NAG-SHARE ng series of photos sa kanyang IG account ang sinasabing rumored girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos noong February 22.
Makikita nga na kasama niya ang aktor at ang anak na si Elias habang na sa beach at may caption ito na, “Saw the river meet the sea.”
Si Isabel, ang latest na nali-link romantically kay Lloydie dahil palagi nga silang spotted na magkasama sa iba’t-iba okasyon.
Unang napansin ng netizens na magkasama ang dalawa noong November 2021 sa property ng aktor sa Batangas, pero mukhang tahimik lang dalawa sa kanilang namumuong relasyon.
Sa series of photos, makikita ang isang driftwood sa payapang beach resort, sumunod ang naglalakad nang nakatalikod na guy na kahawig ni JL at ang nagtatampisaw sa beach na bata na may mahabang buhok, na kahawig din Elias. Sa pang-anim na photo, ang pagtalon ng naka-green shorts na guy sa beach, na walang duda naman na si John Lloyd.
Nag-share din si Isabel ng ilan pang litrato sa Instagram Story, na kung saan kasama ni Lloydie ang former Ang TV actor na si Sarji Ruiz, meron din magkasama ang mag-ama.
Ayon sa mga nasulat, ang 31-year-old na si Isabel ay granddaughter ng kilalang painter and illustrator na si Mauro Santos, na nagmamay-ari ng West Gallery sa Quezon City na kung saan ginanap ang launching ng art excibit ni John Lloyd noong 2019.
Say ng mga marites na photos na nilabas ni Isabel:
“Parang personal photographer datingan ni ate. She’s more into him than him to her.”
“And your opinion is based on a few snaps?!?
Get down from your high horse, marites.”
“Never naman naging show off si lloydie sa socmed kahit nung sila ni ellen si ellen lang nagpo-post.”
“Don’t we all become personal photographer to our partner? Siguro wala kang boyfriend kaya di mo alam. I mean, who would want to be with a know-it-all judgemental person like you?”
“Artist kc c ate girl madalas pag artist mahilig kumuha ng pics kesa mag papicture. Kalowkah mga judgers.”
“Matagal na yang fan girling si girl kahit nung time pa ni angge-jlc andun din sya..hahaha kaya matagal na syang photographer ni jl..dati nga may pics pa yan sya nina angge at jl.”
“Jusko sarap kurutin ni Elias.”
“Tatay na tatay na ang itsura.”
“Tanda ng itsura ni john Lloyd hanggang sitcom na lang sya tsk tsk.”
“Ang cute ni Elias mukhang mabait na magalang pa.”
“Elias big boy na, parang hindi na makarga, hehe. Pero mas napansin ko, ang daming Koi, sarap tumambay sa tabi ng pond nila.”
“Hindi talaga sila bagay sorry not sorry si girl ay official photographer ni John Lloyd puro kuha ng stolen shots tapos post niya sa ig niya.”
“Same with Ellen dati. Sya lang nman post ng post.”
“Eh sa yun trip nya eh. Ayaw nya ng selfie with JLC. Low key at simple lang sya.”
“Hay jusko, john lloyd ng buhay ko! LOL!”
(ROHN ROMULO)