• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 1st, 2022

GINANG, NADAGANAN NG BAKAL NA POSTE, PATAY

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang 53-anyos na ginang nang madaganan ng isang bakal na poste nang natumba matapos na nabangga ng isang dump truck sa Tanza, Cavite Huwebes ng hapon.

 

 

Isinugod pa sa Manas Hospital ang biktimang si  Ma.Fe Gutierrez Nazareno, may-asawa, isang Food handler ng Concepcion Brgy. Timalan, Naic, Cavite subalit idineklarang dead on arrival.

 

 

Bukod kay Nazareno, isang aluminum van at isang motorsiklo ang nabangga rin ng dump truck na minamaneho ni Mhar Garcia Amparo, 26,  ng Brgy Sahud Ulan , Tanza, cavite na nasa kustodiya na ng pulisya.

 

 

Sa ulat ni PSSgt Jonathan Lagario ng Tanza Police Station, dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente kung saan nakatayo ang biktima habang naghihintay ng pampasaherong jeep sa A. Soriano Highway, Brgy Sahud Ulan, Tanza, Cavite nang nabagsakan ng isang bakal na poste nang  nabangga ng isang dump truck na minamaneho ni Amparo matapos na umano’y  nawalan ng kontrol sa kanyang manibela.

 

 

Bukod kay Nazareno, nabatid na isang aluminum van at isang  motorsiklo ang nabangga rin ng dump truck ni Amparo. (GENE ADSUARA)

Army Dragon Warriors, humakot ng mga parangal sa 1st leg ng PH Dragon Boat Federation Regatta

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGHAL na over-all champion ang Philippine Army Dragon Warriors sa 1st leg ng Philippine Dragon Boat Federation Regatta matapos hakutin ang unang pwesto sa tatlong kategorya.

 

 

Isinagawa ang torneo sa prestihiyosong Manila Bay noong Marso 27 ng taong kasalukuyan matapos itong maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Ayon kay Army spokesman, Col. Xerxes Trinidad, nakuha ng Philippine Army Dragon Warriors ang tatlong 200 meter events sa Mens, Womens at mixed crew.

 

 

Sa panig naman ni Army Special Service Center, Installation Management Command director, Col. John Gabun, patuloy pa nilang pagsisikapan ang mga pagsasanay sa mga atletang Pilipino upang makapag-uwi ng ibayong karangalan sa bansa.

Hindi napigilan na maging emosyonal: ANGEL, nanghihinayang na ‘di nakita ng bulag na ama lalo na noong kasikatan niya

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI napigilan ni Angel Locsin ang umiyak nang matanong ito ni Ogie Diaz sa YouTube vlog ng huli. 

 

 

Tinanong kasi si Angel sa kung ano ang pinanghihinayangan niya. At ito nga raw ang hindi siya nakita ng 95 years old na father niya, kahit noong panahon nasa peak siya ng career niya.

 

 

      “Alam mo ‘yung pinaka-pinanghihinayangan ko sa buong buhay ko siguro, lalo na dati nu’ng peak ko, halos anong part ng EDSA, may billboard ako, sunod-sunod.

 

 

      “Siguro kalahati sa Pilipinas, alam ang mukha ko. Pero ‘yung tatay ko, hindi alam ang mukha ko.

 

 

Si Angel at ang kapatid daw niyang bunso ang may panghihinayang dahil sa part nga raw niya, nagdadalaga pa lamang siya, hindi na siya nakikita ng ama.

 

 

At kahit nga bulag ang daddy niya, may TV pa rin daw ito sa kuwarto. Pinapanood ang mga teleserye niya at nakikinig ng mga balita sa kanya sa radyo.

 

 

“Gumagawa siya ng paraan para maging involved pa rin sa buhay ko,” sey niya.

 

 

At may time nga raw na pwede pang masalba ang paningin ng daddy niya, pero ‘yun naman ang time na wala pa siya, hindi pa raw niya kayang tustusan ang pagpapagamot dito.

 

 

***

 

 

NAGING biktima na rin daw si Nadine Lustre ng pagiging “greedy” ng ibang tao. Hango ang tanong sa naging online mediacon para sa comeback movie niya sa VIVA, ang Greed na sinulat at dinirek ni Yam Laranas.

 

 

Isang dating kaibigan at influencer raw ito.

 

 

     “I think, first hand experience, medyo malala kasi in all aspects, she’s supposed to be my friend. So, everyone was telling me na she’s a social climber, dumidikit lang po sa amin kasi may pangalan kami.

