• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2021

‘Pacquiao, naantig din sa buhos nang pagbati sa kanya at pag-iyak ni Kris’

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinanggap ni Manny Pacquiao na may pasasalamat ang maraming bumati sa kanya at kinilala ang kanyang mga nagawa sa boksing sa kabila ng kanyang pagkatalo kay Yordenis Ugas.

 

 

Sinabi nito na naantig din daw ang damdamin ni Pacquiao sa pag-iyak at mensahe nang tinaguriang “queen of all media” na si Kris Aquino.

 

 

Ayon kasi kay Kris, hindi na kailangan ni Pacquiao na mag-sorry dahil sa ito na nga ang nagbibigay ng malaking karangalan sa bansa.

 

 

Una nito sinabi nito Pacquiao na, “I’m sorry I could not give you a win, but I did my very best.”

 

 

Sa kanyang Instagram page, todo ang paghanga ni Kris dahil daw sa masyadong pagpapakumbaba ni Manny.

 

 

“Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo,” ani Aquino. “No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.”

 

 

Ipinaabot din naman ni Kris ang kanyang “love and prayers” kay Jinkee.

 

 

“God will surely be guiding and healing both of you in the coming days.”

 

 

Ayon kasi kay Kris, hindi na kailangan ni Pacquiao na mag-sorry dahil sa ito na nga ang nagbibigay ng malaking karangalan sa bansa.

 

 

Una nito sinabi nito Pacquiao na, “I’m sorry I could not give you a win, but I did my very best.”

 

 

Sa kanyang Instagram page, todo ang paghanga ni Kris dahil daw sa masyadong pagpapakumbaba ni Manny.

 

 

“Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo,” ani Aquino. “No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.”

 

 

Ipinaabot din naman ni Kris ang kanyang “love and prayers” kay Jinkee.

 

 

“God will surely be guiding and healing both of you in the coming days.”

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, isinusulong ang paggamit ng digital tools

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando ang paggamit ng mga pasyenteng may Tuberculosis (TB) sa Bulacan ng Digital Adherence Technologies (DAT) ng ASCENT Project (Adherence Support Coalition to End TB).

 

 

 

Ang ASCENT na proyekto ay isinasagawa ng KNCV Tuberculosis Foundation katuwang ang Department of Health at mga lokal na Pamahalaan ng Bulacan at Pampanga para sa positibong kalalabasan ng gamutan sa TB, gayundin ang pagpigil nito at pangangalaga ng kalusugan sa buong mundo.

 

 

 

Hindi gaya ng tradisyunal na Directly Observed Treatment (DOT) tool na hinahayaang inumin ng pasyente ang kanilang mga gamot sa maginhawang lugar at oras habang konektado sa kanilang mga health care provider, sinusuportahan ng DAT tools ang mga pasyenteng may TB sa kanilang pag-inom ng gamot sa pamamagitan ng smartphone–based technologies, digital pillboxes at ingestible sensors.

 

 

 

Sinabi ni Fernando na ang dating kilalang smart mobile phone na aparato ay makatutulong sa mga tao sa kanilang gamutan sa TB gayundin ang matalinong impormasyon at komunikasyon lalo na ngayong may krisis sa COVID-19.

 

 

 

“Hinihikayat ko na ang bawat pasyente ay mag-enroll gamit ang libreng pagte-text at video upang mamonitor ang inyong gamutan sa nasabing sakit. Suportahan po natin ang gamutang ito upang maiwasan ang face to face interaction,” anang punong lalawigan.

 

 

 

Gayundin, sinabi ni Regional Technical Officer Mona Lisa Morales ng ASCENT na ang nasabing TB medication adherence na Medication sleeves/labels, Smart pill boxes and Video-supported treatment na bubuo ng digital record ng paggamit ng gamot kung kaya sa ganitong paraan ay mamomonitor ng health care workers ang pagsunod sa pamamagitan ng single user interface upang suportahan ang gamutan sa may TB.

 

 

 

Sa paggamit ng digital tool na tinawag na DAT, kinakailangang mag-enroll muna sa alin mang tinukoy na pasilidad ng kalusugan ang pasyenteng may TB at sila ay tatanggap ng mga gamot para sa nasabing sakit na naka-customize na balot. Kasunod nito, dapat magsagawa ang pasyente ng toll-free call o text para sa code mula sa DAT upang otomatikong mailista ang kanilang araw-araw na dosis. Pagkakalooban din sila ng isang lalagyan na espesyal na idinisenyo upang kanilang pagtaguan ng kanilang gamot para sa TB.

