• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2021

Pinoy boxer Jonas Sultan pinatumba si Sharone Carter ng US sa loob ng 7-rounds

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagwagi ang Filipino boxer na si Jonas Sultan laban kay Sharone Carter.

 

 

Pinatumba ng Pinoy bantamweight champion ang kalaban sa loob lamang ng pitong rounds sa bout na ginanap sa Carson, California.

 

 

Ito ang unang laban ni Sultan mula noong 2019 ng talunin si Salatiel Amit sa ikapitong round din.

 

 

Mula sa unang round ay pinaulanan na ni Sultan ang American boxer.

 

 

Dahil sa panalo ay mayroon na itong 15 panalo at 15 talo na mayroong siyam na knockouts, habang si Carter ay mayroong 12 panalo at limang talo na mayroong tatlong knockouts.

 

 

Ito ang unang laban ni Sultan mula noong 2019 ng talunin si Salatiel Amit sa ikapitong round din.

 

 

Mula sa unang round ay pinaulanan na ni Sultan ang American boxer.

 

 

Dahil sa panalo ay mayroon na itong 15 panalo at 15 talo na mayroong siyam na knockouts, habang si Carter ay mayroong 12 panalo at limang talo na mayroong tatlong knockouts.

Tanod nahulihan ng shabu sa Valenzuela

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kulungan ang isang barangay tanod matapos makuhanan ng shabu makaraang masita sa boarder control point sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 151 of RPC at Sec. 11 under Article II of RA 9165 ang suspek na kinilalang si Leonardo Roldan, 40, Barangay Tanod at residente ng136 F. San Juan, Isla ng lungsod.

 

 

Sa report ni PCpl Glenn De Chavez, may hawak ng kaso kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-10:30 ng umaga, nagpapatupad ng enhance community quarantine sa boarder control point sa N. Urrutia St., Brgy. Arkong Bato si PSMS Roberto Santillan nang parahin nito ang suspek na sakay ng bisikleta para sa beripikasyon.

 

 

Hinanapan siya ni PSMS Santillan ng quarantine pass at iba pang dokumento na nagpapahintulot sa kanya na puwede siyang lumabas ng bahay subalit, sa halip na sumunod sa utos ay hindi nito pinansin ang pulis at tinangkang tumakas ng suspek.

 

 

Kaagad naman siyang napigilan ni PSMS Santillan saka inaresto at narekober sa suspek ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680,00 ang halaga, barangay identification card at bisikleta. (Richard Mesa)

Laguna, pinalawig ang ECQ hanggang Agosto 20

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINALAWIG ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Laguna hanggang Agosto 20, 2021.

 

Ito’y batay na rin sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government at matapos ang konsultasyon sa lokal na pamahalaan ng Laguna.

 

Nauna nang inilagay ang Laguna sa ilalim ng ECQ hanggang Agosto 15, 2021, at napagdesisyunang ibaba sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Agosto 16 hanggang 31, 2021, hanggang sa susugan ngayon na ibalik sa ECQ status.

 

Ang pinakabagong ECQ re-classification ay ginawa upang ma- maximize ang epekto, pababain ang surge ng COVID-19 cases, at mapahinto ang pagkalat ng variants at mapaghusay pa ang health system capacity para protaktahan ang mas maraming buhay sa nasabing lugar.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito’y alinsunod sa Executive Order 112 na nagbibigay awtoridad sa IATF “to impose, lift, or extend a community quarantine in provinces, highly urbanized cities, and independent component cities.”

‘Night of the Animated Dead’ Trailer Animates George A. Romero’s Classic Zombie Flick

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

The dead will rise once again in this new remake.

The trailer has been dropped for Night of the Animated Dead, a remake of George A. Romero’s Night of the Living Dead.

The new film turns the 1968 classic into an animated flick, with a lineup of notable stars voicing its characters. Check out its first trailer below that was released by IGNhttps://youtu.be/ST31UGwzc4o

The film opens with siblings Barbara and Johnny visiting their father’s grave at the cemetery when zombies suddenly attacked them. Barbara flees and finds refuge in an abandoned farmhouse where she meets other local survivors. Together, they must survive the dangerous onslaught while resolving their own conflicts with each other.
The film’s voice cast includes Josh Duhamel (Jupiter’s Legacy), Dulé Hill (The West Wing), Katharine Isabelle (Ginger Snaps), James Roday Rodriguez (A Million Little Things), Katee Sackhoff (The Mandalorian), and Jimmi Simpson (Westworld).

Directed by Jason Axinn, Night of the Animated Dead is coming to Digital this September 21 and Blu-ray Combo Pack & DVD this October 5.

Bulacan, muling isinailalim sa MECQ na may localized lockdowns mula Agosto 16-31

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa tagubilin ng National Inter-Agency Task Force (IATF), inanunsiyo ni Gob. Daniel R. Fernando kamakailan na mula ngayon, Agosto 16-31, muling isinailalim ang Lalawigan ng Bulacan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ayon sa Executive Order No. 30 series of 2021 na may localized lockdowns at curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga bunsod ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsiya.

 

 

Sa kanyang mensahe kamakailan sa Cyberspace League 87.9 NYC-FM, may mga paghihigpit pa rin na kailangang sundin habang nasa ilalim ng MECQ at pinayuhan ang mga Bulakenyo na iwasan ang mga pagtitipon lalo na at mas mabilis makahawa ang Delta variant.

 

 

“Nandoroon pa rin ang mga restrictions na kailangan natin sundin lalo na at may banta pa ng Delta variant na mas madali at mabilis makahawa. Mas paigtingin natin ang pag-iingat; hangga’t maaari iwasan natin ang mga mass gathering,” ani Fernando.

 

 

Bukod dito, ang pinapayagan lamang sa interzonal travel sa loob ng NCR Plus areas kasama na ang Bulacan ay ang mga authorized persons outside of residence (APOR) kung saan limitado lamang ang paggalaw sa pag-access sa essential goods, sa mga trabaho sa mga pinahihintulutang establisimiyento at iba pang mga aktibidad na pinapayagan sa lugar.

 

 

Ang iba pang mga aktibidad gaya ng indoor dine-in ay pinahihintulutan na may 10% na kapasidad lamang; ang indibidwal na pag-eehersisyo ay pinapayagan sa loob lamang ng lugar ng kanilang tinitirhan; ang mga religious activities, burol, kasalan at binyagan ay pinahihintulutan lamang na may 10% na kapasidad ngunit maaaring itaas ng LGU hanggang 30% sa mga necrological service, wakes inumment, at burol para sa mga malalapit na pamilya.

 

 

Dagdag pa dito, ang pag-access at paggamit ng iba pang pampublikong pasilidad ay hindi pinahihintulutan habang nasa MECQ kabilang na ang mga indoor/outdoor tourist attractionsvenues para sa mga meetingconferenceexhibitionspecialized market ng DOT gaya ng staycation/DOT-accredited accommodationhorse racing na may off-track betting (OTB) stationindoor sports courts at venuesentertainment venues gaya ng barsconcert halls at sinehan; recreational venues gaya ng internet cafésbilliards at arcadesamusement parksfairs, playgrounds at kiddie rides habang ang mga personal care services gaya ng mga salonparlorbeauty clinic at iba pa ay pahihintulutan na may 30% na kapasidad lamang.

 

 

Inatasan din ni Fernando ang mga lokal na pamahalaan sa kung anong mga lugar sa kanilang nasasakupan ang kailangang isailalim sa lockdown upang makontrol ang pagkalat ng virus.

 

 

Sa datos kahapon ng alas 4:00 ng hapon, nakapagtala ang Bulacan ng 469 na fresh cases at 11 late cases na walang bagong naitalang pagkamatay at may 223 bilang ng mga gumaling.

Pacman, kargado na ng protina ang pagkain, ilang araw bago ang laban

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nananatili umanong agresibo sa nalalapit na laban si 8-division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao, kahit naudlot ang laban kay American undefeated boxer Errol Spence at ipinalit si Yordines Ugas.

 

 

Ayon sa isa sa tagaluto ng team Pacquiao na si Cliff Ramat Manzano hindi nagbago ang gilas ng fighting senator.

 

 

Kaya naman kailangan nila itong bigyan ng masusustansyang pagkain para lamang mapanatili ang mataas na level ng lakas at sigla nito.

 

 

Kabilang sa paboritong pagkain ng fighting senator ang tinola, calderetang kambing, isda at monggo.

 

 

“Okay lang yun, kahit marami syang kainin, mabilis naman ma-burn ang calories sa katawan ni senator, dahil sa grabeng ensayo,” wika ni Manzano.

 

 

Samantala, nagpatupad na rin ng paghihigpit sa training camp ng team Pacquiao.

 

 

Ang dating public workout, sa compound na lang umano ito ginagawa ng Pinoy ring icon.

 

 

Mataas pa rin kasi ang naitatalang COVID cases sa ilang bahagi ng Estados Unidos.

 

 

Magaganap ang labanang Pacquiao vs Ugas sa darating na Agosto 22, 2021.

Navotas nanguna sa may pinakamataas na ADAR

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Ito ang No. 1 na di natin gugustuhin”, Ang naging pahayag ni Mayor Toby Tiangco matapos manguna ang Lungsod ng Navotas sa may pinakamataas na Average Daily Attack Rate (ADAR) sa buong bansa simula Agosto 7 hanggang13, 2021.

 

 

Base sa pinakahuling ulat ng OCTA Research, 215% ang itinaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod. 41 ang average daily case noon, ngayon, ay 129 na.

 

 

“Dati, tayo ang may pinaka-mababang ADAR sa buong Metro Manila. Kung nakaya nating pababain ang mga kaso noon, sigurado akong kaya din natin ngayon”, ani Mayor Toby.

 

 

“Marami na tayong mga kapamilya, kaibigan o kakilala na nagkasakit o namatay dahil sa COVID-19. Wag nating hayaan na may madagdag pa rito”, dagdag niya.

 

 

Paalala ng alkalde sa mga Navoteño na palaging sumunod sa safety health protocols sa pamamagitan ng tamang pagsuot ng face mask para malabanan ang salot na COVID-19.

 

 

“Magpabakuna para magkaroon ng proteksyon. Kapag walang nahahawaan, namamatay ang virus. Wag itong hayaang makapaminsala pa ng buhay at kabuhayan”, pahayag niya. (Richard Mesa)

Party-list group Gabriela, nilabag ang Saligang Batas-Esperon

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni National Security Adviser (NSA), Secretary Hermogenes Esperon, Jr., na malinaw na nilabag ng party-list group Gabriela ang Saligang Batas dahil sa di umano’y pagtanggap ng financial assistance at suporta mula sa foreign sources.

 

Bahagi ito ng naging testimonya ni Esperon sa video teleconferencing sa idinaos na 2nd Division of the Commission on Election (Comelec) noong Agosto 12, bilang pagsuporta sa petisyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) para sa kanselasyon ng rehistrasyon ng Gabriela Women’s Party (GWP) at  General Assembly of Women and Reforms (GAWR) sa party-list system

 

Ang Gabriela ay pinaiksing General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership and Action, Inc.

 

Nakasaad sa petisyon ng NTF-ELCAC na nilabag ng Gabiela ang Section 2, Paragraph 5, Article 9 (C) ng Saligang Batas ng Pilipinas sa ginawa nitong pagtanggap ng financial assistance mula sa foreign government at non-government organizations (NGOs).

 

Nakita ng political parties na guilty ang Gabriela sa ginawa nitong pagtanggap ng financial assistance at suporta mula sa foreign sources dahilan para makansela ang rehistrasyon nito sa Commission on Elections (Comelec).

 

Maging ang, Rule 32, Section 8 (D) ng Comelec Rules of Procedure na nagsasad na “that receiving support from any foreign government is one of the grounds for the cancellation of the registration of any political party.”

 

Idinagdag pa ni Esperon na tumanggap ang Gabriela ng Belgian financial support, sa pamamagitan ng Belgian accredited NGOs na “subjected” sa external financial audit ng international accounting firm Mazars na kinontrata ng Belgian government para mg- audit o mag- review ng 2014-2016 at 2017-2021 programs nito.

 

Makikita sa report ng Mazar na ang Gabriela, kasama ang Ibon Foundation at Karapatan ay local partners ngViva Salud VZW.,isang Belgian accredited NGO.

 

Samantala, nakasaad naman sa report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), na ang Viva Salud ay nagpadala ng remittance sa Gabriela na nagkakahalaga ng P1,811,867.35 noong Marso 28, 2019, at anim na remittances mula sa Intl. Fstone Ltd. of London, United Kingdom na nagkakahalaga ng mulaP1,058,392.42 hanggang P2,190,628.52 mula Setyembre 2015 hanggang Marso 2019. (Daris Jose)

Mayor Isko nagpositibo sa COVID-19

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpositibo sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

Ayon kay Julius Leonen, hepe ng Public Information Office, nasa Sta. Ana Hospital na si Moreno, na dinala doon ng ambulansiya ng Manila City Government kahapon.

 

 

“Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon,” ani Moreno.

 

 

Tiniyak naman ng alkalde na patuloy ang pagpapatakbo ng pamahalaang lungsod lalo na sa mga operasyon laban sa COVID-19 pandemic.

 

 

Kamakailan lang ay tinamaan din ng COVID si Vice Mayor Honey Lacuna na kasalukuyan pang nagpapagaling ngayon. (Gene Adsuara)

Unang COVID-19 Lambda variant case sa ‘Pinas buntis, Western Visayas ‘local infection’ — DOH

Posted on: August 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagdadalang-tao ang unang kaso ng “Lambda variant” ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, bagay na maaaaring sa loob na raw ng bansa naipasa sabi ng Department of Health (DOH).

 

 

Linggo lang nang kumpirmahin ng DOH na isang 35-anyos na babae ang nadali ng Lambda variant, na unang namataan sa Peru. Sinasabing wala siyang sintomas at gumaling na matapos ang 10-day isolation period.

 

 

“Siya po ay currently nandun po sa lugar nila and we are trying to coordinate, apparently, based on record, she is also pregnant,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes.

 

 

“Sa ngayon, ang aming pinaka-probable na classification sa kanya mukhang local case talaga ito. Ngayon itong local case na ito nasa Region VI (Western Visayas) siya at amin Pong vina-validate pa further ang lahat ng impormasyon sa ngayon.”

 

 

Ika-22 ng Hulyo pa raw ito na-diagnose sa pamamagitan ng RT-PCR, habang nakapagsagawa naman na ng contact tracing at iba pang aksyon.

 

 

Sa kabila nito, idadaan pa naman daw nila sa verification ang babae sa pamamagitan ng RT-PCR test. Nakikipag-ugnayan na rin daw nang mahigpit ang DOH sa city health office ng naturang kaso.

 

 

“Ang aming most probable is the local case. Kasi nakita po natin siya within the persons in the community at kasama po siya sa na-sequence dahil apparently may cluster, kaya kasama siya sa na-sequence,” dagdag ni Vergeire.

 

 

“Kinukuha rin namin ang status ng kanyang pagbabakuna.”

 

 

Kamakailan lang nang isama ng gobyerno ang mga buntis sa listahan ng “expanded” A3 comorbidities priority group para maisama sa mga inuunang bakunahan laban sa COVID-19. Ligtas naman daw ito sa mga nagdadalang-tao maliban na lang sa Sputnik V vaccine ng amaleya Research Institute.

 

 

Ayon sa mga nasusulat, posibleng “highly transmissible” o madaling maipasa sa isang tao patungo sa isa pa ang Lambda variant ng COVID-19. Hindi pa ito “variant of concern” sa ngayon ngunit “variant of interest” pa lang para sa World Health Organization.

 

 

Bagama’t inihahalintulad ng ilan sa lubhang nakahahawang Delta variant, sinasabi ni Vergeire na maaaring wala sa parehong antas ang dalawan.

 

 

“‘Yung kanyang spread across the 26 countries where it is already identified, nakita natin… mostly in Latin America, na hindi ganoon kabilis ang spread niya as compared with the Delta,” wika niya. Aniya, mas laganap pa rin ang Delta sa mga bansa kung saan nagsimula na itong ma-detect.

 

 

“Ito pong Lambda variant can affect vaccine’s [efficacy] apparently, sinasabi. Pero ang lagi nating ipinapaalala, most of the variants of concern that we have right now affects the efficacy of vaccines.”

 

 

Sa kabila nito, meron pa rin naman daw cell-mediated immunity (T cells) na hindi naaapektuhan ng variants, na natitirang panlaban ng mga tao laban sa COVID-19 galing sa bakuna.

 

 

Umabot na sa 1.74 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas kahapon. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 30,340.