GUMAWA na ng arrangements o pagsasaayos ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation o pagpapauwi sa mga natitira pang mga Filipino na nasa Kabul, Afghanistan.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tinatayang nasa 32 Filipino na ang nailikas kagabi, Agosto 15 at ngayon ay nasa Doha na at naghihintay ng kanilang flight pabalik ng bansa.
Samantala, may 19 pang mga Filipino ang inaasahang aalis na rin.
Ang repatriation ay ginawa ng mga employer.
Una nang ipinag-utos ng DFA ang mandatory evacuation ng 130 mga Pilipino sa Afghanistan.
Kaugnay nito, pinabibilisan naman ni Senator Francis Tolentino sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang repatriation ng mga Pilipino na naiipit ngayon sa kaguluhan sa Afghanistan.
Diin ni Tolentino, dapat paspasan ng DFA at DOLE ang paglikas sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) doon dahil kontrolado na ng Taliban ang Kabul at tumakas na rin palabas ng bansa si Afghan President Ashraf Ghani.
Tinukoy ni Tolentino ang report ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad, Pakistan, na tinatayang nasa 200 mga Pinoy pa ang nasa Afghanistan at karamihan sa mga ito nagtatrabaho na hotel manager, propesor, accountant, company managers at inhinyero.
Nasa 75 naman ang mga Pinoy na kasalukuyang nakaabang sa unang gagawing batch ng repatriation.
Paalala ni Tolentino sa DFA at DOLE na sa ilalim ng Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, obligado ang kinauukulang mga ahensya ng gobyerno na magsanib pwersa upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa abroad lalo na sa panahon ng kagipitan, digmaan man o iba pang trahedya at kalamidad.
Tiwala si Atlanta Olympics silver medalist Mansueto “Onyok” Velasco na mananalo ng gintong medalya ang boxing team sa 2024 Paris Olympics.
Humingi ng karagdagang P3.6 billion na pondo ang Department of Health (DOH) para sa special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
NAGLABAS na ng Official Statement ang Feelmaking Productions Inc. tungkol sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Arjo Atayde na nag-positive sa COVID-19 habang tinatapos ang bago niyang pelikula sa Baguio City.
NAGPAABOT ng kanyang pakikidalamhati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gobyerno at mga mamamayan ng Haiti matapos yanigin nang malakas na lindol na tumama sa nasabing bansa.
ISANG security guard ang namatay habang malubha naman ang lagay ng kasama nito matapos sumiklab ang sunog sa isang factory at warehouse sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
SWAK sa kalaboso ang isang fruit vendor dahil sa halip na prutas ay shabu ang inalok niya sa isang sundalo na noon ay nakasuot damit pang sibilyan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
HANGGANG sa kasalukuyan ay patuloy na pinag-aaralan pa rin ang bilis na makapanghawa ng Lambda variant na nagmula sa bansang Peru at ngayo’y nakapasok na sa Pilipinas.
Patay ang dating editor ng pahayagang Remate matapos pagbabarilin sa pagma-may-ari nitong salon sa Barangay Apolonio Samson sa Quezon City.