• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2021

Pinoy boxer Magsayo pinabagsak si Ceja

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinabagsak ni Filipino boxer Mark “Magnifico” Magsayo ang kaniyang nakalaban na si Julio Ceja.

 

 

Mula sa simula ng laban ay naging mainit ang palitan ng suntok ng dalawang boksingero sa laban na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

 

 

Pagdating sa ika-sampung round ay ibinuhos ni Magsayo ang mga suntok hanggang tinamaan si Ceja ng dalawang beses sa mukha nito.

 

 

Dahil sa panalo ay mayroon ng malinis na 23 panalo at wala pang talo.
Siya ngayon ang number 1 contender sa WBC featherweight championship na hawak ni Gary Russel Jr.

Pag-unfollow ni PAOLO kay LJ, effective dahil nag-number one sa Netflix ang movie nila ni YEN

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GIMIK man o totoong may “something” o may pinagdaraanan ngayon ang mag-partner na sina Paolo Contis at LJ Reyes dahil sa pagkaka-unfollow ni Paolo sa Instagram ni LJ at pagdi-delete rin ng mga pictures nila, ang sigurado, epektibo ang nangyari.

 

 

Effective dahil ang movie ni Paolo ngayon sa Netflix na A Far Away Land katambal si Yen Santos ay number 1 sa Netflix.

 

 

At walang duda na masaya si Paolo na consistent na nagta-top ang mga movies niya sa Netflix kaya naman tina-tag siya o nile-label ng ana “Netflix King.”

 

 

Sunod-sunod nga ang mga Instagram stories ni Paolo kunsaan, nagpapasalamat ito.  Sey niya, “Thank you for making us Number 1!”

 

 

Nag-Top 1 din sila sa UAE at Qatar at nasa Top 10 ng Kuwait.

 

 

Kahit na siyang leading lady sa movie, mukhang hindi napigilan ni Yen at nag-IG stories din at  nag-congratulate kay Paolo. Nireplayan naman ito ni Pao na, “Congrats to us!”

 

 

Sa isang banda, after mag-unfollow at delete, dedma lang si Paolo sa tanong ng netizens kung hiwalay na ba sila ni LJ.

 

 

***

 

 

MAY fan o followers or ang sigurado, tila nakasubaybay sa mga ganap ng Kapuso actor na si Mark Herras na netizen.

 

 

Kung hindi kami nagkakamali, baka same pa rin ito noong ang girlfriend pa ni Mark ay si Ynna Asistio.

 

 

Kasunod nga ng naging isyu kay Mark at sa kanyang dating manager na si ‘Nay Lolit Solis at usaping pera, tina-tag ng netizen na ito ang ilang publication, press at ilang executives sa GMA-7 na kesyo nandiyang nag-cash advance din daw si Mark noon para mabayaran ang utang ng nanay ni Ynna na si Nadia Montenegro. Nandiyang para mabigyan din daw ng gadgets si Ynna at may year pa siya kung kailan binigay ni Mark.

 

 

At may kuwento rin siya sa bagong partner ni Mark at ina ng ikalawang anak niya na si Nicole Donesa. Kesyo ‘yung lyka gems daw ni Mark ang ginamit pambili mamahaling keyboard at nag-cash advance rin daw si Mark sa GMA.

 

 

Sey pa niya, “Kaya super close si Ynna at Nicole, parehong makapal ang mukha!”  Hala! Ang harhs ha!

 

 

Anyway, may Instagram handler na @georgina.ensl ang nagpo-post ng ganitong chika at mga paratang.

 

 

Siguro, gusto niyang palabasin na ang nauubos ang pera ni Mark dahil sa pagbibigay sa mga nagiging karelasyon. Eh, kung totoo man, baka gano’n kasi magmahal si Mark, ‘no, galante.

 

 

At kung totoo rin ang mga chika niyang ito, ang bongga naman niya at knows niya talaga kung saan ginagastos ni Mark ang pera at binibigyan niya, pati diumano’y pagka-cash advance? Huh!

 

 

***

 

 

 

DAHIL nagti-trending at pinag-uusapan talaga ang online seller na si Madam Inutz na si Daisy Lopez na nakita naming kahit mga artista ay may nanonood at nagko-comment pa nga dahil tawang-tawa raw sila, hindi na kami nagulat na may mag-uunahan nga na magpapirma rito.

 

 

At ang nakakuha ng tiwala niya ay si Wilbert Tolentino, former Mr. Gay World titlist, businessman, social media infuencer at  philanthropist noong Huwebes ng gabi. Dalawang taon siyang ima-manage.

 

 

Ang kontrata ay sinulat sa Filipino para lubos na maintindihan ni Daisy ang nilalaman nito Sa contract signing ay kasama nila si Atty. Bertini Causing.

 

 

Ang bongga rito, walang kukunin na komisyon sa lahat ng kikitain ni Madam Inutz si Wilbert, pero magi-endorse siya ng kanyang mga negosyo.

 

 

Ang dating ginawa niya noon na pag-aalaga at treatment sa dati niyang mina-manage na si Mader Sitang ay siya rin gagawin niya kay Madam Inutz.

