• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

House-to-house vaccinations ‘di pa rin nakakadagdag sa bilang ng mga nabakunahan – DOH

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
Patuloy na nahihirapan ang gobyerno sa pagbabakuna ng mas maraming indibidwal para sa COVID-19 kahit na bahay-bahay na ang kampanya.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, bagama’t naging matagumpay ang departamento sa mga lugar na may mataas na bilang ng mga naturukan, kailangan pa rin nitong gumamit ng higit pang mga estratehiya upang madagdagan ang mga pagbabakuna sa ibang mga lugar na may mababang turn-out.
Aniya, lahat ng areas sa bansa ay nag-house-to-house kung saan ang latest special vaccinations days ay ginawa sa Negros Occidental, Negros Oriental, buong Region 2.
Dagdag pa nito na frustrations ng ibang health care workers ay madaming pumunta, nag-house-to-house ngunit kaunti lang ang nagpapabakuna.
Magkakaroon ng mga espesyal na lugar ng pagbabakuna sa rehiyon ng Bangsamoro, na may mababang saklaw ng bakuna.

Mga pulis na may mga kamag-anak na kandidato sa May 2022 polls ni ‘re-assign’ sa ibang lugar – PNP chief

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN  na ng Philippine National Police (PNP) ang pag re-assign sa kanilang mga Police personnel na may mga kamag-anak na kandidato sa May 2022 national and local elections.

 

 

Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, ang nasabing hakbang ay para maiwasan na masangkot sa partisan politics ang kapulisan.

 

 

Sinabi pa ni PNP chief na kanilang hinimok ang kanilang mga personnel na ideklara kung may mga kamag-anak silang tumatakbo sa halalan subalit yung mga hindi nagdeklara ay ire-relieved sa kanilang pwesto.

 

 

Inihayag din ni PNP chief na nasa 16,000 police personnel ang sumasailalim ngayong sa training para magsilbing dagdag pwersa sa ground para sa nalalapit na halalan.

 

 

Idi-deploy din ng PNP ang kanilang mga administrative staff para tumulong sa pagbibigay seguridad.

 

 

Siniguro ni Carlos na 100 percent handa na ang PNP sa pagbibigay seguridad sa May 9,2022 elections. (Daris Jose)

Mga dumalo sa 57th birthday campaign rally ni Robredo umabot sa mahigit 420-K

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO sa mahigit 420,000 bilang ng mga indibidwal na dumalo sa ginanap na campaign rally kasabay ng selebrasyon ng ika-57 kaarawan ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.

 

 

Ayon sa local event organizers ng naturang rally, umabot sa 420,000 ang kabuuang bilang ng mga tagasuporta ni Robredo ang dumalo sa #ArawNa10to rally na ginanap sa Macapagal Avenue sa Pasay City.

 

 

Sabay na hinarap ito ng tambalan nina Robredo at Sen. Kiko Pangilinan kasama rin ang iba pang mga personalidad na sumusuporta sa kanila.

 

 

Present dito ang tatlong anak ng bise presidente na sina Aika, Jillian, at Tricia Robredo, gayundin sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Janno Gibbs, at iba pang artista tulad nina Julia Barretto, Angel Locsin, Jolina Magdangal, Rivermaya, Ben & Ben, APO Hiking Society, Maricel Soriano, Gab Valenciano, at ama nitong si Gary Valenciano. Mahigit 50 bilang ng celebrities ang nakiisa at naging highlight ang ng endorso sa kanya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

 

 

Dito ay isa-isa rin na inilatag ng Leni-Kiko tandem ang kani-kanilang plataporma, panawagan, at layunin para sa bayan.

 

 

Samantala, magugunita na nakapagtala rin ang kampo ni Robredo ng nasa 220,000 na mga tagasuportang dumalo sa ginanap na campaign rally nito sa Pampanga. (Daris Jose)

6 nalambat sa P387K shabu sa Navotas

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang anim na drug suspects, kabilang ang dalawang high value individual (HVI) ang matapos makuhanan ng halos P.4 milyon halaga ng shabu makaraang matiklo sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

 

 

Ayon kay Northern Police District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLt. Col. Renato Castillo, dakong alas-10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ng buy bust operation sa Lapu-Lapu Avenue, Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas City.

