• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 7th, 2022

Kakaibang poster ng inaabangang teleserye nina JODI, pinanggigilan ng netizens

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang nagandahan sa pinost na poster ng Dreamscape Entertainment sa kanilang IG account bukod pa trailer na unang nilabas.

 

 

May caption ito na, “Itataas na natin ang gigil level ngayong 2022!

 

 

#TheBrokenMarriageVow starring Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla and Jodi Sta. Maria. Directed by Connie Macatuno and Andoy Ranay. Simula ngayong JANUARY 24 na sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11, TV5, iWantTFC at TFC!”

 

 

Meron din namang netizens na nagulat sa poster na bakit daw may vibe ng ‘Orphan’ movie kaya lumalabas na para itong horror o thriller at hindi basta-basta kabitserye lang.

 

 

Narito ang iba’t-ibang comment nila:

 

 

“Bakit parang mas mukhang horror movie poster siya?”

 

 

“Aahhmmm kasi medyo dark ung theme ng palabas? Hindi lang sya basta kabitserye.”

 

 

“Weird ng poster unlike sa Korean na sensual.”

 

 

“Mukang horror movie. Kaloka naman kasi I like Jodie pero di ko talaga bet yung role sakanya.. Plus yung eyebags.”

 

 

“Like. Pang word class!!”

 

 

“Ganda. Artsy siya.”

 

 

“Lakas maka Orphan ng poster. Maganda ang poster infairness, pero nakakasawa na talaga si Jodi! Yearly, may teleserye sya pati na rin sina Paulo Avelino at Zanjoe Marudo.”

 

 

“Reminds me of ‘Eerie’ poster.”

 

 

“Psycho/Horror dating. Tapos themesong ‘Broken Vow’ ni Lara Fabian.”

 

 

“Actually maganda for me. At least hindi lungkut lungkutang wife.”

 

 

“Gets ko na ba’t ginawa nilang ganyan ang hairdo ni Jodi. A woman’s hair is her crowning glory. Pang-justify ba’t nagloko ung asawa nya haha.”

 

 

“Maganda! Pero napakaliteral haha, rose-marriage-broken-basag. In fairness may impact.”

 

 

Ilang linggo na nga lang ang hihintayin para matunghayan na ang inaabangang unang pasabog ng Kapamilya Network ngayong 2022.

(ROHN ROMULO)

Ads January 7, 2022

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

May bagong bisyo na hindi maiwasan: MARK, naaadik sa pagbibisikleta at dinamay na rin si NICOLE

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY bagong hindi maiwasan na bisyo ngayong taon si Mark Herras at dinamay pa niya ang kanyang misis na si Nicole Donesa. 

 

 

Kapwa sila naaadik sa pagbibisikleta.

 

 

Pinost ni Mark at Nicole sa Instagram ang dalawang bagong bisikleta nila.

 

 

Caption ni Mark: “2022 new hobby with wifey. Let’s go!!”

 

 

Caption naman ni Nicole: “Starting the year right. To more adventures with you and our new horsies.”

 

 

Kasama na si Mark sa maraming celebrities na ang hobby ay ang magbisikleta tulad nila Zoren Legaspi, Piolo Pascual, Dennis Trillo, Kristoffer Martin, Richard Quan, Jake Cuenca, Matteo Guidicelli, at marami pang iba.

 

 

Isa raw sa goal ni Mark sa taong ito ay ang maging physically fit siya ulit. Medyo nabawasan daw kasi ang pagsayaw niya dahil sa lock-in taping ng GMA teleserye na Artikulo 247. 

 

 

Matagal daw si Mark na hindi nakagawa ng teleserye at maganda ang role niya sa Artikulo 247 kaya nag-concentrate muna siya sa ginampanan niyang character.

 

 

Huling teleserye ni Mark ay ang Bihag noong 2019 pa.

 

 

Mabuti na lang daw at masipag ang co-stars niyang mag-post sa TikTok kaya nakikisali muna siya sa sayaw ng mga ito.

 

 

***

 

 

NAKAIISANG teleserye pa lang ang Kapuso actress na si Anna Vicente, pero buntis na ito ngayon at kambal ang kanyang dinadala.

