NAKASENTRO ang atensyon ng lahat sa bakbakan ng Creamline at Choco Mucho sa pagsisimula ng semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference bukas sa The Arena sa San Juan City.
Ang Cool Smashers at Flying Titans ang dalawa sa may pinakamaraming fans sa liga kaya’t asahan na ang blockbuster venue sa Game 1 ng kanilang best-of-three semifinal series.
Para kay Cool Smashers’ team captain Alyssa Valdez, magkakaibigan sila sa labas ng court subalit walang sister teams sa loob ng court.
“We belong to one family but when we get to the court, it’s all business. All the teams are very competitive, we just hope to bring out our best,” ani Valdez.
Nakatakda ring magharap ang Cignal at PetroGazz sa semifinals series.
Parehong wala pang talo ang Cignal at Creamline matapos walisin ang group stage papasok sa quarterfinals.
“It’s a different thing in the semis, pressure will be a lot more intense,” sabi ni HD Spikers’ mentor Shaq delos Santos.
HINDI rin aniya sinasabi kay Putin ang full impact ng sanctions sa ekonomiya ng Russia.
APAT na broadcasting company ang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng prangkisa.
INIHAYAG ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang Department of Justice (DOJ) at iba pang kaugnay na ahensya ay magbibigay ng “preferential attention” sa mga reklamong may kinalaman sa vote-buying upang ang mga kaso ay mabigyan ng mabilis na resolusyon.
MULA NANG lusubin ng Russian forces ang Ukraine, naapektuhan ang global energy market dahil sa isa ang Russia sa largest oil producer.
PINAGSUMITE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang law enforcement agencies ng report sa International Criminal Court (ICC) tungkol sa bilang ng tonelada ng ilegal na droga na nakapasok sa bansa.
PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting para pormal na makapagpaalam bago ang kanyang pagbaba sa puwesto sa Hunyo.
INALOK ni boxing promoter Jake Paul sina Will Smith at Chris Rock na maglaban sa boxing ring.
NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng P7 milyong piso para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa Batangas na apektado ng kamakailan lamang na pag-aalboroto ng Bulkang Taal.