• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2021

Libre pasahe sa MRT-3, LRT-2 at PNR sa bakunadong APOR sa Aug. 3-20

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magkakaloob ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) ng libreng pasahe para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na bakunado na simula ngayong araw, Agosto 3 hanggang Agosto 20.

 

 

Ito ay batay na rin sa kautusan mismo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

 

 

Aniya, maaaring maka-avail ng libreng pasahe sa naturang rail lines ang isang APOR kahit nakakaisang dose pa lamang ito ng COVID-19 vaccine.

 

 

Upang maka-avail ng libreng pasahe, kinakaila­ngan lamang aniya na iprisinta ng mga APOR ang kanilang vaccination cards bilang patunay na sila ay nakatanggap na ng bakuna.

 

 

Samantala, magkakaloob naman ang Philippine Ports Authority (PPA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA) ng libreng kape, tubig at snacks para sa mga vaccinated persons na naghihintay ng kanilang biyahe sa mga pantalan at paliparan. (Gene Adsuara)

KYLIE, ramdam ang labis na paghanga at kung gaano kamahal si JAKE

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBA ang paghanga ni Kylie Verzosa sa boyfriend na si Jake Cuenca.

 

 

Ramdam na ramdam namin ito sa naging IG Live interview niya with G3 San Diego.  At bukod sa paghanga sa boyfriend bilang isang actor, ramdam din kung gaano ito kamahal ng beauty queen turned actress.

 

 

Sey ni Kylie, “Without Jake in my life, I can’t be this kind of actress that I am now.  Ang laki ng influence niya sa akin, sa buhay ko, especially in my craft.

 

 

“The way he’s so passionate with his acting, ah okay, ‘yun pala ang kailangan kong ma-achieve. Okay, ganito pala ang level na kailangan ko to reach this kind of craft or professionalism.”

 

 

Diretsahan sinabi ni Kylie na inilalagay niya raw sa pedestal ang boyfriend pagdating talaga sa pag-arte.

 

 

“Sobrang nai-inspire ako sa kanya. Idol ko siya,” sey pa niya patungkol kay Jake.

 

 

During pandemic, nakagawa rin sila ng project ni Jake for iWantTV, ang Love Lockdown at dito raw niya mas lalong na-appreciate pa ang boyfriend na hindi lang niya co-actor, director kundi acting coach pa raw niya.

 

 

Sa isang banda, kung paniniwalaan namin ang isang taong malapit kay Jake na na-witnessed na rin ang mga past relationships ng actor, masasabi niya raw na mukhang iba talaga ngayon ang relasyon nito kay Kylie. Tipong match daw talaga ang dalawa at malaki ang posibilidad na sila ang magkakatuluyan.

 

 

Iba rin si Kylie nang sabihin nito na tila kilig na kilig pa rin na ngayong pandemic, kung may maganda man daw nangyari, ito ay ang pagkakataon talaga na nagkasama sila ng matagal ni Jake.

 

 

Dati raw kasi, nagkakasalungat ang mga schedules nila after nilang gawin ang Los Bastardos kunsaan, nagsimula rin ang relasyon nilang dalawa.

 

 

***

 

 

MATAPOS ang teasers na lumabas recently ay pormal na ngang ibinahagi ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ang detalye para sa kanyang proyekto na LIMITLESS, A Musical Trilogy.

 

Sa kanyang post, sinabi pa ni Julie na one-of-a-kind project na maituturing ang nasabing musical trilogy.

 

 

“I’ve never done this before and it’s something intimate and personal. I’m proud to say that this is a one-of-a-kind project. GMA Synergy, my team, and I tried to keep it a secret for quite a while, and now I want to share a piece of my heart in this journey with you.”

 


     Matatandaang bumiyahe si Julie pa-Mindanao recently. Ito pala ay para sa LIMITLESS. Pero hindi lang daw Mindanao ang ie-explore ni Julie kundi pati ang mga naggagandahang lugar sa Visayas at Luzon.

 

Last Friday nga ay inilabas na rin ang video para sa LIMITLESS na ibinahagi rin ni Julie sa kanyang Instagram account.

