DESIDIDO ang NCAA Management Committee na masimulan ang Season 97 ng liga sa Marso 5.
Nasa Alert Level 3 ang buong National Capital Region (NCR) hanggang sa pagtatapos ng Enero kaya’t natigil ang lahat ng training ng contact sports kabilang na ang basketball at volleyball.
Kaya naman sumulat ang pamunuan ng liga sa Commission on Higher Education (CHED) at Inter-Agency Task Force (IATF) para mabigyan ng exemption ang varsity teams na makapagsanay.
Hinihintay pa ng NCAA ang magiging sagot ng CHED na siyang mag-eendorso ng kanilang kahilingan sa IATF.
Sa oras na makakuha ng go signal, agad na tutulak sa ensayo ang mga teams para paghandaan ang pagbubukas ng liga sa Marso.
Nabigyan ng clearance ang mga student-athletes na makapagsanay sa isang bubble setup noon pang Disyembre habang nasa ilalim pa ng mas maluwag na Alert Level 2 ang Metro Manila.
Subalit naging malaking pasakit ang paglobo ng bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa sa pagpasok ng Enero kung saan umabot na sa record-breaking 34,000 ang mga nagkakasakit kada-araw.
Kaya naman umaasa ang buong sports community na muling bumaba ang kaso ng COVID-19 upang makabalik sa mas mababang alert level ang NCR.
Ito lang ang tanging paraan para maging maluwag sa restriksiyon ang CHED at IATF.
Maging ang professional leagues gaya ng PBA ay puwersadong ihinto ang liga at training para masiguro ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials.
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang retroactive application ng testing at quarantine protocols para sa mga international travelers.
WARNER Bros. is set to introduce a brand new version of the iconic DC hero in the upcoming film The Batman directed by Matt Reeves.
UMABOT sa mahigit 10 oras bago tuluyang natapos ang hostage-taking incident sa isang synagogue sa Dallas, texas.
INANUNSIYO ng Ultimate Fighting Champion (UFC) ang nalalapit na paghaharap ng dalawang kilalang pangalan sa mixed martial arts.
INALMAHAN ng mga mamamayan ng Serbia ang ginawang pagpapatalsik ng Australian Government kay tennis star Novak Djokovic.
HABANG hindi pa ganap na binubuksan para sa publiko, gagamitin muna bilang ‘vaccination site’ para sa mga senior citizen at batang may edad 5-11 taong gulang sa pag-uumpisa ng bakunahan sa naturang age group sa unang linggo ng Pebrero.
MAAGANG nasira ang kinabukasan ng 17-anyos na dalagitang estudyante matapos samantalahin ang pagkalasing nito at halayin ng 29-anyos na may-ari ng isang computer shop sa bahay ng suspek sa Navotas City.
NANINIWALA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi na kailangang ipatupad ang curfew sa National Capital Region (NCR).