 

 

 

Sa tuwing bubuksan nila ang kahon, magpapadala ng signal ang embedded device at awtomatikong aabisuhan ang mga health care worker ng mga naka-log na pang-araw-araw na dosis. Sa panahon ng pag-inom ng medikasyon, itatala ng pasyente ang video message gamit ang customized app sa kanilang mobile phone at pagkatapos makumpleto, ipapadala ang video sa mga health care worker para sa pagrerepaso.

 

 

 

Samantala, sa pamamagitan ng ASCENT Project, patuloy ang online na pagpupulong at pagtatasa sa pagganap ng DAT sa mga pasyente at mga nangangalaga kabilang ang healthcare providers, ilang pangunahing TB players sa lebel ng lokal, regional, at central National Tuberculosis Control Program (NTP).

 

 

 

Ang ASCENT project ay pinopondohan ng Unitaid, isang pandaigdigang inisyatibo sa kalusugan sa pangunguna ng ng KNCV Tuberculosis Foundation kung saan mayroon ng higit 100 taon ng kadalubhasaan at karanasan sa paglaban sa TB na naglalayong makamit ang isang TB-free na mundo.

Spider-Man: No Way Home’s First Trailer Spins a Whole New Adventure

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SONY Pictures and Marvel Studios have just dropped the first trailer forSpider-Man: No Way Home, the third entry in the two studios’ co-stewardship of the latest cinematic Spider-Man.

 

 

Tom Holland’s latest solo outing as Spider-Man has given us a glimpse of what to expect, and it seems like Peter Parker’s not quite so happy to be a very public face of that new age and turns out it’s about to get a whole lot messier.

 

 

Filled with drama, reality-warping, and exciting villains, the three-minute clip is sure to get the Marvel fans out there thrilled!

 

 

Watch the film’s first teaser trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=seGMK4QKumU

 

 

As the trailer reveals, Peter Parker’s life completely changed after his identity was made known to the public, thanks to his encounter with Mysterio and John Jonah Jameson Jr.’s exposé in Spider-Man: Far From Home.

 

 

Instead of being hailed as a hero, Parker is accused of killing Mysterio and while he seemingly clears his name, it still had drastic effects on the people around him, including MJ, his best friend Ned, and his Aunt May.

 

 

Peter then seeks the help of Doctor Strange who, despite Wong’s warning, casts a spell to make people forget that Peter Parker is Spider-Man. This spell opens a hole in the Multiverse and we see the two struggling in a warping reality.

 

 

 

Before the trailer ends, it teased the arrival of Spider-Man’s two biggest enemies– we see the familiar bomb of Green Goblin with his sinister laugh in the background, and Alfred Molina reprising his role as Doctor Octopus.

 

 

Spider-Man: No Way Home directed by Jon Watts, stars Tom Holland as Peter Parker, Benedict Cumberbatch as Doctor Stephen Strange, Zendaya as Mary Jane Watson, Jacob Batalon as Ned Leeds, and Marisa Tomei as Peter’s Aunt May. The cast also includes, as seen at the end of the trailer, Alfred Molina as Doctor Otto Octavius, as well as Jamie Foxx as Electro, and (purportedly) a whole host of returning faces from the Sam Raimi and Marc Webb Spider-Man films.

 

 

Spider-Man: No Way Home is set for release on December 17, 2021.

(ROHN ROMULO)

‘Tiny bubbles’ policy sa MECQ mananatili

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mananatili  pa rin ang small bubbles o tiny bubbles policy kung saan hindi pa rin papayagan ang mga indibidwal na makapamili ng mga basic goods sa labas ng kanilang mga siyudad o municipalties.

 

 

Ang paalala ay ginawa ni PNP Chief Gen. Guil­lermo  Eleazar para sa publiko partikular sa mga residente sa National Capital Region (NCR) at iba pang mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

 

 

Ayon kay Eleazar,  mananatili ang mga checkpoints sa mga borders at tanging mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang maaaring makadaan sa mga Quarantine Control Points (QCPs).

 

 

Aniya, walang pagbabago sa kanilang mga checkpoints nuong nasa panahon ng ECQ ang Metro Manila.