 

 

Say pa ni Julie, “Unti-unti, napapakilala na namin ang proyektong ito. Isang paglalakbay sa pagkakakilanlan. And with every step, I learn more about myself. Walk with me.”

 


     At kahit pa pandemic, talaga namang sunud-sunod ang mga proyekto ni Julie ngayong taon!

 

Ang LIMITLESS, A Musical Trilogy ay produced ng GMA Synergy.

 

 

***

 

 

BUTI na lang at bago pa mag-ECQ sa Metro Manila ang ika-41st birthday ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

 

 

     Kaya nakapagdaos pa rin ito ng isang intimate family birthday party.  Na kung makikita naman sa mga Instagram post, lalo na ng kanyang misis na si Marian Rivera ay talagang ang immediate family lang ni Dingdong ang present sa bahay nila.

 

 

Kumpara sa mga past birthdays nito na talagang present ang mga kaibigan ni Dingdong sa iba’t-ibang grupo niya, kasama na rin siyempre ang talagang pag-iingat ng mag-asawa against COVID-19 at ngayon nga, may Delta variant pa.

 

 

At makikita naman sa mga pictures na ipinost na lang nila kung gaano si Marian ang punong-abala sa birthday ng kanyang mister at kitang-kita rin na mas lalo pang naging sweet ang dalawa ngayong halos 24/7 talaga silang magkasama with Zia and Sixto nitong pandemic.

(ROSE GARCIA)

DOLE NAGHAHANAP NG PONDO SA 2 LINGGONG QUARANTINE

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANAP na ang Department of Labor and Employment (DOLE)  ng pondo upang matulungan ang mga manggagawang apektado ng  dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa  Metro Manila.

 

 

Sinabi ni Labor Usec. Benjo Santos Bemavidez sa Laging Handa briefing na hindi pa natutukoy ng ahensya kung gagamitin nito ang available na  badyet o humingi ng karagdagang pondo mula sa  Department of Budget and Management.

 

 

Ang DOLE ay nauna nang namahagi ng tulong pinansyal sa mga manggagawang  naapektuhan ng pandemya

 

 

Ipatutupad ang pinahigpit na restrictions simula August 6 hanggang 20 kung saan maraming mga manggagawa ang maaring hindi makapasok sa trabaho.

 

Ang National Capital Region  ay isasailalim kasi sa enhanced community quarantine sa loob ng dalawang linggo .

 

 

Layon ng ECQ na mapigilan ang lalo pang pagtaas ng kaso ng COVID-19 na pinalalala ng Delta variant. GENE ADSUARA

Video nina GRETCHEN at ATONG sa isang sabungan, nag-viral sa social media

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-VIRAL sa social media sa isang video kunsaan nakitang magkasama sina Gretchen Barretto at Atong Ang sa isang sabungan.

 

 

Nai-share ng 5,000 times ang naturang video noong ma-post ito sa Facebook.

 

 

Sa naturang video na nakunan noong nakaraang July 30 sa event na 12-Stag Derby (4 Stag Prelim), si La Greta ang may-ari ng pangsabong na manok na ang pangalan ay “Lady Tiger”. Makikita naman daw sa video si Ang na bitbit ang manok ni Gretchen.

 

 

Nilagyan ng caption na “relationship goals” ang nag-post ng video nila Gretchen at Atong sa Facebook.

 

 

Naging kontrobersyal ang diumanong professional relationship nina Gretchen at Atong. Naging mainit na topic ang dalawa noong magkaroon ng alitan sa pagitan ni Gretchen at ng kapatid na si Marjorie Barretto noong October 2019 sa burol ng kanilang yumaong ama na si Miguel “Mike” Barretto.

 

 

Binunyag pa ni Marjorie noon na boyfriend ng pamangkin nilang si Nicole si Atong for five years bago raw itong inahas ni Gretchen. Pinabulaanan naman ni Atong ang sinabing ito ni Marjorie at sinabi niyang empleyado lang niya ni Nicole.