 

 

 

Timbog sa operation sina Jomar Juco alyas “Jake”, 33, (HVI) ng Tondo Manila at Rocel Enriquez , 30, (HVI) ng Brgy. NBBS matapos bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang police poseur buyer na nagawang makipagtransaksyon sa kanila ng iligal na droga.

 

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong medium transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P340,000 at buy bust money na isang tunay na P500 at anim P1,000 boodle money.

 

 

Dakong alas-2:15 ng madaling araw nang madakma naman ng mga operatiba ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Luis Rufo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col  Dexter Ollaging sa buy bust operation sa Badeo 4, Brgy. San Roque ang magkapatid na Orlando Alarcon alyas”Olan Bato”, 42 at Osmond Alarcon alyas “Bunso”, 30.

 

 

 

Nakumpiska sa  magkapatid ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may standar drug price P34,000 at P 300 buy bust money.

 

 

 

Nauna rito, natimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa J Roldan St., Brgy. San Roque dakong alas-11 ng gabi sina Ronnel Salas alyas “Ani”, 35 at Arturo Batac alyas”Popoy”, 51 kung saan nakuha sa kanila ang nasa 2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,600, P300 marked money at P300 cash.

 

 

 

Ang matagumpay na drug operation ng DDEU-NPD at Navotas SDEU ay sa pamamagitan ng patnubay at suporta ni NPD Director PBGEN Ulysses Gasmen Cruz upang mapigilan ang pagkalat ng iligal na droga area ng Camanava at ang epekto nito. (Richard Mesa)

Tyson Fury napanatili ang WBC heavyweight crown sa panalo vs Dillian Whyte sa harap ng 94,000 record fans

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPANATILI  ni Tyson Fury ang pagiging World Boxing Council (WBC) heavyweight champion matapos pabagsakin sa sixth round si Dillian Whyte sa harap ng 94,000 fans na nanood sa Wembley Stadium sa London.

 

 

Ang naturang crowd ay record breaking bilang highest attendance sa isang boxing match sa Europe at pinakamarami sa buong mundo.

 

 

Muli na namang nagpakita ng kanyang masterclass performance si Fury sa itaas ng ring na siya pa rin ang best fighter sa heavyweight division ngayong panahon.

 

 

Mula sa first round ay makikitang “outmatched at outclassed” ni Fury ang kanya ring kababayan na mula sa UK na mandatory challenger.

 

 

Pagsapit ng sixth round, halatang medyo desperado na sa kanyang diskarte si Whyte na pagod na rin at nakakailag sa kanyang pinakakawalang pamatay na suntok ang kampeon.

 

 

Ilang sandali pa, nagpakawala ng kanan na uppercut si Fury na siyang nagpabagsak kay Whyte na una ang kanyang likuran sa lona sa oras na 2:59.

 

 

Nagawa pang makatayo ni Whyte pero naghudyat na ang referee na itigil na ang laban.

 

 

Batay sa statistics tumama ang 76 mula sa 243 na total punches na pinakawalan ni Fury, habang 29 lamang out of 171 ang kay Whyte.

 

 

Sa ngayon ang record ni Fury ay lalo pang umangat sa 32-0-2, (23KOs) samantalang 28-3 (19KOs) naman si Whyte.

Ads April 25, 2022

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Advocacy niya ang autism awareness and detection: HERLENE, pasok na sa official list of candidates ng ‘Binibining Pilipinas 2022’

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KABILANG na si Herlene  “Hipon Girl” Budol, sa official list ng 40 candidates para sa Binibining Pilipinas 2022.

 

 

Teary-eyed si Herlene nang tawagin ang number 67 na number niya sa final screening ng beauty pageant.

 

 

Ang layo na nga ng narating ng comedianne at former Wowowin host, matapos ang maraming intrigang kanyang pinagdaanan, kaya speechless siya at napaiyak nang marinig na tinawag ang name niya, habang nagdarasal siya, kaya nagpasalamat siya na sinagot ang dasal niya.

 

 

   “Sana mahalin nyo ako bilang Hipon Girl, na doon ninyo ako nakilala, ipinapangako ko na hindi ako magbabago at hindi lalaki ang ulo ko.  Maraming-maraming salamat sa inyo, sa aking family, at lahat ng mga taong nagtiwala, nag-guide at sumuporta sa akin.”

