INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong dayuhang pugante na wanted sa kanilang mga bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente na ang tatlong dayuhan, isang Amerikano, Taiwanese at isang South Korean ay inaresto sa magkakahiwalay na opeasyon ng mga operatiba ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa Metro Manila at Pangasinan.
“They will all be deported for being undesirable aliens and for posing risk to public safety and security. Afterwards, they will be placed in our blacklist and banned from re-entering the Philippines,” ayon kay Morente.
Dagdag pa ni Morente na ang tatlong dayuhan ay mananatili sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang ang kanilang summary deportation ng bureau’s board of commissioners ay nakabinbin.
Kinilala ang Taiwanese national na si Sie Mu Shi, 32 na inaresto sa Quezon City at wanted ng criminal investigation bureau ng Taiwan dahil sa illegal possession of firearms.
Naaresto rin ang South Korean national na si Lee Chungho, 37, sa bisinidad ng BI building na bukod sa pagiging overstayiong ay wanted din ng awtoridad ng Seoul dahil sa panloloko ng halos 15.2 million o US$13,000 sa kanyang mga kababayan.
Samantala, sa Dagupan City, Pangasinan naman naaresto ang American national na si Rexfordgay Sanculi Velasco, 43, dahil sa pagiging overstaying at dating sundalo ng US marine na wanted sa US Department of the Navy dahil sa pagiging military desertion. (GENE ADSUARA )
A new
NANGAKO si Pope Francis na mamimigay ng $114,000 o halos P6-M para sa mga biktima ng bagyong Odette.
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay lumagda sa isang kontrata para sa pagtatayo ng unang bahagi ng Philippine National Railways (PNR) Bicol project.
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalabas sa P1.185 bilyong piso mula sa contingent fund ng gobyerno noong nakaraang taon para sa special risk allowance (SRA) ng mga health workers na hindi pa nakatatanggap nito.
NANGUNGUNA si Presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa mga kandidatong may pinakamagandang plataporma para sa mga mahihirap sa bansa
SINABI ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na mahirap pang sabihin kung ang bagong pagbaba sa kaso sa National Capital Region ay simula na ng downward trajectory ng infections.
PIPILITIN ng gobyerno na mapagtagumpayan ang target nitong mabakunahan laban sa covid 19 ang 77 milyong adults bago pa sumapit ang pinaka-aabangan na May 9, 2022 elections.
HINIHINTAY pa rin ng gobyerno ng Pilipinas ang data na gagamitin para sa rekomendasyon ng “best booster shots” para sa mga indibidwal na nakatanggap ng Sinopharm coronavirus vaccines bilang initial doses.