 

 

     “So eventually, she will get projects din, posting. Kasi, she’s an influencer rin. She’s hanging-out with us and it got worse kasi, we found out na nagnanakaw na rin siya ng pera.

 

 

     “There was one time na I have money in my room and biglang nawala yung pera. It so happened na she’s the only one who went inside the room. And we found out na she’s been stealing with other friends as well. So I guess, you can say that’s totally greed.”

 

 

Natuto naman daw siya after that na mas maging careful sa mga taong nakapaligid sa kanya at dapat pagkatiwalaan.

 

 

Ilang beses na rin daw na nasira ng ibang tao ang tiwala niya.

 

 

Sa Vivamax movie na Greed naman, malayo raw ito sa totoong buhay dahil sa movie, tumaya sila sa lotto ng husband niya rito na si Diego Loyzaga at do’n lumabas ang aspeto ng pagiging greedy.

 

 

“Sa totoong buhay po kasi, hindi po ako nagsusugal talaga,” sey ni Nadine na kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe kasama ang French boyfriend na si Christopher Bariou.

 

(ROSE GARCIA)

Utang ng Pilipinas lalo pang tumaas; pumalo na sa P12.09-T – Bureau of Treasury

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LALONG sumipa ang pagkakautang ng Pilipinas sa halos P12.1 trilyon sa pagtatapos ng Pebrero 2022 sa pagtaas ng foreign at local borrowings at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

 

 

Ito ang ibinalita ng Bureau of Treasury matapos itong lumagpas sa higit P12 trilyon sa kauna-unahang pagkakataon noong Enero.

 

 

Kung hahatiin, narito ang itsura ng outstanding debt ng national government:

 

utang panlabas (P3.68 trilyon o 30.4%)

 

 

utang panloob (P8.41 trilyon o 69.9%)

 

 

Ang domestic debt ng ay 0.5% na mas mataas (P45.42 bilyon) kumpara noong pagsasara ng Enero 2022 primarya dahil sa “net issuance” ng domestic government securities na aabot sa P44.89 bilyon.

 

 

“From the end-December 2021 level, outstanding domestic debt has increased by P242.79 billion or 3.0%,” paliwanag ng BTr kanina.

 

 

Mas mataas naman ng P18.41 bilyon o 0.5% ang pagkakautang ng gobyerno sa external sources bago ito.

 

 

“For February, the increment in external debt was due to the impact of peso depreciation against the USD amounting to P17.91 biliion and the net availment of external obligations amounting to P3.25 billion,” wika pa ng Kawanihan ng Ingatang-Yaman.

 

 

Bumaba ang halaga ng piso kontra dolyar mula P51.135 patungong P51.385 sa pagtatapos ng Pebrero.

 

 

Ayon sa Investopedia, karaniwang nakakaroon ng currency depreciation dahil sa iba’t ibang dahilan gaya ng economic fundamentals, interest rate differentials, kaguluhang pulitikal at risk aversion mula sa mga mamumuhunan.

 

 

Noong nakaraang taon, matatandaang sumirit lalo ang pagkakautang ng bansa upang matustusan ang pangangailangan ng gobyerno laban sa COVID-19. Sa kabila nito, dahan-dahan nang nakakaahon ang ekonomiya sa muling pagluluwag ng mga restriksyon sa publiko at mga establisyamento sa pagbaba ng mga bagong kaso ng nakamamatay na sakit.

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito matapos na iulat ng Social Weather Stations na tumaas mula 2.5 milyon patungong 3 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng kawalan ng pagkain nitong Disyembre 2021, bagay na ibinalita lang noong nakaraang linggo. (Daris Jose)

LRMC magbibigay ng libreng shuttle service sa pasahero ng LRT1

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGBIBIGAY ng libreng shuttle service ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) sa mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1).

 

Ayon sa LRMC, ang pilot implementation ng libreng shuttle service ay magaganap sa pagitan ng estasyon ng LRT 1 EDSA at Manila Bay ASEANA area kung saan magkakaron ng mga designated loading at unloading points sa kahabaan ng Macapagal Boulevard hanggang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

 

Naging partner ng LRMC ang Global Electric Transport (GET) na isang emission-free transport system.

 

“GET will provide its extensive experience in the operations of an integrated passenger and fleet management system for the shuttle service to benefit LRT 1 passengers,” wika ng LRMC.

 

Ang nasabing shuttle service ay magtatampok sa isang Community Optimized Managed Electric Transport (COMET) mini-buses na siyang gagamitin upang magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng LRT 1.

