Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
“HORROR fan or not, this movie is just awesome.” Watch the final trailer for Paramount Pictures’ all-new Scream and see what critics are screaming about!
YouTube: https://youtu.be/8Eb7FWPnvXo
About Scream
Twenty-five years after a streak of brutal murders shocked the quiet town of Woodsboro, a new killer has donned the Ghostface mask and begins targeting a group of teenagers to resurrect secrets from the town’s deadly past. Neve Campbell (“Sidney Prescott”), Courteney Cox (“Gale Weathers”) and David Arquette (“Dewey Riley”) return to their iconic roles in “Scream” alongside Melissa Barrera, Kyle Gallner, Mason Gooding, Mikey Madison, Dylan Minnette, Jenna Ortega, Jack Quaid, Marley Shelton, Jasmin Savoy Brown, and Sonia Ammar.
Scream is directed by Matt Bettinelli-Olpin & Tyler Gillett of the filmmaking group Radio Silence (Ready or Not, V/H/S), executive produced by Kevin Williamson, Chad Villella, Gary Barber, Peter Oillataguerre, Ron Lynch, Cathy Konrad, Marianne Maddalena; produced by William Sherak, James Vanderbilt, Paul Neinstein.
The film is written by James Vanderbilt & Guy Busick, based on the characters created by Kevin Williamson.
Scream is a long-running genre-busting horror franchise which generated four feature films including Scream (1996), Scream 2 (1997), Scream 3 (2000) and Scream 4 (2011). Directed by famed “maestro of horror,” the late Wes Craven, the films went on to gross more than $600 million in worldwide box office receipts. Williamson wrote the original film as well as Scream 2 and Scream 4.
In Philippine cinemas February 2, Scream is distributed by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Follow us on Facebook at www.facebook.com/
OPISYAL nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas naglalayong ipangalan sa namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.
Sa pamamagitan ng Republic Act 11608 pinalitan na bilang Fernando Poe Jr. Avenue ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.
Ipinag-utos ng batas sa Department of Public Works and Highways na magpalabas ng kaukulang “rules, orders, at circulars” para ipatupad ang nasabing probisyon sa loob ng 60 araw mula sa effectivity date.
Labis naman ang pagpapakumbaba ng anak ni FPJ na si Sen. Grace Poe at pamilya nito sa nasabing batas.
“FPJ Avenue gives my father’s works and legacy a sense of place in our nation’s history,” ayon kay Senador Poe.
Nauna rito, nagkaisa ang mga senador sa kanilang pagboto noong Lunes, September 13, na ipangalan kay Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue, Quezon City bilang pagkilala at pagpupugay sa King of Philippine Movies.
Sa ginanap na botohan, 22 ang bumoto pabor sa pag-apruba sa panukala na layuning kilalanin ang kontribusyon sa bansa ni FPJ, na pumanaw noong 2004.
Tanging si Senador Grace Poe, anak ni FPJ, ang nag-abstain sa botohan dahil sa “conflict of interest.”
“It is so heartwarming to see your reaction to this vote. I purposely abstained that it might be a conflict of interest but in my heart, I am so happy that this passed,” ayon sa senadora.
Si Senador Lito Lapid, isa ring aktor, ang nagsulong sa Senado ng panukala, na unang inirekomenda na ang Del Monte Avenue ang ipangalan kay FPJ, kung saan nakatayo ang kumpanya nito.
Pero inirekomenda ni Senate President Tito Sotto, isa ring nangmula sa showbiz, na amyendahan ang panukala, at sa halip ay ang Roosevelt Avenue ang ipangalan kay FPJ dahil sa naturang lugar umano lumaki ang namayapang aktor.
Bukod dito, may malalim umanong bahagi ng kasaysayan ang San Francisco del Monte District na itinatag noon 1590 ni Fr. Pedro Bautista.
“Retain the name Del Monte Avenue, a landmark and witness to many historical events dating back to the 1590s, and preserve the living traditions of San Pedro Bautista, a saint who actually walked the streets of San Francisco del Monte,” ayon sa pahayag noon ng Basilica Minore de Santuario de San Pedro Bautista
Ang Roosevelt Avenue ay ipinangalan kay dating US president Franklin Delano Roosevelt.
