• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2021

Pagbati buhos para kay EJ Obiena kahit nabigo sa target na podium finish

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy ang pagbuhos nang pagbati mula sa maraming kababayan kay EJ Obiena sa kabila nang pagkabigo nitong umabot sa podium finish sa finals ng pole vault event na ginanap sa Tokyo National Stadium.

 

 

Una rito, nabigong maitawid ni Obiena hanggang sa ikatlo niyang attempt ang 5.80 meters.

 

 

Bago ito ay na-clear niya ang 5.50 meters at 5.70 meters.

 

 

Tanging si EJ na lamang na atleta mula sa Asya ang natira na nakipaghamok sa mga world’s best mula sa Europa at sa Americas.

 

 

Nagtapos siya sa kampanya sa Olimpiyada 11th place. Kung tutuusin hawak ni Obiena ang 5.87 meters na siyang kanyang national record sa Pilipinas.

 

 

Medyo minalas pa ang pambato ng Pilipinas sa athletics dahil kinailangan din niyang ulitin ang ginawa niyang attempt sa 5.70 matapos mauwi sa fou[ ang unang pagtatangka niya.

 

 

Samantala, tulad nang inaasahan nasungkit ng world record holder ng Sweden na si Armand “Mondo” Duplantis, 29, ang gintong medalya nang umabot sa 6.02 meters ang kanyang natalon.

 

 

Ang Olympic record holder mula sa Brazil na si Thiago Braz ay nagkasya sa bronze medal nang ma-clear niya ang 5.87 meters.

 

 

Habang ang pole vaulter mula sa US na si Christopher Nilsen ang nakakuha ng silver nang itala ang lifetime best niya na 5.97 meters.

Ads August 6, 2021

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BI, MAG-OPERATE NG SKELETON WORKFORCE

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ang kanilang punong tanggapan, satellite at mga extension offices sa Metro Manila ay mag-operate ng skeleton workforces at iiksihan ang kanilang working hours kasunod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa  Aug. 6.

 

 

 

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang bagong work scheme ay ayon sa pagsunod sa direktiba ng National Capital Region (NCR) sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) mula Aug. 6 to 20.

 

Sa kautusan ni  Morente, lahat ng tanggapan ng BI sa NCR ay sasailalim sa skeleton workforce ng at least 30 percent pero hindi hihigit sa 50 percent para sa kanilang operational capacity.

 

 

 

Dahil dito, bukas ang tanggapn simula sa August 6 ng 8 am hanggang  4 pm imbes na  5 pm.

 

 

 

Ipinagbabawal din ni Morente amng dine-in services sa lahat ng customers sa canteens at  food kiosks sa  BI main bldg. sa  Intramuros, Manila. GENE ADSUARA

SERBISYO NG LOKAL NA PAMAHALAANG LUNGSOD NG MAYNILA, TULOY-TULOY SA KABILA NG IPATUTUPAD NA ECQ

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na sa kabila ng ipatutupad na dalawang linggong Enhance Community Quarantine (ECQ) simula sa Biyernes ay tuloy pa din ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko partikular na sa mga Manilenyo.

 

 

Batay sa inilabas na memorandum ni Manila City Administrator Felixberto Espiritu sa lahat ng Head Departments, Offices at Bureaus ng Manila City Hall, ipatutupad ang “skeletal workforce alternative work arrangement” sa mga nasabing partikular na ang Office of the Mayor, Office of the Secretary to the Mayor, Manila Public Information Office, Office of the City Administrator, City Personnel Office, Manila Barangay Bureau, City General Services Office, City Budget Office, Office of the City Accountant, City Treasurer’s Office, Department of Public Services, Op. Div. & Dist. Offs., Dept. of Engineering & Public Works Operations, Department of Assessment, Bureau of Permits, Manila Hawkers Office, Public Recreations Bureau, Operations, at ang Parks Development Office.

 

 

Ang mga sumusunod na departamento, bureaus at mga tanggapan ay magkakaroon ng buong operasyon sa nasabing dalawang linggo maliban sa mga tauhan na nakabase sa mga tanggapan at ito ang mga sumusunod: Manila Health Department kabilang ang North at South Cemeteries, lahat ng pampublikong ospital na pinapatakbo ng pamahalaang lungsod, Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Manila Department of Social Welfare, Manila Traffic and Parking Bureau, Veterinary Inspection Board, at Market Administration Office.

 

 

Ang lahat ng mga tanggapan na hindi nabanggit ay magpapatupad ng “work from home alternative work arrangement”. Habang ang mga senior citizen, PWD’s, buntis, at mga edad 21 gulang pababa na mga opisyal at empleyado ng pamahalaang lungsod ay isasailalim sa “work-from-home”.

