SA Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta, shinare niya ang isang video last March 8 habang nasa sa dental chair at bago sa gagawing treatment na labis niyang ikinatatakot.
Caption ni Mega, “Please pray for me. Am about to get a root canal now.”
Say pa ni Sharon one-minute videro, “Hi, everybody. I know this is TMI (too much information) but I’m really scared. I’m going to get a root canal today. I’m nanginginig.”
Bukod sa dentist na root canal specialist, nandoon din ang kanyang sister-in-law na si Ate Vicky, na kanilang family dentist din, na hiningan pa niya ng moral support habang ginagawa ang treatment.
Sabi pa niya na natatakot talaga siya, “I’m not matapang sa dentista.” At hindi raw niya matandaan kung kailan siya huling nagpa-root canal, na karamihan sa nagko-comment at masakit talaga at ilang araw din bago mawala ang pamamaga.
Comment naman ng anak niyang si Frankie Pangilinan in capital letters, “MOMMY ?/!:? “Anyare na naman maaam?”
“Babaaaaaaa,” lang ang naging sagot ni Sharon sa anak na naging successful naman ang treatment.
For sure, may kirot pa rin ‘yun, pero naging active pa rin siya sa IG niya, pinost niya ang virtual meeting para sa kanyang international project, caption niya, “this morning across the U.S., Canada and the Philippines with my Mango Bride Team!!! Things are moving, praise God!!!”
Ni-repost din niya ang post ng author ng novel ng ‘The Mango Bride’ na si Marivi Soliven, kasama ang captured photos nila:
“Met TJ #megastar and she is a #forceofnature My novel’s character Marcela will blossom with @sharoncunetanetwork #themangobride film is in @islandsthemovie director @m_edralin1967 capable hands.
@boldmp ‘s @annalizarr and @michael222 have ideas and enthusiasm for miles thanks to @micahtadena for organizing another tri-country multi-time zone zoom meeting. I cannot wait to go home to watch them film my novel. #filmadaptation #bookstagram #themangobride.”
Samantala, balik na rin si Sharon sa pangangampanya kasama si Sen. Kiko Pangilinan at ka-tandem na si VP Leni Robredo, na kung saan ngayong araw sa Bacolod naman gaganapin ang people’s rally nina VP Leni at Kiko na tumatakbong President at Vice President.
(ROHN ROMULO)
MULING aarangkada ang biyahe ng mga provincial bus papasok at palabas ng Metro Manila.
MEDYO nanibago si Kapuso actor Ken Chan ngayong ginagawa niya ang romantic-comedy series ng GMA Telebabad, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss.
IDINEKLARA ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang national emergency ang dalawang estado nito dahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na pag-ulan.
MALUNGKOT na ibinahagi ni skateboarding legend Tony Hawk na ito ay nagtamo ng injury sa kanyang binti.
IPALALABAS ngayong araw ng Biyernes, Marso 11 ang P2.5 bilyong piso bilang first tranche ng fuel subsidy para sa mga driver o tsuper ng public utility vehicle (PUV).
NANGAKO na maging “tagapagtanggol ng demokrasya,” ang bagong hinirang na Chairman ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules sa kanyang pormal na pagkakaluklok bilang Chairman ng poll body.
MAGPAPATULOY lamang sa pampublikong lugar ang pagbaklas ng iligal na campaign materials o ang “Oplan Baklas” ng Commission on Elections (Comelec).
MANANATILING P9 pa rin ang minimum na pamasahe hanggang hindi pa binibigyan ng aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga public utility jeepneys (PUJs) na P10 bilang provisional na pamasahe.