TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na nananatiling “intact” ang payroll ng mga empleyado nito sa gitna ng insidente ng online banking scams na iniulat ng ilang mga guro.
“[The] DepEd payroll system is intact. It was not hacked,” ayon kay Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla sa isang video na naka-post sa kanyang Facebook page noong Enero 25.
Ang pagtiyak na ito ni Sevilla ay kasunod ng reklamo at iniulat ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na may ilang public school teachers ang nawalan ng kanilang pera dahil sa pag-“hacked” sa kanilang accounts sa ilalim ng Landbank of the Philippines (LBP).
Sinabi ni TDC na may 20 guro ang di umano’y naging biktima ng online banking fraud “as of Jan. 25.”
Humingi naman ng tulong sa DepEd ang nasabing grupo para lutasin ang bagay na ito.
Ani Sevilla, nang makarating ang report sa kanyang tanggapan ukol sa unauthorized transactions ay “we immediately informed the Landbank.”
Matapos na humingi ng paglilinaw mula sa bangko, sinabi ni Sevilla na walang hacking na nangyari.
“We are using our payroll system as it is and Landbank as well has assured us that their system is also intact or secured,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Sevilla na ang online banking transactions ng kanilang personnel, kabilang na ang teachers and non-teaching staff, ay hindi mina-managed o wala sa pamamahala ng DepEd.
“We have to explain that ito pong nangyaring ito ay through the individual bank accounts of our employees,” ani Sevilla.
“It can happen to not just DepEd but to all of [the] account holders na gumagamit ng online system ng kanilang mga banko,” paliwanag nito.
Hindi aniya in- charge ang DepEd sa pagma-manage ng online bank accounts o transactions ng mga guro at iba pang empleyado.
Ang namamahala aniya ay ang bangko at ang mismong individual holders ng bank account.
“Ang gumagamit or nag-eenrol [ay] ang empleyado na magkaroon siya ng online system,” paliwanag ni Sevilla.
“Marami, during the COVID times, di na lumalabas ng bahay, magtra-transfer na lang ng payment or you give also money to your relatives or friends, yan po ang tulong ng online system,” dagdag na pahayag nito.
AFTER nang ilang months ng paghihintay ng mga fans and netizens, na makitang magkasama nang gumawa ng project sina Kapuso actress Bea Alonzo and Asia’s Multimedia Star Alden Richards, mukhang matutupad na ang wishes nila dahil magsisimula nang magtrabaho ang dalawa.
KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos maaresto sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.
BINATIKOS ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico ang pagdeklara sa kaniya ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang persona non-grata dahil sa alitan nila ni pole vaulter EJ Obiena.
ITINAYO ng isang artist ang life-size na rebolto ng namayapang NBA legend na si Kobe Bryant at anak nitong si Gigi.
TINIYAK ng Bureau of Quarantine (BOQ) na hindi na magkakaroon pa ng delay sa paglalabas ng mga resulta ng COVID-19 RT-PCR test ng mga kababayan pauwi sa Pilipinas mula sa ibang bansa.
NADAGDAGAN pa ang mga bansa na pumayag na maglagay ng kanilang sundalo sa Eastern European NATO countries bago pa man ang potensiyal na pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
ANG MGA walang bakuna at may isa (1) lamang na bakuna ay hindi na makasasakay sa mga pampublikong transportasyon simula sa Feb. 26 kahit na ang kanilang trabaho ay nasa kategoryang “essential workers” na siyang ipatutupad sa National Capital Region (NCR).
ITINANGGI ng 1st runner-up ng 2021 Miss Eco International na si Kelley Day na siya ang third party sa rumored breakup ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.
IPINAGMALAKI ng White House na umabot na sa mahigit 400 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang kanilang naipamahagi sa iba’t-ibang bansa.