• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2022

TOM HOLLAND’S “UNCHARTED” RELEASES THRILLING PLANE FIGHT EXCLUSIVE CLIP

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IN the race to find the world’s greatest treasure you have to watch your step. Find out what happens next in the Plane Fight Exclusive Clip from the new action adventure Uncharted, exclusively in Philippine cinemas 2022.

 

 

YouTube: https://youtu.be/LqCKWDBG88Q

 

 

About Uncharted

 

 

Street-smart thief Nathan Drake (Tom Holland) is recruited by seasoned treasure hunter Victor “Sully” Sullivan (Mark Wahlberg) to recover a fortune lost by Ferdinand Magellan 500 years ago. What starts as a heist job for the duo becomes a globe-trotting, white-knuckle race to reach the prize before the ruthless Moncada (Antonio Banderas), who believes he and his family are the rightful heirs.
If Nate and Sully can decipher the clues and solve one of the world’s oldest mysteries, they stand to find $5 billion in treasure and perhaps even Nate’s long-lost brother…but only if they can learn to work together.

 

 

Uncharted stars Tom Holland, Mark Wahlberg, Sophia Ali, Tati Gabrielle and Antonio Banderas

 

 

Directed by Ruben Fleischer. screenplay by Rafe Judkins and Art Marcum & Matt Holloway, screen story by Rafe Judkins, based on the PlayStation video game by Naughty Dog.

 

 

The film is produced by Charles Roven, Avi Arad, Alex Gartner, Ari Arad; the executive producers are Ruben Fleischer, Robert J. Dohrmann, David Bernad, Tom Holland, Asad Qizilbash, Carter Swan, Neil Druckmann, Evan Wells, Art Marcum and Matt Holloway.

 

 

In Philippine cinemas 2022,Uncharted is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtag #UnchartedMovie

(ROHN ROMULO)

18-ANYOS NA CICL NAGBIGTI SA MALABON

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG youth offender ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng temporary shelter na para sa mga kabataan na may nakabinbing kaso dahil sa pagkasawi sa pag-ibig matapos umanong hiwalayan ng girlfriend sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ang katawan ng 18-anyos na biktima ay nadiskubre ng 16-anyos na binatilyong youth offender din bandang alas-8:30 sa second floor ng Bahay Pag-asa Shelter sa Langaray St. Brgy. Longos.

 

 

Sa report ni police investigator P/SSgt. Jeric Tindugan kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nagtungo ang saksi sa second floor ng shelter upang patayin ang ilaw nang makita nito ang katawan ng biktima na nakabigti gamit ang kumot na nakapulupot sa kanyang leeg at ang kabilang dulo ay nakatali naman sa beam ng kisame ng corridor ng shelter building.

 

 

Kaagad siyang humingi ng tulong kay Emil Felipe, 33, security guard ng facility saka mabilis na isinugod ang biktima sa Lorenzo Ruiz Women and Children Hospital sa Brgy. Santulan subalit, idineklara itong dead on arrival.

 

 

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya mula sa kanyang mga roommate at iba pang social workers ng shelter na kamakailan ay nagtangkang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali subalit, napigilan ng iba pang Children in Conflict with the Law (CICL).

 

 

Narekober din ng pulisya ang cellular phone ng biktima na naglalaman ng mga mensahe naka-address sa kanyang ina at ipinapaalam ang tungkol sa kanyang pagpakamatay dahil sa homesickness at heartbroken matapos umanong hiwalayan ng kanyang girlfriend. (Richard Mesa)

Obiena handang harapin ang PATAFA sa korte

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MANILA, Philippines — Imbes na maduwag ay buong tapang na haharapin ni national pole vaulter Ernest John Obiena ang mga ibinatong isyu sa kanya ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

 

 

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Obiena na hahayaan niya ang kanyang legal team na ipagtanggol siya sa mga akusasyon ng PATAFA.

 

 

“I am relieved that I now finally know what I am being charged with. From the very start, the PATAFA proceeding had the look and feel of a witch hunt,” ani Obiena. “My legal team can now go about the business of clearing my name and my family’s name. Righteousness always wins in the end.”

 

 

Sa rekomendasyon ng Investigative Committee ng PATAFA ay pinasisibak nito kay president Philip Ella Juico ang Southeast Asian Games at Asian record-holder sa national pool.

 

 

Ayon sa komite, nagsumite si Obiena ng palsipikadong liquidation documents para sa 61,026.80 euros (P3,661,608) c­oaching fees ni Ukrainian coach Vitaly Petrov.

