MABILIS na nag-trending sa social media ang launching ng Kapuso actress na si Bea Alonzo as the new Tanduay Calendar Girl for 2022.
Sa interview kay Bea, hindi pala first time na nag-offer sa kanya ang produkto na maging calendar girl nila, pero hindi niya tinanggap dahil parang hindi pa iyon ang right time for her.
But this time, tinanggap na niya ang offer na maging Calendar Girl na ginawa ang online event titled ‘The Perfect Match.’
Early 2021 ay inihanda na ng ace photographer na si Marc Nicdao at ng glam team ni Pam Quiñones ang shoot, at si Bea, on her part, dumaan na rin ng slimming process para mas mapaganda pa ang body niya.
Ang location shoot ay ginawa sa isang farm at nag-lock in sila roon for four days. (Ang farm kaya ni Bea sa Zambales ang ginamit nila sa photoshoot?)
Ayon pa rin kay Bea, hindi raw matatapos sa pagiging Calendar Girl 2022 lamang ang contract niya sa kanila, dahil may iba pa siyang projects na gagawin. Nai-shoot na rin ni Bea ang TVC nito na mapapanood na rin anytime soon.
***
ISA pang nag-trending last Monday, November 22, ay ang pagbabalik ng GMA Primetime series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, matapos ang season break nila.
Umani ito ng papuri dahil ibinalik ni Direk Dominic Zapata ang ilang ‘di malilimutang eksena sa simula ng story, hanggang sa season break nila.
Ngayon, kaabang-abang na kung paano ililigtas ni Louie (Alden) ang sarili sa mga kasalanang hindi niya ginawa, gabi-gabi after I Left My Heart in Sorsogon sa GMA-7.
***
KAGABI ang 25th anniversary celebration ng gag-comedy show na Bubble Gang.
Nag-try pala ang creative director na si Michael V na maimbita ang mga dating miyembro ng show, like Ogie Alcasid na matagal ding naging host ng show pero nasa kabilang istasyon na siya.
“There was an attempt,” sabi ni Bitoy,
“We did our best, but along the way, nagkaroon ng dahilan para hindi magawa yung mga na-envision namin.”
Hindi pa rin kasi sila makapag-tape na lahat sa studio, may mga work from home pa rin, dahil nag-iingat sila, tulad ni Bitoy. Kaya simple celebration lamang muna ang gagawin nila ngayon.
Once daw na nakabalik na sila sa new normal, mas marami na silang bagong maihahain sa kanilang mga viewers tuwing Friday evening sa GMA-7.
***
SA London na nga kaya titira ang actress na si Bela Padilla?
Instagram post niya: “So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like now. I’m ready to let you into my life and will tell you more about it.”
Si Bela ay British-Filipina. May Swiss boyfriend siya, si Norman Bay.
Iiwanan na kaya ni Bela ang showbiz?
(NORA V. CALDERON)
Hinto muna ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) sa November 28 dahil sa gagawing paglilipat sa bagong signaling system ayon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC).
DAPAT ding payagang kumain sa mga restaurants ang mga indibidwal na naka-recover mula sa COVID-19 at iyong mga partially vaccinated dahil sa medical conditions.
Pinag-iingat ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko sa mga natatanggap na spam messages.
SA last quarter ng 2021, may pasabog na naman ang patuloy na nangunguna na Beautéderm Corporation at pinagsisigawan na ‘take charge of your health’.
SHOOT sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng halos P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Umarangkada na rin ang pagbibigay ng booster shots ng Quezon City government sa mga healthcare workers kahapon.
Hindi pa tuluyang nagretiro sa paglalaro ng basketball si PBA star Marc Pingris.