• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2021

Sec. Roque, hindi pa masabi kung extended o hindi ang ECQ sa NCR

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa masabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung dapat ba o hindi na palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) na magtataposa Agosto 20, 2021.

 

Ang katwiran ni Sec. Roque, may ilang araw pa naman bago makita ang datos na pagbabasehan kung quarantine status sa NCR.

 

“Ang ating objective ay iyong sinasabi nating total health. Bawasan iyong kaso pero hindi naman po pupuwedeng dadami iyong hanay ng mga magugutom,” ayon kay Sec.Roque.

 

“So, tingnan natin ang datos mayroon pa tayong mga araw noh? At sa tingin ko naman, alam na nating lahat ito po iyong parang third na pagtaas na ng mga kaso noh? Alam po natin na it takes about two weeks bago po magkaroon ng epekto iyong ating ECQ. at maski dumating po ang a-bente eh hindi pa po natin makikita iyong pagbaba noh? yan po ang ating naging karanasan sa dalawang pagkakataon na tumaas ang kaso natin at nag-ecq rin po tayo,” aniya pa rin.

 

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring rekomendasyon ang Metro Manila Council sa Inter-Agency Task Force (IATF) kung palalawigin o hindi ang ECQ sa NCR.

 

“Wala pa pong rekomendasyon at nilinaw po ni Mayor Olivarez na bagama’t nagkaroon ng ulat sa isang pahayagan na ‘di umano ay nag-meeting na ang mga mayor, wala pa pong ganiyang pagpupulong na nangyayari.” anito. (Daris Jose)

‘Kusina Manileño’, iikot sa Maynila

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inilunsad ni Manila 3rd District Cong. John Marvin “Yul Servo” Nieto ang ‘Kusina Manileño na naglalayong maserbisyuhan ang mga residente ng Maynila sa simpleng pamamaraan.

 

 

Ayon kay Nieto, ang mobile kusina na ‘Kusina Manileño’ ay nagsimula nang maglibot sa ilang  barangay sa distrito 3 noong Huwebes upang mamahagi ng libreng pagkain.

 

 

Kabilang sa mga ito ay ang Barangay 329 Zone 33 ni Chairman Antonio Navarro na nabigyan ang 150 pamilya at Barangay 390 Zone 40 ni Chairman Danilo Cailes na 168 pamilya ang  ayudahan.

 

 

Bagama’t maliit na bagay lamang ang pagseserbisyo ng ‘Kusina Manileño’, umaasa si Nieto na makatutulong ito ng malaki ngayong nasa Enhanced Community Quarantine ang  Metro Manila.

 

 

Ang ‘Kusina Manileño’ ay iikot sa buong Maynila upang maghatid ng pagkain sa mga residente na sumusunod sa ipinatutupad na health standards at safety protocols.

Pacquiao nagpakitang gilas sa huling sparring session bago ang laban vs Ugas

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tapos na ang anim na linggong training camp ni boxing champ Manny Pacquiao para sa kaabang-abang na laban nito sa susunod na linggo.

 

 

Kahapon, apat na rounds ang ginugol ng tinaguriang fighting senator sa sparring session nito kay Abrahan Lopez.

 

 

Kinailangan ni Pacquiao ang presensya ni Lopez matapos na hindi natuloy ang laban ng Pinoy boxer kontra Errol Spence Jr., na isang southpaw.

 

 

Sa halip na si Spence, ang makakalaban ng Filipino icon ang orthodox fighter na si Yurdenis Ugas sa T-Mobile Arena sa Las Vegas sa darating na Linggo, Agosto 22 (araw sa Pilipinas).

 

 

Ayon kay Lopez, maganda ang kondisyon ni Pacquiao sa ngayon sapagkat napanatili pa rin nito ang kanyang bilis, timing, at persistence.

 

 

Walang kupas din aniya ang magandang footwork ni Pacquiao — bagay na makakatulong sa kanya laban sa mas mabagal na si Ugas.

 

 

Samantala, tiwala naman si coach Freddie Roach na sasapitin ni Ugas ang kapalaran ni Kieth Thurman, na tinalo ni Pacquiao noong 2019.

 

 

Hindi aniya kakayanin ni Ugas ang bilis ni Pacquiao kahit pa 42-anyos na ito sa ngayon.

Netizens lumuwa ang mga mata sa suot na luxury jewelry brand ni MARIAN na ini-endorse ni SONG HYE KYO

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PURING-PURI ng netizens ang ginawang effort ni GMA Primetime King Dingdong Dantes na mabigyan ng memorable, intimate and very elegant birthday party ang asawa na si Marian Rivera na nag-celebrate ng 37th birthday noong August 12 kahit ECQ na naman.

