TIYAK na pagpipiyestahan na naman ang kontrobersyal na sexy star na si AJ Raval (Death of a Girlfriend, Taya, Hugas) sa latest project niya, ang Vivamax Original Series na Iskandalo na mapapanood na simula sa Linggo, April 10.
Isang sikat na social media personality ang role na gagampanan ni AJ na masasangkot sa viral sex scandal at muli niyang makakasama si Sean de Guzman sa mga daring scenes at base sa trailers, bigay na bigay na naman ang dalawa sa hubaran.
Ayon kay AJ na wala raw siyang sex scandal at kung meron man, malamang kinuha lang ito sa mga nagawa niyang erotic films.
Pero aminado naman ang anak ni Jeric Raval na nasangkot na siya sa mga maiskandalong isyu at matapang naman niya itong hinarap.
Say pa nga niya, “wala na rin po akong masyadong pakialam. Wala rin po akong feelings.”
Pinag-usapan nga ang pagkaka-link niya kay Aljur Abrenica at hindi pa rin sila tinatantanan ng mga bashers. But in a way, ini-enjoy na lang niya, dahil ibig sabihin nung ay sikat na talaga, kaya palaging pinag-uusapan.
Samantala, aminado naman ang cult director na si Roman Perez, Jr. (Taya, House Tour, Hugas, Siklo) na may kaba pa rin siyang nararamdaman kapag may mga bago ng project na ipalalabas.
May pressure daw na mahigitan ang past projects, kaya pinagsisikapan niyang mapaganda at maging maayos ang kalalabasan.
Sey pa ni Direk Roman, “Swerte ko, magagaling ang artista na kasama ko. Tiyak solve ang viewers sa ‘Iskandalo.’ Kumpleto ito. May sex, may action, may suspense at drama.”
Makakasama rito nina AJ at Sean ang iba pang Viva Crushes na si Cindy Miranda (Adan, House Tour, Reroute), Ayanna Misola (Pornstar 2; Kinsenas, Katapusan), Angela Morena (X-Deal 2) at baguhang si Andrea Garcia.
Kasama pang magdadagdag din sa init ang dating FHM cover na si Jamilla Obispo.
Magsisimula ang kuwento ng Iskandalo sa pagkamatay ng isang sikat na batang artista na masasangkot sa isang viral sex scandal.
Siya ba’y nagpakamatay sa hiya? Foul play ba? Kung foul play, sino ang pumatay sa kanya? ‘Yan ang iimbestigahan ng isang determinadong lady cop at madidiskubre niyang mas malalim ang dahilan ng krimen at ng sex scandal na kasasangkutan ng matataas na tao sa lipunan.
Masusulit ng mga subscribers ng Vivamax ang kanilang panonood ng Iskandalo dahil 10-part series ito. Sampung linggong init at angas ang matutunghayan ng mga ka-Vivamax dahil ito ang scandal na hindi bawal!
Hindi nga magpapaawat si AJ sa series na ito, kaya’t hindi kataka-taka na siya na ngayon walang duda ang Pantasya ng Bayan ng kasalukuyang henerasyon.
Syempre, hindi magpapaiwan ang alindog ng mga baguhang sina Ayanna, Angela, at Andrea—kumbaga sa sakuna, Alert Level 5 ang kaseksihan na handa nilang ipakita!
Matic ‘to, maaadik tayo sa scandal na ‘to. At bakit hindi? Ito ang #ScandalNaHindiBawal
(ROHN ROMULO)
NAGKAISA rin ang Group of Seven industrialized Nation na magpataw pa ng mga panibagong kaparusahan laban sa Russia.
MAY nakikitang pag-asa si Under-23 Philippine football coach Norman Fegidero matapos na maisama sa grupo ang defendin champion na Vietnam para sa 30th Southeast Asian Game sa darating Mayo sa Hanoi, Vietnam.
TODAS ang isang 20-anyos na binata matapos paulanan ng bala ng hindi kilalang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
NAGPAPLANO ang Commission on Elections (Comelec) na maglagay ng isolation polling places para sa mga botante na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 sa araw ng halalan, sinabi ni Commissioner Aimee Torrefranca-Neri nitong Huwebes.
KAILANGAN ng gobyerno ang perang kikitain mula sa online cockfighting operations.
NAG-POST ng madamdaming mensahe si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang primera princesa na si KC Concepcion na nag-celebrate ng 37th birthday last April 7.
INALIS ng social media giant na Meta Platforms Inc. ang mahigit 400 accounts, pages at groups sa layong matigil ang mga hate speech, misinformation at bullying sa gitna na rin ng nalalapit na halalan.