 

 

Herlene will advocate autism awareness and detection for her Binibining Pilipinas stint.  Pinauna na rin ni Herlene na hindi niya ipu-push ang sarili na magsalita ng English during the question and answer portion of the pageant, sa halip gagamitin niya ang Filipino language.

 

 

Bago ang beauty pageant, mapapanood muna si Herlene, with Buboy Villar sa GMA Telebabad, na False Positive, starring Glaiza de Castro and Xian Lim, simula sa May 2 after First Lady sa GMA-7.

 

 

***

 

 

THANKFUL si Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa GMA Network, sa patuloy na pagtitiwala nila sa kanyang kakayahan at hindi siya pinababayaang mawalan ng trabaho.

 

 

Kaya naman she cut short her US vacation at iniwan doon ang husband niyang si Gerald Sibayan, nang dumating ang offer sa kanya ang Raising Mamay, na very challenging role para sa kanya.

 

 

      “Isang mahirap na role ito, but fulfilling para sa akin,” sabi ni Ai Ai.

 

 

“Mag-ina kami ni Shayne Sava (StarStruck 7 Ultimate Female Winner), magkakaroon ako ng aksidente, na nag-result sa regression ng pag-iisip ko.  Naging batang-ina ako, at parang naging nanay ko si Shayne na siyang nag-alaga sa akin.”

 

 

For Shayne naman, marami raw siyang natutunan simula pa lamang nung first day ng lock-in taping nila.

 

 

“Thankful po ako kay Mamay (Ai Ai), dahil araw-araw ang dami kong natutunan sa kanya dahil most of the scenes, magkasama kami. Pero ang lesson sa story, don’t be judgmental sa kapansanan ng isang tao.”

 

 

Balik-tambalan sina Shayne at Abdul Raman, na unang napanood sa Legal Wives.  Ayon kay Abdul, ang dami niyang natutunan nang makasama ang mga veteran actors sa serye, na hindi raw siya umaalis kahit tapos na ang eksena niya, dahil nanonood pa siya ng mga susunod na eksena ng mga kasama niya.

 

 

Today, April 25, ang world premiere ng Raising Mamay, 3:25PM, after ng Prima Donnas, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NAIINTRIGA agad sina Kylie Padilla at Julie Anne San Jose, dahil kay Rayver Cruz.

 

 

Nagagalit ang mga fans ni Julie Anne kay Rayver dahil bakit daw girlfriend na nito ang idol nila, nakikipagmabutihan pa rin siya kay Kylie?

 

 

Sana’y maging open-minded ang mga fans ng JulieVer, na trabaho lamang iyon kay Rayver, dahil sila ni Kylie ang lead stars, with Jak Roberto, sa coming GMA teleserye na Bolera, na malapit nang mapanood.

 

 

May mga netizens namang nagsasabi na may chemistry sina Rayver at Kylie, kaya excited na silang mapanood ang dalawa sa first serye tungkol sa paglalaro ng billiard, na isang babae ang magiging billiard champion.

(NORA V. CALDERON)

Pinusuan ng netizens at celebrity friends: ANGELICA, proud na binalandra ang kanyang baby bump

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINALANDRA na ni Angelica Panganiban ang kanyang baby bump sa latest post niya sa social media.

 

 

Nasa beach si Angelica kasama ang kanyang baby daddy na si Gregg Homan sa naturang photo na may caption na “Baby Moon”.

 

 

Pinusuan ng maraming netizen ang pinost na ito ng aktres kabilang na ang mga kaibigan sa showbiz.

 

 

Blooming nga raw si Angelica at bagay dito ang pagbubuntis niya.

 

 

Comment ni Janine Gutierrez: “Ang ganda ganda mo.”

 

 

“Pretty momma” naman ang comment ni Bela Padilla. 

 

 

Napatili naman si KC Concepcion ng: “Ayyyyy!!!!! Ano ba yan kakakilig naman yan! So happy for you!”

 

 

Enjoy nga raw si Angelica sa kanyang pagbubuntis dahil bagong journey daw ito sa kanyang buhay.