 

 

Ilang beses nang pinaliwanag nina Gretchen sa media na magkasosyo sa ilang mga negosyo si Atong at ng long-time partner niyang si Tonyboy Cojuangco, kabilang na ang pag-operate ng sabungan at ng isang casino. Kaya iyon daw ang dahilan kung bakit sila parating nakikitang magkasama.

 

 

Nag-viral din noon ang “sleeping”: photo ni Gretchen kunsaan magka-holding hands pa sila ni Atong habang tulog sila sa business class section ng eroplanong sinakyan nila from San Francisco, California.

 

 

Huling nakitang magkasama sina Gretchen at Atong ay noong November 2020 nang kuwestiyunin ang pagbisita nila sa, Iloilo para makipagpulong sa sabong operators at may nagawa silang paglabag sa health protocols.

 

 

***

 

 

NAHIYA si Beauty Gonzalez sa pag-stalk niya sa social media accounts ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda.

 

 

Magkasama sina Beauty at Kelvin sa episode ng Stories From The Heart na ‘Loving Miss Bridgette’ at kasalukuyang nasa lock-in taping na ang buong cast.

 

 

Ayon kay Beauty, nag-research daw siya tungkol kay Kelvin dahil sa story conference on Zoom pa lang daw niya nakilala noon ang aktor. Kaya pumunta ito sa mga social media accounts nito at pinanood niya ang pinagbidahan nitong teleserye na The Lost Recipe. Pinanood din niya ang isang pelikula ni Kelvin sa Netflix na Dead Kids.

 

 

“Chineck ko na ‘yung Instagram niya, I watched a movie of him na nasa Netflix, pinanood ko na siya. I did a bit of my assignment, my homework. Kasi siyempre it’s my homework also to know my co-actor,” sey ni Beauty.

 

 

Nalaman din ni Beauty na tsine-check din pala ni Kelvin ang mga social media account niya.

 

 

Sey ni Kelvin: “Sobrang hinahangaan ko kasi siya eh. Kasi sa mga actress sobrang natural niya, technically bagay sa screen ‘yung mga ginagawa niya, very effective.

 

 

Iniisip ko kung paano ko mapapantayan ‘yun. Tsine-check niya rin pala ako, tapos pinakita ko sa kanya.”

 

 

Natatawang reaction ni Beauty, “Meron palang gano’n. Oh my gosh! Nakakahiya!”

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang award-winning writer and professor na si Domingo Landicho sa edad 81.

 

 

Isa sa nakilalang nobela ni Landicho ay ang Bulaklak Ng Maynila na nananalo ng Carlos Palanca Memorial Awards Grand Prize at ginawang pelikula ng Viva Films noong 1999 kunsaan nanalo ng grand slam best actress si Elizabeth Oropesa.

 

 

Sa Facebook binalita ng pamilya ni Landicho ang pagpanaw nito noong nakaraang July 29.

 

 

“We thank all those who have been a part of his life. We ask for prayers for the repose of Domeng’s soul,” post ng misis ni Landicho na si Edna May Obien-Landicho.

 

 

Nagbigay din ng tribute ang The University of the Philippines Institute of Creative Writing, kunsaan resident si Landicho: “Mang Domeng, from everyone here at the UP ICW, thank you. May you rest in peace.”

 

 

Maraming sinulat na plays si Landicho para sa Philippine Educational Theater Association (PETA). Tumanggap siya ng parangal mula sa CCP Balagtas Awards, Catholic Mass Media Awards, and Institute of National Language Awards.

 

 

Sinubukan ding mag-artista noon ni Landicho. Napasama siya sa ilang Filipino actors na nakasama sa kinunang Hollywood film sa Pilipinas na The Year Of Living Dangerously in 1982. Bida rito sina Mel Gibson at Sigourney Weaver. 

(RUEL J. MENDOZA)

Pinay boxer na si Nesthy Petecio, binati ni Go

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Mabuhay ka, Nesthy! Isa kang lodi!”