 

 

Bagama’t hindi pinapayagan ang cross-border sa pamimili ng pangunahing bilihin, nilinaw naman ni Eleazar na pinapayagan naman tumawid sa ibang siyudad o cross-borders ang mga mayroong medical appointments at emergency services sa mga ospital.

 

 

Ayon naman kay JTF Covid Shield Comman­der Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson, walang naitalang mga untoward incidents sa mga checkpoints.

 

 

Mahigpit pa rin ang paa­lala nito sa mga kapulisan na nagmamando ng QCPs na pairalin pa rin ang maximum tolerance.

ALDEN, may big announcement sa birthday niya na mas matindi kaysa concert na ikina-excite ng fans

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MINABUTI na lamang sagutin ni bagong Kapuso actress Bea Alonzo ang mga issues tungkol sa paglipat niya sa GMA Network. 

 

 

May mga nagtampo nga raw kasi kay Bea nang iwanan niya ang isang project niya sa ABS-CBN, dahil sa paglipat niya ng network. May mga hindi ring magandang comments kay Bea ng mga dati raw niyang kasamahan.

 

 

  Hindi na tinukoy ni Bea ang mga comments, basta nagbigay na lamang siya ng statement na malinis ang kanyang konsensiya at wala siyang iniwanang responsibilidad, wala siyang mga taong tinapakan at maayos ang kanyang pagpapaalam sa mga executives ng network.

 

 

May manager si Bea na very professional, kaya nakatitiyak kaming hindi basta aalis si Bea sa dati niyang network kung mayroon siyang commitment na maiiwanan.

 

 

  Still on Bea, ngayong she’s back in town after a month vacation in the US with boyfriend Dominic Roque, naghahanda na siya sa pagsisimula ng shooting ng first project niya as a Kapuso star, na pagtatambalan nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, na ipu-produce ng Viva Films, APT Entertainment at GMA Pictures.

 

 

   ***

 

 

     TAMANG-TAMA naman na very soon ay balik na rin ang lock-in taping ni Alden Richards at ng buong cast ng romantic-drama series sa last chapter ng story, na kasalukuyang naka-season break at babalik sila sa November 15.

 

 

Marami nang excited sa muling pagbabalik ng serye lalo pa at nagbigay si Alden ng ilang eksenang dapat abangan.

 

 

  “Makukulong ako sa kasalanang hindi ko ginawa,” kuwento ni Alden sa virtual mediacon ng serye.

 

 

“Ano ang krimeng nangyari, at sino ang may kasalanan pero sa akin ipasasagot ang krimen.  Ang mga mapapanood ninyo this week ay siya kayang mangyayari hanggang sa pagtatapos namin?”

 

 

   Pero ang isa pang ikinai-excite ng mga fans ni Alden ay ang interview naman sa kanya ng 24 Oras, na nag-iwan siya ng message na “may big announcement ako on my birthday this coming January, 2022, isa iyon sa surprise ko, mas matindi kaysa concert.”

 

 

  Mabilis na kumalat sa social media ang announcement ni Alden, kaya abang-abang na lamang tayo, mabilis lang lilipas ang five months to January, 2022.

 

 

  Napapanood ang The World Between Us hanggang this Friday, August 27, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

 

 

    ***

 

 

     TOTOO na ang balitang hiwalay na sina Paolo Contis at LJ Reyes, ayon na rin sa manager ni Paolo, si Manay Lolit Solis. 

 

 

Wala pang nagsasalita either kay Paolo or kay LJ, pero wala raw third party, tulad ng mga nasusulat.  Latest balita ay bumalik na muli si Paolo sa bahay nila ng mommy niya.

 

 

Sunud-sunod ang mga shows ni Paolo sa GMA at kasama nga siya sa lock-in taping ng I Left My Heart in Sorsogon with Heart Evangelista and Richard Yap.

 

 

  Tutok naman ngayon si LJ sa pag-aalaga sa mga anak niyang si Aki at si Summer, anak nila ni Paolo.  At naging visible na rin si LJ ngayon sa mga shows sa GMA Network.

 

 

Co-host na siya nina Camille Prats at Iya Villania sa morning show na Mars Pa More at madalas na rin siyang mag-guest sa ibang shows ng GMA.  Napapanood din siya sa replay ng afternoon prime series na The Good Daughter with Kylie Padilla and Rocco Nacino, pagkatapos ng Ang Dalawang Ikaw sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Vanessa Bryant naging madamdamin ang pagbati sa ika-43 kaarawan ng asawang si Kobe

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Puno pa rin ng pagmamahal ang pagbati ni Vanessa Bryant sa ika-43 kaarawan ng pumanaw na NBA star na si Kobe.

 

 

Sa kaniyang social media ay nag-post ang maybahay ng Los Angeles Lakers star ng larawan nilang dalawa at may mensaheng mahal niya ng buong buhay.

 

 

Bukod kay Vanessa ay bumuhos rin ang pagbati mula sa iba’t ibang NBA stars at sports personalities.

 

 

Magugunitang noong Enero 2020 ng nasawi si Bryant kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa ng bumagsak ang sinakyan nilang helicopter.

Viral online seller na si Madam INUTZ, in-spoofs ni POKWANG; Kuya WIL II, nilatag ang plano tulad ng single at album

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang pumirma ng kontrata si Daisy Lopez na mas makilalang Madam Inutz kayformer Mr. Gay World titlist Wilbert Tolentino, na sikat din na businessman, social media infuencer at philanthropist.

 

Ang kontrata ay sinulat sa Pilipino para lubos na maintindihan ni Daisy ang nilalaman nito kasabay na rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Sa pagpirma ng kontrata ay kasama nila si Atty. Bertini Causing.

 

Sa mga hindi nakakikilala sa viral online seller, si Madam Inutz ay na-feature na sa KMJS. Trending din ang paggaya sa kanya ni Pokwang dahil sa istilo niya sa pagbebenta sa online. Nakipag-collab din sa kanya sina Ethel Booba at Donita Nose.

 

Perfect manager daw si Kuya Wil II dahil mapagkakatiwalaan ito at may koneksyon. Dalawang taon siyang ima-manage. Hindi rin sila mag-aaway sa pera at komisyon dahil na-witness naman ni Madam Inutz ang generosity ni Kuya Wil II.

 

Wala siyang kukunin na komisyon sa lahat ng kikitain ni Daisy pero mag-i-endorse siya ng kanyang mga negosyo. Ang ginawa niya noon na pag-aalaga at treatment sa dati niyang mina-manage na si Mader Sitang ay gagawin niya rin kay Madam Inutz.

 

Nilatag na rin ni Wilbert ang plano na gagawa ng single ang bagong alaga entitled “Inutil” composed by Ryan Soto. Bubuo sila ng album ng nasabing viral online seller. Gagawin din siya ni Kuya Wil II na ambassador ng mga online seller.

 

Tutulungan din nila ang mga gustong magbenta sa online bilang owner at kung paano ito magkaroon ng brand .Tumawag lang sa 09175inutil (09175468845). Puwede rin silang mag-email at mag-message sa dlinutil@gmail.com. Look for Wilbert Tolentino. Samantala, tinuturing na pumapangalawang Kuya Wil ang ka-freshness na si Wilbert Tolentino. Sumusunod daw siya sa yapak ng generous TV host na si Willie Revillame. Bawat episode ng vlog niya ay meron siyang inaayudahan. Kahit sa mga subscribers niya ay namimigay si Kuya Wil II ng cash sa bawat vlog niya! Ito ay tinatawag na Kafreshness CodeBination Giveways. May 20 winners ng P500 Gcash at dalawa ang mananalo ng Oppo A15. Manood at sumali.Para sa mechanics i-follow niyo siya sa Instagram account niya na sirwil75. Kamakailan ay may collab sina Kuya Wil II at Madam Inutz sa Wilbert Tolentino Vlogs YouTube channel na may 1.58 M subscribers. Anyway, may sorpresang handog si Kuya Wil dahil nagbigay siya ng P200k sa mag-ina. P100k para kay Madam Inutz at P100k sa ermat niya na may sakit. 5 days pa lang ay 2M na ang views nito.

 

Hindi pa natapos diyan dahil nu’ ng Wednesday naman ay nag-upload si Kuya Wil ng 2 minutes shopping challenge kina Madam Inutz at Herlene Hipon. Worth P107,231 ang nahakot ni Hipon. Tatlong araw pa lang pero 2.1M views na ito. Isi-share din daw niya ang mga blessing na natanggap niya mula kay Kuya Wil II sa mga kamag-anak niya at sa mga nangangailangan.

