Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na mananatiling 70 na porsiento ang maximum na kapasidad ang ipapairal sa mga public utility vehicles (PUVs) ngayon nasa Alert Level 3 ang Metro Manila.
Mahigpit na pinagutos ng DOTr sa mga pampublikong sasakyan sa lupa at sa mga stakeholders na ipatupad ang nasabing batas sa National Capital Region.
Inutusan ng DOTr ang mga kumpanya ng mga buses at PUV operators kasama ang mga transport terminals sa NCR na mahigpit na ipatupad ang health protocols habang ang Metro Manila ay nasa Alert Level 3 hanggang January 15 dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
“The 70 percent maximum passenger capacity would remain in the NCR to keep pace with the demand for public transport services,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
Sinabi rin ni Tugade na kung magkakaron ng mga pagbabago sa pinayagang maximum na kapasidad sa pampublikong transportasyon, ang DOTr ay susunod pa rin sa pinatutupad na regulasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
“With the continued rise of COVID-19 cases in NCR, the DOTr enjoins our land-based transport operators to remind passengers to strictly observe minimum health protocols and ensure that the maximum allowable passenger capacity is followed,” dagdag ni Tugade.
Ayon pa rin sa kanya na hindi dapat tayo maging kampante sa pagsunod sa mga pinatutupad ng pamahalaan na minimum health protocol dahil ito naman sa atin rin na ikabubuti. Dapat lang tayo ay maging mapagmatyag upang bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kaya nagsimula na naman ang mga police at traffic enforcers na manghuli ng mga hindi sumunod sa nasabing patakaran. Noong Lunes pa pinatupad ang 70 porsiento na kapasidad sa mga PUVs.
Kamakailan lamang ay may nakitang video habang ang isang jeepney ay pinahihinto ng mga traffic enforcers subalit ito ay kumarepas ng takbo. Ang iba naman mga drivers ng buses, UV Express, at iba pang pampublikong sasakyan ay humihinto habang ang mga inspectors ay tinitingnan kung sila ay sumusunod sa 70 na porsientong kapasidad.
Sinasabi ng mga ibang drivers na hindi nila alam na 70 porsiento ang pinapayagan lamang na maximum na kapasidad ng mga PUVs.
Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nagbigay ng isang memorandum noong Jan. 2, sa mga land-based transportation stakeholders na dapat nilang subaybayan ang kanilang mga drivers at conductors upang masiguro na sila ay sumusunod sa minimum health protocols lalo na sa 70 na porsiento ng kapasidad ng mga PUVs.
“We warned that the non-observance of health protocols onboard PUVs or violation of 70% maximum passenger capacity order are considered violations of franchise conditions. Penalties for violating PUV franchise conditions range from hefty fines to the impounding of the involved PUV,” ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra.
Maaari rin masuspend ang driver’s license kung hindi sila susunod sa nasabing pagpapatupad ng minimum health protocols. LASACMAR
Sinuspinde muna ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR), kasunod na rin nang pagsasailalim muli ng pamahalaan sa rehiyon sa Alert Level 3 status dahil sa muling pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19.
KEANU Reeves, continuing to prove himself as the nicest guy in Hollywood, reports say that the actor donated most of his Matrix salary to leukemia research.
DAPAT na maging ekslusibo na lamang para sa mga nakatira sa isang tahanan ang alinmang isasagawang gathering o pagtitipon at hindi na maaari pa ang pagtanggap ng bisita.
BUNSOD ng pagsirit ng COVID-19 cases sa ilang lokalidad, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Lunes ang rekomendasyon ng kanilang sub-Technical Working Group on Data Analytics na itaas ang Bulacan, Cavite, at Rizal sa Alert Level 3.
Muling ilalabas ni legendary cue master Efren “Bata” Reyes ang mahika nito sa isang US tour na idaraos sa iba’t ibang bahagi ng Amerika.
Maraming mga COVID laboratory ang nabigong makapagsumite ng kanilang mga datos na umaabot sa 21 dahil sa pagiging holiday nitong nakalipas na wekeend.
BINETO (veto) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang exclusion ng lupaing pag-aari at inookopahan ng state colleges and universities (SUCs) mula sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa ilalim ng P5.024-trillion budget law para sa 2022.
Kinansela ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga laro ngayong linggo mataposilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Tiniyak na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na hindi nila palalagpasin ang ginawang hakbang ng Philippine Olympics Committee kung saan kinatigan ang umano’y ‘harassment case’ na idinulog ni Olympian pole vaulter EJ Obiena laban sa kanilang presidente na si Philip Juico.