• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2021

Hindi pa rin interesado na tumakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022

Posted on: August 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“I am still not interested.”

 

ito ang naging pahayag ni Senador Bong Go matapos tanggapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-endorso sa kanya ng ruling party PDP-Laban na tumakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022.

 

Sa isang video message, sinabi ni Go na nakatutok siya sa kanyang tungkulin bilang senador upang tulungan ang bansa na malampasan ang krisis na hinaharap ng lahat.

 

“Bakuna muna bago ang politika,” diing pahayag ni Go.

 

Ang pakiusap pa ni Go ay mas mabuti aniya na unahin muna ang mga interesado na tumakbong Pangulo kaysa sa kanya.

 

Matatandaang, sinabi ni Go na “makapagbabago lang ng aking desisyon na tumakbo bilang Presidente ay kung si Tatay Digong ang aking magi­ging Bise Presidente.”

 

Sinabi ni Go na nais niyang si Pangulong Duterte ang kanyang maging ka-tandem sa pampanguluhang halalan hanggang sa pagsisilbi sa bayan dahil naniniwala siyang ito ang magiging “continuity” ng pamamahala sa pamahalaan.

 

Ganito rin ang naging pahayag ng Pangulo na nagsabing tatakbo lamang siya sa pagkabise-presidente kung ang magiging pangulo niya ay isang kapartido at makakasundo sa pagpapatakbo sa gobyerno.

 

Ginawa ni Go ang pahayag matapos inomina ng national executive council ng PDP-Laban ang tambalan nina Sen. Go at President Duterte para isabak sa darating na halalan. (Daris Jose)

Ads August 26, 2021

Posted on: August 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Manny puno ng pasasalamat

Posted on: August 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa kabila ng kabiguan kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas, walang ibang bukambibig si Manny Pacquiao kundi pasasalamat.

 

 

Sa kanyang bagong post sa social media, nagpasalamat ito sa Panginoon sa paggabay nito sa kanyang laban noong Linggo sa Las Vegas, Nevada.

 

 

“I want to thank God for giving me the strength to fight,” ani Pacquiao.

 

 

Sa katunayan, mada­ling-araw na nakapagpa­hinga si Pacquiao matapos ang laban kung saan alas-4 ng umaga na ito nakatulog.

 

 

Subalit gumising ng alas-9 ng umaga si Pacquiao kasama ang kanyang pamilya para dumalo sa isang misa.

 

 

Patuloy din ang pasasalamat ni Pacquiao sa kanyang pamilya na kasama nito sa hirap man o ginhawa.

 

 

Muling nagpaabot ng congratulatory message si Pacquiao kay Ugas sa tagumpay nito.

 

 

Sa huli, pinasalamatan din ni Pacquiao ang milyun-milyong boxing fans sa buong mundo na sumuporta at nanood ng kanyang laban.

 

 

Ipinagmalaki ni Pacquiao na malaking kara­ngalan para sa kanya na muling iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa buong mundo upang ipamalas ang husay ng isang Pinoy.

 

 

“Thank you to the fans all around the world who were watching. Thank you to every Filipino that has ever supported me. I’m so proud to represent my country. I’m sorry I could not give you a win, but I did my very best. From the bottom of my heart, THANK YOU! God bless you all,” pagtatapos ni Pacquiao.

JESSICA, inaalala ang magiging buhay ng mga taga-Afghanistan dahil sa Taliban; di na mabubura ang nasaksihan noong 2002

Posted on: August 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NEVER daw mabubura sa isipan ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho ang mga nasaksihan niya sa Afghanistan nang mag-cover siya rito noong 2002. 

 

 

Nagiging emosyal si Soho tuwing maaalala niya ang pagsabog ng isang ambulansiya na malapit lang sa kanilang kinatatayuan.

 

 

Nang panahong iyon, nakontrol na ng mga sundalong Amerikano at kanilang mga kaalyado mula sa Taliban ang Afghanistan. Sa gitna ng digmaan, maraming landmines o bomba ang itinamin ng kalaban na kailangang alisin.

 

 

Sasama raw dapat ang grupo ni Jessisa sa pagpapatrolya ng mga sundalong Amerikano sa Bagram Air Base nang makita nila ang Danish Deminers Group, na mag-aalis ng mga itinanim na bomba. Naisipan nilang i-cover na muna ang mga mag-aalis ng bomba dahil malapit din lang ito sa Bagram Air Base.