 

Naniniwala siya na pag may biyayang dumating ay kailangang ipamahagi para may pumasok ulit na grasya. Si Madam Inutz naman ay umabot ng P342,173 ang na-shop niya sa challenge. Ititinda raw niya ito sa online para magamit sa medication ng kanyang ina.

 

(ROHN ROMULO)

Training ng PBA teams simula na ngayon sa Pampanga

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Makakapagsimula nang mag-ensayo nga­yong araw ang mga PBA teams sa Pampanga na magandang senyales na abot-kamay na ang restart ng PBA Season 46 Philippine Cup.

 

 

Unang aarangkada sa ensayo ang Alaska at Barangay Ginebra na nasa morning schedule ng liga.

 

 

Parehong alas-8 ng umaga ang training ng dalawang tropa kung saan sasalang ang Aces sa Colegio de Sebastian sa San Fernando, Pampanga habang ang Gin Kings ay magsasanay sa Beverly Place sa Mexico City.

 

 

Nakalinya rin ang Magnolia Hotshots sa Colegio de Sebastian at ang Blackwater Bossing sa Beverly Place sa parehong oras na 10:15 ng umaga.

 

 

Kasunod nito ang Meralco Bolts (Colegio de Sebastian) at NLEX Road Warriors (Beverly Place) sa alas-12:30 ng hapon at ang Phoenix Super LPG Fuel Masters (Colegio de Sebastian) at NorthPort Batang Pier (Beverly Place) sa alas-2:45 ng hapon.

 

 

Sa last batch ang Rain or Shine Elasto Painters (Colegio de Sebastian) at San Miguel Beermen (Beverly Place) sa alas-5 ng hapon at ang TNT Tropang Giga (Colegio de Sebastian) at Terrafirma Dyip (Beverly Place) sa alas-7:15 ng gabi.

 

 

Magkakaroon ng dalawang oras na ensayo ang bawat koponan kung saan may pagitan na 15 minuto ang bawat team para big­yang daan ang 15 minuto na disinfection procedure.

 

 

Iginiit din ni PBA commissioner Willie Marcial na sumailalim sa swab test ang lahat ng miyembro ng team bago simulan ang ensayo.

 

 

Mas magiging mahigpit ang swab testing sa oras na magsimula na ang liga.

 

 

Nakaabang pa rin ang PBA sa approval ng Office of the Governor para sa restart na planong ganapin sa Angeles University Foundation Arena at Don Honario Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.

Marcial pinuri si Pacman

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagbigay ng tribute si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial kay Manny Pacquiao isang araw matapos matalo ang Filipino world eight-division champion kay Cuban world titlist Yordenis Ugas.

 

 

Ayon sa middleweight na si Marcial, habambuhay na mananatili si Pacquiao sa kanyang puso.

 

 

“Ever since I was a child, the name Manny Pacquiao has always been the name I’ve always heard, and has always been known in the field of boxing,” sabi kahapon ng tubong Zamboanga City.

 

 

Isa si Marcial sa mga Pinoy boxers na nasa bakuran ng MP Promotions ni Pacquiao bukod kina World Boxing Organization (WBO) bantamweight king John Riel Casimero at International Boxing Federation (IBF) super flyweight ruler Jerwin Ancajas.

 

 

“Even until now, it’s still Manny Pacquiao,” wika ng 25-anyos na si Marcial sa fighting Senator. “Proudly, I am a Filipino! I am a boxer like you!”

 

 

Ang nasabing pagkatalo kay Ugas noong Linggo sa Las Vegas, Nevada ang sinasabing pinakahuling laban ng 42-anyos na si ‘Pacman’.

 

 

“You will always be my hero, and someone I’ll always look up to. Thank you so much for inspi­ring us,” dagdag ni Marcial na ginawa ang kanyang matagumpay na professional debut laban kay American Andrew Whitfield noong Disyembre.

 

 

Bago matapos ang taon ay inasahang muling aakyat ng boxing ring si Marcial para sa kanyang ikalawang pro fight.

KRIS, itinanggi na nagpapataas ng talent fee kaya ‘di ni-renew ng GMA Network

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAUSAP na namin dati pa si Kris Bernal bago siya nag-vlog tungkol sa pagkawala niya sa Kapuso network.

 

 

Tinanong din namin siya kung may sama ba siya ng loob, apprehensive pa itong umamin pero sinabi rin niya na, “Yes, oo, at first, nakaramdam ako ng kahit paano, sama ng loob, kasi ang tagal ko na sa network ‘di ba? Parang napatanong lang din ako sa sarili ko, ano ba ‘yung nagawa ko? May mali ba ‘kong ginawa? Kasi in fairness naman to me, hindi naman ako namimili ng project at saka, lahat ng ibinibigay sa akin, binibigay ko naman ang best ko.

