” ayon kay Andanar.

 

 

Gayunman, sinabi ni Andanar, na hiniling na ng DOE ang agarang pagpapatuloy ng mga aktibidad para i-explore at exploit ang resources sa WPS.

 

 

Tinukoy din nito na iginiit ng DOE na ang geographical survey sa WPS ay “perfectly legitimate activity.”

 

 

“The DOE already asked the SJPC to reconsider the decision and to immediately allow the survey. The DOE sought reconsideration on the ground that under international law, a geophysical survey is a perfectly legitimate activity in any disputed area,” ayon kay Andanar. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PH weightlifting team target na makakuha ng mahigit 2 gintong medalya

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Philippine weightlifting team na makakuha ng hindi bababa sa dalawang gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa darating na Mayo 12-23.

 

 

Pangungunahan ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang nasabing weightlifting team na magdedepensa ng kaniyang women’s 55 kg division.

 

 

Makakasama niya sa womens division sina Mary Flor Diaz para sa 45 kg, Rosegie Ramos para sa 49 kg, Margaret Colonia para sa 59 kg, Elreen Ann Ando para sa 64 kg, Vanessa Sarno para sa 71 kg at Kristel Macrohon para sa +71 kg.

 

 

Mangunguna naman sa men’s team si Olympian Nestor Colonia para sa 67 kgs kasama sina Fernando Agad Jr. para sa 55 kg, Rowel Garcia para sa 61 kg, Lemon Denmark Tarro para 73 kg, John Paul Padullo para sa 89 kg, at John Dexter Tabique para sa +89 kg.

 

 

Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na maaring magkaroon ng limang gold medal ang nasabing weightlifting team.

Tadtad na naman ng diamonds tulad nang nauna: REGINE, ‘di napigilang ipagmalaki ang pa-birthday na singsing ni SHARON

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KITANG-KITA nga ang kaligayahan ni Megastar Sharon Cuneta na muli niyang nakasama si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa naganap na presscon para sa pagbabalik ng Iconic concert.

 

 

Sa IG post ni Mega, “After 3 long years I finally got to see and spend time with my beloved Nana (Regine) yesterday during the presscon for our coming “ICONIC” concert happening on June 17 & 18 at the Marriott Grand Ballroom, Resorts World Manila.

 

 

“It was wonderful spending time with members of the press as Nana & I laughed and talked and shared our experiences over the 3 year period that we were apart. God bless you, everyone! I pray that you all stay safe and well.”

 

 

Dagdag pa niya, “New episode out now!
#IconicRWManila #Iconic.”

 

 

Sagot naman ni Regine, “Basta ate tandaan mo I love you kahit maging soon a superstitious belief na tayo.”

 

 

Na nireplyan naman ni Sharon ng, “@reginevalcasid Ahahahahahahahaha! Nanaaaaaaa!!! Sabi sayo paranormal experience muna tayo bago superstitious belief eh!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! I love you so much!!!”

 

 

Sa IG post naman ni Regine, hindi talaga napigilang ipagmalaki ang regalong singsing ni Mega na pinusuan ng netizens.

 

 

Say niya, “Ito na nga may pa berday ang ate ko na mahal na mahal ako!!!!!!  #yesmaysarilikamingmundo @sharoncunetanetwork thank you ate kong mahal na mahal ko @reallysharoncuneta.”

 

 

Kaya naman super react ang netizens sa pinost ni Regine sa pagiging generous ni Sharon sa kanyang nagiging malapit na kaibigan:

 

 

“Nakakarami na tong si Regine kay Mega lol. Sana all!”

 

 

“Tadtad na naman ng diamonds! Aba Regine nakapang budol ka na naman!”

 

 

“I know she also loves mega but it’s kind of awkward to say nothing about how you feel about the person. I don’t know… But this is just my take.”

 

 

“She said that mahal na mahal din niya si Mega. Ano ka diyan!”

 

 

“Super generous talaga si sharon sa friends nya kaya minsan na abuso ng iba. I remember comedian Chokoleit naging close kay sharon nung na raid yung car nya for tv show ang daming branded na bags sapatos basta ba lang daw binibigay ni sharon.”

 

 

“True. Kaya nga unfair na ginamit un special child issue sa kanya. Issue na di naman kinagat. Si Sharon 90s pa lang tumutulong na sa simbahan, special children, etc. Sa Yolanda siya lang nagbigay 10M cold cash. Di na nagpa-donation drive o benta ng lumang damit. Si KC nagbigay 5M cash.”

 

 

“That donation is tax write off naman. Kesa ibayad mo sa tax, I-donate mo na lang. Nakatulong ka pa! Smart Mega! Very helpful pa!”

 

 

“Nauna siyang tumulong! You can never twist the story. Di ganun si Mega! Sadyang matulungin siya!”

 

 

“Mukhang generous nga tlaga c Mega medyo brat at pabebe pero kunting preno lang sa socmed at ok nman sya.”

 

 

“She is! Very generous she helps our animal shelter. Social media just ruined her reputation but she’s a good person above all.”

 

 

“Leave her alone. Don’t follow her if you don’t like her. It’s as easy as that!”

 

 

Pabirong sabi pa ng isang netizen, “Mukhang bubuohin ni Ate Shawie ang mga daliri sa kamay ni Ate Reg! Walo na lang guys!”

 

 

At may nag-wish pa ng, “Sana gawan naman sila ng movie together! Kesa concert na wala namang makakaalala after 10 years!”

(ROHN ROMULO)