• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2022

BI, SUSUNOD SA 60% WORK CAPACITY

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATALIMA ang Bureau of Immigration (BI) sa 60% on-site work capacity mula January 3 hanggang 15.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, it’y bilang pagsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan inilagay ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3.

 

 

“As an effect, all BI offices in NCR shall be operating during weekdays, and will observe a 60% on-site work capacity, while adopting applicable alternative work arrangements,” ayon kay Morente..

 

 

Nauna dito, nag-ooperate ang BI ng 50% at 70% skeleton workforce.

 

 

Inanunsiyo rin ni Morente na ang mga kanilang fully vaccinated clients ay mananatiling exempted mula sa BI’s online appointment system, subalit kinakailangan nilang ipakita ang kanilang vaccination cards o certification upang makapasok habang ang mga hindi bakunado ay kinakailangang mag-set ng appointments online.

 

 

Dinagdag pa ni Morente na ang mga dayuhan na nagre-report para sa Annual Report 2022 ay kinakailangang kumuha ng  appointment via https://e-services.immigration.gov.ph/.

 

 

Ipinapatupad din ang mahigpit na pagsunod sa health and safety protocols kung makikipag-transaksiyon sa kanilang opisina. GENE ADSUARA

Pangulong Duterte, hinikayat ang simbahan na suspendihin ang Traslacion 2022, misa

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suspensyon ng mass gatherings, kabilang na ang tradisyonal na Traslacion at misa para sa Itim na Nazareno, dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 infections sa bansa.

 

 

“Itong procession na ito, it’s a very important event for the Roman Catholic Church. Now, I have to appeal to them for their understanding and to really look at it in the broader context of our liability to the people if we do not act correctly,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi.

 

 

“Our job is really to come out with critical decisions to protect public health and public safety. Kung nakikinig ang Roman Catholic Church [If the Church is listening], I am now appealing to you to forego and cancel all physical gatherings including the procession and the celebration of mass sa church because marami ‘yan sila,” anito.

 

 

Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na milyong katao ang deboto ng Itim na Nazareno at hindi dapat na maging kampante ang lahat sa transmission ng nasabing sakit.

 

 

“Sana maintindihan ako ng Roman Catholic na all gatherings are not allowed,” aniya pa rin.

 

 

“Piliin po natin makilahok dito sa ating mga bahay na lamang upang maiwasan ang pagkahawa at pagpasa ng sakit,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Inulit naman ng Chief Executive ang sentimyento ng Department of Health, na umapela ng supensyon ng taunang prosesyon ng Pista ng Itim an Nazareno.

 

 

“Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso nitong mga nakaraang araw, nanawagan po kami na isuspinde muna ang mga mass gatherings kasama po dito ang darating na pagdiriwang ng Traslacion,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque.

 

 

Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno.

 

 

Ang imahen ng Itim na Nazareno ay kasinglaki ng tao, may maitim ang balat  at nililok ng isang Aztec na karpintero bago binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Kalakalang Galeon.

 

 

Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ang kapistahan ng patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas. (Daris Jose)

Tuloy na tuloy kahit may pandemya: SHARON, CHARO, DANIEL, CHRISTIAN at DINGDONG, ilang lang sa maglalaban-laban sa GEMS Awards

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT na may pandemya, hindi nagpatinag ang GEMS – Hiyas ng Sining sa pagbibigay ng award.

 

 

Headed by Mr. Norman Llaguno, inilabas na GEMS ang mga nominado sa iba’t-ibang kategorya.

 

 

Virtual awarding lang muli dahil sa lockdown na naman tayo sa NCR although ang plano sana nila ay live awarding. Magaganap ang virtual awarding sa last week ng February.

 

 

Narito ang nominees sa film category:

 

 

Best Film- A Hard Day (Viva Communications, Inc.), Big Night (The Idea First Company), Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather Is Fine) (Cinematografica), Lockdown (For The Love of Arts Films), On The Job: The Missing 8 (Reality MM Studios, Globe Studios).

 

 

Best Film Director – Carlo Francisco Manatad (Kun Maupay Man It Panahon), Erik Matti (On the Job: The Missing 8), Joel Lamangan (Lockdown), Jun Robles Lana (Big Night), Lawrence Fajardo (A Hard Day).

 

 

Best Performance in a Lead Role (Male) – Christian Bables (Big Night), Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon), Dingdong Dantes (A Hard Day), Kokoy De Santos (Gameboys: The Movie), Paolo Gumabao (Lockdown).