 

 

Sa kanyang Instagram ay pinost ni Anna ang kanyang baby bump at nilagyan ng caption na: “From the moment I found out I was pregnant, I knew that this would be the best journey of my life. I’m so excited to share this good news with all of you!! yes I am growing two little angels and they are ready to say hello this 2022!”

 

 

Naging ka-love triangle ng tambalan nila Ken Chan at Rita Daniela si Anna sa teleserye na Ang Dalawang Ikaw. Noong magtapos na ang teleserye, biglang nawala itong si Anna at ngayon lang ulit lumitaw at buntis na.

 

 

Sa laki ng tiyan ni Anna, malamang na five to six months pregnant na ito.

 

 

Binati si Anna sa kanyang pagiging mommy ng kanyang mga naging showbiz friends na sina Rita Daniela, Ashley Ortega, at Angela Alarcon.

 

 

***

 

 

POSTPONED ang wedding ng singer-actress-VJ na si Tippy Dos Santos at ng fiance na si Miguel Porcuna dahil sa muling pagdami ng bagong COVID-19 cases.

 

 

Post ni Tippy sa Instagram: “Cor-oh no! Due to coronavirus concern, we’re postponing our wedding. We’ll be in touch really soon with updates. The comeback is always stronger than the set back, so get ready for the wedding of a lifetime.”

 

 

Na-engage si Tippy at Miguel noong Christmas Eve 2020. Apat na taong may relasyon ang dalawa bago nag-propose si Miguel kay Tippy sa harap ng pamilya nito.

 

 

Sa pinost na vlog ni Tippy, kinuwento nila ni Miguel kung paano sila nagkakilala.

 

 

“A few years back, I met Miguel through my cousin Ate Yen na classmate niya sa college sa nursing. I was 15. Hi, hello lang. Nung 2015, nagkita ulit kami pero walang anything. Nung January 2016, may concert yung Oh Wonder. Si kuya mo randomly may padalang cookie shots tapos may mixed CD, tapos may letter na he wanted to take me to the concert.”

 

 

Tinurn down daw ni Tippy ang invitation ni Miguel dahil hindi pa raw niya ito masyadong kakilala. Pero dalawang beses daw napanaginipan ni Miguelo si Tippy na isang sign na they were meant to be.

 

 

“Sabi ko, baka may sinasabi sa akin yung cosmic forces or baka si God. Tinext ko si Yen and si Chot. Tinanong ko sila ‘Should I act on this? Try ba ulit?’ Si Chot sabi niya, ‘Maybe the universe is telling you something so just patiently wait for it.’ Si Yen, ang reply lang niya, ‘Magkasama kami ni now, may party kami and we are leaving for the States tomorrow,’” sey ni Miguel.

 

 

Pero tadhana na nga ang kumilos para sa dalawa dahil nataon na same flight sina Tippy at Miguel at sa biyahe nila mas nakilala ang isa’t isa.

(RUEL J. MENDOZA)

TOM HOLLAND’S “UNCHARTED” RELEASES THRILLING PLANE FIGHT EXCLUSIVE CLIP

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IN the race to find the world’s greatest treasure you have to watch your step. Find out what happens next in the Plane Fight Exclusive Clip from the new action adventure Uncharted, exclusively in Philippine cinemas 2022.

 

 

YouTube: https://youtu.be/LqCKWDBG88Q

 

 

About Uncharted

 

 

Street-smart thief Nathan Drake (Tom Holland) is recruited by seasoned treasure hunter Victor “Sully” Sullivan (Mark Wahlberg) to recover a fortune lost by Ferdinand Magellan 500 years ago. What starts as a heist job for the duo becomes a globe-trotting, white-knuckle race to reach the prize before the ruthless Moncada (Antonio Banderas), who believes he and his family are the rightful heirs.
If Nate and Sully can decipher the clues and solve one of the world’s oldest mysteries, they stand to find $5 billion in treasure and perhaps even Nate’s long-lost brother…but only if they can learn to work together.

 

 

Uncharted stars Tom Holland, Mark Wahlberg, Sophia Ali, Tati Gabrielle and Antonio Banderas

 

 

Directed by Ruben Fleischer. screenplay by Rafe Judkins and Art Marcum & Matt Holloway, screen story by Rafe Judkins, based on the PlayStation video game by Naughty Dog.