 

 

Ang bongga naman talaga nang pina-set-up ni Dingdong ang bahay nila na fit na fit sa nananatiling GMA Kapuso Primetime Queen, na makikita sa kanilang IG posts.

 

 

Sa IG post ni Marian labis-labis nga ang kanyang pasasalamat, “Thankful for 37 years of life.  I am filled with gratitude for all of you and for all the blessings.”

 

 

Kaya naman, ang daming napapa-sana all at naiinggit kay Marian sa pagkakaroon ng isang Dingdong Dantes, na mapagmahal, sweet at sobrang maalaga, hindi lang sa kanya pati sa mga anak na sina Zia at Sixto.

 

 

Say nga ng netizens, “Swerte ni Yan talaga..truly blessed sa buhay…di lang sa endorsement kundi sa pagtulong rin sa nangangailangan..may gwapong asawa at magagandang mga anak.”

 

 

“Sana all talaga! Well sa tagal naman nilang nagtatrabaho they earned that money. Kaya afford nila to have that set-up, photog services, and to get glammed up like that para sa birthday shoot nya. And to think for the gram ito. Part of the bigger picture pa rin syempre to maintain the image and A-list status kahit sa social media.

 

 

“Happiness vividly shows in Marian’s face and aura. You can’t fake it.”

 

 

“Buti pa itong mag-asawa, happy lang. Walang problema sa buhay.”

 

 

Kitang-kita nga sa aura ni Marian ang labis na kaligayahan at hindi yun maitatago sa photos na kinunan sa kanyang intimate birthday party.

 

 

Pero ang ikinaloka ng netizens at ikinaluwa ng kanilang mga mata, ay ang suot-suot niyang luxury jewelry brand from Paris na Chaumet Josephine Aigrette set (watch, rings & earrings) na ini-endorse ng sikat na Korean actress na si Song Hye Kyo para Asia-Pacific na kilala sa pinagbidahang Kdramas na Autumn in My Heart (2000), All In (2003), Full House (2004), That Winter, the Wind Blows (2013), Descendants of the Sun (2016) at Encounter (2018) na ni-remake nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga na kasalukuyan pang napapanood sa TV5, Cignal TV at Vivamax.

 

 

Nag-search kami sa chaumet.com para tingnan ang mga nakalululang pieces of jewelry ni Marian.

 

 

At dahil born in August ang host ng Tadhana, nag-assume kami na ang first ring niya, ayon sa description ay Joséphine Aigrette pavé diamond ring in 18-carat white gold, set with a heart-shaped peridot of 0.80 carat.

 

 

Yung pangalawa na diamond ring na may 18-carat white gold, set with Akoya cultured pearls and brilliant-cut diamonds at katerno nito napakagandang diamond earrings na higit sa kalahating milyon ang halaga na bagay na bagay sa beauty ni Marian.

 

 

Gandang-ganda rin kami sa suot naman niyang Josephine Aigrette timepiece.  Ang luxury diamond watch in pear-shape with white strap na part pa rin ng collection ng Chaumet, na ayon sa pricelist ay naglalaro rin higit sa kalahating milyon ang halaga.

 

 

Kaya pag pinagsama-sama ang naturang set of jewelry, ilang milyon kaya ang aabutin nito?

 

 

Anyway, sa rami nga ng endorsements ni Marian na patuloy siyang nire-renew kahit panahon ng pandemya at sa kanyang business, kayang-kaya talaga niyang bumili ng ganitong kamahal na alahas, na sinasabing napakagandang investment at magiging pamana sa kanyang anak na si Zia pag nagdalaga na ito.

 

 

Samantala, patuloy na napapanood sina Dingdong at Marian sa rerun ng Endless Love sa GMA Telebabad, na kahit ilang taon na ang lumipas ay marami pa rin ang tumututok sa kahihinatnan ng lovestory nina Johnny at Jenny.

 

 

Every Saturday afternoon naman ang Tadhana ni Marian at Sunday night naman ang top-rating na Amazing Earth na three years nang hino-host ni Dingdong.

(ROHN ROMULO)

PSC umaasang mabibigyan ng sapat na pondo

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kung mabibigyan ng sapat na pondo ay maa­aring maulit o mahigitan pa ng Team Philippines ang kanilang performance sa nakaraang Tokyo Olympics sa paglahok sa 2024 Paris Games.

 

 

Gumastos ang Philippine Sports Commission (PSC) ng humigit-kumulang sa P2.7 bilyon simula noong 2016 na nagresulta sa isang gold, dalawang silvers at isang bronze medal sa Tokyo Olympics.

