• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2021

Duque napaiyak sa pagdinig ng Kamara

Posted on: August 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Winawarak ninyo ang dangal ng Department of Health (DOH)!”

 

 

Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Commission on Audit matapos na maging emosyonal at hindi mapigilan ang mapaluha sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) na P67.32 bilyong deficiency sa pandemic funds ng DOH.

 

 

Sinabi ni Duque na hindi winawaldas ng kagawaran ang pondo at tinitiyak nila ang pagsunod sa proseso.

 

 

Tiniyak din ng Kalihim na ang P67.32 bilyon ay nagamit at patuloy na ginagamit ng ahensya para sa COVID response ng pamahalaan.

 

 

Inihayag pa ni Duque na sa kabila ng mga pagbatikos ay walang humpay ang sakripisyo ng ahensiya sa pagtugon sa pandemya, sa pangangailangan ng mga health workers at maging sa mga COVID-19 patients.

 

 

“Mula no’ng Wednesday na lumabas po ito, hindi na po ako nakakatulog, ang mga kasama kong mga opisyal sa DOH, hindi na rin halos nakakatulog. Bakit ‘ka ninyo?  Sa kahihiyan, we were bloodied and bludgeoned with this issue, and kung ganito nang ganito tayo, papaano tayo uunlad?” pahayag ni Duque.

 

 

Nilinaw naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kulang lang sila ng mga naisumiteng dokumento sa COA kaya kinakitaan ng deficiency.

 

 

Aniya, kinukumpleto pa nila ang mga dokumento para maisumite sa COA.

 

 

“Mula no’ng Wednesday na lumabas po ito, hindi na po ako nakakatulog, ang mga kasama kong mga opisyal sa DOH, hindi na rin halos nakakatulog. Bakit ‘ka ninyo?  Sa kahihiyan, we were bloodied and bludgeoned with this issue, and kung ganito nang ganito tayo, papaano tayo uunlad?” pahayag ni Duque.

 

 

Nilinaw naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kulang lang sila ng mga naisumiteng dokumento sa COA kaya kinakitaan ng deficiency.

 

 

Aniya, kinukumpleto pa nila ang mga dokumento para maisumite sa COA. (Daris Jose)

MAHIGIT 5MILYON BAGONG BOTANTE, NAITALA

Posted on: August 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA na ng 5.77 milyong bagong botante ang Commission on Elections  isang buwan bago ang itinakdang deadline ng voter registration para sa 2022 .

 

 

Ayon may Commissioner Rowena Guanzon malapit na  sa target ng Comelec na maaring makapagrehistrong botante.

 

 

Sa isang forum na inorganisa  ng Catholic Educational Association of the Philippines, inihayag ni Guanzon na mayroon na ngayong “higit sa 60 milyong” rehistradong botante, na may malagpasan pa ang 61-milyong marka noong Mayo 9, 2022 election

 

 

Nauna nang nanawagan ang ilang mambabatas at civic groups na palawigin pa ng Comelec ang voter registration hanggang Oktubre 31 sa gitna na rin ng pandemic.

 

 

Hindi pa tumutugon sa mga panawagan ang Comelec , ngunit kinilala ni Guanzon na naging mahirap para sa mga tao na magtungo sa mga tanggapan ng distrito ng Comelec dahil sa mga COVID-19 restrictions.

 

 

“With the pandemic and the ECQ in NCR and Iloilo, it is getting harder for our people –– especially the older people and those with disabilities –– to go out and register… We have provided for Saturday registration, specifically for students or those who are working, and we hope you young people can take advantage of this with the support of your colleges,” wika ni Guanzon sa mga mag-aaral  at  school administrators.

 

 

 

Sinabi ni Guanzon nitong  Lunes na mayroong 6.3 milyong mga botanteng na-disenfranchised, o ang mga hindi nakaboto sa huling dalawang sunud-sunod na halalan, na nanganganib mawala sa kanilang pagkakataong bumoto maliban kung muli nilang buhayon o reactivate ang kanikang estado sa Comelec.

 

 

 

Binanggit din ni Guanzon na ang online reactivations gamit ang  video calls para iberipika ang pagkakilanlan ng botante  ay bukas na rin sa lalong madaling panahon kung saan uunahin ang mga nakatatanda at may kapansanan.