 

Binati ni Senador Bong Go ang pinay boxer na si Nesthy Petecio sa pagkapanalo ng Tokyo Olympics silver medal sa Women’s Featherweight boxing.

 

“Congratulations to Nesthy Petecio for winning the Tokyo Olympics silver medal in Women’s Featherweight boxing! Yours is a historic win for being the first Filipina to win an Olympic medal in boxing since we joined the Olympics almost a century ago,” ayon kay Go.

 

Sinabi pa ni Go na malaki ang paghanga niya sa ipinakitang gilas at tapang nito sa loob ng boxing ring.

 

“Bilang isang kapwa mo Dabawenyo at chair ng Senate Sports Committee, malaki ang paghanga ko sa ipinakita mong gilas at tapang sa loob ng boxing ring,” aniya pa rin.

 

“With your unrelenting spirit, determination and competitiveness, you are one of the beacons that keep inspiring our people, especially our youth, amid trying times,” dagdag na pahayag ni Go. (Daris Jose)

PDu30, inaprubahan ang pondo para sa ayuda para sa 80% ng populasyon sa NCR

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINALITA ni Senador Bong Go na inaprubahan na noong Lunes ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pondo para sa financial assistance na ipapamahagi sa mga kwalipikadong indibidwal sa National Capital Region (NCR) na inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.

 

Nagkakahalaga aniya ito ng P1,000 kada kuwalipikadong indibiduwal na may maximum na P4,000 kada household.

 

Sinabi ni Go na sa pamamagitan ng ayudang ito ay matutulungan ng pamahalaan ang mga mahihirap na mamamayang Filipino na maitawid ang kanilang pamilya habang apektado ang kanilang kabuhayan dahil sa ECQ, lalo na ang mga daily wage earners at mga “isang kahig, isang tuka”.

 

Mahigit 13 milyon aniya ang populasyon sa NCR at 80% nito o mahigit 10.8 milyong indibidwal ang mabibigyan ng ayuda ayon sa DBM, NEDA, at iba pang mga ahensya.

 

“Dahil direktang ida-download ang mga pondo sa mga LGUs sa NCR, ang apela ko naman sa mga lokal na pamunuan ay siguraduhing maibibigay kaagad ang ayuda sa mga tamang benepisyaryo sa isang maayos, mabilis at ligtas na paraan na walang katiwalian,” ayon kay Go.

 

“Nagpapasalamat ako kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon sa ating apela na magbigay ng ayuda sa mga pinakamahihirap na maaapektuhan ng ECQ sa NCR simula Agosto 6 hanggang 20,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Go na magpapatupad ng ECQ sa NCR upang maagapan ang problema at maiwasan ang lalong pagkalat ng sakit.

 

“Kumbaga, nais nating patayin ang sunog bago ito maging “out of control”. Pero kasabay nito ay kailangan din nating maagapan ang hirap at maiwasan ang gutom sa ating mga komunidad,” ani Go.

 

At gaya aniya ng kanyang mga nasabi noon, magtiwala lamang ang lahat sa gobyerno dahil lahat naman ng hakbang nito ay ang pangunahing isinasaalang-alang ay ang buhay at kapakanan ng bawat Pilipino. (Daris Jose)

PNP Chief ipinag-utos ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa NCR

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inatasan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) na mahigpit na ipatupad ang curfew hours sa oras na maging epektibo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR.

 

 

Kasabay ito ng paghihigpit sa mga border control mula Agosto 6 hanggang Agosto 20.

 

 

Sinabi ni Eleazar na nauunawan niya ang sinasabing “quarantine burnout” na nararamdaman ng mga mamayan, pero mali aniya ang pananaw na walang nagagawa ang paghihigpit.

 

 

Ayon kay Eleazar ang mas mahabang curfew sa NCR mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas:4:00 ng umaga at striktong border control ay makakatulong upang mapigilan ang mass gathering at super spreader events.

 

 

Hinimok ni Eleazar ang publiko na sunding maigi ang minimum health safety standards at quarantine protocols para maiwasan ang pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant.

 

 

Nakita na aniya ang epekto ng Delta Variant sa India at nararapat lang ang agarang aksiyon ng pamahalaan bago mauwi sa sisihan.