 

 

Ayon kay PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez, tutulungan sila ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino na makakuha ng mas malaking pondo.

 

 

“Nakapag-exchange kami ng idea ni Congressman Bambol, if we can sustain the same P1.3 billion na ibinigay ng Kongreso last year, he mentioned na being a Congressman balak niyang dagdagan. So nasa kanya na iyan.”

 

 

Sa Tokyo Olympics ay naglabas ang PSC ng P200 milyon para sa preparasyon at pagsabak ng Team Philippines.

 

 

Nagresulta ito sa pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold ng Pinas bukod pa ang dalawang silvers nina boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam at isang bronze ni Eumir Felix Marcial.

Isinantabi ang pasaringan: ‘We wish Mayor Isko Moreno good health”- Sec. Roque

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“We wish Mayor Isko Moreno good health. We hope that he gets well soon.”

 

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos makarating sa kaalaman na nagpositibo sa Covid-19 ang Alkalde.

 

Si Moreno ay bakunado na ng Sinovac.

 

Ayon kay Sec. Roque, hindi naman talaga sinasabi ng mga eksperto na ang mga bakuna ay garantiya na hindi na magkaka-Covid ang isang bakunado.

 

Ang sinasabi ng mga eksperto, lahat  ng mga bakuna na nasa bansa ay epektibo para maiwasan ang seryosong pagkasakit o pagkakamatay dahil po sa Covid-19.

 

“So, yan pong karanasan ni Mayor ah Yorme ngayon noh? Sa tingin ko naman po precaution iyong kanyang pago-ospital pero sa tingin ko po ay ang mangyayari sa kanya ay siguro po ay moderate ang magiging kaso niya at hindi na po siya magiging critical dahil bakunado na po siya,” pahayag ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, sinabi ni Moreno na nakaramdam siya ng kaunting ubo’t sipon at sumakit din ang kaniyang katawan.

 

Agad na sumalang ang alkalde sa pagsusuri kaya’t dito na nalaman na positibo siya sa nasabing virus.

 

Dinala na sa Sta. Ana Hospital si Moreno para matutukan ang kalagayan kung saan magpapatuloy pa rin naman siya sa kaniyang trabaho habang naka-quarantine.

 

Ikinasa na rin ang ilang health protocols katulad ng disinfection sa Office of the Mayor at inaalam na rin kung sinu-sino ang mga nakasalumuhang indibidwal ang alkalde para sa contact tracing.

 

Matatandaan na unang nagpositibo sa COVID-19 si Vice Mayor Honey-Lacuna Pangan isang linggo na ang nakakalipas na kasalukuyang nagpapagalign sa Sta. Ana Hospital. (Daris Jose)

Lambda variant nakapasok na sa Pinas

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakapagtala na ang Pilipinas ng unang kaso ng COVID-19 Lambda va­riant, ayon sa pagkumpirma ng Department of Health (DOH).

 

 

Sa ulat ng DOH, University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng UP-National Institutes of Health (NIH), lumilitaw na ang unang kaso ng Lambda variant ay natukoy sa pinakahuling genome sequencing na isinagawa nila.

 

 

Ang pasyente na dinapuan ng Lambda ay isang 35-anyos na babae na bina-validate pa kung local case o returning overseas Filipino (ROF).

 

 

Ang pasyente ay asymp­tomatic at nakare­kober na matapos na sumailalim sa 10-day isolation period.

 

 

Anang DOH, kasalukuyan na silang nagsasagawa ng back tracing at case investigation hinggil dito.

 

 

Ang Lambda variant ng COVID-19 ay unang natukoy sa Peru noong Agosto 2020.

 

 

Ito ay klasipikado bilang Variant of Interest (VOI) ng World Health Organization (WHO) noong Hunyo 14, 2021.

 

 

Anang DOH, ang naturang VOI ay may potensiyal na makaapekto sa transmissibility ng SARS-CoV-2 at kasalukuyang minomonitor para sa posibleng clinical significance nito.  (Daris Jose)

Awarding ng tseke sa 4 Olympic medalists sa Malacañang

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Gusto ng Philippine Sports Commission (PSC) na pagsabayin ang pagbibigay ng cash incentives at awards kina Olympic Games medalists Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial sa Malacañang.

 

 

Sinabi kahapon ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na naghihintay sila ng ‘go signal’ mula sa Office of the President para sa pamamahagi ng mga tseke nina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial.

 

 

“We are awaiting for the green light of Malacanang to award these checks,” ani Ramirez kahapon sa PSC Hour program. “The President mentioned that he wants a specific date na ibibigay niya nang personal ang mga prizes sa mga atleta.”