 

 

“We assure the public that the Commission is quite capable of doing this job of administering elections during a pandemic,” dagdag pa ni Guanzon

 

 

Inanunsyo rin ng Comelec na magsisimula nang tumanggap ng aplikasyon mula sa political parties, civic groups at IT experts  upang lumahok sa pagsusuri ng source code na magagamit para sa  automated election system sa susunod na taon. GENE ADSUARA

‘The Suicide Squad’ Star Idris Elba to Play Knuckles in ‘Sonic The Hedgehog 2’

Posted on: August 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

The star of James Gunn’s The Suicide Squad, Idris Elba, is heading to Sonic the Hedgehog 2!

 

 

Elba is set to play Knuckles, another popular character from SEGA’s video game franchise. The actor teased the role on social media by posting a photo of the red echidna’s recognizable knuckles, with the caption “Knock, knock…..” and the hashtags #SonicMovie2 and #Knuckles.

 

 

Idris Elba recently starred in The Suicide Squad, where he played Bloodsport– a mercenary who was tasked to become the leader of the titular squad of supervillains. Now he’ll voice Knuckles from the Sonic franchise, a powerful fighter and a more serious character when compared to the energetic Sonic. The title card for the upcoming film also teased the arrival of Tails, Sonic’s longtime ally in the video games.

 

 

Elba will join Ben Schwartz, who voiced Sonic in the first film, and returning live-action actors James Marsden as Tom and Tika Sumpter as Maddie.

 

 

Sonic the Hedgehog 2 will also feature Miles “Tails” Prower (who appeared in a post-credit scene in the first film), but it’s unclear if the flying fox character will be voiced by Colleen O’Shaughnessey — who also has voiced Tails in other Sonic games and media — or if he’ll be recast with an actor with more name recognition.

 

 

One of Elba’s greatest assets that makes him ideal for playing Knuckles is his gravelly vocals, which add a new dimension of threat to an already intimidating character.

 

 

While the exact plot points of Sonic the Hedgehog 2 are yet to be revealed, the basic premise is that Knuckles will initially appear as an antagonist alongside Jim Carrey‘s Doctor Robotnik, and therefore be a credible threat to Sonic.

 

 

Elba is no stranger to lacing his character portrayals with menace, as shown by his Emmy-winning performance as Stringer Bell in HBO’s The Wire, in which those around him hung off his every word.

 

 

He has lent his voice to more gentle turns in both Zootopia and Finding Dory, it is his portrayal as the omnipresent threat Shere Khan in the 2016 Jungle Book that again proves his skill at representing antagonists.

 

 

Sonic the Hedgehog 2 is set to hit theaters on April 8th, 2022. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Pacquiao ensayo agad sa Vegas

Posted on: August 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Walang tigil sa ensayo si People’s Champion Manny Pacquiao na sumalang agad sa magagaan na workout nang dumating ito sa Las Vegas, Nevada.

 

 

Nasa Las Vegas na ang Pinoy champion para sa laban nito kay Yordenis Ugas sa Linggo (oras sa Maynila).

 

 

May apat na oras na land travel din ang biniyahe ni Pacquiao mula Los Angeles, California patungong Las Vegas, Nevada sakay ng kanyang itim na Mitsubishi SUV.

 

 

Kasama ni Pacquiao sa sasakyan ang kanyang pamilya.

 

 

Ngunit walang pahi-pahinga para sa Pinoy champion dahil sumailalim agad ito sa ilang workout para pagpagin ang ilang oras na pagkakaupo sa sasakyan.

 

 

Tapos na ang mabibigat na workout ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

 

 

Sa katunayan, bago umalis ng Los Angeles, sumailalim pa si Pacquiao sa ilang sparring sessions.

 

 

Bantay-sarado rin ang diet ni Pacquiao para masiguro na nasa tamang timbang ito bago ang official weigh-in sa Sabado (oras sa Maynila).

 

 

Ipinalit na kalaban ni Pacquiao si Ugas na kasalukuyang nagmamay-ari ng World Boxing Association (WBA) welterweight belt.