 

 

Dahil dito ay kasong estafa ang rekomendasyon ng komite na isampa ng PATAFA  laban sa 26-an-yos na Tokyo Olympic campaigner.

 

 

Bukod kay Obiena ay pinakakasuhan din ng komite kay Juico si Petrov na bumaligtad sa nauna niyang reklamo sa PATA­FA ukol sa kabiguan ni  O­biena na bayaran siya ng c­oaching fee.

 

 

Kaagad sumaklolo ang Philippine Olympic Committee (POC) kay Obiena at tiniyak na patuloy siyang kakampanya para sa bansa sa mga international competitions.

NCR, palalakasin ang telemedicine para maiwasan na mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagbulusok ng COVID-19 —Abalos

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na pinalalakas ang telemedicine sa Kalakhang Maynila upang hindi mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 infections.

 

 

Paliwanag ni Abalos, hindi lahat ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila ay ay kailangang i-confined sa mga ospital at medical facilities.

 

 

“Once sa triage naman, na-assess, hindi naman lahat dapat i-ospital eh. Kaya nga importante on the ground, pinapalakas po namin ‘yung sa local government, ‘yung telemedicine. Napakaimportante po nito. Tatawagan mo, kamusta na, anong sintomas, oxygen level,” ani Abalos.

 

 

“Mahirap ma-overwhelm naman ang ating ospital. Dapat ang ating ospital ay doon lamang talaga sa mga nangangailangan nang husto,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Upang mas lalo pang mapigilan ang pagkalat ng virus sa Kalakhang Maynila, inatasan ng Metro Manila Council ang mga unvaccinated residents na manatili sa kanilang bahay maliban kung bibili ng pagkain at serbisyo habang ang National Capital Region ay nasa ilalim ng Alert Level 3.

 

 

Ang NCR ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15. (Daris Jose)

Hong Kong nagpatupad ng travel ban vs PH at 7 pang bansa dahil sa pagtaas ng COVID cases

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsiyo ng Hong Kong ang panibagong paghihigpit nila bilang pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19.

 

 

Isa rito ang pagbabawal sa mga flights mula sa Pilipinas at pitong iba pang mga bansa na kinabibilangan ng Australia, Canada, France, India, Pakistan, United Kingdom at US.

 

 

Isasara rin nila ang mga bars at gyms ganun din ang pagkansela ng mga evening restaurant dinings matapos na matuklasan ang Omicron variant.

 

 

Nagtala kasi ang Hong Kong ng 114 Omicron cases na karamihan dito ay nakita sa airport sa 21-day hotel quarantine na mandatory sa mga dumarating na pasahero.

 

 

Pinangangambahan ni Chief executive Carrie Lam na posibleng kumakalat na ito sa mga komunidad. (Daris Jose)

DOH pinag-aaralan kung irerekomenda na COVID-19 ‘self-test’ kits

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung imumungkahi na nito sa publiko ang paggamit ng COVID-19 test kits para ma-test ang sarili.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipagkita na ang DOH sa Food and Drug Administration (FDA) at mga dalubhasa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para rito.

 

 

“Pinag-aaralan po kung paano po natin maisasagawa na hindi naman po magkakaroon ng inaccurate results ang ating mga kababayan,” paliwanag ni Vergeire sa panayam ng Teleradyo, Miyerkules.

 

 

“Kailangan lang ho nating masiguro na wala tayong misuse of the self-test antigen dahil alam naman po natin na meron po tayong tinatawag na right test at the right time at appropriate use.”

 

 

Sinasabi ito ngayon ni Vergeire habang binubuhay ng mga progresibong grupo gaya ng Bagong Alyansang Makabayan at Bayan Muna party-list ang pagkakaroon ng libreng COVID-19 mass testing sa Pilipinas, na wala aniya sa 2022 national budget.

Limitadong religious gatherings, pinapayagan para sa mga fully vaccinated na tao

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAYAGAN ang limitadong religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

 

 

Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos magdesisyon ang National Task Force na ipagbawal ang “in-person religious gathering” para sa Pista ng Itim na Nazareno.

 

 

Bago pa ang nasabing desisyon, maging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nanawagan na isuspinde ang “in-person religious gathering” na may kinalaman sa Black Nazarene Feast o tinatawag na Traslacion.

 

 

“Under Alert Level 3, it is at 30% [allowed operating capacity] indoor for fully vaccinated,” ayon kay Nograles.

 

 

“Iyon pa rin po ang sinusunod natin, although we suspended religious gathering for the Feast of the Black Nazarene,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinatayang may 50.6 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang nagpapatuloy naman ang pagtuturok ng booster shot laban sa COVID-19 sa mga may edad na 18 pataas.

