Mananatiling 50% capacity ang mga transportasyon sa land, air at sea sa loob ng dalawang (2) linggong may enhanced community quarantine (ECQ) sa kalakhang Metro Manila simula ngayon hanggang August 20.
Pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na panatilihin ang 50% capacity sa lahat ng sektor ng transportasyon.
Subalit sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang mga authorized persons outside residence (APORs) lamang ang papayagan na sumakay sa mga pampublikong transportasyon na naaayon sa ipinapatupad na guidelines ng IATF.
“Only authorized persons outside residence (APORs) would be allowed on public transport services in accordance with omnibus guidelines of IATF,” wika ni Tugade.
Pinaalalahanan ang mga APORs na magdala at magpakita ng kanilang IDs at iba pang mga dokumento sa mga transport marshals kung sila ay sasakay.
Habang may ECQ, ang mga pampublikong sasakyan tulad ng buses at jeepneys ay pinapayagan ng magkaron ng 50 percent capacity subalit one-seat-apart at wala dapat na nakatayo na mga pasahero. Ang mga motorcycle taxi services at transport network vehicle service operations ay pinapayagan din.
Pinapayagan din ang operasyon ng mga tricycles sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng local government unit (LGU) subalit dapat ay isa lamang ang sakay.
Ang mga trains naman tulad ng Light Rail Transit Line 1(LRT Line 1), Metro Rail Transit Line 3(MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT Line 2), at Philippine National Railways (PNR) ay mananatiling may operasyon sa loob ng dalawang (2) linggo na may ECQ.
“All trains of PNR, LRT 2, LRT 1, and MRT 3 will have transport marshals to enforce health protocols and to identify APORs. Trains will also be disinfected after every loop,” dagdag ni Tugade.
Mayron din mga domestic flights at local sea travel sa NCR habang may ECQ subalit subject sa community quarantine restrictions ng kanilang pupuntahan.
Ang mga transport marshals ay mahigpit na magpapatupad seven (7) commandments ng public transport safety sa mga estasyon at terminal ng mga transportasyon ganon din sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Mahigpit na ipinatutupad ang social distancing, paggamit ng face mask at face shield, at ibp health at safety protocols sa mga pampublikong sasakyan.
“We are at the DOTr reiterate the need for us to strictly observe the necessary health and safety measures aboard public transportation. We are more adamant now, as we reinforce the government initiatives and measures to prevent to spread the highly-transmissible Delta variant,” saad ni Tugade. LASACMAR
Halos 100% na umano ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito kay Errol Spence Jr.
Isa na namang baong variant ng COVID-19 na Lambda na inihahalintulad sa Delta ang magiging bagong banta sa Pilipinas na kaila-ngang makapagsagawa ng mga pamamaraan na huwag makapasok sa bansa.
Naka-detect ang Department of Health (DoH) ng karagdagang 116 na bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
NAGSALITA na nga si Ellen Adarna tungkol sa isyu nang pagwo-walkout diumano sa last taping day ng sitcom nila ni John Estrada sa TV5, ang John en Ellen.
NAGLULUKSA ang Philippine Television industry dahil sa pagpanaw ng TV icon na si Kitchie Benedicto.
Posible umanong nasimulan na noong Biyernes ang distribusyon ng cash aid para sa mga residente sa Metro Manila na maaapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipatutupad ng pamahalaan sa rehiyon upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito.
GUMAWA ng pakikipag-usap si TV-host producer na si Willie Revillame, sa namamahala ng Clark International Airport sa Pampanga at sa Inter-Agency Task Force, para doon mag-show nang live, ang kanyang Wowowin: Tutok To Win daily, 5:30 – 6:30 PM, habang naka-ECQ ang Metro Manila/NCR.
Nasungkit ng Lyceum of the Philippine University ang korona sa NCAA Season 96 seniors’ online chess tournament.