Matatandaang, binawian ng buhay si FPJ dahil sa cerebral thrombosis at multiple organ failure noong December 14, 2004.
Mahigpit naman ang naging pagtutol ng mga pari sa San Francisco Del Monte Church.
Sinabi ng Order of Friars Minor ng Franciscan Province of San Pedro Bautista na may historical, religious, at cultural significance ang Del Monte Avenue na itinuturing nilang sagrado.
Bukod sa alay kay St. Francis, namalagi, nagdasal, nagnilay-nilay, at naglingkod ang Franciscan missionaries at si Pedro Bautista sa San Francisco Del Monte. (Daris Jose)
UMATRAS na ang PBA sa paglalaro sa Dubai dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi PBA Commissioner Willie Marcial na isa sanang karangalan ang maglaro sa mini-tournament kasabay ng Expo 22 sa Dubai ay nagpasya sila na umatras dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.
Magkakaroon sana ng hindi bababa sa apat na koponan ang maglalaro sa nasabing torneo.
Sinabi nito nakatanggap sila ng imbitasyon mula kay Kevin Brown ang planning and management vice president ng Expo 22 para makapaglaro ang PBA sa Expo Sports Arena mula Enero 27-30.
Muli nila itong inimbitahan ang PBA sa Marso 25-28 na torneo subalit ayon kay Marcial ay kanila din nitong hindi tinanggap.
Dagdag pa ni Marcial na ang pagbiyahe sa malayong lugar ay nangangailangan ng mas mahabang mandatory quarantine protocols.
SISIMULAN na ng South Korea ang pagbibigay antiviral pill na gawa ng kumpanyang Pfizer para sa mga pasyente na dinapuan ng COVID-19.
Mayroong 630,000 pill ang ipapamahagi na sapat lamang sa 21,000 katao.
Ang nasabing mga gamot ay ibinahagi sa nasa 280 na botika at 90 na residential treatment centers.
Ayon kay Kim Ki-nam ng Korea Disease Control and Prevention (KDCA) na ang nasabing mga gamot ay may malaking parte para masolusyunan ang tumataas na kaso ng COVID-19.
Itinuturing na ang South Korea ang siyang unang bansa sa Asya na gagamit ng Paxlovid matapos na ito ay mabigyan ng emergency use authorization noong Disyembre.
PINUSUAN ng followers at netizens ang pampa-good vibes na IG post ni Heart Evangelista na kung saan ibinahagi niya ang isang ng photo collage nila ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero, na kuha habang nagbabakasyon sa Los Angeles, California.
Nilagyan ito caption ng Kapuso actress ng, “Live, laugh, love.” at naka-tag ang IG account ng kanyang asawa.
Pero sa kabila ng magagandang komento na karamihan ang kinikilig sa mag-asawa, may isang netizen na panira sa sweet bonding moments nina Heart at Chiz na nag-comment para raw scripted ang mga larawang ipino-post ng bida ng GMA primetime series na I Left My Heart In Sorsogon.
Matapang nag-comment ang basher ng, “Kung may makita akong picture ni Heart na hindi scripted, tatakbo ako ng hubad sa buong barangay.”
At sa rami nga nang magagandang comments, ito pinalampas ng aktres at fashion icon.
Reply ni Heart sa netizen na walang magawa, “Run and never come back darling.
“Life is gooooood plus the coffee I’m drinking is awesome (kasunod ang cartwheel emoji).
“Sorry you can’t accept that I have a happy life but then again not my problem (na nilagyan niya ng champagne at wine glass emojis).”
Hindi rin napigilan ng followers ni Heart na ipagtanggol at dumugin ang basher na mukhang malungkot ang buhay kay namba-bash.
Say nga isang netizen, “stupidest comment I’ve ever seen, so much bitterness. Dinamay mo pa ka-barangay mo na akala mo gusto ka nilang makita na tumakbo na nakahubad.”
Comment pa nila: “The heck are you talking about?! A picture and a script are different things. She inspires, if you don’t like it why follow her?”
“Why so much hate? Inaano ka ba ni miss heart? Dahil ba masaya siya ay mayaman kya naddiri ka sa kanya? Assess mo po self mo baka ma-realize mo something’s wrong with you. I don’t really undestand the hate you feel for her para mang-bash ka ng ganyan.”