HEART, tuloy ang art collaboration sa frontman ng ‘Incubus’ na si BRANDON BOYD

Posted on: August 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

CLOSE to 1 million views na ang pinost ni Heart Evangelista-Escudero na video na nag-a la Audrey Hepburn siya sa tapat ng Tiffany’s in New York.

 

 

Ginaya ni Heart ang iconic scene ni Hepburn as Holly Golightly sa pelikulang Breakfast At Tiffany’s with matching black dress, pearl necklace, gloves, sunglasses at ang theme song na “Moon River” sa background.

 

 

Ang bumenta sa netizens ay umiinom si Heart ng kape, pero hindi sa isang paper cup kundi sa bote mismo ng kapeng ini-endorse niya!

 

 

Tuloy ang rampa ni Heart sa NYC at kelan lang ay nakipagkita siya sa frontman ng Incubus na si Brandon Boyd para sa magiging art collaboration nila.

 

 

May gagawin sina Heart at Brandon na gallery kunsaan idi-display ang kanilang creations. Kabilang pala si Heart sa na-feature sa Moonlight Arts Collective dahil sa kanyang hand-painted signature bags at paintings.

 

 

***

 

 

NAG-OFFER na bilhin ng The Flight Attendant and The Big Bang Theory star na si Kaley Cuoco ang kabayong sinuntok ng kanyang rider sa nakaraang Tokyo Olympics.

 

 

Nadurog daw ang puso ni Cuoco noong mapanood niya ang August 6 competition ng German modern pentathlon at kung paano raw sinuntok ng rider na si Annika Schleu ang sinasakyang kabayo na ang pangalan at Saint Boy.

 

 

“I feel it’s my duty and heart to comment on this disgrace. This is not Olympic show jumping. This is a disgusting, classless, abusive representation of our sport in so many ways. This team should be ashamed of themselves,” talak ni Cuoco sa kanyang pinost na Instagram Stories.

 

 

Patuloy pa ni Cuoco: “You and your team did not do your country proud or this sport. You make us look bad. Shame on you and godspeed to any animal that comes in contact with you. Pure classless behavior right here. Disgusting on all levels. This is not our sport. This does not represent our sport. This rider and her ‘trainer’ are a disgrace.”

 

 

Hindi raw nagbibiro ang aktres nang sabihin niyang bibilhin niya ang naturang kabayo.

 

 

“I’ll buy that horse outright and show it the life it should have. Name your price!” patuloy na talak ni Cuoco na isang esquestrian and animal lover.

 

 

***

 

 

ISANG freak car accident ang nangyari sa dating Kapuso actor na si Steven Silva sa Sacramento, California.

 

 

Ayon sa post ni Steven sa Facebook at Instagram noong August 17, ligtas siya naturang aksidente. Pero ang minamaneho niyang SUV na Nissan Rouge ay totally damage sa driver’s side.

 

 

Isang milagro nga raw na buhay siya para ikuwento ang “scariest moment” ng buhay niya.

 

 

Heto ang post niya sa Facebook:

 

“Oh Sacramento, sometimes you make it really difficult to love you. 

“I’m beyond thankful that we were able walk away from this accident relatively unharmed, just bruises and cuts. Not going to lie though, this was one of the scariest moments of my life and could’ve been way worse. If you know me, I drive like a grandpa but sometimes you can do everything right and bad things still happen to you. Be careful out there, friends.”

 

 

Noong sinubukan naming tanungin si Steven tungkol sa aksidente sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, heto ang pinadala niyang sagot sa amin:

 

“Okay naman kami, may mga pasa at sugat lang. But we’re thankful because it could’ve been way worse.”

 

 

Si Steven ang tinanghal na Ultimate Male Survivor ng reality artista-search ng GMA na Starstruck 5 in 2010.

 

 

Ka-batch niya sina Sarah Lahbati, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Diva Montelaba at Sef Cadayona.

 

 

Noong 2016 pa nagtapos ang kontrata ni Steven with GMA Artist Center. Huli siyang napanood sa teleserye na Akin Pa Rin Ang Bukas noong 2013.

 

 

Naging freelancer si Steven ng ilang taon hanggang sa magdesisyon itong bumalik sa California for good last year para makasama ang pamilya noong magkaroon ng COVID-19 pandemic.

 

 

May sariling podcast si Steven na The Dumb Things Podcast.

(RUEL MENDOZA)

DERRICK, ang tapang na sabihin na mahal na mahal niya si ALDEN at never nainggit

Posted on: August 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA isang IG live interview ni G3 San Diego ay tinanong si Derrick Monasterio about kung hindi ba ito naiinggit sa kasikatang tinatamasa ni Alden Richards.

 

 

Sagot ni Derrick kahit daw katiting ay hindi siya kakikitaan ng pagka-inggit kay Alden na kasabay niyang nag-start sa showbiz.

 

 

 “I love Alden. Brother ko ‘yun ever since The Road days. Kasama ko si Alden sa L.A. nang mag-premiere ang The Road, hindi pa [ganoon kasikat si] Alden noon, pero nakita ko ang totoong Alden.

 

 

“Hanggang ngayon, gano’n pa rin. Kaya ko siya mahal na mahal and I respect him so much and I love him, he never changed,” pahayag ni Derrick.

 

 

“Kahit kanino niyo itanong, hindi siya nagbago. Mahirap ‘yun kasi ako, minsan parang nai-irritate, pero siya, very generous, nakiki-bonding sa lahat,” dagdag pa niya.

 

 

Sabi naman ng isang writer-friend sa amin, ano ang magiging reaction mo if hingan ng reaction si Alden sa sinabi ni Derrick at ang isagot nito ay “Oo, nagmamahalan kami.”

 

 

Take note ang ibig sabihin dito ay platonic love na nag-e-exist between Alden and Derrick kaya ang sagot naming ay “Eh di masaya.”

 

 

Gusto namin ang tapang ni Derrick sabihin na mahal na mahal niya si Alden. Wala siyang pakialam kung sakaling mabigyan nang ibang kahulugan ang kanyang sinabi.

 

 

Reaction naman ng isang kaibigang director, “Bigyan ng BL ang mga iyan. Now na!”

 

 

Sabi ni writer-friend, “Feeling ko game si Derrick sa BL. Baka si Alden ang mag-inarte if ever such an offer come their way.”

 

 

Sagot namin, “Pwedeng umoo si Alden sa said offer pero baka di pumayag Artist Center.”

 

 

Wala naman daw ipapakitang totnakan, Very ‘Hello Stranger’ ang peg ng BL series na naiisip niya for Alden and Derrick.

 

 

Wala naman daw nagduda sa pagiging lalaki at pagkalalaki nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez when they did My Husband’s Lover. 

 

 

John Lloyd Cruz and Luis Manzano also played a gay couple sa In My Life.

 

 

Alden should be challenged if ever he gets offered a BL series with Derrick.

 

 

Sa tingin ko, pwedeng tanggapin ni Alden na gumawa ng BL series to challenge himself. Ang hindi lang kami sigurado ay kung papayag ang GMA Artist Center na tumanggap siya ng BL series.

 

 

If I were Alden, go for gold kami sa paggawa ng isang BL series. Doing so is another venue to showcase his acting prowess. It’s an acting job that he can sink his teeth into.

 

 

Pwede naman gumawa ng BL series na hindi malaswa ang mga eksena or walang graphic sex scenes na involved.

 

 

Doing a BL is just like accepting an endorsing a liquor brand when Alden’s packaging is wholesome.

 

 

If ever magkakaroon ng BL series sina Alden at Derrick, tiyak na aabangan ito at susuportahan ito ng mga members ng pink community dahil mahal ng mga fairies sina Alden at Derrick.

 

 

But still, the big question is – will Alden take the bait?

 

 

***

 

 

IBINALITA sa isang regional news program na nagkaroon daw ng COVID-19 ang 10 cast and staff members ng isang movie na nagso-shooting sa Baguio.

 

 

Sabi pa sa news program, tumakas daw ang isang actor at bumalik ng Maynila. Iniwan daw ng actor ang mga kasama niya.

 

 

Sa interview kay Baguio City Mayor Magalong, pinangalanan nito ang actor na umalis at sinabing si Arjo Atayde raw ito.

 

 

Hindi namin pinatulan ang balita at hinusgahan ang pag-alis ni Arjo sa location. Siyempre gusto namin ng additional information.