 

 

Ayon kay Espiritu, mahigpit pa rin na ipatutupad ang health protocol sa loob ng Manila City Hall kung saan hindi maaaring makapasok ang mga senior citizen at mga menor de edad upang mabawasan ang dami ng tao na pumapasok sa gusali.

 

 

Maging ang ilang tanggapan tulad ng civil registry, tubusan ng lisensiya ng MTPB atbp. ay hanggang 300 lang ang maaaring papasukin at maserbisyuhan sa panahon ng ECQ para mapanatili ang social distancing.

 

 

Nabatid pa kay Espiritu na muling ipatutupad sa mga pampublikong pamilihan o palengke sa lungsod ang “one entry, one exit policy” upang makontrol ang dami ng mga mamimili at mapanatili ang physical distancing.

 

 

Pinaalalahanan din ni Espiritu ang Manilenyo na huwag mag-“panic buying” dahil sapat naman umano ang suplay ng mga pagkain sa merkado.

 

 

Aniya, 24/7 pa din naman ang delivery sa panahon ng ECQ kung saan maaari silang magpadeliber ng pagkain anumang oras.

 

 

“24/7 ang delivery, dapat mabigyan sila ng pagkakataon na kumita. Kawawa naman ang mga tao lalo na ngayong ECQ,” giit ni Espiritu.  GENE ADSUARA

6 arestado sa sugal at shabu sa Malabon

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ang anim na sugarol kabilang ang apat na babae matapos makuhanan ng shabu sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon city.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Joel Mahusay, 43, (user), Benjamin Dela Cruz, 22, garbage trader, Jean Rose Almonte, 21, Elsie Soriano, 18, Joan Mangaring, 39, garbage trader at Marita Mijares, 41, garbage trader.

 

 

Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity na kilala bilang “Lucky Nine” sa Estrella St., Brgy. Tañong.

 

 

Agad bumuo ng team ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni PSSg Mitchum Caoy sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Zoilo Arquillo saka nakipag-coordinate sa mga tauhan ng Sub-Station 6 sa pamumuno ni PLT Rommel Adrias.

 

 

Matapos nito, isinagawa ng pinagsanib na mga tauhan ng SIS at SS6 ang joint operation sa naturang lugar dakong alas-10:15 ng umaga na nagresulta sa pagkakaasto sa mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang isang deck ng cards at P1,130 bet money habang narekober naman kay Mahusay ang 3 plastic sachets na naglalaman ng himigit-kumulang sa 2.37 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P16,116.00. (Richard Mesa)

Tanggapan ng pamahalaan sa NCR, inatasan na i-adopt ang skeleton workforce sa panahon ng ECQ

Posted on: August 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at instrumentalities sa Kalakhang Maynila na nasa ilalim ng executive branch na magtalaga ng skeleton workforce sa panahon na ipatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20.

 

Sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 87, na tinintahan, araw ng Martes ni Executive Secretary Salvador Medialdea subalit isinapubliko naman, araw ng Miyerkules, na ang bilang ng mga empleyado na personal na makapagre-report sa kanilang trabaho ay hindi dapat mas mababa sa 20 percent upang masiguro ang pagpapatuloy ng government services sa panahon ng two-week implementation ng ECQ.

 

“There is a need to ensure the continuous delivery of public services during the ECQ period in NCR (National Capital Region),” ang nakasaad sa kautusan.

 

Sa ilalim ng MC 87, ang pinuno ng ahensiya ay inatasan na i-determina ang bilang ng mga personnel na kailangan na pumunta sa workplace o lugar ng trabaho, dapat na ikunsidera na ang serbisyo ay hindi dapat na mababalam ang lalo na sa panahon nang pagpapatupad ng ECQ.

 

Ang mga pinuno ng mga ahensiya ng pamahalaan at instrumentalities, kabilang na ang government-owned and -controlled corporations, ay sinabihan na i- adopt ang work-from-home arrangements para sa kanilang mga manggagawa.

 

“During the period of 06 to 20 August 2021, government agencies and instrumentalities in the NCR shall remain fully operational even as the region is placed under ECQ, subject to the on-site capacity and work-from-home arrangements authorized herein,” ang nakasaad sa memorandum.

 

Ang mga ahensiya na nagbibigay ng health at emergency front-line services, laboratory at testing services, border control, at iba pang critical services ay pinapayagan na mag-operate ng “full on-site capacity.”

 

Bago pa ang Agosto 6, ang pinuno ng bawat ahensiya sa NCR ay may mandato na magsumite sa pinuno ng departmento na “exercising control or supervision over it, or to which it is attached, the specific percentage of the agency’s skeleton workforce and the work arrangements during ECQ period.”

