FINALE episode na this Friday, February 25, ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, a co-production venture ng GMA Network at Regal Films Entertainment.
Kaya nagbahagi ang isa sa lead stars ng serye, si Barbie Forteza, na mami-miss daw niya ang lahat, mula sa story ng serye, hanggang sa lahat ng involved sa production.
“Naku, mami-miss ko talaga lahat, and I’m very grateful to GMA for this opportunity,” sabi ni Barbie.
“Sa totoo lang, mami-miss ko lahat, from the cast to the production staff. Basically, the whole team, lalo na yung nakasama ko at naka-eksena ang apat na mahuhusay na actress, si Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, si Ms. Maricel Laxa, si Ms. Almira Muhlach at si Ms. Sunshine Cruz, at ang mga leading men ko, sina David (Licauco) at Rob (Gomez). Definitely, I’m gonna miss everyone.”
Napapanood ang Mano Po Legacy: The Family Fortune, after First Lady sa GMA-7. Sa susunod na episode ng “Mano Po” series, isa namang romantic-comedy ito na magtatampok kina Bianca Umali, Kelvin Miranda at Ken Chan.
***
SECOND week of airing pa lamang ng well-loved romantic-drama series na First Lady, pero marami nang nagri-request na i-extend pa raw ang serye nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.
Gabi-gabi ay nagtatala ng mataas na rating laban sa mga katapat nitong programa. Iyong first week of airing, nagtala ito ng average rating na 14.4% laban sa 9.6% rating ng katapat na programa.
Very positive ang mga comments at feefbacks mula sa mga netizens dahil daw maraming lessons silang natututunan sa story, lalo na ang pagpapakita ni Melody (Sanya) ng lakas ng loob at hindi nagpapatalo kahit inaapi-api siya ng mga kontrabida sa story.
Kaya labis ang pasasalamat nina Sanya at Gabby sa mga televiewers at mas marami pa raw magagandang eksenang napapanood ngayong pumasok na rin ang character ni Ingrid (Alice Dixson), the ex-girlfriend ni President Glenn Acosta (Gabby) noong nag-aaral pa sila ng law sa Amerika.
Ang tanong ngayon, paano ipakikilala ni PGA si Ingrid kay Melody, na may iba namang reason sa kanyang pagbabalik.
Sa ngayon ay nasa second set of lock-in taping na ang First Lady at dapat ay matatapos na ito by March 30, so kung mag-extend pa sila ay tuluy-tuloy pa rin ang taping nila sa location nila somewhere in Rizal province.
***
NAG-ENJOY ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, spending some quality time kasama ang mga anak nila, si Calix, 13, (son of Dennis kay Carlene Aguilar) at Jazz, 12 (son of Jennylyn kay Patrick Garcia).
“Good afternoon from my boys,” greetings ni Jennylyn nang i-share niya ang photo ng mag-aama niya sa Instagram, habang sakay ang mga ito sa kanilang mga bikes, somewhere in Antipolo City.
Last November, 2021 nang magpakasal sina Dennis at Jennylyn, at nag-announce na rin sila after, na they will welcome their first baby, a girl, in a few months.
At sa kanilang latest vlog, nag-try pala silang magbigay ng baby shower para sa baby girl nila, pero hindi na nila itinuloy dahil nga sa pinagdaraanan nating pandemic ngayon.
Nagpasalamat ang mag-asawa habang nagbubukas sila ng mga gifts mula sa mga families and friends at sa mga ninangs at ninongs ng baby nila, na sa dami ng gifts ay halos napuno ang Colove Studio nila sa bahay,
Nag-decide naman palang huwag munang tumanggap ng project si Dennis sa GMA Network para maalagaan niya ang pagbubuntis ni Jennylyn.
(NORA V. CALDERON)
FRESH from garnering six major Academy Awards nominations including Best Picture, Warner Bros. Pictures’ moving drama “King Richard” will be shown exclusively at select Ayala Malls Cinemas starting February 23.
NAPAGKASUNDUAN ng mag-asawa at ng anak nilang si Bela na magpapaalam muna ang huli sa kanyang mga amo at sa tao na pinagkakautangan niya rin ng loob bago siya tuluyang sumama sa kanila.
MAHIGIT sa 200 Overseas Filipino sa Macau ang kamakailan lamang ay nagbalik-Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan.
IBANG klase ang sweetness nina Kim Chiu at Xian Lim at talaga namang inaabangan na rin ng mga fans nila kung ano ang bagong pasabog na surprises ni Xian para kay Kim tuwing may okasyon.
TULOY-TULOY ang pagtuklas ng bagong kaalaman dahil kahit nasa Facebook ka ay pwedeng matuto nang libre sa tulong ng bagong community group ng Globe na “This isKwela.”
PANGUNGUNAHAN ni legend Efren ‘Bata’ Reyes ang walo-katao pambansang koponan sa billiard and snooker na makikiagaw sa 10 gold medal para sa dalawang naturang cue sports ng 31st Southeast Asian Games 2022 sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam.
NADAGDAGAN ang mga airline companies na nagkansela ng kanilang flights sa Ukraine dahil sa tumataas na tensiyon doon .
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino na sisiguraduhin ng kanyang administrasyon ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa May 9, 2022.