• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2021

Mababa sa 0.0013% ng 9-M fully vaccinated Pinoy ang tinamaan ng COVID-19 – FDA

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iniulat ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga “breakthrough COVID-19 infections” sa mga indibidwal sa kabila na sila ay mga nabakunahan pero ito ay maliliit lamang na bilang o porsyento.

 

 

As of August 1, mayroong 116 kaso ng COVID infection sa mga indibidwal na fully vaccinated kung saan 88% dito ay mild at asymptomatic, 11% ang na-admit sa ospital at mayroong isang nasawi.

 

 

binahagi ni FDA director general Eric Domingo, may mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 matapos na mabakunahan ng unang dose ng vaccines na nasa 546 cases habang nasa 61 naman ang nasawi.

 

 

Nasa 51 COVID-19 cases naman ang naitala matapos na maturukan ng ikalawang dose at dalawa ang fatalities.

 

 

Samantala nasa 116 indibidwal naman ang na-infect pa rin ng coronavirus matapos ang 14 na araw mula ng mabakunhan ng ikalawang dose o itinuturing na fully vaccinated na kung saan isa ang nasawi.

 

 

Paglilinaw ni Domingo, ang ikinamatay ng mga nabakunahang indibidwal ay dahil sa COVID at hindi dahil sa bakuna.

 

 

Nakadepende rin kasi aniya sa lebel ng reaksiyon ng katawan ng isang indibidwal sa bakuna at level ng immunogenicity na nage-generate ng katawan kung saan nakita na karamihan aniya sa mga nagpositibong indibidwal na nakakaranas ng mild symptoms ng COVID o kaya naman ay asymptomatic.

 

 

Sa kabila nito, nasa maliit lamang aniya na porsyento ang nagpopositibo sa COVID-19 na nasa less than 1% ng kabuuang bilang ng mahigit 9 million na fully vaccinated kontra coronavirus.

 

 

Nilinaw din ni Usec. Domingo na nakadepende sa porsyento ng mga nabakunahan ng partikular na brand ng COVID vaccines ang dami ng bilang ng nagpositibo gaya ng Sinovac at Astrazeneca na pinaka-dominant na bakunang ginagamit sa vaccination program ng ating bansa.

 

 

Mas matimbang pa rin ang benepisyo ng bakuna para maiwasan ang severe cases at death mula sa respiratory disease kaya mahalaga aniya na makompleto ang bakuna.

 

 

Base sa pinakahuling datos hanggang Agosto 1, nasa 11.7 million partially vaccinated o nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine habang nasa 9.1 million naman ang fully vaccinated sa bansa.

 

 

“There is no vaccine with 100% efficacy. It really depends on each and every person. We don’t have the same level of reaction to vaccines and the level of immunogenicity generated by our bodies differs,” ani Domingo. “The chance, probability of getting COVID-19 drastically decreases once you complete your vaccination.”

ECQ SA NCR PALALAWIGIN O HINDI, MAAGA PANG PAG-USAPAN

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III  na masyado pang maaga para pag-usapan kung palalawigin o hindi ang Enhanced Community Quarantine (ECQ ) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sa isang panayam, binigyan diin ng kalihim ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards matapos na sumirit ang bagong kaso ng  mahigit 12,000 nitong nagdaang dalawang araw.

 

 

“Sa ngayon maaga pa para pag-usapan ‘yan ” pahayag ng kalihim na siya ring chair ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF, ang kinatawan ng gobyerno sa paggawa ng patakaran sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

 

 

Ang NCR ay inilagya sa ECQ mula August 6 at magtatapos ito sa August 20 dahil na rin sa banta ng pagsirit ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.

 

 

Tanging ang mga essential o mga APOR lamang ang pinapayagang lumabas o mag-travel.

 

 

Samantala, nais ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang NCR ay mailagay sa ilalim ng isang hindi gaanong mahigpit na uri ng quarantine kapag tapos na ang  dalawang linggong ECQ sa Agosto 20.

 

 

Ang hakbang ayon kay  Trade Sec.Ramon Lopez  ay mas maghanda ang gobyerno na balansehin ang ekonomiya  at kabuhayan sa mga panganib sa kalusugan na nagmumula sa pagdagsa ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa banta ng mas nakahahawang variant ng Delta.

 

 

Kaugnay nito, nanawagan si Duque  sa local government units sa NCR na pagigtingin  ang kanilang vaccination campaigm upang maabot ang herd immunity sa lalong madaling panahon.