 

 

  “Pero sa umpisa lang naman ‘yun, napapaisip ka. Pero naintindihan ko rin. Siyempre, pandemic. Apektado naman talaga lahat.”

 

 

Itinanggi rin niya ang isyu na kaya hindi siya ni-renew ng network dahil nagpapataas siya ng talent fee.

 

 

Sey niya rin sa vlog niya, “Hindi po totoo ‘yun, sabi ko, kahit babaaan niyo na, kahit ano lang po. I’m after you know, doing show because acting is my passion.”

 

 

At kaya raw tumanggap din siya ng project na at hindi na nahintay ang home network niya dahil kailangan din daw niyang mag-trabaho talaga. Pero sey niya, sobrang nagpaalam pa rin daw siya sa GMA-7.  At never raw niyang sisiraan ang network dahil very grateful and blessed nga siya rito.

 

 

Inamin din niya na totoong marami siyang kinausap na manager na possible na mag-manage sa kanya.  At ang manager nga raw niya ngayon ay sa ALV ni Arnold Vegafria. 

 

 

  “May mga project na rin siyang naka-line-up for me, may movie at series din pero ayoko munang sabihin baka hindi matuloy. Masarap lang pakinggan na may interested pa rin sa akin,” sey niya.

 

 

***

 

 

POSITIBO sa COVID-19 ang actor/Senator na si Lito Lapid.

 

 

Sa ngayon daw, nasa Medical City ito sa Clark, Pampanga.

 

 

Nakausap namin ang kanyang daughter-in-law na si Tanya Garcia na kasalukuyang nasa America kasama ang mga anak at ang mister na si Mark Lapid.

 

 

Ayon kay Tanya, dahil nga sa situwasyon ni Senator Lito, hindi maiwasang hindi mag-alala ni Mark.  Nagwo-worry raw ito sa kanyang Daddy, pero aware rin naman na kahit nandito sila sa Pilipinas, hindi rin sila makakalapit o mababantayan ito sa hospital.

 

 

Kaya timing na rin daw na schedule talaga nilang bumalik na ng bansa ngayong araw na ito from more than a month vacation din sa America.  Pero katulad ng ibang nanggaling ng ibang bansa, required din silang buong pamilya na mag-undergo muna ng ten days quarantine.

 

 

Sa ngayon, getting better naman daw ang kondisyon ni Sen. Lito kumpara raw kahapon.

 

 

***

 

 

NAPAKA-VOCAL ng actress na si Dina Bonnevie sa mga papuri niya sa co-star at ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

 

 

Sey niya  kasi na talagang noon pa, gusto niyang maka-trabaho si Alden.  At ‘yun nga, more than her expectation daw sa kanya si Alden.

 

 

At sa mga papuring binitawan nga kay Alden, hindi lamang ni Ms. D kung hindi maging ng isa pang award-winning actress sa GMA Primetime series na The World Between Us pwede ng malunod si Alden, huh!

 

 

Sabi ni Ms. D, “More than what I expected, kasi I thought. Kasi, I really wanted to work with Alden. Kasi nga, gusto ko lahat ng mga now na artista, up and coming supertstar, gusto kong maka-trabaho and I was so happy to have given the chance to work with Alden.”

 

 

Tila nakilala na nga nang husto ni Ms. D si Alden dahil hindi na lang abot-abot ang papuri niya rito bilang isang artista, bilang businessman na rin.

 

 

Sey pa rin niya, “Personally, I think, he’s very kind, very giving, very respectful, very gracious. He’s so gracioso. Such a gentleman and very generous.”

 

 

Kaya inunahan na ni Dina si Alden na ‘wag daw ikalalaki ng ulo nito ang mga papuring naririnig.

 

 

“I was actually surprise knowing him and finding that he’s actually more than what I expected. Hindi lang pala siya guwapo, pati ‘yung kalooban niya, guwapo rin.”

 

 

Season ender na this week ng The World Between Us. Ang isa sa main reason kung bakit may season ender ang serye para sa safety ng cast at crew ngayong sobrang taas pa talaga ng positive cases lalo na sa NCR.

(ROSE GARCIA)