 

 

The film is produced by Charles Roven, Avi Arad, Alex Gartner, Ari Arad; the executive producers are Ruben Fleischer, Robert J. Dohrmann, David Bernad, Tom Holland, Asad Qizilbash, Carter Swan, Neil Druckmann, Evan Wells, Art Marcum and Matt Holloway.

 

 

In Philippine cinemas 2022,Uncharted is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtag #UnchartedMovie

(ROHN ROMULO)

18-ANYOS NA CICL NAGBIGTI SA MALABON

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG youth offender ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng temporary shelter na para sa mga kabataan na may nakabinbing kaso dahil sa pagkasawi sa pag-ibig matapos umanong hiwalayan ng girlfriend sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ang katawan ng 18-anyos na biktima ay nadiskubre ng 16-anyos na binatilyong youth offender din bandang alas-8:30 sa second floor ng Bahay Pag-asa Shelter sa Langaray St. Brgy. Longos.

 

 

Sa report ni police investigator P/SSgt. Jeric Tindugan kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nagtungo ang saksi sa second floor ng shelter upang patayin ang ilaw nang makita nito ang katawan ng biktima na nakabigti gamit ang kumot na nakapulupot sa kanyang leeg at ang kabilang dulo ay nakatali naman sa beam ng kisame ng corridor ng shelter building.

 

 

Kaagad siyang humingi ng tulong kay Emil Felipe, 33, security guard ng facility saka mabilis na isinugod ang biktima sa Lorenzo Ruiz Women and Children Hospital sa Brgy. Santulan subalit, idineklara itong dead on arrival.

 

 

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya mula sa kanyang mga roommate at iba pang social workers ng shelter na kamakailan ay nagtangkang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali subalit, napigilan ng iba pang Children in Conflict with the Law (CICL).

 

 

Narekober din ng pulisya ang cellular phone ng biktima na naglalaman ng mga mensahe naka-address sa kanyang ina at ipinapaalam ang tungkol sa kanyang pagpakamatay dahil sa homesickness at heartbroken matapos umanong hiwalayan ng kanyang girlfriend. (Richard Mesa)

Obiena handang harapin ang PATAFA sa korte

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MANILA, Philippines — Imbes na maduwag ay buong tapang na haharapin ni national pole vaulter Ernest John Obiena ang mga ibinatong isyu sa kanya ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

 

 

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Obiena na hahayaan niya ang kanyang legal team na ipagtanggol siya sa mga akusasyon ng PATAFA.

 

 

“I am relieved that I now finally know what I am being charged with. From the very start, the PATAFA proceeding had the look and feel of a witch hunt,” ani Obiena. “My legal team can now go about the business of clearing my name and my family’s name. Righteousness always wins in the end.”

 

 

Sa rekomendasyon ng Investigative Committee ng PATAFA ay pinasisibak nito kay president Philip Ella Juico ang Southeast Asian Games at Asian record-holder sa national pool.

 

 

Ayon sa komite, nagsumite si Obiena ng palsipikadong liquidation documents para sa 61,026.80 euros (P3,661,608) c­oaching fees ni Ukrainian coach Vitaly Petrov.

 

 

Dahil dito ay kasong estafa ang rekomendasyon ng komite na isampa ng PATAFA  laban sa 26-an-yos na Tokyo Olympic campaigner.

 

 

Bukod kay Obiena ay pinakakasuhan din ng komite kay Juico si Petrov na bumaligtad sa nauna niyang reklamo sa PATA­FA ukol sa kabiguan ni  O­biena na bayaran siya ng c­oaching fee.

 

 

Kaagad sumaklolo ang Philippine Olympic Committee (POC) kay Obiena at tiniyak na patuloy siyang kakampanya para sa bansa sa mga international competitions.

NCR, palalakasin ang telemedicine para maiwasan na mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagbulusok ng COVID-19 —Abalos

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na pinalalakas ang telemedicine sa Kalakhang Maynila upang hindi mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 infections.

 

 

Paliwanag ni Abalos, hindi lahat ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila ay ay kailangang i-confined sa mga ospital at medical facilities.