 

 

As we write this column, may natanggap kaming balita na hindi naman daw tumakas si Arjo sa taping.

 

 

Management decision daw na dalhin sa Maynila ang aktor para ito ay maipagamot dahil wala raw available na medical facility sa Baguio City na pwedeng pagdalhan sa actor.

 

 

Dasal namin ang maagang paggaling ni Arjo.

(RICKY CALDERON)

‘Wag ka na matakot! Casimero kay Donaire…

Posted on: August 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ayaw tantanan ni reig­ning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero si World Boxing Council (WBC) bantamweight king Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr.

 

 

Sinabi ni Casimero na natatakot lamang si Donaire sa kanya kaya’t ayaw nitong kumasa sa hamon para sa isang unification fight.

 

 

“Takot lang siya sa akin. Donaire huwag ka nang matakot, labanan mo na ako,” ani Casimero.

 

 

Nilinaw ni Casimero na hindi naman ang Pilipinas ang pinag-uusapan sa laban kundi ang mga belts na hawak nila pareho.

 

 

Kaya’t walang magiging problema kung maging all-Filipino fight man ang laban.

 

 

“Marami kasi nagsasabi na hindi maganda na parehong Pilipino ang maglalaban. Pero hindi naman Pilipinas pinag-uusapan dito kundi belt,” ani Casimero.

 

 

Wala pang sagot ang kampo ni Donaire sa ha­mon ni Casimero.

 

 

Nakatakda sanang maghaharap sina Casimero at Donaire sa isang unification bout.

 

 

Subalit hindi ito natuloy matapos mag-withdraw si Donaire sa laban.

 

 

Ilan sa mga naging dahilan ni Donaire ang umano’y pambabastos ng kampo ni Casimero sa kanyang asawa na si Rachel.

 

 

Naging dahilan din ang doping subalit nakakuha na si Casimero ng clea­rance mula sa Voluntary Anti-Doping Association (VADA).

 

 

Sariwa pa si Casimero sa split decision win kontra kay Cuban fighter Guil­lermo Rigondeaux noong Linggo sa Carson, California.

EJ Obiena aminadong hirap pa ring matanggap ang pagkatalo noong Olympics

Posted on: August 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aminado si Filipino pole vaulter na hirap pa rin nitong matanggap ang kaniyang pagkatalo noong Tokyo Olympics.

 

 

Sinabi nito na ang nasabing karanasan ay tila isang gamot na mahirap lunukin.

 

 

Pero gaya ng mga ordinaryong araw ay lilipas din aniya ito.

 

 

Magugunitang hindi nakuha ng ranked number 6 sa men’s pole vault sa buong mundo ang anumang medalya matapos mabigo sa hurdle ng 5.80 meter clearance.

Japanese tennis star Osaka tutulungan ang mga biktima ng lindol sa Haiti

Posted on: August 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tutulungan ni Japanese tennis star Naomi Osaka ang mga biktima ng magnitude 7.2 na lindol sa Haiti.

 

 

Sinabi nito na ang anumang halaga na kaniyang mapapanalunan sa Western and Southern Open ay kaniyang ibibigay bilang donasyon.

 

 

Ang ama kasi nito ay isang Haitian kaya labis ang kaniyang kalungkutan ng malamang sinalantan ng lindol ang nasabing bansa.

 

 

Magugunitang nasa mahigit 300 katao ang nasawi at maraming gusali ang nasira dahil sa nasabing paglindol.

Hidilyn, magsasanay muli sa Malaysia para sa torneyo sa Peru

Posted on: August 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Babalik na sa pagsasanay sa Kuala Lumpur si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa susunod na buwan.

 

 

Ito ay bilang bahagi ng kanilang pagsabak sa World Championships sa Peru sa buwan ng Nobyembre.

 

Ayon kay Samahang Weightlifting ng PIlipinas (SWP) president Monico Puentevella na bukod sa Peru ay paghahandaan din nito ang pagsali sa SEA Games sa Hanoi, Vietnam na gaganapin sa susunod na taon.

 

 

Pagkatapos aniya ng mga nasabing torneyo ay dito na siya magdedesisyon kung sasabak muli siya sa 2024 Paris Olympics.