“Umpisahan mo na ngayon. Ang pait siguro ng buhay mo.”
“Paki putol na rin paa mo pagkatapos (tumakbo) dahil malungkot ang buhay mo.”
“Waiting for the video of your fun run.”
At dahil nga ang dami nang nagko-comment, nag-post ang basher na parang pinagsisisihan na ang kanyang comment, “@imahearte kayo naman parang hindi ma-joke.” kasama ang tatlong crying face emojis.
Sagot naman ng isa pang netizen, “hindi kayo close para mag-joke ka. Lungkot ng b uhay mo noh.”
(ROHN ROMULO)
SINIMULAN na ni Pinoy Olympian boxer Carlo Paalam ang kaniyang training.
Sa mga larawan na ibinahagi nito sa social media ay makikitang nagsagawa ito ng cardio exercise sa sinilngang bayan nitong Cagayan de Oro City.
May caption pa ito na tapos na ang kaniyang bakasyon at balik na ulit ito sa business.
Hindi naman malinaw kung lalahok ito sa 2021 Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa darating na buwan ng Mayo.
Magugunitang nagwagi si Paalam ng silver medal sa Tokyo Olympics.
NAGSIMULANG mangamba si Angela nang makitang tumataas ang tubig sa labas. Silang dalawa lang ni Bela sa bahay dahil nakauwi na sa sarili niyang bahay si Lola Corazon hatid ni Mang Delfin.
Tinawagan niya si Bernard.
“Hello, sweetheart, mas mabuti pa siguro kung umuwi ka na lang bago pa lumaki ang baha.”
“Baha? Hindi naman binabaha sa lugar natin ah!”
“Ngayon lang nga nangyari ito sa tinagal tagal natin dito sa Villa Luna Subdivision. Kaya natatakot ako.”
“Don’t worry sweetheart, baka naman maliit lang ang baha. Stay calm okay.”
Hindi pa rin mapakali si Angela. Inumpisahan niyang iimpake ang ilang mahahalagang gamit at mga dokumento. Gusto niyang maging handa sa anumang pwedeng mangyari. Panay ang silip niya sa bintana at minomonitor kung tumataas ba o bumababa na ba ang baha. Hindi tumitigil ang pagbuhos ng malakas na ulan kaya sa tingin niya ay lalo pang lumalaki ang tubig sa labas.
“Mom, what’s going on outside?”
“There’s a flood Bela. But don’t worry, mom is here. Pauwi na rin si daddy mo.”
Napansin ni Angela na nagiging mabilis ang pagtaas ng tubig. Kaya’t muli niyang tinawagan si Bernard.
“Angela, huwag kang magpanic, sige uuwi na’ko, I’ll be there asap okay?”
“Mag-iingat ka Bernard. Please umuwi kang ligtas.”
“Of course. Doon na muna kayo magstay ni Bela sa itaas.”
“Bernard, ano kaya kung umalis na kami rito?”
“Hindi naman siguro lalaki ng sobra ang baha. Magstay na lang kayo diyan. Mas delikado sa labas.”
“O-Okay…”
Ilang sandali pa ang lumipas at patuloy pa rin ang pagbira ng bagyo. Kaya’t patuloy din ang pagtaas ng tubig sa kanilang lugar. Kung kailan nagmamadaling makauwi ay saka naman inabot ng sobrang traffic si Bernard dahil din sa hindi na magandang kondisyon ng mga daan gawa ng malakas na ulan at hangin.
“Dapat nakinig ako kay Angela. Dapat hindi na lang ako pumasok kanina…” ani Bernard sa sarili.
Naghanap siya ng shortcut na daan pero sa traffic pa rin siya humahantong.
Nilapitan ni Bela ang mommy niyang nasa terrace sa itaas nila at nakatanaw sa labas.
“Mom, bakit po may baha?”
“Nakakalbo na kasi ang mga kabundukan. Wala ng mga punong pumipigil sa pag-agos ng tubig. Kaya nakaabot na rin sa atin ang baha.”
“I’m afraid mom…are we going to drown?”
Napatingin si Angela kay Bela dahil sa sinabi nito.
“Of course not sweety!” sabay yakap niya sa anak.