 

“At LRMC, we are always on the lookout on how we can better service our passengers and make their commute more convenient. LRT 1 passengers will also get to enjoy the first end-to-end emission-free transport system in the Philippines, as both LRT 1 and COMET help in reducing carbon footprint,” saad ni LRMC president at CEO Juan Alfonso.

 

Ang COMET electric mini-buses ay may kapasidad ng 30 pasahero at makakapaglakbay ng higit pa sa 100 kilometro sa isang single full charge. Ito ay air-conditioned, fully electric at may on-board cameras, media system, display monitors, internet connectivity at wheelchair slot at electric ramp para sa mga persons with disabilities (PWDs).

 

Magkakaron rin ito ng ikalawang bahagi kung saan ang ruta ay pahahabain galing sa estasyon sa EDSA-Taft papuntang Makati Central Business District (MCBD). Magsisimula ang operasyon ng 4:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado maliban kung holidays.

 

“We are excited to be partnering with LRMC to be able to provide green and affordable transport solutions to every Filipino,” dagdag ni GET Worldwide chairman Tony Olaes.  LASACMAR

AMERIKANO, INARESTO SA MONEY LAUNDERING AT THEFT SA TAGUIG

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng mga operatiba ng  Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted ng awtoridad ng US federal dahil sa money laundering at theft.

 

 

Kinilala ni  Immigration Commissioner Jaime Morente ang wanted na si Renato Rivera Cuyco Jr., 48, na inaresto ng mga ahente ng BI’s fugitive search unit sa isang condominium unit sa Bonifacio Global City sa Taguig.

 

 

Sinabi ni Morente na si Cuyco ay pababalikin sa US batay sa summary deportation na naisyu sa kanya ng bureau’s board of commissioners noong nakaraang taon.

 

 

“He was also already placed in our immigration blacklist, thus he is banned from re-entering the country for being undesirable alien,” ayon sa BI Chief.

 

 

Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, inisyu ang warrant of arrest laban kay Cuyco  noong pang May 1, 2018 ng US district court sa  New Jersey.

 

 

Si Cuyco  ay kinasuhan sa nasabing korte dahil sa money laundering at theft by deception.

 

 

Nag-ugat ang kanyang kaso  dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal acquisition at  pagbebenta ng 58 luxury vehicles sa isang third-party export companies at isang kahina-hinalang bumilikung saan kumita ito ng mahigit US$3 million.

 

 

Bukod dito, si Cuyco ay isa nang undocumented alien  matapos na i-revoked ng US State Department ang kanyang passport. (GENE ADSUARA)

3 drug suspects kalaboso sa P448K shabu sa Caloocan

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr ang naarestong mga suspek na sina Charlie Cortez alyas “Charles”, 31, June Christian Rivera, 27 at Glenn Batucan, 35, pawang ng Brgy., 168, ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Mina, habang nagsasagawa ng Anti-Criminality Operations “Oplan Galugad” ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 7 sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Anthony Co sa Brgy., 167 nang isang concerned citizen ang lumapit at sinabi sa kanila ang hinggil sa pagbebenta umano ng illegal na droga ng isang alyas Charles sa kahabaan ng Bernardo Ave., Silanganan Subdivision, Brgy., 167.

 

 

Agad pinuntahan ng mga pulis ang nasabing lugar kung saan nakita nila si alyas Charles na may iniabot umanong hinihinalang shabu sa dalawang suspek na naging dahilan upang arestuhin silang tatlo bandang alas-12:10 ng madaling araw.

 

 

Narekober sa mga suspek ang tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng humigit kumulang 66 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P448,800.00.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Nandyan lang ‘pag kailangan ng onscreen partner: KEN, sinabihan si ROB na alagaan at protektahan si RITA

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY segment ngayon sa morning show na Mars Pa More, ang “Taran Tanong,” at mabilis na sinagot ni Kapuso actor Ken Chan ang tanong na kung mayroon ba siyang mensahe para sa actor na si Rob Gomez, na crush daw ng regular onscreen partner niyang si Rita Daniela?

 

 

Hindi nagdalawang-isip si Ken at mabilis na sumagot: “Rob, mabait itong si Rita.  Alagaan mo tulad nang … the way ko siya inalagaan.  At protektahan mo rin siya kasi sensitive ‘yan in a good way.  

 

 

“Alagaan mo siya.  Mahilig ‘yan sa food, ang favorite food niya ay roasted chichen at saka donut.”