 

 

Kasalukuyan nang i­naayos ng sports agency ang P10 million check at bonus na P5 milyon sa Olympic gold medalist na si Diaz, ang tig-P5 milyon ng mga silver medal winners na sina Petecio at Paalam at P2 milyon ng bronze medalist na si Marcial.

 

 

Magbibigay pa si Pa­ngulong Duterte kay Diaz, tinapos ang 97 taon na paghihintay ng bansa sa kauna-unahang Olympic gold, ng bonus na P3 mil­yon bukod sa isang house and lot sa Zamboanga City.

 

 

Sina Petecio at Paalam ay tatanggap naman ng tig-P2 milyon at P1 milyon kay Marcial.

 

 

Makukuha rin nina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial mula sa Presidente ang kani-kanilang Order of Lapu-Lapu award.

 

 

May matatanggap namang tig-P200,000 mula sa Malacañang ang mga non medalists.

 

 

“Aside from that we are adding P250,000 sa lahat ng atleta at coaches na pumunta ng Tokyo (Olympics). Very fortunate itong 19 delegates,” ani Ramirez.

Pagkuha ng booster shots iligal – Sec. Galvez

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling binigyang-diin ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. na iligal at mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng booster shots sa bansa gamit ang Covid-19 vaccines na binili ng national government lalo na at nasa 10 percent pa lamang sa buong populasyon ng Pilipinas ang fully vaccinated.

 

Aniya, nasa 90 million Filipinos pa ang target mabakunahan ng gobyerno.

 

 

Ang pahayag na ito ni Galvez ay kasunod sa pagdating ng nasa 469,200 doses ng American-made Moderna vaccine kahapon.

 

 

Aminado naman ang kalihim na kailangan pa rin booster shots ng Covid-19 vaccine at dapat may spacing ito ng 9 months hanggang isang taon para mas magiging epektibo ito.

 

 

Siniguro din ni Galvez na mananagot sa batas ang mga vaccine hoppers lalo na sa mga indibidwal na nagpaparehistro sa ibang mga siyudad para makakuha ng higit dalawang vaccine doses.

 

 

Giit ni Galvez ang vaccine hopping ay illegal at ang vaccine hoppers ay immoral dahil lahat ng bakuna ay itinuturing ginto at hindi ito basta-bastang sinasayang dahil nais ng gobyerno na lahat ng Pilipino ay mabakunahan.

 

 

Sa ngayon iniimbestigahan na ang insidenteng vaccine hopping.

 

 

Samantala, inihayag ni Galvez na ang bagong dating na Moderna vaccines kahapon, 319,200 doses dito ay procured ng Philippine government habang ang 150,000 ay binili ng private sector sa pangunguna ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI).

 

 

Pinasalamatan naman ni Galvez ang US govt at Moderna sa patuloy nitong shipment ng mga bakuna sa bansa.

 

 

Sinalubong ni Galvez at Clare Bea, unit chief, US Embassy’s Environment, Science, Technology, and Health; Dr. Maria Soledad Antonio, director, DOH-Bureau of International Health Cooperation; at Dr. Ariel Valencia, director, DOH ang pagdating ng Moderna vaccine kahapon sa NAIA Terminal 3.

 

 

Inihayag naman ni Galvez na patuloy na pinag aaralan ng gobyerno para mabakunahan na ang mga bata may edad 12 anyos hanggang 17 anyos lalo na yung mga batang may comorbidities.

 

 

Iniulat naman ng pamunuan ng PGH na karamihan sa mga batang admitted at infected ng Covid 19 ay nakakarekober na.

BIR, nakapagsampa ng 84 tax evasion cases sa 1st half ng 2021

Posted on: August 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aabot sa P3.15 billion tax liabilities ang inaasahang makokolekta ng gobyerno, kapag natapos ang paghahabol sa 84 na sinampahan ng kaso sa first half ng taong 2021.

 

 

Iniulat din ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may 274 firms silang naipasara, para mabawi ang P1.014 billion unpaid taxes.

 

 

aliban sa mga ito, mayroon ding 17 kaso na ang nai-akyat sa Court of Tax Appeals (CTA), hanggang nitong nagdaang buwan ng Hunyo.

 

 

Kung magtatagumpay ang mga kasong ito, makakakolekta ang pamahalaan ng P1.54 billion para sa total tax liabilities ng mga inirereklamo.

 

 

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, ang kampanya ng kanilang kawanihan laban sa mga hindi nagbabayad ng buwis at hindi nagdedeklara ng tamang buwis ay nakapaloob sa programang Run After Tax Evaders (RATE).