 

 

Ang Kalakhang Maynila, Bulacan, Cavite at Rizal ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15.

 

 

Bahagi ng Alert Level 3 protocol ang pagbabawal sa “in person classes” para sa basic education, karaoke at indoor entertainment, pagtitipon ng mga tao na hindi naman magkakasama sa iisang bahay, casino/horse racing/cockfighting operations at contact sports maliban para sa bubble set up.

 

 

Samantala, umakyat naman sa 26% ang COVID-19 positivity rate sa bansa “as of January 4” mula sa 1% noong kalagitnaan ng Disyembre ng nakaraang taon. (Daris Jose)

Delta strain ng Covid-19 ‘nananatiling nasa paligid lang’- Malakanyang

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA KABILA ng pag-aaral na nagpapakita na ang Omicron variant ay “milder strain” ng Covid-19, pinaalalahanan ng Malakanyang ang publiko na huwag maging kampante dahil mas mayroong mas “lethal strains” ng coronavirus, gaya ng Delta, ang patuloy na nage-exist.

 

 

Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na makapagtala ang Pilipinas ng 4,600 bagong Covid-19 cases, araw ng Linggo.

 

 

Itinuturing na pinakamataas na naitala sa nakalipas na dalawang buwan.

 

 

Nauna rito, itinaas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang alert level status sa Kalakhang Maynila sa Alert Level 3 hanggang Enero 15 sa gitna ng pagtaas ng Covid-19 cases at pagkakatuklas sa 14 local Omicron cases.

 

 

“We’re focusing so much on Omicron, we’re forgetting that Delta is still around. Right now, nagspe-speculate tayo na ‘Omicron na siguro ‘to, ang taas ang bilang’. We have to remember Delta is still around so don’t forget, don’t say ‘Ah, Omicron okay lang ‘yan kasi Omicron sabi nila is milder,’” ayon kay Nograles.

 

 

Tinukoy ang data mula sa Department of Health (DOH), sinabi ni Nograles na ang Covid-19 cases ay umabot sa rurok noong mid-December.

 

 

“We’re seeing that many of the symptoms’ onset actually came about mga Dec. 20, 21, 22, 23, 24,25, 26…DOH is saying that Dec. 20 onwards, dito na nagkaroon ng pagtaas . Exposure should have happened earlier — five to seven days before,” aniya pa rin.

 

 

Kaya, tinawagan ng pansin ni Nograles ang publiko na muling pag-aralan ang restrictions sa ilalim ng Alert Level 3 matapos na gamitin sa “more lax protocols” sa ilalim ng Alert Level 2 status.

 

 

Binigyang diin nito ang pangangailangan na sumunod sa Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategy ng pamahalaan.

 

 

“Ang panawagan namin sa lahat is when you feel something is not right, huwag ka nang lumabas, isolate ka na , treat it as if you have Covid…Let’s try to protect everybody in our families, in our communities, in our workplaces, ” ayon kay Nograles.

 

 

Hinikayat ni Nograles ang publiko na sumailalim sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing sa oras na makaranas ng sintomas ng Covid-19.

 

 

Samantala, sinabi ni Nograles na ang IATF ay kasalukuyang nasa proseso ng pagdetermina kung kinakailangan na mayroong “adjustments” na gagawin sa kasalukuyang Alert Level 3 restrictions sa gitna ng “uptick” sa Covid-19 vaccinations.

 

 

“May meeting kami ng IATF tomorrow. But for today, January 3 being Day 1 ng (of) Alert Level 3 natin. Let’s all, as much as possible, take very high, extra precautions,” ani Nograles. (Daris Jose)

Duque at Lorenzana naka-quarantine matapos makasalamuha ang mga COVID-19 positive

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Kapwa naka-quarantine matapos sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana matapos na sila ay ma-expose sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni Duque na nakasalamuha nito ang isa sa kaniyang staff ay nag-positibo sa COVID-19 noong Disyembre 31.

 

 

Nakatakda itong sumailalim sa COVID-19 test ngayong araw at kung magnegatibo ay posibleng hanggang Enero 8 o sa ika-10 araw na lamang ito sa quarantine.

 

 

Habang si Lorenzana ay nakasalamuha nito ang apat na kasamahan sa bahay na nagpositibo sa COVID-19 kaya minabuti ng mag-quarantine.

 

 

Magugunitang si Lorenzana ay nagpositibo na sa COVID-19 noong Abril 2021 at Nobyembre. (Gene Adsuara)

Ads January 6, 2022

Posted on: January 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments