• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 23rd, 2021

Nakakikilig ang celebration ng 3rd anniversary: ARJO to MAINE, “Life with you just keeps getting better”

Posted on: December 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-CELEBRATE ng third anniversary sina Arjo Atayde at Maine Mendoza as sweethearts sa pamamagitan ng isang romantic sunset cruise last December 21.

 

 

Pinost ni Maine sa kanyang IG account ang mga romantic photos nila ni Arjo na may caption na, “Happy third,” na kuha sa isang yate na may mga red baloons at may setup na pang-picnic na kung saan in-enjoy nila ang champagne with matching foods.

 

 

May nakakakilig naman ang post ni Arjo sa kanyang IG na may caption na, “Life with you just keeps getting better. Happy 3rd Anniversary my bubba pie pie.”

 

 

Marami nga ang natuwa at bumati kina Arjo at Maine na kinabibilangan ng kanilang celebrity friends at family.

 

 

Post ni Sylvia Sanchez, “Happy Anniversary. Love u both” at si Ria Atayde naman: “Happy you’re both happy. Happy anniversary, you two”

 

 

Say ni Christine Babao, “Happy 3rd guys and here’s to infinity and beyond!!”

 

 

“A Blessed Happy Anniversary!,” ang mensahe ni Gian Sotto.

 

 

Ilang pa sa bumati ay sina Iza Calzado, Ruru Madrid, Joseph Marco, Candy Pangilinan, MJ Lastimosa, Ryan Agoncillo, Yassi Pressman, Darla Sauler at marami pang iba.

 

 

Comment naman ng netizens:

 

“Wow ang ganda ni maine sa below photo.”

 

 

“Grabe noh. Swerte ni Maine. Dubsmash lang before. — Pano ba magtrending sa ganyan like tiktoks and fb?!”

 

 

“Mayaman naman na pamilya nya before pa sya sumikat sa dubsmash.”

 

 

“Habang nagkakaedad si maine parang nag go grow ang beauty nya sayo ano?!”

 

 

“Kakainggit ang swerte ni maine sa career at lovelife matino, gwapo, edukado at walang bahid ng kamalian na lalaki.”

 

 

“Honeymoon stage of relationship.”

 

 

“Aminin, swerte si girl kay guy!”

 

 

“More like it’s the other way around.”

 

 

“Nagtalo pa kayo. They deserve each other.”

 

 

***

 

 

WINNER ang Christmas presentation ng Vivamax at Viva Films.

 

 

Streaming na starting tomorrow, December 24, ang comedy-superhero ng Mang Jose ni Janno Gibbs na mula sa direksyon ni Rayn F. Brizuela.

 

 

Makakasama ni Janno sina Manilyn Reynes, Jerald Napoles at Bing Loyzaga, ang Mang Jose ay puwedeng ma-enjoy ng buong pamilya.

 

 

Para naman sa mahilig sa sexy at erotic film, may bagong handog din ang Vivamax, ang Eva na pagbibidahan ni Angeli Khang, kasama sina Sab Aggabao, Ivan Padilla at Marco Gomez.

 

 

Mula naman ito sa direksyon ni Jeffrey Hidalgo.

 

 

Handog naman ng Viva Films ngayong Kapaskuhan ang punum-puno ng aksyon na A Hard Day nina Dingdong Dantes at John Arcilla na official entry sa MMFF 2021, sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

 

 

Pasok din bilang official entry ang comedy-horror film na The ExorSis na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga at sa direksyon ni Fifth Solomon, na hatid ng TinCan Productions at Viva Films.

 

 

Mapapanood na ang A Hard Day at The ExorSis simula ngayong December 25 in cinemas nationwide.

(ROHN ROMULO)

CHRISTIAN, parang lalamunin ng lupa sa mga papuring natanggap kay Direk JUN; bet na bet manalong Best Actor

Posted on: December 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DIREK Jun Lana reiterated na kung hindi si Christian Bables ang nakuha niya as lead actor ng Big Night ay hindi niya itutuloy ang pelikula.

 

 

Magkasamang nanonood sa press preview ng movie sina Direk Jun at Christian.

 

 

Ginagawa pa lang kasi ni Direk Jun ang script ng Big Night ay si Christian na ang gusto niya maging bida. Wala raw siyang naisip na ibang actor to play Dharna, the lead character in the film.

 

 

Very thankful naman si Christian sa papuri ni Direk Jun sa kanya, most especially when the director said na bet niya to win best actor si Christian naman

 

 

“Para akong lalamunin ng lupa,” tila nahihiyang sagot ni Christian sa sinabi ni Direk Jun. “Pero Direk, as always, lagi akong nagpapasalamat sa tiwalang ibinibigay ninyo sa akin.”

 

 

Kung mahusay man daw ang acting niya sa Big Night, iyan daw ay dahil sa guidance ng kanyang director.

 

 

Ayaw naman isipin ni Christian na siya ang tatanghaling best actor. Ayaw naman niyang umasa pero kung ibibigay sa kanya ay malaking blessing daw ito for him.

 

 

Handog ng Cignal Entertainment at The IdeaFirst Company kasama ang OctoberTrain at Quantum Films, ang Big Night! ay umikot sa buhay ni Dharna (Christian) na naging biktima ng isang drug watchlist. Misyon ni Dharna na gawin ang lahat para matanggal ang kanyang pangalan sa “Oplan Tokhang”

 

 

Kasama ni Christian sa powerhouse cast sina Eugene Domingo, Gina Alajar, John Arcilla, Janice de Belen, Ricky Davao, at Ms. Gina Pareño, kasama rin sina Nico Antonio, Allan Paule, Soliman Cruz, Martin del Rosario, Awra Briguela, VJ Mendoza, Cedrick Juan, Ogie Diaz, at Sue Prado.

 

 

Napasama na ang Big Night! bilang selection entry sa prestihiyosong Tallinn Black Nights Film Festival na ginanap noong Nobyembre 12-28, 2021 sa Tallin, Estonia sa Europa.

 

 

Ngayon naman ay mapapanood na ito sa buong Pilipinas simula sa Pasko, December 25, bilang bahagi ng MMFF 2021.

 

 

***

 

 

MALIIT na produksyon lamang ang A & Q Film Productions pero malakas ang loob nila na sumugal sa paggawa ng pelikula.

 

 

Subok lang ang ginawa lang pagsali sa Metro Manila Film Festival 2021 at masaya sila dahil napili ang debut offering nila na Nelia, starring Winwyn Marquez.

 

 

Overwhelmed ang producers na sina Atty. Melanie “Honey” Quiño at Atty. Aldwin Alegre dahil pasok ang movie nila. They believe na ang magandang kwento ng Nelia which tackles mental health issues ay nakatulong para mapili ng selection committee ang pelikula.

 

 

Directed by Lester Dimaranan, the movie also stars Raymond Bagatsing, Ali Forbes, Lloyd Samartino, and Shido Roxas.

(RICKY CALDERON)

PDu30, ipinag-utos sa mga gov’t agencies na gamitin ang quick response funds

Posted on: December 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang kanilang quick response funds (QRF) para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyong Odette.

 

Sinabi ni Senator Bong Go na nag-request din ang Pangulo ng karagdagang pondo para sa mga government offices na humahawak ng disaster response upang kaagad na maibalik ang normal na pamumuhay ng mga naapektuhan matapos ang matinding paghagupit ng bagyong Odette na nag-iwan ng matinding pinsala sa ilang lugar sa bansa noong nakaraang linggo.

 

Sinasabing si bagyong Odette, na may international name na Rai, ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa ngayong taon.

 

“Nagbigay din ng dagdag na direktiba si Pangulong Duterte sa mga ahensya, katulad ng paggamit ng mga Quick Response Funds nila; pagbibigay ng housing assistance, including provision of housing materials for repair of damaged houses; tulong para sa nasirang mga bangka ng mga mangingisda at iba pang agricultural machineries; repair ng mga nasirang gusali, tulay, paliparan, daungan, kalsada at iba pa,” ayon kay Go.

 

Maliban dito, ipinag-utos din ng Pangulo ang paghahanda ng community tents na magsisilbi bilang pansamantalang evacuation centers; at maging ang karagdagang pagkain, tubig at gamot para sa mga naapektuhan ng bagyo.

 

“Inihanda na rin ang MARINA, Philippine Navy, Coast Guard, Army, Air Force at iba pang frontliners para tumulong sa rescue and recovery operations at masigurong makakarating ang mga relief items, equipment at essential personnel sa mga apektadong lugar,” ayon kay Go.

 

“Naka-deploy na rin ang mga available vessels tulad ng ‘BRP Ang Pangulo’ para magsilbing floating hospital sa Dinagat Islands at Siargao Island. Magpapadala rin kaagad ang DOH (Department of Health) ng dagdag na mga gamot, medical equipment at health personnel para maalagaan ang kalusugan ng evacuees,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, nakatakda namang bisitahin ni Pangulong Duterte ang Negros Occidental para personal na tingnan ang sitwasyon sa lalawigan. (Daris Jose)

Pinaka-highlight ng Israel trip na narating ang Jerusalem: MARIAN, naiyak dahil halos lahat ng station of the cross ay napuntahan nila ni DINGDONG

Posted on: December 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HALOS iisa ang tanong at comment sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa naging online mediacon niya.

 

 

Ano raw ang reaction niya na magaganda naman ang lahat ng kasama niyang judges sa Miss Universe 2021, pero siya ang walang-dudang pinakamaganda?

 

 

Ang dami ngang mga baon na magagandang kuwento at alaala ni Marian mula sa Miss Universe at makokonsider raw niya sigurong isa ito sa pinaka-highlight ng career niya.

 

 

Nagkuwento rin si Marian sa totoong kuwento kung bakit napasayaw siya kasama si Urvashi Rautela ng India ng famous dance niyang “Sabay-sabay Tayo.”

 

 

Si Urvashi raw talaga ang nag-request na turuan niya.

 

 

“Kasi sabi niya sa akin, can you please teach me your dance steps? Sabi ko, what are you talking about? Sabay-sabay! Tawa ko nang tawa. So okay, let’s dance.   

 

 

“Kaya nagsayaw kami kasi siya mismo, sinabi niya sa akin na magsayaw kami. Kaya parang nagulat ako na alam niya!”

 

 

Pagod na pagod daw talaga siya dahil sa rami ng mga ginagawa nila bilang member of the selection committee ng Miss U at isang araw lang daw silang nagkaroon ng chance ni Dingdong Dantes na makapasyal.

 

 

At pinaka-highlight din daw talaga sa pagpunta nila ng Israel ay ang matupad ang wish niya na makapunta ng Jerusalem.

 

 

Iba raw talaga ang feeling at halos lahat daw yata ng station of the cross na pinuntahan nila, umiiyak siya.

 

 

     “Bucketlist ko talaga ‘yan at gustong-gusto ko talagang makapunta.”

 

 

At bukod nga sa pagiging judge ng Miss Universe, hindi rin makakalimutan ni Marian ang trip nilang ito ni Dingdong na first time nilang mag-travel na dalawa na walang mga bata at sa Israel pa nga naman.

 

 

Plus, ang nakita niyang suporta raw talaga sa kanya ng Mister.

 

 

     “Alam niyo naman si Dong, all-out support talaga ‘yan sa akin. Siya ang nagtsi-cheer sa akin. And I’m very grateful na nandoon si Dong para sa akin. Kung ano ang kailangan ko, kung giniginaw ako, to the rescue. Nauuhaw ako, to the rescue. Lahat ginawa niyang talaga.”

 

 

Kaya naman pag-uwi raw nila ng Manila, sabi raw niya kay Dingdong, may reward ito sa kanya.

 

 

***

 

 

MAY labindalawang updates sa kanyang Instagram account si Megastar Sharon Cuneta na more on mga bagay nga na nangyayari sa buhay niya ngayon at mga wini-wish.

 

 

Obviously, nakakapagpa-happy rito na ang anak na si Frankie Pangilinan ay nakabalik ngayon sa bansa para makasama nila sa Pasko.

 

 

Sey niya, “My Kakie’s home from New York and is coming out of quarantine tomorrow!” 

 

 

At dahil naka-Christmas break na sila mula sa lock-down taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at sa January na raw sila babalik muli ng Ilocos, so masusulit ang pag-uwi ng anak at magkaka-bonding sila. Habang ang panganay niya na si KC Concepcion ay nananatili pa rin sa Amerika.

 

 

Bida rin ang asong inampon na si Pawiboy na for good na raw na makakasama nila sa bahay from veterinarian clinic.

 

 

At sa post ni Sharon, inamin niyang na-shock talaga siya sa pag-run ng mister na si Sen. Kiko Pangilinan for Vice President, pero ready naman at happy naman daw siyang i-campaign or suportahan ito.

 

 

Pero sa lahat ng ito, gusto pa rin niyang mag-escape at pumunta raw sa kanyang happy place.

 

 

Aniya, “Wanting to escape to my happy place asap and just collect myself and think. Wanting to go abroad for some alone time so bad.”

 

 

Sa isang banda, kumusta na kaya ang relasyon ni Mega sa kanyang Tita Helen Gamboa-Sotto at Sen. Tito Sotto at mga anak nito na tila mas naging masalimuot dahil sa pagtutunggali ngayon sa pagka-Vice President ng kanyang asawa at halos kinikilala rin na pangalawang ama.

 

 

***

 

 

NAUNA nang makabalik sa Siargao ang fiancée ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo para ma-check ang damage na nagawa ng Bagyong Odette sa kanilang tahanan at ma-check din ang pamilya nito tulad ng kanyang mga magulang.

 

 

At siyempre, makatulong din sa mga kababayan niya na grabe talagang nasalanta ng bagyo.

 

 

Habang sina Andi at ang tatlong anak na babae ay nag-stay muna sa hotel sa Manila habang wala pa siguro silang go signal mula kay Philmar.

 

 

Sabi ni Andi sa kanyang Instagram stories, “Papa @chepoxz is now on his way back home with other volunteers.  He’ll be helping out with the team but staying a bit to be with our family there, and assure their safety. I hope he gets to come back to us soon.”

 

 

Ang anak daw nila na si Lilo ay panay ang tanong sa bahay nila sa Siargao na ang tawag ay upstairs home.

 

 

At talagang ang puso ni Andi ay nasa Siargao na.  Naniniwala raw siya na makakabangon muli ang minamahal na isla.

 

 

Aniya, “Our home there isn’t just our house. Our home is the island itself. Slowly we will rebuild. Slowly we will get back up again. It’s their people that taught me the importance of working together as acommunity, how kindness and generosity goes a long way. How we don’t really need to have much to be so happy.”

(ROSE GARCIA)

Halos 6-K police personnel idineploy para tumulong sa relief operations

Posted on: December 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa 5, 837 tauhan ng PNP mula sa lahat ng rehiyon ang dineploy sa Reactionary Standby Support Force para tumulong sa Relief, Search and Rescue Operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyong “Odette”.

 

Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, nakapag ligtas ang kanilang mga tauhan ng 1,263 indibidual sa ikinasang 142 rescue operations.

 

Sa ngayon aniya, inuuna ng kanilang mga tauhan ang road clearing operations para mas mabilis na makarating ang tulong sa mga nangangailangan.

 

 

Bukod dito, tinututukan din aniya ng mga pulis ang peace and order lalu pa’t may kakulangan sa mga basic necessities tulad ng pagkain, tubig, at gasolina sa mga lugar na napuruhan ng bagyo.

 

 

Ayon kay Carlos, nasa 808 PNP personnel ang dineploy para sa seguridad ng mga evacuation centers.

 

 

Tiniyak ni Gen. Carlos na sa pagkakataon ng matinding pangangailangan laging may pulis na handang tumulong sa mga mamayan.