 

 

“Nananawagan ako sa LGUs na talagang paigtingin ang ating vaccination campaign at para mas mabilis maabot ang herd immunity, mas lalong mabigyan ng proteksiyon mga mamamayan ng NCR,” wika ni Duque.

 

 

Ibinahagi ng kalihim na mahigit 40% ng residente sa NCR  ang fully vaccinated ba laban sa COVID-19 base sa datos ngayon.

 

 

Sa kabilang banda, ang pigura sa buong bansa ay nasa 16%, ayon kay Duque

 

 

Kahapon ay muling nakapagtala ng mahigit sa 12 libong kaso o pinakamtaas na daily tally simula April 24.

 

 

Sa kabuuan nasa 1,700.363 na ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Ayon naman sa ulat ng OCTA Reasearch noong August 12, ang NCR ay nakapagtala ng  reproduction number na 1.76 . (GENE ADSUARA) 

ANAK NG MAG-ASAWANG MAMBABATAS, ITINALAGA NI PANGULONG DUTERTE NA BAGONG KONSEHAL NG MALABON

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA ni pangulong Rodrigo Duterte ang 27-anyos na anak ni Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel at An Waray Party-list Rep. Florencio ‘Bem’ Noel bilang miyembro ng Sangguniang Panlunsod at kapalit ng isang konehal na may sakit.

 

 

Ayon kay Lacson-Noel, ang pagkakatalaga sa kanyang anak na ngayon ay si Councilor Regino Federico ‘Nino’ Noel, ay nilagdaan ng Presidente noong August 2, 2021 at parehong ipinasa sa opisina ni Secretary Eduardo Año, ng Department of the Interior and Local Government (DILG), para sa pagpapatupad.

 

 

Pormal na ipinadala ni Año ang appointment paper na may petsang August 11, 2021 sa bagong miyembro ng konseho at inatasan siyang magsumite ng isang kopya ng kanyang panunumpa sa tanggapan ng Pangulo at DILG.

 

 

Inaasahang manunumpa si Konsehal Noel ngayong araw (Biyernes) kay Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta III at sasaksihan ng presiding officer ng konseho na si Vice Mayor Bernard ‘Ninong’ dela Cruz, mga kasamahan at ng kanyang ipinagmamalaking magulang.

 

 

Ang batang Noel ay papalit kay Councilor Edwin Gregorio Dimagiba, isang veteran local legislator at dating Nationalist People’s Coalition (NPC) party-mate, na may problem sa puso.

 

 

Si Dimagiba ay malapit na kamag-anak ng mambabatas ng Malabon na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa Pangulo sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanyang anak na maglingkod sa mga residente bilang kasapi ng konseho ng lungsod.

 

 

“I and Congressman Bem were so thankful to President Duterte for appointing our son as newest member of Malabon Council. He has been active in the city even before his appointment and has been my companion especially during this pandemic in providing all forms of assistance to the city folks,” pahayag ni Lacson-Noel.

 

 

Ayon sa kanya, kasama sa mga adbokasiya ni Councilor Noel ang mental health, environmental protection, financial literacy pati na rin ang youth empowerment. (Richard Mesa)

Sec. Roque, hindi nagkaroon ng closed contact sa apat na staff nito na nagpositibo sa Covid-19

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang naging naging close contact sa kahit na kaninuman sa kanyang apat na staff na nagpositibo sa Covid-19.

 

Aniya, naka-skeleton workforce na ang lahat ng mga nagtatrabaho sa kanyang opisina o sa Office of the Presidential Spokesperson.

 

Sa katunayan aniya ay sinabi ng kalihim na ilang araw nang nasa siyam lamang ang tao sa kanyang tanggapan.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay makaraang gpositibo sa Covid-19 ang apat na empleyado sa kanyang opisina na pawang bakunado na, kung saan isa dito ang nakararanas ng malubhang kaso ng virus. (Daris Jose)

Crossovers kampeon!

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Humarurot ng husto ang Chery Tiggo sa hu­ling sandali ng laro upang makuha ang 23-25, 20-25, 25-21, 25-23, 15-8 come-from-behind win laban sa Creamline at matamis na kubrahin ang kampeonato sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

 

 

Walang iba kundi sina middle blocker Jaja Santiago at outside hitter Dindin Santiago-Manabat ang naasahan ng Crossovers upang dalhin ang kanilang tropa sa panalo.

 

 

Umariba si Dindin ng conference-high na 32 puntos mula sa 30 attacks, isang block at isang ace habang naglista si Jaja ng 26 puntos kabilang ang game-winning attack.