 

 

Kuwento ni Soho: “So sabi ko, ‘Uy! Tamang-tama!’ So nag-usap kami ng producer ko, ni Joy Madrigal. Sabi ko, ‘Bago tayo pumunta dun sa loob ng base, i-cover muna natin ‘yung mga nagtatanggal ng landmine.”

 

 

Hanggang sa may mangyaring pagsabog at may nadisgrasyang nag-aalis ng bomba na isinakay sa ambulansya.

 

 

Tinanong pa raw sila kung gusto nilang sumama sa ambulansiya pero tumanggi sila Jessica dahil mayroon pa silang coverage sa Bagram Air base. Habang kinukuhanan ng video ng cameraman ang pag-alis ng ambulansiya, bigla itong sumabog nang magulungan ang nakatanim na mas malakas na bomba.

 

 

Isang uri ng anti-tank landmine ang itinamin at sasabog kapag nadaganan ng mabigat na sasakyan. Nang sandaling iyon, marami raw sakay ang ambulansiya.

 

 

Maluha-luhang pag-alala ni Soho: “Kaya ako tumanggi. Pero kung wala siguro ‘yun na naka-schedule, baka sumama kami. Bigla na lang parang ‘boom!’ Tapos parang nabingi na ako. Parang na-mute ‘yung TV mo o ‘yung gadget mo, parang ba’t ganito? Tapos parang iba bigla ‘yung mundo mo.

 

 

Parang slowmo ba o—ewan ko, ang hirap ipaliwanag pero naramdaman ko ‘yung init, tapos ‘yung parang ripples. After that time, para kaming tulala. Para kaming mga basang sisiw. Napaupo na lang kami sa isang tabi pero nagpapasalamat na lang ako na walang nangyari sa amin.”

 

 

Ngayon na muling nakabalik sa kapangyarihan ang Taliban, inaalala ni Jessica ang magiging buhay muli ng mga mamamayan doon; kumusta na kaya ang mga taong nakapanayam at nakasalamuha niya noon.

 

 

***

 

 

HABANG wala pang pinagkakaabalahang bagong teleserye si Arci Muñoz, panay ang liwaliw nito sa ibang-ibang lugar sa US.

 

 

Nitong nakaraang weekens, bumiyahe ang aktres sa isang road trip ng higit na 11-hours gamit ang RV or Recreational Vehicle.

 

 

Pinost ni Arci via Instagram ang kanyang photo katabi ang nirentahang RV na minaneho niya ng 706 miles across three states para makarating ng Denver, Colorado papuntang Arizona.

 

 

Kasama ni Arci ang ilang mga kaibigan sa kanyang road trip at pinakita niya via IG video ang loob ng RV at kunsaan sila nagluluto at natutulog na magkakaibigan.

 

 

Nagawa ng aktres na mabisita si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Los Angeles bago ang naging laban nito sa Las Vegas noong nakaraang August 22. Napapirma ni Arci kay Pacman ang kanyang boxing gloves.

 

 

Bukod sa pagiging artista, nagsisilbi rin bilang sergeant si Arci sa Philippine Air Force Reserve Command.

 

 

***

 

 

BALITANG nagde-date ngayon ang Magic Mike star na si Channing Tatum at ang aktres na si Zoë Kravitz. Nakita ang dalawa na magkasama sa New York City.

 

 

Namamasyal sa East Village ang dalawa at tila walang pakialam na may mga nakakakita sa kanilang lambingan. Sumakay pa ng BMX bike ang dalawa at masayang umiikot-ikot sa kunsaan-saan. Nakayakap pa si Zoe kay Channing habang nasa bisikleta sila.

 

 

Noong January 2021 pa unang nabalitang nagkakamabutihan ang dalawa. Kaka-file lang noon ng divorce ni Zoe sa kanyang husband na si Karl Glusman.

 

 

Si Channing naman ay tuluyan nang nakipaghiwalay sa singer girlfriend na si Jessie J. noong October 2020. Kaya single siya noong nakaraang pandemic.

 

 

Noong November 2019, na-grant ang divorce niya mula sa ex-wife na si Jenna Dewan. Meron silang 8-year daughter named Everly.

 

 

Naging magkaibigan sina Channing at Zoe nang gawin nila ang thriller na Pussy Island. Si Zoe ang director at bida sa movie si Channing.

(RUEL J. MENDOZA)

KASO NG DELTA VARIANT, NADAGDAGAN PA

Posted on: August 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA  patuloy na pagtukoy ng mga variant of concern at variant of interest ng Philippine Genome Center (PGC) , ngayong araw ay muling nakapagtala bg karagdagang 466 Delta variant (B.1.617.2) .

 

 

Mayroon ding natukoy na  90 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 105 Beta (B.1.351) variant cases, at 41 P.3 variant cases sa huling batch ng whole genome sequencing.

 

 

Ayon sa DOH kabuuang  746 samples ang isinumite ng 62  collecting institutions at iba’t ibang   Centers for Health Development (CHD) ang na-sequence.

 

 

Local cases ang 442 ,  at  14 are Returning Overseas Filipinos (ROF), habang 10 cases ang biniberipika.

 

 

Sa local cases, 201 ang may address na NCR, habang  69 ang may address na  Central Luzon, 7 sa Cagayan Valley, 49 kaso sa   CALABARZON, 14 kaso sa MIMAROPA, 4 sa   Bicol Region, 52 sa  Western Visayas, 19 sa  Central Visayas, 6 sa Northern Mindanao, 11 sa  Davao Region, 7 sa  SOCCSKSARGEN,  at 3 sa  Ilocos Region. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Roach, nangangamba baka huling laban na ni Pacquiao ang nangyaring harapan vs Ugas

Posted on: August 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inamin na rin ng kilalang trainer at Hall of Famer coach Freddie Roach na ito na ang panahon para magretiro ang kanyang best boxing student na si Manny Pacquiao.

 

 

Ayon kay Roach, nangangamba siya at natatakot na baka ito na ang ang huling laban ni Pacquiao matapos na lumasap nang pagkatalo sa Cuban champion na si Yordenis Ugas.

 

 

Sinabi ni Roach, napakatagal na ring panahon na kasama niya si Pacquiao at sa naging performance nito nitong nakalipas na linggo ay hindi na ito katulad noong huling laban kay Keith Thurman noong taong 2019.

 

 

Paliwanag pa ni roach, bilang best fighter, masaklap sabihin na magretiro na si Pacquiao.

 

 

Ayaw daw nito itong makita na mangyayari, pero ang panahon na ang makapagsasabi.

 

 

Sa huli aniya, ang fighting senator pa rin daw ang magdedesisyon.

 

 

Samantala, ang kababata ni Pacquiao ang isa rin sa malapit na trainer na si Buboy Fernandez, pwede pa raw lumaban ang eight division world champion at babawi ito.

 

 

Samatala inaasahan namang magpapa-checkup sa kanang mata si Pacquiao habang nasa Los Angeles.

 

 

Ang kaliwang mata naman nito ay nangailangan ng limang tahi matapos na tamaan ng mga jabs ni Ugas.

Duterte ‘di tatakbo sa 2022 polls kung matutuloy ang presidential bid ni Mayor Sara – Nograles

Posted on: August 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang ituloy ang kanyang pagtakbo sa pagka-bise presidente sa halalan sa 2022.

 

 

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang panayam, ito ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte sakali namang ituloy ni Davao City Mayor Sara Duterte ang presidential bid nito.

 

 

Ayon kay Nograles na binanggit na ito ni Pangulong Duterte sa kanilang pulong kagabi, pero hindi naman matandaan kung ano talaga ang eksaktong sinabi nito.

 

 

Dipensa ni Nograles, na-cut ang bahagi ng pahayag na ito ng pangulo sa kanyang “Talk to the People” na inere kagabi.

 

 

Magugunita na katulad sa mga nakalipas na public address ni Pangulong Duterte, ang “Talk to the People” nito ay pre-recorded lamang din. (Daris Jose)

YORME ISKO NAKALABAS NA NG OSPITAL

Posted on: August 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKALABAS na ng ospital si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos ang kanyang sampung araw na quarantine.

 

 

Ang alkalde ay dinala sa Sta. Ana Hospital  dahil nagpositibo sa COVID-19 kung saan nakaramdam ng mga sintomas tulad ng sipon, ubo at pananakit ng katawan.

 

 

Sa ika-limang araw nito sa ospital, nawalan ito ng panlasa at pang-amoy bagama’t  bumubuti naman ang kanyang  kondisyon.

 

 

Maaalala na inanunsyo ng alkalde noong August 15 na positibo  ito sa COVID-19 at agad na nagpadala sa ospital bilang bahagi na rin ng health protocol na ipinatutupad ng gobyerno.

 

 

Pinasalamatan naman ng alkalde ang mga hospital staff na walang sawang nakasubaybay, nakabantay sa kanyang kalusugan habang siya ay naka-quarantine ng ilang araw.

 

 

Binigyan din ito ng certificate na  patunay na siya ay isang COVID-19 survivor.

 

 

Bagama’t nakalabas na ng ospital, bubunuin pa ng alkalde ang nalalabing tatlong araw nitong home quarantine.

 

 

Paalala naman ng alkalde sa publiko, mag-ingat at lagi tandaan ang pagsunod sa minimum public health standards upang makaiwas na mahawaan o magsakit ng COVID-19 lalo na ngayong pinalala pa ito ng Delta variant sa bansa. (GENE ADSUARA)

CHRISTIAN, first time na gawin ang bed scene and torrid kissing scene with SEAN dahil kay Direk JOEL

Posted on: August 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINA Diego Loyzaga at Christian Bables ay mga Bekis on the Run, sa pinaka-aabangan na comedy-drama movie ng award-winning direktor na si Joel Lamangan, exclusive sa VIVAMAX ngayong September 17.

 

 

Sinubukan ni Andres (Diego) at ng kanyang bading na kapatid na si Donald (Christian) na nakawan ang isang construction site, ngunit wala sa plano nila ang mga nangyari at napilitan silang tumakbo.

 

 

Pero nakuha nila ang simpatya ng mga tao, lalo na ng gay community nang maging viral sa social media ang video ni Nanay Pacing (Lou Veloso), ang dahilan kung bakit sinubukang magnakaw ng magkapatid. Ikinuwento ni Nanay Pacing ang kanyang sakit at ang kagustuhan ng magkapatid na tulungan siyang makakuha ng pera para sa kanyang operasyon.

 

 

Bukod sa pagiging comedy-drama film, tatalakayin din ang korupsyon, at mga hindi napag-uusapang tema katulad ng mga gay men sa military.

 

 

Kasama sa pelikula si Kylie Verzosa bilang si Adriana, ang partner ni Andres; at si Sean De Guzman bilang Martin, ang ex-boyfriend ni Donald. Nakatrabaho na ni Sean si direk Joel Lamangan sa Anak ng Macho Dancer, kaya naman sanay na siya gumawa ng mga sexy scenes on screen. Ngunit si direk Joel Lamangan lang ang nakapag-kumbinsi kay Christian, na marami na ring ginampanan na gay roles sa pelikula, na gawin ang bed scene at torrid kissing scene nila ni Sean.

 

 

Kaya say ni Christian sa Zoom mediacon, “First time kong gumawa ng mga ganitong klaseng eksena. Nabasa ko kasi ‘yung script at ‘yung ibang hiningi ni direk (Joel) ay wala sa script pero once na nakapasok ka na sa shoes ng character at kung saan man dalhin ng direktor ‘yung shift kumbaga sakyan mo ‘yun, eh.

 

 

So, somehow magiging ready ka. So, as an actor medyo may gulat factor sa ipinagawa ni direk pero sige lang dahil alam kong sa maganda niya kami dadalhin.” 

 

 

“I think hindi ko rin siya ibibigay kung hindi si direk Joel Lamangan at kung hindi ‘yung mga direktor na pinagkakatiwalaan ko at isa si direk Joel doon, dagdag pa ng premyadong aktor.

 

 

Ayon pa kay Christian inaral talaga niya ng husto ang karakter bilang si Donald na boyfriend nga niya si Sean.

 

 

Anyway, mukhang destiny talaga ni Christian na si Sean ang maging first torrid kissing scene with a guy.

 

 

Siya sana ang bida sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa na nag-shooting sa Batangas. Pero pinalitan siya ni Teejay Marquez dahil umeere pa noon ang Your Face Sounds Familiar (Season 3).

 

 

Nakipaghalikan din Sean kay Teejay sa pelikulang mula rin sa direksyon ni Joel Lamangan para sa Heaven’s Best Entertainment.

Dapat ding abangan rin si Sean sa pelikulang Taya with AJ Raval na mag-i-streaming na sa Agosto 27 sa Vivamax.

 

 

Kaya wag nang tumakbo, stay at home at panoorin ang Bekis on the Run sa September 17, exclusively streaming sa VIVAMAX. Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na din ng app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store at Huawei AppGallery. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.

 

 

Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax. Pwede mo na rin i-cast ang mga shows sa inyong Smart TV sa pamamagitan ng Google Chromecast or Apple TV.

 

 

Pwede kang magbayad gamit ang GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya o PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account. Maaari ding mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad sa EC Pay outlets: 7 Eleven at All Day o via PayMongo, GrabPay at GCash o via PayMaya. Para makapagbayad mula sa E-commerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, GCash, ComWorks Clickstore, Paymaya o Globe One.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, ComWorks, at Load Central partner outlets: Cebuana Lhuillier at Palawan Express. Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Sky Cable, Cable Link, KCAT Fiber, Air Cable, Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, Z-energy Cable TV Network Inc.

 

 

Mapapanood rin ang Vivamax sa Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.  Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.

 

 

Maaari na ring magsubscribe sa Vivamax sa Singapore, Hongkong, Malaysia, at Japan. Ang monthly subscription ay SGD 13.50 (Singapore), HKD 77.00 (Hongkong); RM 39.90(Malaysia); and JPY 1,080.00 (Japan). Maari na rin magamit ang screen cast to TV feature nito upang mas maging komportable ang inyong panunuood sa inyong mga TV screens*.

 

 

Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

DOLE TUTULUNGAN ANG MGA TINANGGAL NA EMPLEYADO NG ISANG MOBILE PHONE COMPANY

Posted on: August 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO  ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sisiyasatin ang mga alegasyon ng pagtanggal ng isang kumpanya ng mobile phone sa mga empleyado nito dahil sa pagbuo ng unyon.

 

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello aalamin nito kung may katotohanan ang reklamo ng mahigit 200 kawani ng Vivo Tech, Inc. na nag-rally sa harap ng tanggapan ng DOLE nitong Lunes .

 

 

Ginawa ang pagkilos ng mga natanggal sa trabaho na mga empleyado ng nasabing kumpanya upang kunin ang atensyon ng DOLE at sila ay matulungang makabalik sa trabaho para sa kanilang pamilya

 

 

Ayon sa mga manggagawa na naprotesta, kabuuang 689 na regular employee ang inalis sa trabaho ng walang basehan.

 

 

“The company’s alibi is that we were retrenched due to business losses but that’s untrue,”

 

 

“How can that be when each of us were selling 50 units of cellphones equivalent to P300,000 per month? They’re earning. Our termination from work has no legal cause,” sigaw ng mga nagprotesta.

 

 

Ayon sa DOLE, napag-alaman na bumuo ng unyon at nagkaroon ng collective bargaining agreement (CBA) sa management ng kumpanya.

 

 

Gayunman nabigo ang  kumpanya na sundin ang obligasyon  nito sa mga manggagawa .

 

 

Sinabi rin ng mga manggagawa na sa halip na iresolba ang usapin ay tinanggal sila bago nagsagawa ng mass hiring sa pamamagitan ng manpower agency.

 

 

“That’s a very sad story during the pandemic. But we need to get all the information about this so we can act on it accordingly,” pahayag ni Bello na kasalukuyan pa ring naka-quarantine sa kanyang hometown sa Isabela.

 

 

Hinikayat naman ng kalihim ang mga natanggal na manggagawa na pormal na maghain ng kanilang reklamo sa DOLE  upang maisagawa ang tamang pagsisiyasat sa kanilang reklamo.

 

 

“Before anything, I call on the dismissed workers to formally file a complaint at DOLE so we can fully execute our job on the matter,” wika ng kalihim.

 

 

” The company with will be dealt with accordingly if it turns out to be a union buster.” GENE ADSUARA