 

 

Dagdag pa ng PNP Chief, tutulong din sila sa mahigpit na pagpapatupad ng liquor ban na pina-iiral ng ilang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

 

 

Simula Agosto 6, sabay-sabay na ipatutupad sa buong National Capital Region ang uniform curfew, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos. (Daris Jose)

24/7 NA BAKUNAHAN, ISASAGAWA SA MAYNILA

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAGAWA ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ng 24/7 COVID-19 mass vaccination sa mga susunod na linggo.

 

 

Dahil sa plano ng lokal na pamahalaang lungsod, nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nangangailangan sila ng mga magboboluntaryo para sa 24/7 na bakunahan sa Maynila.

 

 

Aniya, bukas ang Manila Health Department (MHD) sa mga intresado at agad na makipag-ugnayan sa kaniyang opisina ang mga indibidwal upang mailatag na agad ang plano sa lalong madaling panahon.

 

 

“Kung sinumang lisensiyadong puwedeng magbakuna, idu-duty ko kayo sa gabi to replenish our workforce, our medical frontliners during daytime,” ani Domagoso

 

 

Kabilang sa mga kinakailangan nila para sa kanilang plano na 24/7 vaccination ay ang mga Doktor (Doctor), Nars (Nurse), Dentista (Dentist), Komadrona (Midwife), Medical Technologist, Parmasyutiko (Pharmacist), Iba pang propesyunal ng allied health (All other allied health professionals), Gradweyt ng Kolehiyo o Mag-aaral ng Kolehiyo na maalam sa paggamit ng kompyuter (College graduates or college students who are computer-literate), at iba pa.

 

 

Ayon sa Alkalde, kailangan nila ng karagdagang volunteers na may kaalaman sa pag-eencode sa computer para sa mga data na kakailangain. Nanawagan rin siya sa mga estudyante sa kolehiyo, SK officials at iba pang kabataan para tumulong sa gagawing 24/7 vaccination program.

 

 

Ang plano ng lokal na pamahalaan ay upang matugunan na ang layunin ng national government na maturukan ang lahat kung may sapat na suplay ng bakuna.

 

 

Sa mga interesado naman na indibdwal ay maaaring tumawag o mag-text sa numerong 0995-1069524 at 09606040771.

 

 

“Hindi natutulog ang COVID-19 kaya dapat walang tulugan ang tulungan sa bakunahan. Maraming salamat po at sama-sama tayo tungo sa tuluyang pagsugpo sa pandemyang ito,” dagdag pa ni Domagoso.  GENE ADSUARA

Truck ban, suspendido sa loob ng 2 -week ECQ sa NCR

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SUSPENDIDO ang ipinatutupad na truck ban sa Kalakhang Maynila sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na layon nito na maging dire-diretso ang delivery ng cargo.

 

“Iyong truck ban po ay sinuspinde namin para dire-diretso po ang delivery ng mga cargo,” ayon kay Abalos.

 

Sa kabilang dako, inireport din ni Abalos sa Pangulo ang napag-usapan ng mga Alkalde ng Kalakhang Maynila na mga palatuntunan na gagamitin sa panahon ng ECQ.

 

“Ire-report ko lang po iyong mga pinaplano ng mga Alkalde during the ECQ. Napag-usapan na namin ang mga palatuntunan, may curfew po tayo para limitahan ang paggalaw. Bale alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga. Pangalawa po, ang ating public transportation ay dire-diretso lang po. Ito po ay para sa ating mga frontliners, mga essential workers at higit sa lahat po sa mga magpapabakuna. Pangatlo po, iyong truck ban po ay sinuspinde namin para dire-diretso po ang delivery ng mga cargo. Pang-apat, ang quarantine passes po ay ang mga LGUs na po …ang mga Mayors na po ang magi-issue kung ano po ang ginawa nila noong araw sapagkat gahol na po kami sa oras.Nasa mga Mayors na po ito,” litaniya ni Abalos.