“Be brave. Nandito si mommy sa tabi mo at si daddy parating na rin.”
Subalit…
“Teka, anong sinasabi mo na hindi na ako pwedeng makapasok sa Villa Luna?”
“Mataas na po ang baha boss. Delikado na. Kaya mga rescuers na lang ang pinapayagan doon.” Anang pulis sa checkpoint.
“No! Hindi pwede. Walang kasama ang mag-ina ko, kailangan nila ko!”
“Kaya nga po pinapasok ang mga rescuers boss, para maisalba ang mga tao sa loob. Huwag na pong matigas ang ulo nyo para hindi na madagdagan pa ang problema!”
Hindi makapaniwala si Bernard. Sapo ang noong bumalik siya sa kotse.
“Hindi pwede ‘to…tatawagan ko si Marcelo, baka matulungan niya ko…”
Pinatay na ang kuryente sa buong subdivision dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig doon. Kaya’t ang pangamba ni Angela ay lalong nadagdagan. Panay ang haplos niya sa kanyang tiyan.
“Mommy, bakit wala pa po si daddy?”
“On the way na siya anak. Baka maya-maya lang ay nandito na ‘yon.”
Agad sinagot ni Angela ang cellphone nang tumunog ito.
“Sweetheart, nasaan ka na?”
“Kumusta kayo diyan, anong sitwasyon nyo?”
“Nandito pa rin kami sa itaas. Ikaw?”
“Angela, nasa main gate ako, ayaw na nilang magpapasok sa subdivision. Pero pinapasok na nila ang mga rescuers, kaya’t kung may mapapadaan diyan, sumama na kayo ni Bela, naiintindihan mo ba?”
“I-Ibig sabihin, gano’n na kalala ang sitwasyon?”
“I’m sorry Angela, sana pinayagan na kitang makaalis kayo diyan kanina…kasalanan ko…baha na rin dito sa labas, pero mas malalim na raw diyan sa loob. Don’t worry, gagawa pa rin ako ng paraan kung paano ako makakapasok diyan. Tinawagan ko na si Marcelo, sabi niya pupuntahan niya ko rito, baka sakaling makapasok kaming dalawa!”
“No Bernard! Diyan ka na lamang kung saan ka ligtas. Huwag mong sisihin ang sarili mo at huwag kang mag-alala, hindi ko pababayaan si Bela at ang baby natin sa tiyan ko.”
“I know sweetheart. Pero hindi pa rin ako mapapalagay hangga’t hindi ko kayo kasama.”
“Bernard, kapag hindi mo na’ko makontak, just in case na malobat ako or mawala ang signal, huwag kang masyadong mag-aalala, mananatili kaming ligtas.” Pilit pinapatatag ni Angela ang boses kahit pa naiiyak na siya sa takot at kaba.
“Please Angela, hangga’t maaari sikapin mo na huwag mawala ang komunikasyon natin, pakiusap…I love you sweetheart!”
“I love you too…”
Ipinakausap din ni Angela si Bela sa daddy niya. Habang nag-uusap ang mag-ama sa phone ay nag-iisip naman si Angela ng gagawin kung sakaling abutin na sila ng pagtaas ng tubig.
Madilim na ang paligid. Pero wala pang nakikitang mga rescuers si Angela. Hindi natitinag ang malakas na ulan kaya ang pagtaas ng tubig ay hindi rin mapigilan. Tuluyan na itong pumasok sa loob ng bahay nila hanggang sa mapilitan ang mag-inang umakyat na sa rooftop.
“Bela, eto, isuot mo itong salbabida mo. Kahit anong mangyari huwag mo itong tatanggalin sa’yo ha.”
“I’m so afraid mom!”
Niyakap ni Angela ang anak.
“Baby, hangga’t kasama mo si mommy, wala kang dapat ikatakot. Magpray lang tayo, may darating para tulungan tayo na makaalis dito.”
Makalipas pa ang ilang sandali ay hindi na makontak ni Bernard si Angela.
“Shit! No!”
Binalingan ni Bernard ang mga nakabantay na pulis.
“Bakit wala pa ring balita sa mga rescuers sa loob?”
“Kalma lang boss, ginagawa na ho namin ang lahat ng paraan para makontak sila, maghintay na lang po tayo!”