 

 

Mensahe naman ni Ken kay Rita: “Basta kung kailangan mo nang makakakuwentuhan, nandito lang ako.  Alam mo ‘yan.”

 

 

Matagal nang onscreen partners sina Ken at Rita sa mga shows na ginawa nila sa GMA at gumawa na rin sila ng movie, ang Huling Ulan sa Tag-Araw.

 

 

Sa first episode ng Mano Po Legacy, isa si Rob sa bida, kasama sina Barbie Forteza at David Licauco, ngayon sa second episode na Mano Po Legacy: Her Big Boss, magkatambal naman sina Ken at Bianca Umali.

 

 

Napapanood ito at 9:35 PM, after Widows’ Wife, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MASAYA na ang mga fans and followers ng GabLil couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, dahil after almost a year na na-shelve muna ang first teleserye nilang Love You Stranger, ngayon ay natapos na ang kanilang lock-in taping.

 

 

At ang good news pa, malapit nang mapanood ang mystery romance series mula sa GMA Public Affairs.  May naiiba sa presentation ng serye at naikuwento ng magka-love team na may angle ito towards mental health, na naikuwento nila sa ‘Chika Minute’  ng 24 Oras.

 

 

     “Bago po kami nagsimula ng lock-in taping, pina-consult muna kami sa psychiatrist, hindi basta-basta lang, they made sure we were responsible enough to tackle the topic. 

 

 

“After that, halos 50 days kami sa lock-in taping at ito ang pinakamatagal na nawalay kami sa aming mga families at pinakamatagal na pagsasama namin for a project, kaya marami rin kaming na-discover sa aming sarili, sa aming trabaho, kung paano maging dedicated sa work, na-test din namin ang patience namin sa isa’t isa, while working together.”

 

 

Mapapanood na sa GMA Telebabad ang Love You Stranger, sa April.  Kasama nila sa serye sina Gil Cuerva, Kim de Leon, Lexi Gonzales, Tonton Gutierrez, Carmi Martin at Andrea del Rosario.

 

***

 

 

MARAMI nang nagagalit ngayon kay Alice Dixson sa role niya bilang si Atty. Ingrid Domingo sa romantic-drama series na First Lady.

 

 

Naging Maritess na rin daw ang character niya bilang dating girlfriend ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion), at masaya siyang pinagtsitsismisan nila ng mga kamukha niyang Maritess, ang kakulangan ni First Lady Melody (Sanya Lopez) dahil hindi raw nito mabibigyan ng anak si Glenn.

 

 

    “Pero mas dapat nilang abangan  ay kung sino ba ang tunay na anak namin ni Glenn,” natatawang wika ni Alice.

 

 

“Tiyak ikagugulat ninyo iyon, ikagugulat ko rin kung sino, dahil maliit pa ang anak namin nang ipaampon ko siya,  But I’m thankful sa mga viewers na sumusubaybay sa ‘First Lady’ gabi-gabi after ng ‘24 Oras’.”

(NORA V. CALDERON)

Rematch ni Donaire kay Inoue itinakda na sa Hunyo

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINAKDA na sa Hunyo ang rematch fight ni Filipino boxer Nonito Donaire kay Japanese Naoya Inoue.

 

 

Gaganapin ang bantamweight title unification fight sa June 7 sa Saitama, Japan na magiging mas mainit aniya ito kumpara sa unang paghaharap ng dalawa noong 2019.

 

 

Nakataya dito ang WBA at IBF titles ng unbeaten Japanese boxer at ang WBC belt naman ng tinaguriang ‘The Filipino’ Flash.

 

 

Ang laban kasi ng dalawa noong 2019 ay tinagurian bilang fight of the year kung saan makikitang nakarecover si Inoue mula sa fractured eye socket nito sa 11 round.

 

 

Ang tinaguriang 28-anyos na ‘Monster’ ng Japanese boxing ay wala pang talo sa kanyang 22 laban kung saan mayroong 19 knockouts.

 

 

Habang si Donaire ay mayroong 42 na panalo at anim na talo.

 

 

Huling laban ni Inoue ay noong Disyembre ng patumbahin sa ikawalong round ang Thailand boxer na si Aran Dipaen habang ang 39-anyos na si Donaire ay pinatumba ang kababayan na si Reymart Gaballo noong Disyembre para makuha ang WBC belt.

 

 

Tinaguriang pinakamatandang 118 pounds world champion si Donaire ng talunin si Nordine Oubaali noong Mayo 2021.

Ads April 1, 2022

Posted on: April 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments