• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:57 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 30th, 2021

Guidelines sa holiday pay sa buwan ng Nobyembre, inilabas ng DOLE

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ngayon pa lamang ay nagpaalala na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers kaugnay ng tamang pagpapasahod sa kanilang mga empleyado para sa mga holidays sa Nobyembre.

 

 

Kabilang na rito ang All Saints’ Day sa November 1, All Souls’ Day sa November 2 at Bonifacio Day sa November 30.

 

 

Para sa All Saints’ Day sa November 1 na isang special non-working day, papairalin dito ang tinatawag na “no work no pay” policy maliban na lamang kapag mayroong paborableng company policy, practice o collective bargaining agreement na magbibigay ng sahod sa mga hindi papasok na empleyado.

 

 

Para naman sa mga papasok sa naturang araw na isang special day, dapat ay mabayaran ito ng karagdagang 30 percent ng kanyang basic salary sa unang walong oras.

 

 

Kapag nag-overtime naman ang isang empleyado, dapat ay mabayaran ito ng karagdagang 30 percent ng kanyang hourly hour rate sa naturang araw.

 

 

Para naman sa mga masuwerteng empleyado na nataon ang kanilang day-off sa special day dapat ay mabayaran ito ng karagdagang 50 ng kanyang basic wage sa unang walong oras.

 

 

Sa All Souls’ Day sa November 2 na isang special working day, entitled lamang ang isang empleyado ng kanyang daily wage at walang premium pay ang required dahil ikinokonsidera itong ordinary day.

 

 

Para naman sa Bonifacio Day on November 30 na isang regular holiday

 

 

Kapag hindi nagtrabaho ang isang empleyado ay dapat pa rin itong makatanggap ng 100 percent ng kanyang sahod pero depende pa rin ito sa mga requirements sa implementing rules and regulations ng Labor Code.

 

 

Para naman sa mga masisipag na empleyadong magtatrabaho pa rin sa regular holiday sa Nobyembre 30 dapat ay makataggap ito ng 200 percent na sahod sa unang walong oras.

 

 

Sa mga gustong mag-overtime, dapat ay magkaroon ito ng karagdagang 30 percent sa kanilang hourly rate.

 

 

At para sa mga empleyadong nataon ang Nobyembre 30 sa kanilang rest day, dapat ay mabayaran ito ng karagdagang 30 percent ng kanyang basic wage ng 200 percent.

 

 

Pero dahil na rin sa kinahaharap ng bansang pandemic na dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga negosyong tuluyang nagsara o ang mga nagbalik sa operasyon ay exempted sa holiday pay sa November 30.

Olympic bronze medalist Eumir Marcial at longtime girlfriend ikinasal na

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ikinasal na ang Filipino boxer at Olympic bronze medalist Eumir Marcial sa kaniyang longtime girlfriend na si Princess Galarpe.

 

 

Dumalo sa beach wedding ang kapwa nitong olympian na sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Hidilyn Diaz.

 

 

Pinamunuan naman ni Philippine Olympic Committee at Cavite Rep. Bambol Tolentino ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

 

 

Noong nakaraang taon lamang ng alukin ng kasal ni Marcial ang nobya nito.

Hidilyn na-scam, natuto nang leksyon

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinong mag-aakalang na-scam na si Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz.

 

 

Sa isang press conference ay inamin ni Diaz na minsan na siyang nabiktima ng scammer matapos niyang makakuha ng cash incentives sa pagbuhat sa silver medal sa women’s weightlifting noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

 

 

Umaasa ang 30-anyos na national weightlifter na maibabahagi niya sa iba pang atleta ang kanyang eksperyensa.

 

 

“I’m hoping na matuto tayo. Matuto tayo sa mga pagkakamali natin at pagkakamali ng mga kasama natin,” wika ng tubong Zamboanga City.

 

 

Milyun-milyon ang natanggap na cash incentives ni Diaz matapos kunin ang kauna-unahang gold medal ng Pinas sa nakaraang 2021 Tokyo Olympics.

 

 

Ngayon ay alam na ni Diaz ang kanyang gagawin sa mga natanggap na halos P56 milyong insentibo, mga house and lots, condominium units at kotse.