 

 

“Napakatagal kong hinintay ito at wala naman akong pinaganarap kung hindi maging isang ina. So ngayong dumating na siya, ito na ang role na gusto kong gampanan. ‘Yun naman muna siguro ang gagawin ko. I’m sure naiintindihan ako ng mga boss, sobrang supportive nila sa akin.

 

 

Napaka-suwerte ko na dumating siya sa tamang tao, sa tamang timing, tamang mga tao ang mga nasa paligid ko para intindihin at suportahan ako sa maganda, bagong journey at bagong chapter ng buhay ko.”

 

 

***

 

 

TINAPOS na ng beauty queen na si Roxie Smith ang kanyang pageant journey at ang pag-aartista na gusto niyang pasukin.

 

 

Kasama si Roxie sa 17 new faces na ni-launch kamakailan ng Sparkle GMA Artist Center.

 

 

Si Roxie Smith ay si Roxanne Allison Agnaonao Baeyens, Filipino-Belgian na nanalo bilang Miss Philippine Earth 2020 sa pamamagitan ng virtual pageant. Noong 2019 ay nakoronahan siya bilang Face of Tourism Philippines.

 

 

“‘Yun ‘yung saya na nabibigay ng isang artista. ‘Yun ‘yung nakikita kong para siyang service and that’s how I want to live my life. Live my life of service. Gusto kong magpasaya ng tao sa pag-aarte.”

 

 

Inamin ni Roxie na kahit na bihasa na siya sa pageant at paggawa ng TV commercials, kinabahan pa rin daw siya sa pag-audition sa Sparkle.

 

 

“Bago po ako mag-audition sa Sparkle, I was actually discovered through pageantry. I was also into commercial, doon po ako na-develop. And nag-teatro rin po ako. Pero noong humarap na po ako kina Mr. M, kinabahan pa rin ako. Sabi nila, okey daw yung may kaba ka pa dahil hindi ka-overconfident.”

 

 

Looking forward si Roxie na makagawa ng mga malalaking teleserye kunsaan makakasama niya ang mga big Kapuso stars.

 

 

“Aside from acting, gusto ko rin po ‘yung hosting. Gusto ko pong mag-host ng talk show, game show at kahit musical variety show. Open po ako sa lahat ng puwede kong gawin ngayon as a Sparkle artist.”

 

 

***

 

 

NAGWAGI bilang best actor sa 19th Asian Film Awards in Rome, Italy ang aktor na si Vince Rillon para sa 2021 crime drama film ni Brillante Mendoza na Resbak.

 

 

Hindi makapaniwala si Vince na siya ang tinanghal na best actor dahil hindi niya ito inaasahan na mangyari.

 

 

“Nu’ng nasa Rome ako, hindi ko ma-feel noong nanalo ako. Speechless ako noong nanalo ako. Noong umuwi ako dito sa Pilipinas, doon ko lang naramdaman. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko ma-explain ‘yung nararamdaman ko sa saya. Ang alam ko lang, sobrang saya ako.

 

 

“Nung tinawag akong best actor, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagpasalamat ako sa team ng ‘Resbak’ at kay direk Brillante, na manager ko din. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Para akong nabigla. Na-shock talaga ako. Na-realize ko, napaka-blessed ko nu’ng araw na ‘yun.”

 

 

Ka-tie naman ni Vince for best actor ay si Christian Bables para sa pelikulang Big Night ni Jun Lana.

 

 

Isa sa unang ginawa ni Vince noong makarating ang team nila sa Rome ay ang magpunta sa Vatican City para magdasal.

 

 

“Nakapunta ako sa Rome, nakapagdasal ako sa Vatican, so doon pa lang thankful na ako kay Lord. Blessed na talaga ako. Nagpasalamat ako kay Lord dahil pangarap ko rin talagang makapasok sa simbahang ‘yun.”

 

 

Marami pa raw gustong gawing roles si Vince tulad ang mag-action. Ngayon kasi ay nalilinya siya sa mga sexy movies sa Vivamax.

 

 

“Gusto kong mag-action soon, hindi pagpapa-sexy lang. Although nag-enjoy pa ako sa pagpapa-sexy. Hindi ko iniisip ang future sa lahat ng gusto kong gawin.