 

 

“Once sa triage naman, na-assess, hindi naman lahat dapat i-ospital eh. Kaya nga importante on the ground, pinapalakas po namin ‘yung sa local government, ‘yung telemedicine. Napakaimportante po nito. Tatawagan mo, kamusta na, anong sintomas, oxygen level,” ani Abalos.

 

 

“Mahirap ma-overwhelm naman ang ating ospital. Dapat ang ating ospital ay doon lamang talaga sa mga nangangailangan nang husto,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Upang mas lalo pang mapigilan ang pagkalat ng virus sa Kalakhang Maynila, inatasan ng Metro Manila Council ang mga unvaccinated residents na manatili sa kanilang bahay maliban kung bibili ng pagkain at serbisyo habang ang National Capital Region ay nasa ilalim ng Alert Level 3.

 

 

Ang NCR ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15. (Daris Jose)

Hong Kong nagpatupad ng travel ban vs PH at 7 pang bansa dahil sa pagtaas ng COVID cases

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsiyo ng Hong Kong ang panibagong paghihigpit nila bilang pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19.

 

 

Isa rito ang pagbabawal sa mga flights mula sa Pilipinas at pitong iba pang mga bansa na kinabibilangan ng Australia, Canada, France, India, Pakistan, United Kingdom at US.

 

 

Isasara rin nila ang mga bars at gyms ganun din ang pagkansela ng mga evening restaurant dinings matapos na matuklasan ang Omicron variant.

 

 

Nagtala kasi ang Hong Kong ng 114 Omicron cases na karamihan dito ay nakita sa airport sa 21-day hotel quarantine na mandatory sa mga dumarating na pasahero.

 

 

Pinangangambahan ni Chief executive Carrie Lam na posibleng kumakalat na ito sa mga komunidad. (Daris Jose)

DOH pinag-aaralan kung irerekomenda na COVID-19 ‘self-test’ kits

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung imumungkahi na nito sa publiko ang paggamit ng COVID-19 test kits para ma-test ang sarili.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipagkita na ang DOH sa Food and Drug Administration (FDA) at mga dalubhasa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para rito.

 

 

“Pinag-aaralan po kung paano po natin maisasagawa na hindi naman po magkakaroon ng inaccurate results ang ating mga kababayan,” paliwanag ni Vergeire sa panayam ng Teleradyo, Miyerkules.

 

 

“Kailangan lang ho nating masiguro na wala tayong misuse of the self-test antigen dahil alam naman po natin na meron po tayong tinatawag na right test at the right time at appropriate use.”

 

 

Sinasabi ito ngayon ni Vergeire habang binubuhay ng mga progresibong grupo gaya ng Bagong Alyansang Makabayan at Bayan Muna party-list ang pagkakaroon ng libreng COVID-19 mass testing sa Pilipinas, na wala aniya sa 2022 national budget.

Limitadong religious gatherings, pinapayagan para sa mga fully vaccinated na tao

Posted on: January 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAYAGAN ang limitadong religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

 

 

Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos magdesisyon ang National Task Force na ipagbawal ang “in-person religious gathering” para sa Pista ng Itim na Nazareno.

 

 

Bago pa ang nasabing desisyon, maging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nanawagan na isuspinde ang “in-person religious gathering” na may kinalaman sa Black Nazarene Feast o tinatawag na Traslacion.

 

 

“Under Alert Level 3, it is at 30% [allowed operating capacity] indoor for fully vaccinated,” ayon kay Nograles.

 

 

“Iyon pa rin po ang sinusunod natin, although we suspended religious gathering for the Feast of the Black Nazarene,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinatayang may 50.6 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang nagpapatuloy naman ang pagtuturok ng booster shot laban sa COVID-19 sa mga may edad na 18 pataas.

 

 

Ang Kalakhang Maynila, Bulacan, Cavite at Rizal ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15.

 

 

Bahagi ng Alert Level 3 protocol ang pagbabawal sa “in person classes” para sa basic education, karaoke at indoor entertainment, pagtitipon ng mga tao na hindi naman magkakasama sa iisang bahay, casino/horse racing/cockfighting operations at contact sports maliban para sa bubble set up.

 

 

Samantala, umakyat naman sa 26% ang COVID-19 positivity rate sa bansa “as of January 4” mula sa 1% noong kalagitnaan ng Disyembre ng nakaraang taon. (Daris Jose)