Inanunsiyo ngayon ng Brooklyn Nets na papayagan na rin nilang makalaro ang kontrobersiyal na All-Star guard na si Kyrie Irving.
Kung maalala mula nang magsimula ang NBA season ay hindi na nakalaro si Irving dahil sa mahigpit na patakaran ng New York laban sa mga players na hindi pa nagpapabakuna laban sa COVID-19.
Nilinaw naman ng Brooklyn na papayagan lamang nila si Irving bilang part-time player sa mga games na gagawin sa labas ng New York at Toronto.
Ginawa ng Brooklyn ang hakbang dahil na rin at umabot na sa pitong players ang hindi nakakapaglaro bunsod ng injuries at pag-quarantine sa mga ito kasama na ang isa pang superstar ng Nets na si James Harden.
Kabado rin ang koponan lalo na at sila ang top team sa Eastern Conference ay mawawala pa ang dating MVP na si Kevin Durant upang pagpahingahin muna.
Ang next road game ng Nets ay sa Dec. 24 laban sa Blazers.
NAG-ABISO sa mga motorista ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi pa rin maaaring madaanan ang walong kalsada habang limitado ang access ng limang pang kalsada dahil sa pagbaha, landslide, bumagsak na tulay at soil collapse o pagguho ng lupa.
PANGANGASIWAAN ni DSWD Secretary Rolando Bautista ang Crisis Management Group na tututok sa mabilis na paghahatid ng kailangang tulong para sa mga residenteng lubhang tinamaan ng nagdaang bagyong Odette.
Aabot lang sa 203 ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas matapos na 41 laboratoryo sa bansa ang sinuspinde ang kanilang operations at hindi nakapagsumite ng datos dahil sa Bagyong Odette.
Mistulang ikot ng washing machine ang hangin ng Bagyong Odette.
Kaagad nang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol ngayong araw ang mga relief supplies na dala ng BRP Tubbataha.
Aabot na sa P7.3 million halaga ng family food packs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette.
Dahil sa lumalalang problema sa cybersecurity at hacking, binigyang-tuon ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente Tito Sotto III, kasama ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang paghahanap ng solusyon sa isyung ito na nambibiktima lalo na sa mga overseas Filipino worker.
NASAWI ang isang pedicab driver matapos aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng Road-10 sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.