• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2022

ARIELLA, ilang beses nang nabigo kaya mas nagiging maingat na at baka muling madulas

Posted on: January 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAYA naman daw walang masyadong mabalitaan na lovelife si Miss Universe 2013 3rd runner-up na si Ariella Arida ay dahil masyado na raw itong maingat at baka muli siyang madulas.

 

Inamin ng beauty queen-actress na ilang beses na raw siyang nabigo sa pag-ibig. Hinalintulad niya ang kanyang lovelife sa isang makintab na sahig. Kapag sobrang kintab daw ng sahig, puwede kang madulas na hindi mo inaasahan.

 

Pero tuwing babagsak daw si Ariella sa kanyang lovelife, hindi raw siya nagpapatalo at agad siyang bumabangon.

 

      “Yung unang dulas talaga ‘yon yung magandang paraan. In love ka kasi, eh. Minsan yung ibang dulas natutuluyan na… talagang higa na. Kailangang bumangon,” diin pa niya.

 

Huling napanood si Ariella sa GMA Afternoon Prime teleserye na Stories From The Heart: The End of Us kunsaan napuri ang pagganap niya bilang other woman.

 

***

 

DAHIL sa pagtaas ng COVID-19 cases, ililipat ng date ang musical show ni Julie Anne San Joe na Limitless Musical Trilogy: Part 3 Rise.

 


      Dapat ay sa February 19 and 20 ang pagpalabas nito at nilipat na ng April 9 and 10. Ang mga nakabili ng tickets for February ay tatanggapin sa April.

 

Mas importante raw na ang priority ay ang kaligtasan ng maraming taong nagtatrabaho sa naturang project.

 

 

Heto ang nilabas ng GMA Synergy sa kanilang Facebook Page:

 

“Hello Kapuso! Due to the recent increasing cases of COVID-19, “Limitless Musical Trilogy – Part 3: Rise,” originally scheduled on February 19 & 20, 2022, will be moved to April 9 & 10, 2022. Our highest priority remains the safety of our artists, staff and everyone working on this project. All tickets sold previously will be honored on the new dates. We thank everyone for their continued support and understanding. We pray for everyone’s safety and good health.”

 

Nagsimula ang Limitless musical trilogy noong September 2021 sa Mindanao. Ang second part ay noong November sa Siquijor.

 

***

 

WALANG makakapigil sa Academy Awards na tuloy ang pamimigay ng parangal sa March 27 sa Dolby Theatre in Hollywood, California.

 

Last year, ginanap ang Oscars sa historic Union Station train station in downtown Los Angeles at small crowd of nominees at guests ang pinayagang um-attend.

 

 

Ang Walt Disney Co. and ABC network ang siyang may hawak ng live airing ng Oscar Awards. At ayon sa ABC Entertainment President Craig Erwich, may napili na silang maghu-host ng awards night.

 

 

Tatlong taon kasing walang napiling host ang Oscars at naging dahilan iyon ng pagbagsak sa ratings noong 2019, 2020 at 2021.

 

 

Maraming netizen ang nagsa-suggest na kuning host for this year’s Oscars ay ang box-office star na sina Tom Holland at Zendaya dahil sa huge success sa global box-office ng Spider-Man: No Way Home.

 


      Nang makarating kay Holland ‘yung request ng netizens, sagot niya ay: “I would love to host the awards. If they ask me to, I would, and it would be very fun.”

 


      Mga huling nag-host ng Academy Awards ay mga comedians na sina Jimmy Kimmel, Chris Rock at Ellen DeGeneres.

 

Nominations for the Oscars will be announced on February 8.

(RUEL MENDOZA)

DepEd hinimok na magpatupad ng 2-week health break para sa mga guro

Posted on: January 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Hinimok ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang Department of Education (DepEd) na tiyaking laging naka-monitor sa kalusugan ng mga guro.

 

 

Ayon kay Castro, base sa survey na isinagawa ng Alliance of Concerned Teachers -NCR, lumalabas na 55.3 percent ng mga teacher-respondents ang mayroong flu-like symptoms.

 

 

Nakakaalarma aniya ang dami na ito kaya nais rin niyang malaman kung ano ang mga ibinibigay na suporta o ginagawang hakbang ng DepEd para matulungan ang mga empleyado nilang nagkakasakit.

 

 

Kasabay nito ay nakikiisa si Castro sa panawagan para sa dalawang-linggong health break para sa mga guro upang sa gayon ay makapag-focus din sila sa kanilang mga sarili at pamilya sa harap nang panibagong pagsirit ng COVID-19 infections kamakailan.

