HALOS tatlong linggo na lamang bago ang halalan sa Mayo 9, pormal nang inindorso ng pinakamalaking political party sa Cebu province na One Cebu (1-Cebu) ang kandidatura ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nitong Martes ng hapon.
“One Cebu Party has the honor of announcing its decision to endorse the presidential bid of former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr,” ayon sa opisyal na pahayag ng One Cebu na nilagdaan ng kanilang pangulo na si Cebu Governor Gwendolyn F. Garcia.
Ang pag-endorso ng One-Cebu kay Marcos ay ilang linggo lamang matapos nilang i-endorso si vice presidential frontrunner Inday Sara Duterte nitong Pebrero 16.
Sinasabing ang Cebu ay itinuturing na may pinakamaraming botante o “vote-rich” na probinsya sa bansa na mayroong 3.2 milyong naka-rehistrong botante.
Ayon sa pahayag, ang pag-endorso kay Marcos ay matapos ang ilang linggo deliberasyon sa kanilang mga miyembro sa buong probinsya.
“The decision follows weeks of extensive consultation and discussion with provincial, municipal and barangay leaders in the 44 municipalities and 7 cities (including Mandaue City) of the Province of Cebu,” ayon sa pahayag ng partido.
Iginiit pa ng One Cebu na sigurado sila na ang pag-suporta sa BBM-Sara UniTeam ay tiyak na makatutulong sa mga Cebuano.
“We considered the differing opinions of party leaders advocating the causes of different presidential candidates, and have determined that the unity and strength of One Cebu, its ability to serve its constituents in the Province of Cebu, and ultimately, the interests of Cebuanos are best served if we unite behind the leadership of BBM as President, and as we have earlier announced, Mayor Sara Duterte as Vice-President,” dagdag pa ng pahayag ng One Cebu.
Pormal na isinagawa ang pag-anunsyo sa pag-endorso nila kay Marcos sa kanilang General Assembly sa Sky Hall ng SM Seaside City sa Cebu City.
Naniniwala ang ilang mga eksperto sa pulitika na ang endorsement ng One Cebu ay higit pang nagpalakas sa kandidatura ni BBM na kasalukuyang nangunguna rin sa lahat ng pre-poll surveys ng mga pinakarespetadong mga polling firms sa bansa tulad ng SWS, Pulse Asia , OCTA , Publicus, Laylo Research at marami pang iba.
Naniniwala rin ang maraming political analysts na maliban sa pag-endorso ng pinakamalaking political party sa bansa at patuloy na pamamayagpag ni Marcos sa lahat ng survey, halos nakatitiyak na ang panalo nito.
Ayon sa inisyal at unofficial na exit polls sa unang araw ng Overseas Absentee Voting, sinasabing landslide ang pagkapanalo ni Marcos sa mga vote-rich na bansa kung saan marami ang Pinoy na nagta-trabaho tulad ng Hongkong, UAE , Qatar at iba pa.
Bago ang One Cebu, nauna nang inindorso ng Barug Alang sa Kauswagan ug Demokrasya (BAKUD) ang BBM-Sara UniTeam nitong Enero 2022.
BAGSAK sa kalaboso ang pitong drug suspects, kabilang ang tatlong babae matapos makuhanan ng higit P87K halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.
KINUMPIRMA ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na imbitado siya sa coronation night ng 2022 Miss Universe Philippines sa April 30.
HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Roa Duterte na harapin sa public debate si Senador Richard Gordon kung hahamunin siya nito.
MAY plano raw ang Black Sheep Productions na igawa ng part two ng BL Series na Hello Stranger na pinagbidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara.
LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paglulunsad ng multi-sectoral anti-vote buying campaign sa Lalawigan ng Bulacan ngayong araw upang makatulong sa pagsugpo ng pamimili ng boto at masiguro ang maayos, mapayapa, patas at inklusibong halalan sa darating na nasyunal at lokal na botohan sa Mayo 9, 2022.
CHANNING Tatum takes on the role of Dash/Alan, the strikingly handsome model who graces the covers of Loretta Sage’s (Sandra Bullock) romance novels, in Paramount Pictures’ new romantic adventure The Lost City, showing in Philippine cinemas this April 20.
NAWALANG halaga career-high 21 points ni Kai Zachary Sotto sa pagtaob ng Adelaide 36ers laban sa Brisbane Bullets, 93-85, sa pagpapatuloy Lunes (Abril 11) ng gabi ng 44th Australia’s National Basketball League 2022 regular round sa Adelaide Entertainment Center.