 

 

 

“Sobrang saya na andami n’yong pinagdaanang problema pero hindi kami sumuko sa isa’t isa dinala kami sa finals tapos ibinigay sa amin ni God ang championship,” ani Jaja.

 

 

Itinaghal na kauna-una­hang kampeon sa PVL bilang isang professional volleyball league ang Chery Tiggo.

 

 

Winakasan ng Crossovers ang best-of-three championship series ta­ngan ang 2-1 rekord.

 

 

Pinangunahan ni Jaja ang listahan ng individual awardees matapos kubrahin ang conference MVP, Finals MVP at Best Middle Blocker awards.

 

 

Nanguna ito sa spiking department tangan ang 122 kabuuang puntos mula sa impresibong 49.8 percent success rate habang nanguna din ito sa service line tangan ang 18 aces at ikatlo sa net defense hawak ang 23 blocks.

 

 

Binanderahan din ni Jaja ang All-Premier Team kasama sina Alyssa Valdez ng Creamline (Best Outside Spiker), Myla Pablo ng Petro Gazz (Best Outside Spiker), Ria Meneses ng Petro Gazz (Best Middle Blocker), Kat Tolentino ng Choco Mucho (Best Opposite Spiker), Jia Morado ng Creamline (Best Setter) at Kath Arado ng Petro Gazz (Best Libero).

 

 

Nanguna si Meneses sa blocking department (50 blocks) habang si Arado ang reyna sa floor defense na may 250 digs at 154 excellent receptions.

 

 

Si Pablo naman ang ika-10 scorer sa liga t­angan ang average na 12.36 points per game habang nakalikom si Morado ng 317 excellent sets.

Pacquiao babalikan si Spence

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ayaw tantanan ni eight-division world champion Manny Pacquiao si reig­ning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr.

 

 

Desidido ang Pinoy champion na muling maikasa ang isang blockbuster fight laban kay Spence sa oras na gumaling na ito sa kanyang eye injury.

 

 

“I have no problem figh­ting Spence. As long as he’s still physically fit, then okay,” pahayag ni Pacquiao sa panayam ng TMZ.

 

 

Matatandaang nag-withdraw si Spence sa laban nito kay Pacquiao sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) matapos matuklasang may punit ang retina nito sa kaliwang mata base sa isinagawang pre-fight medical examination ng Nevada State Commission.

 

 

Sumailalim na sa ope­ras­yon si Spence at kasalukuyang nagpapagaling na para sa laban.

 

 

Ipinakita pa ni Pacquiao ang larawan ni Spence matapos ang operasyon.

 

 

Ilan buwan din ang kakailanganin para tuluyang gumaling ang mata nito.

 

 

Sa oras na gumaling ito, handa rin si Spence na makaharap si Pacquiao dahil itinuturing niya itong biggest fight sa kanyang career.

 

 

Sa ngayon, sesentro muna ang atensiyon ni Pacquiao kontra kay reig­ning World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas na naging kapalit ni Spence sa laban.

LALAKI ARESTADO SA PAGNANAKAW SA CALOOCAN

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ang isang lalaki na nagawang pasukin ang isang saradong bangko para magnakaw sa pamamagitan ng pagsira ng glass panel nito sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, nagawang matunton at maaresto ng mga tauhan ng Grace Park Police Sub-Station 2 sa pangunguna ni P/SSgt. Herbert Martinez at Pat. Mark Bryan Ballicud si Mark Joseph Lomeda, 27 ng 1154 Masagana St. Heroes Del 96 Bryg. 73, habang gumagapang sa kisame ng second floor ng PS Bank branch sa Rizal Avenue Ext. near corner 10th Avenue, Grace Park dakong alas-11 ng gabi.

 

 

Sa imbestigasyon nina P/Cpl. Niño Nazareno Paguirigan at P/SSgt. Arjay Terrado, dakong alas-8:40 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang PS Bank Inspector na si Rene Cerbana, 43, mula sa head office ng PS Bank sa Makati City at ipinaalam sa kanya na isang hindi kilalang lalaki ang nakita ng CCTV operator sa loob ng premises ng bank branch sa Caloocan.

 

 

Kaagad nagtungo si Cerbana at kanyang kasama na si Elvis Abdon, 29, sa naturang lugar at nang mapansin nila ang basag na glass panel ay sumilip sila sa loob ng bangko kung saan nakita nila ang suspek na gumagala sa loob.

 

 

Humingi ng tulong ang dalawa sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober sa kanya ang isang Bluetooth speaker at bala ng cal. 38.

 

 

Iprinisinta ang suspek sa inquest proceeding sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong robbery at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (Richard Mesa)

Nurses, health workers nagbanta ng mass resignation

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagbanta ang mga nurses at healthcare workers na magsasagawa ng ‘mass resignation’ kung patuloy na hindi nila matatanggap ang ‘special risk allowance’ mula sa Department of Health (DOH).

 

 

Ayon kay Filipino Nur­ses United (FNU) president Maristela Abenojar, tototohanin na ng mga nurses partikular sa mga pribadong pagamutan ang banta na mass resignation dahil noong nakaraang taon pa hindi nailalabas ang naturang benepisyo.

 

 

Partikular ito sa special risk allowance (SRA) na nakapaloob sa Bayanihan Law para sa mga medical frontliners na P5,000 kada buwan.

 

 

Bukod dito, giit rin ng mga private nurses na tulad ng mga nurse sa mga pampublikong pagamutan, mabigyan rin sila ng active hazard duty day (AHDP) na P3,000 kada buwan.

 

 

“Under the Bayanihan, only those in the public sector shall receive AHDP. But when they attend to COVID-19 patients, it does not matter if you are from private or government. The risk is the same,” paliwanag pa ni Abenojar.

 

 

Sinabi naman ni Alliance of Health Workers (AHW) president Robert Mendoza na may ilan na rin sa kanila ang nag-iisip nang mag-early retirement dahil wala namang sapat na proteksyon na natatanggap sila sa pamahalaan.

 

 

Nagbanta siya na babagsak ang healthcare system kapag itinuloy ng mga medical frontliners sa pribadong sektor ang kanilang mga banta.

 

 

Tugon naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na unti-unti nang inilalabas ang mga hinihinging mga benepisyo ng pribadong medical workers. (Gene Adsuara)

Pagbibitiw sa tungkulin ni Sec. Avisado, tinanggap na ni Pangulong Duterte

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibitiw sa tungkulin ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Wendel Avisado dahil sa “medical reason.”

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga ng Pangulo para pansamantalang humalili kay Sec. Avisado si Usec. Tina Rose Marie L. Canda bilang Officer-in-Charge ng Budget Department

 

Nauna rito, inanunsyo ng DBM na naka-medical leave si DBM Secretary Wendel E. Avisado simula Agosto 2 hanggang 13.

Ayon sa DBM, kasunod ito ng pag-positibo sa COVID-19 ng kalihim na 8 araw ding na-ospital at mahigit isang buwang na-quarantine.

 

Pinayuhan umano si Sec. Avisado ng kanyang doktor na sumailalim sa serye ng pagsusuri dahil na rin sa quadruple open heart bypass nito 14 taon na ang nakararaan. (Daris Jose)

COCO at JULIA, mala-Mr. & Mrs. Smith ang peg sa promo shot para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALA-Mr. & Mrs. Smith ang peg ng promo shot nina Coco Martin at Julia Montes para sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Kaya naman may kanya-kanyang reaction ang netizens na ‘yun iba ay hindi nagustuhan.

 

 

“Yung Probinsyano naging Spy na.”

 

 

“Mr. And Mrs. Smith ang peg…

 

 

“Bansot version.  Anlayo ng Brad and Angelina ha.  Kamukha ni Julia si Nina. Si Coco si Brod. Pitt”

 

 

“Sorry, no chemistry for me and walang dating si JM.”

 

 

“Nakaabang lagi sa post about Coco-Jul hintayin mo paglabas ni Juls sa AP para lalo kang maging ampalaya.”

 

 

“Baka ibahin nila ang concept… sana gumawa na lang sila ng ibang show.

 

 

“She looks matured in the pic.  Hindi maganda ang aura ni JM although maganda siya.”

 

 

“Dislike.  Awkward ng wig at yung emotionless face ni Julia tapos si Coco OA naman ng facial expression.”

 

 

“Pangit talaga ng wig ng ABS-CBN.  Daming bash yan sa social media hahaha… Yung kay Marian magandang wig sa ‘Temptation of Wife’.”

 

 

“Baby face talaga si Coco. Si Julia parang forties na.  Mas bata pa tingnan sina Bela Padilla, Maja Salvador and Yassi Pressman.  Sorry sa mga fans…”

 

 

“Natawa ako sa mukha ni Coco.  Galit na galit gustong manakit.”

 

 

“Pa-Mission Impossible na to, malapit na, magmamaka-Tom Cruise na si Coco.”

 

 (ROHN ROMULO)