 

Ang liquor ban naman aniya ay nasa desisyon na rin ng mga Alkalde.

 

Habang ang border controls naman ay pinag-usapan kung saan ay inayos na aniya ito nina DILG Sec. Eduardo Ano at ng kapulisyahan.

 

Sinabi pa rin niya na kapag nagsimula na ang ECQ ay magta-trabaho pa rin ang mga Alkalde ng Kalakhang Manila.

 

‘Mr. President, gusto ko lang pong sabihin na ang susunod na dalawang linggo ng ECQ ay talagang magta-trabaho po ang lahat dito. Hindi na po magpapahinga dahil magbabakuna po kami. Nakahanda po kami hanggang sa 250,000 a day na bakuna. Dati po ang nagawa namin ay 200,000 lang … habang ginagawa po namin ang pagbabakuna ay ang pagbibigay naman ng ayuda. Sabay. Gusto ko lang pong i-announced na iyong mga senior citizens .. sila po ang pokus ng LGUs,” aniya pa rin.

 

Sa katunayan aniya sa Agosto 5, araw ng Miyerkules ay ima-marked nila sa Mandaluyong ang 100% na ang bakunadong lolo’t lola.

 

Nauna rito, nagpasalamat naman si Abalos kay Pangulong Duterte dahil sa pagtugon nito sa kanilan kahilingan na kasabay ng ECQ ay ang pagbibigay ng ayud ng gobyerno sa mga residente na apektado ng ECQ.

 

“Unang-una po, nagpapasalamat po kaming lahat dahil po sa ayuda na napakabilis po kaagad na nadesisyunan. Sabi nga ni Spox Harry, napaka-importante ho ng ayuda dahil talaga pong mahirap mag-ECQ dahil kawawa po ang mga mahihirap nating kapatid,” aniya pa rin

 

“Ang mga Mayors po ng Metro Mnaila at ang national government ay nagkakaisa, iisa lang po ag boses. Iisa lang po ang patakaran,” dagdag na pahayag ni Abalos.

 

Samantala, suspendido rin ang number coding para sa buwan ng Agosto “until further notice.” (Daris Jose)

Gobyerno, hindi kulang sa preparasyon laban sa Delta coronavirus variant

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ng Malakanyang na hindi kulang sa preparasyon ang gobyerno para sa Delta coronavirus variant sa kabila ng kinapos sa pondo para sa Philippine Genome Center (PGC), nakade-detect ng variants.

 

“I disagree that there was lack of foresight because we have vigorous testing. We know who is infected, regardless of the variant. Pareho ang protocol na isolation, contact tracing and treatment,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sinabi ng UP-National Institute of Health na mangangailangan ito ng P100 million para paganahin ang satellite offices ng PGC sa Visayas at Mindanao para makapagsagawa ng genome sequencing upang sa gayon ay mai-prososeso ang mas maraming samples kada isang linggo at mapabilis ang detection ng Delta variant.

 

Sinabi ng Department of Health na ang Delta variant ay maaaring makahawa ng lima hanggang 8 katao “in one setting.”

 

Inamin naman ni Sec. Roque na ang pagsuporta sa PGC ay kailangan na palakasin subalit iginiit nito na ang pagtaas ng genome sequencing ay hindi mandatory sa pakikipaglaban sa mas maraming nakahahawang Delta variant.

 

“I concede, talagang papalakasin pa natin ang ating kakayahan nang malaman natin kung anong variant iyan, ‘no? Pero hindi naman ibig sabihin na dapat 100% tini-test para malaman natin kung anong variant. Mayroon din naman talagang statistics na tinatawag,” anito.

 

Tiniyak naman ni Sec.Roque na sisiguraduhin ng pamahalaan na ang planned satellite offices sa PGC sa Visayas at Mindanao ay mapopondohan.

 

“Well, if I’m not mistaken po, ‘no, that should be in the 2022 national budget. But if it is not, gagawan po natin ng paraan dahil sisimulan pa naman po ang talakayan ng parehong Kapulungan ng Kongreso ang ating pangtaunang budget for 2022,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)