 

 

Samantala, base sa kanilang survey, sinabi rin ng kongresista na 84.7 percent ng mga teachers-respondents ang nagtatrabaho pa rin sa kabila nang nararanasang flu-like symptoms.

 

 

Lumabas din sa survey na 76.2 percent ng mga teachers-respondents ang nagsabi na wala silang natanggap na anumang tulong sa kabila nang kanilang sitwasyon.

Isko-Sara tandem sa 2022 lumutang

Posted on: January 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMANI ng negatibong komento sa social media ang lumutang na Isko-Sara tandem sa 2022 election.

 

 

Pakiramdam ng kanyang mga taga-suporta “pinagtaksilan” umano sila ni Manila Mayor Isko Moreno dahil tila tinalikuran umano nito ang kanyang running-mate na si Doc Willie Ong.

 

 

“Si Yorme nanonolongges na. Hindi na alam kung saan kukuha ng boto,” ayon kay @MarkusMyBoy sa ­Facebook.

 

 

Giit ng netizen na si @Jimmy Condicion: “Kawawa naman ‘yung VP nya. Nakakahiya naman! Mga ipinapakita niyo lalo siyang hindi mananalo. Makakuha lang ng boto, ganyan ang gagawin ni Isko.”

 

 

Ang pinalutang na Isko-Sara tandem na utak umano ng campaign strategist ni Isko ay hindi rin nagustuhan ng ilang political leader sa Mindanao kasabay ang paalaala sa milyong supporters ni vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte na maging maingat at mapanuri sa gimik ng kampo ni Moreno.

 

 

“This  is really an annoyingly fantastic idea. I don’t know where they got the audacity to assume that Inday Sara, who has already committed as BBM’s running-mate, will be entertaining this wild fantasy. Well, they can dream on, this is a free country anyway. But this is out of bounds and unacceptable. No one is buying this idea,” ayon sa isang kilalang pulitiko sa Davao region at miyembro ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na kilala ring malapit sa mga Duterte.

 

 

Nitong Setyembre, binanatan ni Isko si Presidente Rodrigo Duterte dahil umano sa kapalpakan nito sa pagresponde sa ­pandemya.

 

 

Pero matapos pormal na umatras sa laban sa pagka-­pangulo si PDP-Laban ­standard-bearer Sen. Bong Go, tila nagbago ng tono si Moreno at inalok ang sarili na i-endorso ng Pangulo.

BARBIE, nakikipagsabayan sa veteran actresses na sina BOOTS, SUNSHINE at MARICEL; sayang lang at ‘di kasama si JAK sa serye

Posted on: January 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BIG surprise pala kay Geneva Cruz nang i-offer sa kanya ng GMA Network ang bago nilang Afternoon Prime na Little Princess na ginagampanan ni Kapuso actress Jo Berry.

 

 

      “Nagulat ako kasi nga matagal na akong hindi umaarte. Dahil I chose to focus on singing in concerts and live shows,” sabi ni Geneva.

 

 

“Pero ngayong panahon ng pandemic, walang mga shows, at sabi ng mga pinsan kong sina Sheryl Cruz at Sunshine Cruz, i-try ko muling umarte kaya tinanggap ko ang offer.  Si Sheryl kasi nasa Prima Donnas, Book Two at si Sunshine nasa Mano Po Legacy: The Family Fortune.

 

 

   “It turned out to be a big challenge to me, dahil ang character ko, si Odessa ay isang kontrabida, aapi-apihin ko si Jo Berry as Princess.  Kaya  I have to study my role, she’s so different from me, comedian kasi ako off-camera. 

 

 

Kaya kung minsan, after a scene, tinatanong ko mga kasama ko sa eksena kung tama ba ang ginawa ko, may kulang ba?  But later on, I enjoyed na doing my character. 

 

 

I enjoyed our lock-in taping kasi masaya, we are like brothers and sisters and I will always treasure it.”

 

 

Napapanood na ang Little Princess ng 3:20 PM, after Las Hermanas na finale na today. Kaya starting Monday, January 17, mapapanood na ito after ng Prima Donnas.

 

 

***

 

 

LONGEST lock-in taping ang magbabalik na GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas, starting on Monday after Eat Bulaga. 