 

 

Ang pag-iipon ang unang payo ni Diaz sa mga kapwa niya national athletes.

 

 

“Para sa akin, mag-ipon tayo kasi hindi tayo forever na atleta. Suwerte na lang magtagal tayo,” ani Diaz. “Di ba may kasabihan na nasa huli ang pagsisisi, pero huwag tayong ganoon.”

 

 

Nakatakdang sumabak si Diaz sa 2021 International Weightlifting Federation (IWF) World Championships sa Disyembre sa Tashkent, Uzbekistan.

OIL SMUGGLING, PAHIRAP SA MAMAMAYAN

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakakapagtaka na wala ni isa man sa mga presidentiables ang may plataporma upang tuldukan ang mas malalang problema sa smuggling sa loob at labas ng Bureau of Customs partikular na ang langis at krudo.

 

 

 

May ibat-ibang istilo ang smuggling o tuwira’ng pandaraya ng mga importador nito at nagagawa nila ang pandaraya sa gobyerno bago pa man dumaong ang mga oil tankers sa mga oil depot na destinasyon nito.

 

 

 

Ang pinaka-garapal na gawain ng mga oil importers ay ang magdiskarga ng karga nilang langis sa laot na sinasalo ng mga oil barges o gabarana tinatawag nilang “paihi” sa laot o sa mga tagong isla at direkta nilang idini-deliver sa mga customers nila.

 

 

 

Ang presyo ng mga pangunahing petrolyo na inaangkat natin sa ibang bansa ang nagdidikta sa halaga ng pasahe at presyo ng mga bilihin sa merkado na pinapasan ng mamamayan lalo na kung inuutang pa natin ang pambayad dito.

 

 

 

Panahon pa ni Pres. FERDINAND MARCOS nagkaroon ng mabisang gamit na Water Patrol Boats ang BUREAU of Customs sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner RAMON FAROLAN pero dahil sa poormaintenanceay nasira ito at hindi na pinalitan o bumili ng kapalit hanggang noong 1987.

 

 

 

Walang ginawang hakbang ang limang nagdaang administrasyon upang ma-modernize ang Water Patrol Division ng BOC  sa pagbili ng  magagamit na Water Patrol Boats  at umaasa lamang sa tulong ng Philippine Coast Guards at PNP Maritime Command tuwing may  special operations ang BOC at nito lamang 2021 sa ilalim ng Administrasyon ni Pres. DIGONG DUTERTE muling  nakabili ng Water Patrol Boats ang BOC sa pamumuno ni BOC Commissioner REY LEONARDO GUERRERO.  Samakatuwid ay halos 30 taon pala tayong tila namamana sa dilim sa pagsugpo sa gas at oil smuggling?

 

 

 

May mga produktong petrolyo rin ang pumapasok sa bansa na diumano’y nakakalusot sa tamang pagbabayaran lalo’t  binabago ang deklarasyon ng uri nito o misclasssified sa pagitan ng regular espesyal na klase at kalidad ng mga petrolyong inaangkat natin. Posible ito lalo’t may sabwatan ‘di ba?

 

 

Ang importasyon ng mga pangunahing langis, krudo at gasolina ang pinagkukunan ng malaking bahagi ng buwis na nakokolekta ng BOC kaya dapat na talagang pag-ukulan ng pansin ng gobyerno natin ito dahil dito nakasandal ang karamihan sa industriya ng bansa mula sa kuryentetransportasyonat agrikulturakaya ito rin ang nagdidikta sa presyo ng pamasahe at pagkain.

 

 

 

Marapat lamang na bantayan ng BOC at Department of Finance ang Gas and Oil importations dahil dito nakakakolekta ng malaki ang mga ahensiya ng BOC at BIR na hindi bababa sa P131 bilyon excise tax  bukod pa ang  pinagsamang income tax,  value added tax at documentary stamp  na pangunahing pinagkukuhanan natin ng pambayad sa mga utang ng Pilipinas sa ibang bansa. O baka mas malaki pa ang nakakalusot na hindi naipagbabayad ng buwis dahil sa smuggling.

 

 

 

Malay nga natin. (Atty. Ariel Enrile – Inton)

Leader ng “Ompong Drug Group” nalambat sa buy bust sa Navotas

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa P1.2 milyon halaga ng ilegal na droga at baril ang nasamsam ng mga awtoridad sa leader ng isang “notoryus drug group” matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rodolfo Reyes alyas “Ompong”, 43, leader umano ng notoryus na “Ompong Drug Group”, miyembero ng sputnik at residente ng  Block 13, Brgy. Longos Malabon City.

 

 

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr., dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni PLT Luis Rufo Jr., kasama ang SWAT team at Intelligence Section ng Navotas police ng buy bust operation sa C3 Road, Brgy. NBBS Kaunlaran.

 

 

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P12,000 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 10.14 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,952, nasa 9,500 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P1,140,000.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 at 11 pirasong P1,000 boodle money, ingram X9 shooter, magazine, 5 pirasong bala ng 9mm, motorsiklo, digital weighing scale, cellphone at pocket notebook.

 

 

“Hangad namin ang patuloy na kaayusan at matahimik na CAMANAVA at ang  kapulisan ng NPD  ay gagawin ang makakaya sa pamamagitan ng paglunsad ng serye ng intensibong operasyon para masugpo ang illegal na droga at kriminalidad,” ani BGen. Hidalgo. (Richard Mesa)

HEART, magtatagal sa Los Angeles para sa isang secret project at art project nila ni BRANDON BOYD

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KASALUKUYANG nagla-lock-in taping ngayon si Heart Evangelista para sa GMA primetime series niyang I Left My Heart in Sorsorgon.  

 

 

Puro Manila scenes na raw ang kinukuhanan nila kaya sabi ni Heart, matatagalan daw siguro baka siya makabalik muli ng Sorsogon.

 

 

Sa Instagram Live ni Heart, nabanggit niya na after pala ng taping, lilipad na naman siya papuntang Los Angeles, U.S.A. pero this time raw, magtatagal siya.

 

 

“I’ll gonna leave for L.A. trip and I’ll gonna be there for a long time. Matatagalan before I can go back to Sorsogon. In fact, I wanted to go to the opening of the Capitol, but I’m here na sa in Manila sa lock-in taping.”

 

 

Tinanong tuloy namin ito kung ano ang gagawin niya sa L.A. at dahil malapit na ang Pasko, posible rin kaya na do’n na siya magki-Christmas.

 

 

And true enough, mukhang do’n na nga raw siya mag-i-spend ng Christmas.

 

 

At sa gagawin niya sa L.A. kung bakit siya magtatagal, sikreto pa raw, “It’s actually a secret project. And also, I’ll be there for the art project with Incubus’ Brandon Boyd.”

 

 

***

 

 

ANG mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay naka-Halloween break din.

 

 

Makikita sa mga Instagram stories nina Dingdong at Marian na katulad ng pamilya nina Vic Sotto at Pauleen Luna, sina Dingdong at Marian, kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto ay naka-bakasyon din ngayon,

 

 

Hindi pino-post nina Dingdong at Marian kung nasaan sila pero may nakapagsabi sa amin na tulad nga nina Bossing at Pauleen, nasa Amanpulo rin ang mga ito.

 

 

Tawang-tawa raw si Marian na ipinost pa sa IG stories niya ang baby lechon na nang makita ng anak na si Sixto ay naawa.

 

 

Sabi raw ni Sixto, “Mama wawa peppa pig!” Sabi ni Marian, “Hahahaha tawang-tawa ako sa ‘yo, anak!”

 

 

Ang peppa pig ay ang pabiritong cartoon mga batang edad nga ni Sixto.

 

 

Sa isang banda, kilala ang DongYan na palaging may bonggang Halloween costume, so far, mula nang ipanganak si Sixto ay ‘di pa sila nakakapag-family costume.

 

 

Tiyak na marami ang nag-aabang kung kahit ba nasa mala-paraisiong Amanpulo sila ngayon ay gagawin nila ang nakagisnang tradisyon.

(ROSE GARCIA)