“Maghintay? May pamilya ka ba ro’n sa loob kaya ganyan ka kakalmado?”
“Naiintindihan po namin kayo boss, hindi lang ikaw, tingnan mo sila, lahat sila may pamilya sa loob pero mas pinili nila ang manahimik at manalangin habang naghihintay.”
Ngunit sino nga ba ang makakapigil sa lupit ng kapalaran, kung ang matalim na guhit nito ay nakatakda na?
Mahigpit na magkayakap ang mag-ina sa rooftop.
“Bela anak, I love you so much…” umiiyak na sabi ni Angela.
“I love you too mommy…” umiiyak ding tugon ni Bela.
Ang baha ay sumampa na sa bawat bubungan ng mga kabahayan sa subdivision. Unti-unting nilulunod ang pag-asa ng mga taong naroon.
Habang ang mag-inang Angela at Bela ay takot na hinihintay ang hampas ng malupit na alon ng tadhana ay hindi naman napigilan ni Bernard ang bugso ng kanyang damdamin bilang asawa at bilang ama. Sinuntok niya ang pulis sa kanyang harapan. Naging mitsa iyon ng pagkakagulo sa paligid. Ang ibang kanina pa rin gustong gustong makapasok sa subdivision ay pumanig kay Bernard habang ang iba naman ay umawat.
“MOMMMY!”
“BELAAAA!”
Unti-unting winawasak ng malaking baha kasabay ng malakas na ulan ang pamilya ni Bernard.
(ITUTULOY)
IREREKOMENDA ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force ang pagpapanatili sa Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR) kung patuloy na mas mababa sa 70 porsyento ang healthcare utilization rate ng rehiyon sa pagtatapos ng linggo.
Ito ang kundisyon ni Health Secretary Francisco Duque III sa magiging rekomendasyon niya sa magiging Alert Level ng NCR pagsapit ng Enero 15.ii Nitong Huwebes, nasa 58% pa lamang ang ICU occupancy at nasa 26% ang ventilator utilization.
Nasa 54% ang utilisasyon ng isolation beds at nasa mas mataas na 66% ang utilization rate ng ward beds sa mga pagamutan.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kaya pang pamahalaan ang naturang bilang ng mga kaso sa kabila na nasa higit 200% na umano ang ‘epidemic growth rate’.
Sa nakalipas na 14 na araw, pinakamataas ang kaso na naitatala sa Metro Manila na nasa 131,620 kasunod ang Calabarzon na 43,337 at Region 3, 20,039.
Sa kabila nito, naniniwala siya na pinaka aimportante pa rin ang antas ng ‘healthcare utilization’ na nananatiling nasa border ng low risk at moderate risk sa 60%. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na ang mga opisyal ng regional offices (RO) at school division office (SDO) ng kanilang ahensiya ay maaaring magsuspinde ng klase ngayong panahong patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Sa memorandum ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang mga regional at division offices ay maaari ring magdesisyon kung gaano katagal ang ipapatupad na class suspension.
Gayunpaman, hindi aniya ito dapat na lalampas ng dalawang linggo.
Nagpaalala rin si San Antonio na dapat ding magsagawa ng kaukulang adjustments sa school calendar upang matiyak na ang bilang ng mga araw ng klase sa kasalukuyang school year ay sakop pa rin ng minimum na 220 days.
Ang mga pribadong paaralan naman ay maaaring magpatupad ng kahalintulad na direktiba kung mataas din ang COVID-19 risks sa kani-kanilang paaralan.
Nauna rito, nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pamahalaan na magpatupad ng 2-linggong health break dahil mahigit 50% ng mga guro sa Metro Manila ay dumaranas ng flu-like symptoms.
Samantala, sa Facebook post ng DepEd Calabarzon inanunsiyo nito ang suspensyon ng klase sa lahat ng grade levels mula January 17 to 29, 2022.
DepEd Calabarzon said that the suspension is “in support to the provisions of DM-CI 2022-009 and OUCI-2020-307 and the region’s initiative for safe operations and well being of stakeholders as contained in the Basic Education Learning Continuity Plan.”
Meanwhile, it also said that the schedule of the midyear break from Jan. 31 to Feb 5, 2022 will still remain. (Daris Jose)