 

 

Napagkasunduan kasi ng buong cast at production staff na ituluy-tuloy ang taping, para hindi na sila lalabas at pagbalik ay magpa-swab test na naman.  Umabot ng 82 taping days ang serye na dinirek pa rin ni Ms. Gina Alajar, kasama si actor-comedian Philip Lazaro.

 

 

Nagpaalam daw si Chanda Romero sa husband niya at nang pumayag na magkakalayo sila ng ganoong katagal ay hindi na siya nag-worry.  Si Wendell Ramos ay wala sa tabi ng wife niya nang magsilang ng bagong baby nila,

 

 

Nagkasakit si Katrina Halili, naospital muna siya then pagbalik sa set, inalagaan siya ng mga kasama niya, thankful siya kay Chanda who cares for her, like a mother to her.

 

 

Nagkaroon din daw noong una, na parang hindi sila tatagal na hindi lumabas sa bubbles nila, pero nakaisip si Direk Gina na magkaroon sila ng Bible Study, at bago sila mag-roll everyday, nagpi-praise and worship sila at sabi nga ni Wendell, “we’re so blessed we have Direk Gina who believes in the power of prayer.”

 

 

***

 

 

HUMANGA ang netizens na sumusubaybay gabi-gabi sa Mano Po Legacy: Family Fortune na nakikipagtagisan ng acting si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, sa mga veteran actresses na sina Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, Sunshine Cruz at Ms. Maricel Laxa.

 

 

Sayang nga raw lamang na sana isa sa leading men ni Barbie ay si Jak Roberto, dahil last pa raw nagtambal ang real-life sweethearts ay sa Kara Mia pa noong 2019.

 

 

No problem naman daw kina Barbie at Jak, dahil kahit hindi sila magkatambal, ay lagi naman silang may separate project. Basta tuluy-tuloy lamang ang pag-uusap nila, ang communications nila.

 

 

“Secure kami ni Jak sa isa’tisa at personally, comfortable kami sa aming mga family, both with our parents and even our relatives,” sagot ni Barbie sa isang interview.

 

 

“We handle our relationship na very mature. Practical at very chill.”

 

 

Napapanood gabi-gabi si Barbie sa serye after ng I Can See You: AlterNate sa GMA Telebabad.

(NORA V. CALDERON)

“THE MATRIX RESURRECTIONS” TAKES OVER EDSA AS FILM OPENS IN PH CINEMAS

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
IS Manila inside The Matrix? 
 
Motorists could have asked that question last January 5 when major billboards along EDSA flashed “Return to the Source” and “Follow the White Rabbit” and iconic green digital rain for a literal Matrix takeover.  This “roadblock” activation is in celebration of “The Matrix Resurrections” which opens in Philippines yesterday, January 12.

 

 

The EDSA billboards that participated in the “roadblock” are strategically located in Magallanes, Boni, Guadalupe Bridge, Shrine (Ortigas) and Cubao.

 

 

 

Check out the The Matrix – EDSA Takeover vignette below.

 

 

YouTube: https://youtu.be/gr5XBDfhTi8

Facebook:  https://fb.watch/at2JS4NchW/

 

 

 

About “The Matrix Resurrections”

 

 

 

From visionary filmmaker Lana Wachowski comes “The Matrix Resurrections,” the long-awaited next chapter in the groundbreaking franchise that redefined a genre. The new film reunites original stars Keanu Reeves and Carrie-Anne Moss in the iconic roles they made famous, Neo and Trinity.

 

 

 

In “The Matrix Resurrections,” return to a world of two realities: one, everyday life; the other, what lies behind it. To find out if his reality is a physical or mental construct, to truly know himself, Mr. Anderson will have to choose to follow the white rabbit once more. And if Thomas…Neo…has learned anything, it’s that choice, while an illusion, is still the only way out of—or into—the Matrix. Of course, Neo already knows what he has to do. But what he doesn’t yet know is the Matrix is stronger, more secure and more dangerous than ever before.  Déjà vu.

 

 

 

Reeves reprises the dual roles of Thomas Anderson/Neo, the man once saved from the Matrix to become the savior of humankind, who will once again have to choose which path to follow.

 

 

 

Moss portrays the iconic warrior Trinity… or is she Tiffany, a suburban wife and mother of three with a penchant for superpowered motorcycles?

 

 

 

Yahya Abdul-Mateen II (the “Aquaman” franchise) plays the wise and worldly Morpheus who, as always, serves as a guide to Neo while also fulfilling his own greater purpose on a very singular journey of self-discovery.