 

“The skeleton workforce, as determined by the agency, shall be immediately implemented upon the onset of ECQ, provided that department head may, at any time, direct the modification of the submitted on-site capacity or related arrangements, as health considerations and the exigencies of the service may require,” ayon pa rin sa kautusan.

 

Ang Metro Manila, kasalukuyan ngayong nasa general community quarantine “with heightened restrictions,” ay nakatakdang mag-shift sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20 para mapigilan ang pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

 

An iba pang ahensiya sa Kalakhang Maynila na nasa ilaim ng legislative at judicial branches ng “government, independent constitutional commissions and bodies, as well as local government units, are enjoined to adopt MC 87.”

 

Ang nasabing memorandum ay kaagad na epektibo sa lalong madaling panahon. (Daris Jose)

PH Carlo Paalam sigurado na ang bronze medal matapos manalo by points vs Uzbek fighter

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sigurado na ang bronze medal para sa Pinoy boxer na si Carlo Paalam matapos na manalo via points kontra sa 2016 Rio Olympics defending champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan.

 

 

Dahil dito pasok na sa semifinals si Paalam sa men’s flyweight class (48-52kg).

 

 

Noong una sa first round ay medyo nahirapan pa si Paalam na makapuntos dahil sa masyadong magalaw sa ring si Zoirov.

 

 

Pero makalipas ang ilang segundo nakakuha rin ng magandang timing si Paalam para maipasok ang solidong mga suntok.

 

 

Maganda rin ang counterpunching ni Paalam kaya nakumbinsi ang lahat na limang mga judges at ibinigay sa kanya ang Round 1.

 

 

Sa Round 2 nagkaroon ng accidental headbutt ang dalawa kaya dumugo ng bahagya sa kani-kanilang mga noo.

 

 

Dito na itinigil ng ring doctor ang laban.

 

 

Dahil sa hindi natapos ang matchup idinaan sa puntos sa pamamagitan ng scorecard kung saan maging sa Round 2 ay abanse pa rin sa mga judges ang Pilipinas.

 

 

Itinigil ng referee (1:40 mark) ang laban pabor kay Paalam sa pamamagitan ng “win by points” 4-0.

 

 

Sa ngayon tatlong mga boksingero na ang sigurado na may medalya.

 

 

Ito na ang record breaking feat ng Philippine boxing team sa kasaysayan nang paglahok ng bansa sa Olimpiyada.

 

 

Samantala, hindi naman napigilan ni Paalam na maiyak sa saya matapos ianunsiyo ang kanyang panalo kung saan napaluhod pa ito lalo na at big upset ang kanyang naitala laban sa world’s number one boxer.

 

 

Sa Huwebes ang next fight ni Paalam laban sa Japanese boxer na si Ryomel Tanaka, dakong ala-1:30 ng hapon (PH time).

Ads August 5, 2021

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KASO NG COVID SA PGH, TUMATAAS

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY  ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Philippine General Hospital mula nitong nakaraang linggo.

 

Ayon ito kay PGH Spokesperson Dr Jonas del Rosario, kung saan hanggang kahapon, Linggo ay umabot sa  143 ang  COVID-19  pasyente na naadmit mula sa 250 beds.

 

‘ Ang naitala po namin kahapon , ito po yung biggest so far 143  na considering natapos na yung surge  nung March pero  ito na po parang paakyat po siya, actually 2 days ago 125 lang eh…[tas] kahapon 143 na, so talagang consistent po na talagang umaakyat ang ating admissions.’

 

Sinabi ni del Rosario na sa loob ng sampung araw ay patuloy ang pagtaas ng admission.

 

Ayon pa sa tagapagsalita ng PGH, na karamihan sa mga healthcare workers ay fully vaccinated na ay mild at moderate at na-admit rin sa ospital .

 

Pinapalagay  aniya na ang mga kaso ay  Delta variants.

 

‘Para di mahawa  ang healthcare workers at makahawa  sila, tinaasan po ang level ng personal protective equipment para  mas protektado sila.’ pahayag ni del Rosario. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Nanguna sa Top 15 Headshot Challenge ng ‘MUP 2021’: KISSES, kinabog sina MAUREEN at iba pang beteranang kontesera

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINABOG ni Kirsten Danielle ‘Kisses’ Delavin sina Maureen Wroblewitz at iba pang kontesera dahil siya ang nanguna sa Top 15 Headshot Challenge ng Miss Universe Philippines 2021, kaya ganun na lang ang pasasalamat niya sa mga bumoto at sumuporta.

 

 

Pumangalawa sa kanya si Rousanne Marie Bernos at pangatlo naman si Maureen. Ang iba pang pasok sa Top 15: 4) Steffi Rose Aberaturi; 5) Maria Corazon Abalon; 6) Katrina Dimaranan; 7) Leren Mae Bautista; 8) Gianne Asuncion; 9) Noelyn Campos; 10) Kamille Quinola; 11) Cheri Angel Flejoles; 12) Angela de Grano; 13) Jedidah Korinihona; 14) Mirjan Hipolito; and 15) Isabelle Delos Santos.

