TINIYAK ng Malakanyang na hindi nila kailanman kukunsintihin ang mga taong nag-LGU hopping para makakuha ng booster shot.
Ani Sec. Roque, marami pang hindi nababakunahan bukod pa sa illegal ang ganitong hakbang.
“So ang pakiusap natin, lahat naman ng bakuna ay nagbibigay proteksiyon, so hintayin muna natin magkaroon ng bakuna ang karamihan ng ating mga kababayan bago tayo mag-booster shot,” anito.
“Ulitin ko po ha, ang bakuna lang talaga ang magiging dahilan para matapos na itong pandemyang ito. Hayaan na muna nating magkaroon ng population protection ang lahat bago tayo mag-booster shots,” giit ni Sec. Roque.
Sa ulat, dalawang indibidwal ang sinampahan ng kaso ng Quezon City government matapos na magpaturok ng boosters shots kahit pa fully vaccinated na sila laban sa COVID-19.
Ayon kay City. Attorney Orlando Paolo Casimiro, ang naturang mga indibiduwal na hindi pinangalanan ay kinasuhan dahil sa paglabag sa city ordinance SP3032 s-2021, o “An Ordinance Prohibiting COVID-19 Vaccine Fraud.”
“The complaints have been sworn into the Office of the City Prosecutor to send a strong message that the City Government takes the vaccination and other pandemic-related programs very seriously,” ani Casimiro.
“In essence, these people are stealing the vaccines which could save the lives of others, not to mention making a mockery out of the efforts of our frontline workers. We will make sure that once proven, these individuals will be punished accordingly to the fullest extent of the law,” aniya pa.
Ang mga violators ay maaari umanong pagmultahin ng P5,000 at/o pagkabilanggo ng hindi bababa sa isang buwan at hindi lalampas sa anim na buwan, o multa at pagkabilanggo depende sa diskresyon ng hukuman.
Nabatid na ang isa sa kinasuhang indibidwal ay nakatanggap na ng dalawang doses ng Sinovac vaccine sa Mandaluyong City noong Mayo 10.
Sa kabila nito, nagpaturok pa umano ito ng Moderna vaccine sa Quezon City nitong nakaraang linggong.
Samantala, ang isa pa ay nakatanggap naman ng dalawang dose ng Sinovac sa isa sa mga vaccination centers ng lungsod at saka tumanggap muli ng ikatlong dose naman na Pfizer vaccine.
(Daris Jose)
ANG South Korean boy band na BTS ang naging gamot ng Kapuso actress na si Mikee Quintos noong dumaan siya sa isang matinding krisis dahil sa pandemya.
NAG–WORRY ang mga fans ni Alden Richards sa recent photo na pinost niya habang nasa gym dahil kitang parang bumagsak ang kanyang katawan at hindi raw bagay dito ang ganoong kapayat.
MARAMING nag-react sa IG post ni Matteo Guidicelli sa nilagay niyang caption na, “I’m thinking of getting a new family SUV.”
Imbes na makuntento sa nakamit na Olympic Games medals ay dapat pang magpursige sina weightlifter Hidilyn Diaz at boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial.
Mga Transport groups at mga motorista naghahanda na ng pag-boykot sa PMVIC!!!
KINUWENTO ng Kapuso hunk na si Anjo Damiles na na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic.
NAKAKUHA ng nominasyon ang Kapamilya teleseryeng Huwag Kang Mangamba bilang Best Drama Series/Telefilm Made for a Single Asian Market sa prestihiyosong ContentAsia Awards 2021.