 

 

Kung ano ang binibigay sa aking projects, umooo lang ako agad. Pero gusto ko talagang gumawa ng action.”

 

 

Napanood si Vince sa sexy film na Sisid kunsaan kasama niya sina Paolo Gumabao, Kylie Verzosa and Christine Bermas. At ang latest niya ang Kaliwaan kasama si AJ Raval.

(RUEL MENDOZA)

Naka-support pa rin at ipinagmamalaki… JAKE, inamin sa IG post na totoong hiwalay na sila ni KYLIE

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINAPOS na nga ni Jake Cuenca ang pinag-uusapan na break-up nila ng beauty queen turned actress si Kylie Versoza.

 

 

Sa kanyang Instagram post, inamin na nga ni Jake na totoong hiwalay na sila ni Kylie.

 

 

Kasama ang dalawang photos, una rito ang  miniature nila ni Kylie kasama ang two pet dogs nila at ang pangalawa at magka-holding hands pa sila.

 

 

Nilagyan ng caption ng aktor, “This was us.

 

 

“I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. These past 3 years of my life have certainly been the best. I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways.

 

 

“I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger we both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness no anger and no regrets only the good memories. certainly that’s what I will be holding on to.

 

 

“I will still be here to support you because in so many ways I feel a part of your journey and I will always pray for your success. I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it, as friends.

 

 

“Wherever you are or what ever you’re doing I will always be sending you love and positivity. Know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie.”

 

 

Nagsimulang maghinala ang netizens na hiwalay na ang showbiz couple nang mag-tweet si Kylie ng salitang “Broken” noong April 17.

 

 

Napaiyak naman ang beauty queen sa segment ng It’s Showtime na “Sexy Babe” nang pag-usapan ang tungkol sa hiwalayan.

 

 

Tila sumagot naman si Jake sa kanyang sunud-sunod na IG Story na caption na, “I wish I could wipe away your tears…”

 

 

Huling post niya ang photo ng isang bandage na may caption na “i will try to fix you..” Na obviously, hindi na niya nagawang I-save pa ang kanilang relasyon.

 

 

Nang tingnan namin ang IG ni Kylie, mukhang tuloy lang ang buhay kahit may pinagdaraanan, kaya todo-promote na lang siya ng latest Vivamax Original na Ikaw lang Ang Mahal na kung saan makakatambal niya si Zanjoe Marudo, streaming na ito sa May 20.

 

 

Say ng netizens na maraming talagang nalungkot at nanghinayang dahil bagay na bagay daw ang dalawa, mukhang si Jake daw ang nag-fall out of love.

 

 

May nag-comment din na hindi kaya isa sa dahilan ng paghihiwalay ay ang ginagawang pagpapa-sexy ni Kylie sa Vivamax movies?

 

 

***

 

 

KASAMANG tumindig ng ‘Makatizens for Leni-Kiko’ ang dating Makati District 1 Congresman at ngayon ay tumatakbong senador na si Monsour Del Rosario.

 

 

Sa Makatindig Grand Assembly Walk nitong umaga ng Sabado, Abril 23, nakiisa si Del Rosario sa mga supporters nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa kanilang paglalakad mula Ayala Triangle Gardens hanggang Osmena Highway, bago tumulak sa caravan papuntang Macapagal Boulevard, Pasay City, kung saan ginanap ang NCR Grand Rally ng Leni-Kiko team.

 

 

“Nakakataba ng puso na makitang nagkakaisa ng mga tao para sa isang layunin na mapabuti at mapaganda ang ating bansa. Tingin ko hindi lang basta pagkakataon itong pagkakasama ko sa 1Sambayan na sumusuporta sa Leni-Kiko tandem.    “Nakatadhana ito dahil ang layunin ko sa aking pagtakbo bilang senador at ang layunin ng mga taong sumusuporta sa 1Sambayan at sa Leni-Kiko tandem ay iisa. Pare-pareho ang hangarin namin na maiangat ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng isang gobyernong tapat sa paninilbilhan sa tao,” wika ni Del Rosario.

 

 

Si Del Rosario ay bahagi ng Partido Reporma, ngunit kamakailan ay napabilang na rin siya 1Sambayan senatorial slate na kadikit ng Leni-Kiko tandem. Bagamat hindi bahagi ng opisyal na “Tropang Angat” senatorial slate nina Leni-Kiko, nananatiling buo ang pagsuporta ni Del Rosario sa tandem at sa mga adhikain nito para sa bansa.

 

 

“Kami sa 1Sambayan, ang ino-offer namin sa publiko ay isang alternative na listahan ng mga senador. Kahit na yung iba sa amin ay hindi bahagi ng official na endorsed senatorial slate, kami ay sure na sure na 100% ang suporta namin kina VP Leni Robredo at Sen Kiko Pangilinan.

 

 

Gusto kong ipaalala sa ating mga kakabayan kung gaano kahalaga ang pagboto sa mga senador na buo ang suporta sa pinipili nilang presidente at bise presidente. Pagdating ng panahon, kaming mga senador ang magiging kaagapay ng presidente sa pagpatupad ng mga batas na kakailanganin natin para mapaunlad ang bansa at maiangat ang buhay ng lahat ng Pilipino.

 

 

Kaya hinihikayat ko ang ating mga kababayan na pumili ng mga senador na tunay na kaalyado ng presidente,” dagdag ni Del Rosario.

(ROHN ROMULO) 

Disney & Pixar’s ‘Lightyear’ Unveils Out-of-this-World Trailer/Marvel Studios’ Releases ‘Thor: Love and Thunder’ Trailer & Poster

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CHECK out a new trailer below for Disney and Pixar’s Lightyear, revealing new details about the upcoming sci-fi action adventure: https://www.youtube.com/watch?v=7qdbsWu2lJY

 

 

The definitive origin story of Buzz Lightyear, the hero who inspired the toy, “Lightyear” follows the legendary Space Ranger after he’s marooned on a hostile planet 4.2 million light-years from Earth alongside his commander and their crew.

 

 

As Buzz tries to find a way back home through space and time, he’s joined by a group of ambitious recruits and his charming robot companion cat, Sox. Complicating matters and threatening the mission is the arrival of Zurg, an imposing presence with an army of ruthless robots and a mysterious agenda. A new poster and images are also available.

 

 

The film features the voices of Chris Evans as accomplished Space Ranger Buzz Lightyear, Uzo Aduba as his commander and best friend Alisha Hawthorne and Peter Sohn as Sox. Keke Palmer, Taika Waititi and Dale Soules lend their voices to the Junior Zap Patrol’s Izzy Hawthorne, Mo Morrison and Darby Steel, respectively, and James Brolin can be heard as the enigmatic Zurg. The voice cast also includes Mary McDonald-Lewis as onboard computer I.V.A.N., Isiah Whitlock Jr. as Commander Burnside, Efren Ramirez as Airman Diaz, and Keira Hairston as Young Izzy. Directed by Angus MacLane (co-director “Finding Dory”), produced by Galyn Susman (“Toy Story That Time Forgot”) and featuring a score by award-winning composer Michael Giacchino (“The Batman,” “Up”), “Lightyear” opens in Philippine cinemas this June 2022.

 

 

***

 

 

A new trailer and poster are now available for Marvel Studios’ “Thor: Love and Thunder,” offering long-awaited clues to what’s in store for the God of Thunder.

 

 

(https://www.youtube.com/watch?v=D3JMP4s__DA)

 

 

The film finds Thor (Chris Hemsworth) on a journey unlike anything he’s ever faced – a quest for inner peace. But his retirement is interrupted by a galactic killer known as Gorr the God Butcher (Christian Bale), who seeks the extinction of the gods.

 

 

To combat the threat, Thor enlists the help of King Valkyrie (Tessa Thompson), Korg (Taika Waititi) and ex-girlfriend Jane Foster (Natalie Portman), who – to Thor’s surprise – inexplicably wields his magical hammer, Mjolnir, as the Mighty Thor.

 

 

Together, they embark upon a harrowing cosmic adventure to uncover the mystery of the God Butcher’s vengeance and stop him before it’s too late. Directed by Waititi (“Thor: Ragnarok,” “Jojo Rabbit”) and produced by Kevin Feige and Brad Winderbaum.

 

 

‘Thor: Love and Thunder’ opens in Philippine cinemas in July 2022!

(ROHN ROMULO)