 

 

 

Jessica Henwick (TV’s “Iron Fist,” “Star Wars: Episode VII – The Force Awakens”) plays the hacker Bugs, the proverbial white rabbit on a mission to discover the one who sacrificed himself for humankind–and willing to take any risk necessary in search of the legend she idolizes.

 

 

 

Jonathan Groff (“Hamilton,” TV’s “Mindhunter”), plays Thomas Anderson’s business partner, a slick, confident corporate type with insouciant charm, a disarming smile and an eye on the bottom line–everything Mr. Anderson is not.

 

 

 

Neil Patrick Harris (“Gone Girl”) plays Thomas’ therapist, working closely with his patient to understand the meaning behind his dreams and to distinguish them from reality.

 

 

 

Priyanka Chopra Jonas (TV’s “Quantico”) plays a young woman with a wisdom that belies her years and an ability to see the truth, no matter how murky the waters.

 

 

 

And Jada Pinkett Smith (“Angel Has Fallen,” TV’s “Gotham”) returns as Niobe, the fierce General who once fought for the survival of Zion and who now sees to the welfare of her people with a familiar fire in her eyes, despite a sense of disbelief and suspicion upon Neo’s return.

 

 

 

Lana Wachowski directed from a screenplay by Wachowski & David Mitchell & Aleksandar Hemon, based on characters created by The Wachowskis.

 

 

 

Now showing in Philippine cinemas, “The Matrix Resurrections” is distributed worldwide by Warner Bros. Pictures, a WarnerMedia company.  Join the conversation online and use the hashtag #TheMatrix

 

(ROHN ROMULO)

WHO nagbabala na kalahati sa populasyon ng Europa mahahawaan ng Omicron

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na maaaring mahigit kalahati sa populasyon ng Europa ang sinasabing makakuha ng Omicron sa darating ng dalawang buwan.

 

 

Mahaharap din sa lockdowns ang ilang milyong mamamayan ng China sa ikalawang-taong anibersaryo ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni Hans Kluge ang regional director ng WHO European Office, na dahil sa mabilis ang pagkahawa ng Omicron ay tiyak na makakahawa ito sa malaking populasyon ng Europa.

 

 

Muling iginiit nito ang kahalagahan ng bakuna na siyang magbibigay proteksyon laban sa severe disease at kamatayan.

MISIS TODAS, MISTER KRITIKAL SA ISUZU WING VAN

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang misis habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang mister matapos ng isang Isuzu aluminum wing van salpukin ang kanilang sinasakyang bisikleta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Si Warlita Samano, nasa hustong gulang at residente ng 74 Orchids St. Brgy. Longos, Malabon City ay died on the spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ang kanyang asawa na si Ruel Samano, ay isinugod ng rumesponding Navotas City ambulance sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na ginagamot.

 

 

Nakapiit ngayon ang driver ng Isuzu wing van (WIA-245) na kinilalang si Rodelio Lopez, nasa hustong gulang at residente ng No. 383 M Ceñidoza St. Brgy. Mambog, Binangonan, Rizal.

 

 

Sa report ni traffic police investigator P/SSgt. Boy Peñaranda kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, habang sakay ang mga biktima sa isang bisikleta at tinatahak ang southbound direction ng C-3 Road, Brgy. NBBS Kaunlaran dakong alas-8:15 ng gabi nang mula sa likod ay sinalpok sila ng isang Isuzu wing van na minamaneho ni Lopez.

 

 

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mag-asawa sa bisikleta at bumagsak sa sementadong kalsada habang kusang loob naman na sumuko sa pulisya si Lopez matapos ang insidente.

 

 

Kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injury at damage to property ang isinampa kontra kay Lopez sa Navotas City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

New gag show na idi-direk nina ERIC at EPY, tribute kay Comedy King DOLPHY

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“PANDEMIC Superstars” ang tawag ni Direk Roman Perez, Jr. kina AJ Raval at Sean De Guzman, ang bida sa bagong obra niya titled Hugas na ipalalabas via streaming sa Vivamax simula January 14.

 

 

Kapwa sinabi nina AJ at Sean na ibinigay nila ang lahat nang kanilang makakaya para mapaganda ang Hugas kumpara sa una nilang movies na Taya at Nerisa.

 

 

“Marami kaming natutuhan from our past movies together at ginamit namin ito dito sa movie. Itinodo na namin lahat,” lahad ni AJ.