 

 

Pasok na sila sa 75 candidates na mag-a-advance sa competition, na kung saan pipiliin ang Top 30 official candidates sa prestigious national beauty pageant na gaganapin sa September 25.

 

 

Pero kahit na nangunguna sa botohan at maraming sumusuporta sa kanyang paglaban sa MUP, marami pa ring bashers na ‘di pa rin tanggap ang pagkakasama ni Kisses sa candidates na kitang-kita na ang pagbabago at palaban na para maging beauty queen.

 

 

Meron din namang netizens na nagtatanggol sa kanya sa mga bitter at walang magawang bashers.

 

 

Ilang sa naging comment nila:

 

“Mas lalo yatang bumaba ang standards ng Ms.U. Kakabaduy.”

“She’s absolutely gorgeous

“Good for you Miss Congeniality :)”

“Never say die tong si Kisses ah.. lahat na lang ba Kisses?”

“Juskomio lahat na lang pinasukan ni ineng. Parang wala pa ring maaninag na pag-asa.”

“Matalino sya may ibubuga sa q&a pero hindi pang Miss Universe ang face nya. Pwede siguro sya sa Miss Earth.”

 

“Hahaha Pwedi rin sya bakla sa reina hispano amerikah.”

“Am not surprise kung kasali siya sa top headshot challenge eh marami siyang fans. Sana magaling ang performance niya come coronation night at di lang puro hype.”

“Prang walang kabuhay-buhay na contestant yan. Lamya-lamya kya nyan.”

“Ganda ni ate girl! Go Kisses!”

“Would love to see the pageant proper. It would be interesting to see how these influencers stack up against pageant veterans like Steffi, Katrina, and Leren.”

“Juicekolored, ano nang nangyari sa Phil pagentry. Naging pangfiesta.”

“Kalungkot ung mga comments. She’s young, and she can be whatever she want to be or atleast try. Ineenjoy lang nya buhay and youth nya bakit andaming nega? The fact that she’s a finalist means qualified sya, bakit may mga nagsasabing di sya dapat anjan? Baka nga height requirement lang di na pumasa mostly ng bashers face value pa kaya? Be happy po sa achievement ng iba.”

“Cause she’s a public figure and she’s been showing her self a lot kaya my doubt na mga tao if kaya nya. Unlike other celebs na inabangan talaga. Wala din naman kasi syang advocacies puro pa celebrity lang.”

“Pinaasa tuloy ng mga faney na mananalo siya LOL. Wag nang i-push. Minsan may mga bagay na hindi talaga for you. At isa ‘to sa mga yon, K. Not bashing, sa true lang :)”

“wla talent kaya binitawan ng abs, wala rn appeal. sori pero Next pls.”

“Like Pia Wurtzbach?”

“Eh nadaan sa paramihan ng boto kaya nanalo, hindi dahil maganda head shot nya. Ano ba yan?”

“Juice colored. Baba ng standards talaga ng voters.”

“Wag muna pansinin mga basher mo Kisses mga chararat kasi yan sila ikaw maganda na matalino pa hahahah.”

“Asahan na natin na kung based sa votes, talagang si Kisses ang mangunguna.”
“Assuming na makakaabot sya sa finals, doon na sya malamang mangamote dahil di uubra mga tards nya doon.”

“Ayusin din ang pagsasalita parang kay sipon palagi.”

“Ganda niya! Fierce.”

“she’s too short to become a beauty queen. wag ipilit.”

“Bat kayo ganyan? Porket ba maliit siya?”

“#2 for me!!! Morena Filipina.”

“Not a fan of her pero malay nyo naman diba. Q&A din labanan dyan sa Miss U. Gudlak kasi puro latinas na pinapanalo nila.”

“Lol. Advance ka masyado baks. Hindi naman sya nanalo pa sa title.”

“Hindi pa naman sya ang nanalo, ang dami na hate comments. maraming beauty queens na hindi din katangkaran. Wait nalang natin kung makalusot sya hanggang finals, then dun tayo manghusga kung ano ang maging performance nya sa stage. Sa ngayon, nag base lang tayo kung paano sya nakikita dati sa tv.”

“She’s pretty but her beauty is not for Miss Universe imho.”

“Go kisses.”

“Pak! Ganda ni Kisses! Go lang girl!”

Well, malaking challenge talaga ito kay Kisses na patunayan sa mga bashers niya na deserving siya na makapasok sa official candidates ng MUP 2021.

(ROHN ROMULO)