 

 

Best Performance in a Lead Role (Female) Alessandra De Rossi (My Amanda), Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon), Janine Gutierrez (Dito at Doon), Kylie Versoza (The Housemaid), Sharon Cuneta (Revirginized).

 

 

Best Performance in a Supporting Role (Male) Alan Paule (Lockdown), Christopher de Leon (On the Job: The Missing 8), Dante Rivero (On the Job: The Missing 8), Nico Antonio (The Big Night), Ricky Davao (The Big Night).

 

 

Best Performance in a Supporting Role (Female) – Agot Isidro (On the Job: The Missing 8), Angie Castrence (Gameboys: The Movie), Eugene Domingo (Big Night), Jaclyn Jose (The Housemaid), Lotlot de Leon (On the Job: The Missing 8)

 

 

***

 

 

ANG kwento ng ophthalmologist-turned-health advocate, Dr. Ma. Dominga “Minguita” Padilla ay isa ng 45-minute short film titled Liwanag na bida ang GMA actress na si Valeen Montenegro.

 

 

Produced by Kapitana Media Entertainment—the company behind the comedy “The Women of TONTA Club that is now streaming on KTX and Upstream PH—”Liwanag: The Life and Legacy of Dra. Minguita Padilla” ay nagpapakita sa journey ng renowned eye doctor mula sa pagiging unassuming medical student to a public health crusader.

 

 

Isa si Dr. Minguita Padilla sa pinaka-active medical advocates sa panahon ng Covid-19 pandemic.

 

 

Ayon sa producer-writer na si Rossana Hwang, gusto nilang ipabatid sa publiko na bago pa man nagka-pandemic, marami nang natulungan si Dra. Minguita, lalo na ‘yung mga may sakit sa mata.

 

 

Bilang founder at president ng Eye Bank Foundation of the Philippines, Inc., si Dra. Padilla ang nanguna sa paghahanap, processing at distribution ng cornea at eye tissues since 1994. Malaking tulong para makakita ang maraming pasyente, lalo na ‘yung mga mahihirap.

 

 

Ayon pa kay Dra. Padilla, hindi raw niya akalain na may gagawa ng biopic tungkol sa kanya. Pero alam niya na kailangan niya ito para makilala siya ng mas maraming tao, lalo na siya ay tumatakbong senador under the Partido Reporma Party ni Sen. Panfilo Lacson at Sen. Tito Sotto.

 

 

“I am taking a big risk sa pagtakbo ko kasi I am leaving my comfort zone pero naniniwala na ako na it’s about time na ang mga health workers ay magkaroon ng kakampi sa senado para magsulong ng mga batas for the welfare of everybody sa health sector,” pahayag niya.

 

Watch Liwanag: The Life and Legacy of Dra. Minguita Padilla, directed by Rember Gelera. The short film can be seen at the following Facebook pages: @DraMinguita, @HeSaidSheSaidPH.

(RICKY CALDERON)

ANDREW, labis-labis ang pasasalamat sa Diyos dahil naging maganda ang 2021 at looking forward ngayong 2022

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO ang sikat na rapper-comedian na si Andrew E na naging maganda ang kanyang 2021 kahit na marami pa rin ang apektado ng pandemya na dulot ng COVID-19 na sa pagpasok ng bagong taon ay tumaas na naman dahil sa Omicron variant.

 

 

Natanong kasi si Andrew kung ano ang assessment niya sa kanyang career at personal life sa nagdaang taon, at malaki nga ang pasasalamat niya sa Diyos na nalampasan niya ang matinding pagsubok na may kinalaman sa kanyang health condition.

 

 

Sagot ni Andrew, “I’m so happy. First of all, naibalik ako sa aking good health wherein one and a half years ago, I got hospitalized and nagkaroon ako ng operation sa aking lower shoulder.

 

 

“And du’n pa lang nagpapasalamat na ako na nailigtas ako du’n and at the same time naibalik pa ang aking kalusugan and more so.

 

 

 “Often I’m thinking na nagpapasalamat din ako sa Panginoon na nabiyayaan din ako ng biyayang hindi natatanggap ng karamihan. So para sa akin doon pa lang nagpapasalamat na ako for 2021.

 

 

Dagdag pahayag ni Andrew sa virtual mediacon para sa sexy-comedy na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2 na kasama sina Janno Gibbs at Dennis Padilla, “pagdating sa career naman, in-embrace ako ng mga kabataan.

 

 

The mere fact na yung mga lumang kanta ko from 14 to 17 years ago na tini-TikTok na million ang views, natutuwa ako na kahit luma yung kanta ko and kahit hindi ako active sa social media, eh talagang ina-appreciate ng mga kabataan na yun ang aking music. 

 

 

“To the extent na Viva made a way na magkaroon pa ng pelikula under those titles which is yung ‘Shoot! Shoot!’ and at the same time itong ‘Aussie Aussie’ na under sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo. So du’n pa man ay pasalamat na ako talaga.

 

 

2021 is so great for me and I’m looking forward to a very bright and a very energetic 2022.

 

 

Sa Amerika nga nag-celebrate ng New Year ang pamilya ni Andrew na kung saan sa pamosong Universal Studios nila sinalubong ang 2022 na kasamang bonggang concerts.

 

 

Samantala, nasa number one slot pa rin ng Top 10 ng Vivamax ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige! na kung saan kasama sa cast sina Pepe Herrera, Juliana Parizcova Segovia, Rose Van Ginkel, Ali Forbes, Stephanie Raz at Angela Morena, mula sa direksyon ni Al Tantay.

 

 

At para sa opening salvo ng Vivamax for 2022, streaming na sa January 7 ang Siklo nina Vince Rillo at Christine Bermas sa direksyon ni Roman Perez Jr at sa January 14 ang isa pang movie niya na Hugas na pagbibidahan naman nina AJ Raval, Sean de Guzman at Jay Manalo.

 

 

Naka-line up din for streaming this month ang Reroute (January 21) nina John Arcilla, Cindy Miranda, Nathalie Hart at Sid Lucero. Mula naman ito sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

 

 

      Sa January 23 ang simula ng streaming ng GL series na Lulu na hatid ni Sigrid Andrea Bernardo na magtatampok kina Rhen Escano, Rita Martinez, Rachel Coates at Ivan Padilla.

 

 

Mapapanood na rin sa wakas ang much-awaited reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, dahil sa streaming na ang Deception sa January 28 at sa direksyon naman ni Joel Lamangan.

 

 

Sa January 28 din muling magpapainit si Angeli Khang after ng Eva sa isa na namang erotic drama na sinulat ni Ricky Lee at dinirek ni McArtur C. Alejandre, ang Silip Sa Apoy na kung saan makakasama niya sina Paolo Gumabao at Sid Lucero.

(ROHN ROMULO)

Dahil sa birthday greetings ni LJ kay SUMMER: PAOLO, tinatanong ng netizens kung bumati o naalala ang anak

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa birthday greetings ni LJ Reyes sa anak na si Summer, ang daming netizens at mga kapwa celebrities ang bumati rito sa Instagram ni LJ.

 

 

Pero kasabay nito, may mga netizens din na nagtatanong kung paano naman daw ang daddy ni Summer, bumati rin daw or naalala rin daw kaya ang birthday ng anak.

 

 

Siyempre, may mga nagbanggit at nag-mention na naman ng “As a Friend in Baguio & Boracay” with Yen Santos at baka raw busy pa.

 

 

Pero for sure naman, naaalala ni Paolo kung hindi man niya publicly binati ang anak nil ani LJ.

 

 

Yun nga lang, wish pa rin namin na sana sa ikatlong anak na babae ni Paolo, which is si Summer nga, sana maiba naman, hindi matulad sa halos kawalan na ng relationship o communication niya bilang tatay tulad sa dalawang anak niyang babae kay Lian Paz.

 

 

Marami naman ang na-inspire sa birthday greetings ni LJ kay Summer na ayon dito, “God sent angel” daw sa kanila ang tatlong taong anak.

 

 

***

 

 

MUKHANG naka-focus ngayon sa business ang bagong mag-asawa na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. 

 

 

Nag-post nga si Derek ng picture at logo ng “Tigercon.”

 

 

Wala pang detalye pero, sa caption nito, sinabi niyang, “Our new venture as husband and wife! Thank you Lord!!!”

 

 

Tila wala pang planong bumalik sa pag-arte mapa-teleserye man o pelikula si Derek. Nagsimula na hindi tumanggap ng kahit anong work sa telebisyon si Derek nang magkaroon ng pandemic at halos dalawang taon na, pero mukhang wala pa rin itong balak na bumalik anytime soon.

 

 

Nang may magtanong kasi rito kung may gagawin ba siyang teleserye, sunod-sunod na pag-iling ang naging sagot niya.

 

 

***

 

 

NATAWA ang mga followers ng Kapuso actress na si Max Collins dahil sa kanyang post sa Instagram.

 

 

Kasunod ng pinost niyang picture na “sakit ulo” pose ay ang caption niya na, “Sumakit ulo ko sayo Gwyneth.”

 

 

Ilan sa mga comments sa post na ito ni Max, “The best caption I’ve seen today.”

 

 

“Caption of the year. Ha ha ha”

 

 

“Ang ganda pa rin kahit masakit ang ulo.”

 

 

Siyempre, natawa ang karamihan dahil halos lahat, knows agad kung sino ang “Gwyneth” na tinutukoy ni Max. Walang iba kung hindi ang tinaguriang Poblacion girl na or Omicron Girl na si Gwyneth Chua.

 

 

Sinundan pa ni Max ng kasunod na IG post na ang caption naman, “Suit up for Omicron.”

 

 

Dahil naman sa magkasunod na IG post ni Max tungkol sa Omicron at kay Poblacion girl, medyo nag-worry kami para rito. Hindi kasi typical kay Max ang mga ganitong caption.

 

 

Nag-private message kami sa kanya at kinumusta kung okay lang ba siya. Nag-reply naman ito agad at nagsabing okay lang siya.

 

 

Sinabi namin na akala namin, baka nahawahan din siya ni Poblacion Girl, yun pala, hindi raw siya, pero may mga kaibigan daw siya na nahawa.

 

 

Sa ngayon, extra careful na lang muna raw siya at nasa bahay lang. Kahit lunch or dinner, ina-avoid na raw niya sa labas.

(ROSE GARCIA)

‘Scream’ Official Retro Poster Showcases Ghostface with a Blood-stained Knife in the Moonlight

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE Scream franchise’s notorious Ghostface killer is a lethal threat in the moonlight in the latest official poster for the upcoming fifth installment.

 

 

It’s been 25 years since Wes Craven first joined forces with screenwriter Kevin Williamson to bring horror fans what arguably became the greatest homage to the slasher genre in horror history. Known for its tongue-in-cheek humor as well as its scares, Scream exceeded expectations from the start.

 

 

But while the first Scream film – which arrived in 1996 – found tremendous success at the box office, the sequels that followed haven’t been as fortunate. This isn’t to say that the three sequels that arrived between 1997 and 2011 weren’t warmly received by fans, only that what Craven and Williamson managed to achieve with the first film set a strong precedent that many feel hasn’t been matched since. Among Scream fans, it’s quite common to find that the absolute favorite of the series is the first film, with the third film gaining a considerable amount of disdain. This lack of interest in Scream 3 could come from the fact that it’s the only entry in the franchise up to that point that wasn’t written by Williamson. Whatever the case, with a new film on the way, it’s still hard not to be fond of what came before – particularly because Scream 2022 marks the first Scream film without Craven.

 

 

As it so happens, the Scream series is the sort of horror franchise that can only stand to benefit from its links to the past. Fans are well aware of how many referential moments the first film had to classic horror films, and the series has continued to strive for that relevance throughout its existence. How fitting, then, that the latest official poster for the upcoming fifth Scream film gives fans a visual flashback to the slasher genre of old. Thanks to Bloody Disgusting, the first look at the newest Scream poster has arrived, showcasing Ghostface with a blood-stained knife in the moonlight.

 

 

This a definite throwback to early 1980s horror like Friday the 13th and is in a similar vein as another recent Creepy Duck Design poster. In terms of marketing for the latest Scream sequel, Paramount gets full points. Previous Scream films haven’t gone to the same extent in terms of promotion, typically spending most of their creative opportunities on inserting the sequel’s number into the title. But to date, Scream 2022 has delivered some pretty engaging posters as well as various tie-ins, all while keeping every last detail about the film under wraps. This has made the journey to the film’s upcoming January 14 release date a challenging one for fans – particularly with the delays that the film has faced. In the end, however, it seems like the teasing of the plot and the alluring artwork that’s come with that has succeeded in keeping fans focused on the film.

 

 

As previously mentioned, this is the first Scream film to be made without the involvement of Craven. This fact alone has been enough to make both fans and cast members nervous, though after working closely with Scream directors Matt Bettinelli-Olpin and Tyler Gillettlong-time cast members like Neve Campbell and David Arquette have publicly declared their confidence in this being a film that honors as well as elevates the entire franchise. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Djokovic nabigyan ng medical exemptions para makapaglaro na sa Australian Open

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nabigyan ng medical exemption si Serbian tennis star Novak Djokovic para maidepensa niya ang kaniyang Australian Open title.

 

 

Sa kaniyang social media ay inanunsiyo ng world number one na siya ay makakapaglaro sa opening Grand Slam event matapos matanggap ang medical exemption mula sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Dahil dito ay natapos na ang espekulasyon sa posibleng hindi paglalaro nito sa Australian Open.

 

 

Nag-apply kasi ang 34-anyos na si Djokovic ng medical exemption kung saan isa rito ay ang Independent Medical Exemption Review Panel na itinalaga ng Victorian Department of Health.

 

 

Mahigpit kasi ang bilin ng Tennis Australia na dapat lahat ng mga lalahok sa torneo ay naturukan na ng COVID-19 vaccines.

 

 

Magugunitang hindi ibinubunyag ni Djokovic kung ito nga ba ay naturukan na ng COVID-19 vaccines.

 

 

Magsisimula ang torneo sa Enero 17 hanggang 30.

WHO nakahanap ng mga ebidensiya na mas hindi nakakahawa ang Omicron

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanap pa ng mas maraming ebidensiya ang World Health Organization (WHO) na ang Omicron coronavirus variant ay labis na naapektuhan nito ang upper respiratory tract.

 

 

Pero may katamtamang sintomas nito kumpara sa naunang Delta variant.

 

 

Sinabi ni WHO Incident Manager Abdi Mahamud na maraming mga lumabas na pag-aaral na ang target talaga ng Omicron ay ang taas na bahagi ng katawan ng tao.

 

 

Ang mabilis at mataas na pagkakahawa ng nasabing variant ay magreresulta sa pagiging dominante nito ng ilang linggo sa maraming lugar na siyang malaking banta sa lugar kung saan marami ang hindi pa nababakunahan.

 

 

Masyado pa aniyang maaga para irekomenda na kailangan na ang bakuna laban sa Omicron.

Omicron variant nakakamatay pa rin para sa mga vulnerable, ‘di pa bakunado vs COVID-19 – expert

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pinaalalahanan ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana ang publiko na nakakamatay pa rin ang Omicron variant sa harap ng mga reports na ito raw ay less fatal kumpara sa ibang variants ng COVID-19.

 

 

Ayon kay Salvana, maaring mas less deadly ang Omicron kumpara sa Delta variant pero maari pa rin ito na magdulot nang pagkamatay ng mga nasa vulnerable at unvaccinated populations.

 

 

Base sa mga datos aniya, mayroon pa rin kasing one-thirds na posibilidad na magdulot ng severse disease ang Omicron variant, na maaring ikamatay ng mga nasa vulnerable sectors at mga hindi pa bakunado.

 

 

Noong Lunes, sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na maaring maging dominant variant ang Omicron sa bansa sa susunod na tatlo hanggang apat na linggo.

 

 

Samantala, pinapayuhan naman ni Salvana ang publiko na lagyan ng dalawang linggong pagitan ang pagpapabakuna kontra influenza at COVID-19.

 

 

Ito ay para mas maayos na ma-document kung ano ang maaring magdulot ng posibleng maranasang adverse effects gayong karamihan sa mga COVID-19 vaccines ay ginagamit dahil sa emergency use authorization pa lamang. (Daris Jose)

ALAK, BAWAL MUNA SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPAGBABAWAL muna ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa Kapistahan ng Quiapo , ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso

 

 

Ito ay matapos lagdaan ng alkalde ang City Ordinance 5555 na nagbabawal sa pagbebenta ng alak sa panahon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno o nasasakop ng Kapistahan.

 

 

Magsisimula ang liquor ban sa Enero 8 ng alas-sais ng umaga hanggang Enero 10 ng alas-sais din ng umaga.

 

 

Apela ng alkalde sa publiko sa nasabing Kapistahan na wala munang inuman hanggat maari at makiisa sa gobyerno  upang maiwasan ang  pagkalat ng COVID-19 lalo na ngayong tumataas ang mga kaso dahil sa Omicron variant.

 

 

Nanawagan din ang alkalde sa mga deboto na maaring sa bahay na lamang magdasal at huwag nang magtungo pa sa Simbahan dahil  aniya para rin  sa kanilang kapakanan at kalusugan.

 

 

Inaasahan aniyang dadagsa ang mga deboto kaya naman nakikiusap ito na makiisa ang bawat isa dahil  may mga itatalaga rin aniyang mga kapulisan sa paligid ng Quiapo upang magbantay at mapanatiling nasusunod ang health protocol .

 

 

Napagkasunduan na rin ng pamahalaang lungsod at pamunuan ng simbahan na walang physical mass ngunit mayroon namang online mass.

 

 

Sa pangalawang pagkakataon, suspendido pa rin ang Traslacion dahil pa rin sa banta ng COVID-19.  (GENE ADSURA)