 

 

“Pinagbutihan namin ang bawat eksena na ginagawa namin. We want to show our passion in our acting. We want to give our best because we also dream to be recognized for our acting ability.”

 

 

Dahil nakadalawang pelikula na sila ni AJ, inamin ni Sean na mas komportable na sila sa mga sexy scenes. Hindi na sila naiilang sa isa’t-isa.

 

 

“Kailangan pati maipakita namin ‘a ‘yung roles na ginagampanan namin ay in love talaga sa isa’t-isa,” wika pa ni Sean.

 

 

Bukod sa pagsabak sa sexy scenes sa Hugas, excited din si AJ sa mga action scenes na kanyang ginawa sa pelikula.

 

 

Gusto ko kasi gumawa ng action movies. I want to follow the footsteps of my dad,” wika ng anak ni Jeric Raval.

 

 

Kasama rin sa cast ng Hugas sina Cara Gonzales, Stephanie Raz, Deberly Bancore, Jay Manalo, Bob Jbeili, at Joko Diaz.

 

 

***

 

 

SINA Eric Quizon at Epy Quizon ang mga director ng bagong gag show na Quizon CT (Comedy Theater) na nag-premiere sa NET 25 last Sunday, January 9.

 

 

Sa ginanap na zoom presscon, sinabi ni Eric na maganda ang opportunity ang ibinigay sa kanila ng NET 25 mag-pitch ng concept at ang gag show ang napili ng network.

 

 

Pero nag-pitch din sila for a sitcom. Umaasa si Eric na if ever maging maganda ang feedback sa gag show ay mabigyan din sila ng chance na ituloy ang sitcom.

 

 

Si Eric ang nag-encourage kay Epy na maging co-director ng show. Kasama rin Quizon CT sina Vandolph at ang asawa niyang si Jenny. Tampok din dito sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth at Billie Hakenson.

 

 

“This is our tribute to our dad’s clean, fun and wholesome family humor. Pampa-good vibes,” sabi ni Eric.

 

 

“We learned a lot from our dad’s humor and we’d like to continue his legacy. We want to contribute something visual. If you notice, ‘yung iba comedy ni Daddy is visual and it’s funny. We might incorporate something like we will recreate an old gag of Daddy so we can show it to the millennials.”

 

 

“I am privileged to do this show with my brothers. With the way things are right now during the pandemic, I believe we need the kind of humor of Dolphy,” pahayag naman ni Vandolph.

(RICKY CALDERON)

11 DRUG PERSONALITIES TIKLO SA BUY BUST SA MALABON, NAVOTAS

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang sampung hinihinalang drug personalites, kabilang ang dalawang babae matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng droga sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-11:45 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Panghulo Road, Brgy. Panghulo na nagresulta sa pagkakaaresto kay Christopher Villagracia, 34, (pusher/newly indentified) at Ronald Piloneo, 34, (user/listed).

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P183,600 at P500 marked money.

 

 

Alas-11:10 naman ng gabi nang madakma din ng kabilang ng SDEU sina Mark Jaspher Aquino, 25, Sherwin Fuentes, 27 at Daysun Algunajota, 39, (pusher/listed) sa buy bust operation sa Dr. Lascano Brgy. Tugatog.

 

 

Narekober sa kanila ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200 at marked money.

 

 

Habang umaabot naman sa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600.00 ang nakuha kay Roldan Jakosalem alyas “Jay-R”, 21, (pusher/listed), 21 at Leo Sabordo, 47 matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur-buyer sa buy bust operation sa Borromeo St. Brgy. Longos dakong alas-11 ng umaga.

 

 

Sa Navotas, dakong alas-9:30 ng gabi nang masakote naman ng mga operatiba SDEU ng Navotas police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging sa buy bust operation sa Champaca St., Brgy. San Roque sina Angienete Flores alyas “Angie”, 27, at April Dela Cruz, 36, kapwa (listed/pusher).

 

 

Nakuha sa kanila ang tinatayang nasa 16 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P108,800, buy bust money at coin purse.

 

 

Timbog din ng kabilang team ng SDEU sina si Jose Dela Cruz Jr., 37, at Ruben Ibañez, 56, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur- buyer sa buy bust operation sa Judge A Roldan St., Brgy., San Roque alas-11 ng gabi .

 

 

Nasamsam sa kanila ang tinatayang nasa 11.2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P76,160.00 at marked money. (Richard Mesa)

Ads January 13, 2022

Posted on: January 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments