MULING mauudlot ang laban nina reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero at Paul Butler sa Abril 23 na gaganapin sana sa M&S Bank Arena sa Liverpool, England.
Ito ay matapos lumabag si Casimero sa patakaran ng British Boxing Board of Control (BBBC) kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng sauna ilang araw bago ang laban.
Ayon sa patakaran ng BBBC, hindi pinapayagan ang sinumang boksingero na gumamit ng sauna upang mabawasan ang timbang nito bago ang official weigh in ng laban.
Mismong si Casimero ang nagpost sa kanyang YouTube account na nasa sauna ito matapos dumating sa England noong nakaraang linggo.
Wala na ang video sa kanyang account.
Nagpadala na ng sulat ang BBBC sa mga organizers.
“This is against the BBBofC’s medical guidelines and therefore we cannot permit him to compete in the proposed contest on Friday,” ayon sa sulat ng BBBC na nilagdaan ni General Secretary Robert Smith.
Nakasaad pa sa sulat na nagulat ang BBBC sa mabilis na pagbabawas ng timbang ng Pinoy champion gayong tatlong araw pa lamang itong namamalagi sa England.
Pinagpapaliwanag ng BBBC ang kampo ni Casimero para sagutin ang isyu.
Dahil dito, posibleng mahubaran ng korona si Casimero dahil ito ang ikalawang pagkakataon na mauudlot ang laban.
NAGBABALA si Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na may ₱40 bilyong halaga ng COVID-19 vaccine doses ang malapit nang mapaso’ o ma-expire at masayang lamang bunsod ng mababang immunization turnout.
SAPAT pa rin ang natitirang 100 milyong coronavirus vaccine doses na stockpile para sa vaccination operations ngayong taon.
MASAYANG ibinahagi ng five-time Grand Slam tennis champion Maria Sharapova na ito ay buntis na.
May bagong number coding scheme ang pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipapatupad kung saan dalawang (2) araw sa isang (1) linggo na bawal ang pribadong sasakyan na lumabas sa mga lansangan.
SIMULA na ng nominasyon para sa mga natatanging barangay at lingkod barangay sa Bulacan para sa nalalapit na pagsasagawa ng ika-21 Gawad Galing Barangay (GGB) sa Disyembre 2022.
IMBES na sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum ay sa ibang venue lalaruin ang Game Six ng PBA Governors’ Cup Finals sa pagitan ng nagdedepensang Barangay Ginebra at Meralco.