 

 

” We will never cease to help since it is intergral in our mission. Calamities such as typhoon Odette can be best gauge the strenght of our working force even if some of our personnel are catastrophe victims too,” pahayag ni Gen. Carlos.

 

 

Hindi naman tumitigil ang PNP sa pagtulong sa pamamahagi ng relief goods sa ating mga kababayan na naapektuhan ng hagupit ng Bagyong Odette.

 

 

” This is Bayanihan at its finest, where help is needed, the PNP will be there,” dagdag pa ni Gen. Carlos.

 

 

Samantala, patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga casualties na naitatala ng PNP National Operations Center matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.

 

 

Sa datos ng na inilabas ng PNP nasa 375 ang nasawi, 515 sugatan, at 56 missing. Ito ay as of 6AM December 21,2021.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, bukod sa relief, search and rescue effort nagsagawa din ang PNP ng 453 relief operations.

 

 

Iniulat din ni Alba na nasa 534 PNP personnel ang naapektuhan ng Bagyo na kanila din binigyan ng kaukulang tulong.

 

 

May mga PNP structures din ang nasira sa paghagupit ng Bagyong Odette lalo na sa PRO-8 at PRO-13 na tinatayang nasa mahigit P4.6 million. (Daris Jose)

OFW na nagpositibo sa Omicron variant ng COVID-19, ‘di bakunado – DOH

Posted on: December 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi umano bakunado sa COVID-19 ang ikatlong returning overseas Filipino na nagpositibo sa Omicron variant na nakapasok sa Pilipinas.

 

 

Sa ginawang paglilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergerie, ang 36-year-old returning overseas Filipino (ROF) ay nagmula sa Qatar at dumating sa bansa noong Nobyembre 28 via Qatar Airways Flight number QR 924.

 

 

Siya ay na-quarantine sa Cebu sa pagdating at nagpositibo noong Disyembre 5.

 

 

Pagkatapos ay inilipat siya sa isolation facility.

 

 

Nanatiling nakahiwalay ang ROF hanggang Disyembre 16 at umuwi noong Disyembre 17 sa Cavite.

 

 

Sinabi ni Vergeire na lumabas ang kanyang buong resulta ng genome sequencing noong Disyembre 18.

 

 

Siya ay ini-relocate at muling isinailalim sa swab at nagnegatibo na sa pagsusuri noong Disyembre 19.

 

 

Tiniyak naman ni Vergerie na nagsagawa na sila ng contact tracing sa mga pasahero sa Qatar Airways flight number QR 924 noong Nobyembre 28.

 

 

Pero ayon sa DOH ang tatlong nagkaroon ng close contact sa naturang OFW ay negatibo na rin sa virus.

VP LENI pinuri sa hands-on leadership at mabilis na aksiyon

Posted on: December 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinuri ng mga artista si Vice President Leni Robredo sa kanyang hands-on leadership at mabilis na aksiyon sa pagtulong mga taong naapektuhan ng Bagyong Odette sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Sa kanyang Instagram page, pinuri ng aktres at TV host na si Kris Aquino dahil palagi itong tumutulong tuwing may kalamidad.

 

 

Sinabi pa ni Aquino na alas-singko pa lang ng madaling araw ay nakikipag-ugnayan na siya kay Robredo ukol sa mga donasyon na kanyang natanggap para sa mga nasalanta ng bagyo.

 

 

Ayon pa sa aktres, palagi silang nakikipag-ugnayan ng kapwa aktres na si Angel Locsin kay Robredo pagdating sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

 

 

Sa kanyang parte, nanawagan si Locsin sa mga nais tumulong na dalhin ang kanilang donasyon sa Leni-Kiko Volunteer office.

 

 

Ayon pa sa aktres, palagi silang nakikipag-ugnayan ng kapwa aktres na si Angel Locsin kay Robredo pagdating sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

 

 

Sa kanyang parte, nanawagan si Locsin sa mga nais tumulong na dalhin ang kanilang donasyon sa Leni-Kiko Volunteer office.

 

 

Pinuri rin ng aktres na si Rita Avila ang mabilis na pagtulong ni Robredo sa mga biktima ng bagyo.