 

 

Nilatag na rin ni Wilbert ang plano na gagawa ng single si Madam Inutz na ang title, “Inutil” composed by Ryan Soto. Bubuo sila ng album ng  nasabing viral online seller.

 

 

Gagawin din siya ni Kuya Wil II na ambassador ng mga online seller. Tutulungan nila ang mga gustong maging online seller at kung paano ito magkaroon ng brand at owner.

 

 

Sa mga interesado, puwedeng tumawag lang sa 09175inutil. Puwede rin silang mag-email  at mag-message sa dlinutil@yahoo.com and look for Wilbert Tolentino.

 

 

(ROSE GARCIA)

Romero ibinigay na ang bonus ng 3 boxers

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinupad ni House De­­puty Speaker Mikee Romero ang kanyang pa­ngako kina Tokyo Olympics silver medal winners Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medalist Eumir Felix Marcial.

 

 

Sa seremonyang tina­­­wag na “Bagsik Ng Kamao” ay iginawad ni Romero kina Petecio, Paalam at Marcial ang kanyang pangakong cash incentives via Zoom.

 

 

May tig-P2 milyon sina Petecio at Paalam, lumaban sa women’s featherweight at men’s flyweight division, ayon sa pagkakasunod habang P1 milyon kay Marcial na sumabak sa men’s middleweight class sa Tokyo Games.

 

 

“Nesthy, Carlo and Eumir brought immense pride and hope to the Filipino people amid these trying times due to the pandemic,” sabi ni Romero. “They truly deserve these blessings.”

 

 

Nauna nang personal na ibinigay ng NorthPort Batang Pier team owner kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang tsekeng P3 milyon.

 

 

Winakasan ni Diaz ang 97-taong paghihintay ng Pinas sa kauna-unahang Olympic gold nang manalo sa wo­men’s 55-kilogram division sa Tokyo Games.

 

 

“Nagpapasalamat kami kay Deputy Speaker Mikee Romero sa support na ibinigay niya hindi lang sa amin kundi pati na rin sa Philippine sports,” wika ng 29-anyos na si Petecio. “Hindi kami hihinto hanggang walang ginto.”

Contingency fund ng OP, hindi gagamitin para sa pangangampanya

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na hindi niya gagamitin ang contingency fund ng Office of the President (OP) para pondohan ang pangangampanya ng mga kandidato ng administrasyon sa Eleksyon 2022.

 

Ang pagtiyak na ito ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng napaulat na natuklasan ng Commission on Audit (COA) na may ilang mali sa pamamalakad ng COVID-19 funds ng Department of Health (DoH).

 

Sa kanyang Talk to the People araw ng Sabado ay sinabi ng Pangulo na maaaring gamitin ng Department of Health (DOH) ang kanyang contingency fund para bayaran ang allowances at iba pang benepisyo ng mga healthcare workers at volunteers.

 

“That’s the reason, again, I have to explain to the people na bakit malaki ‘yan,” ayon sa Pangulo.

 

Sa kabilang dako, binasura naman ng Chief Executive ang pahayag ng ilan na ang kanyang contingency at intelligence funds ay gagamitin para pondohan ang pangangampanya ng kanyang kandidato sa 2022 polls.

 

“Others said I was asking for it because I will use it as a campaign. Wala akong kandidato, hindi ko nga alam kung sino ang tatakbo. Sabagay, politika eh,” ayon sa Pangulo.

 

Giit pa niya, iyong mga taong nag-iisip na gagamitin niya ang pondo ng kanyang tanggapan ay hindi kailanman magiging Pangulo ng bansa.

 

“I pity them because they can never be president. These politicians behave the way they are now, I can assure you, they can never be an administrator of the country,” anito.

 

“Kung sila yun, tingin ko, they will govern miserably,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

 

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng Pangulo ang kanyang political plans para sa 2022.

 

Magkagayon man, sinabi nito na ang pagtakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022 ay hindi masamang ideya. (Daris Jose)

Usap-usapan na baka huling fight na ni Pacquiao vs Ugas, patok sa international media

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lalong umugong sa international media ang isyu na baka huling laban na ngayong Linggo ni Manny Pacquiao (62-7-2, 39 KOs).

 

 

Usap-usapan tuloy na susunod na ang kanyang pagreretiro sa halos tatlong dekada sa kanyang career lalo na kung matalo siya ng Cuban champion na si Yordenis Ugas (26-4, 12 KOs).

 

 

Nagpainit pa sa isyu nang mismong magpahiwatig si Pacquiao, 42, na baka ito na nga ang kanyang last fight.

 

 

“This could be my last fight or there could be more,” ani Pacquiao.

 

 

Sinabi naman ng ilang observers manalo man o matalo si Pacquiao, sigurado na sa hinaharap ay maihahanay siya sa mga Hall of Fame boxers.

 

 

Sa 26 na taon na boxing career ng fighting senator, umabot na sa 24 na dati at kasalukuyang mga world champions ang walang takot niyang hinarap sa itaas ng ring.

 

 

Kung sakali mang manalo si Pacquiao malalampasan niya ang sariling record bilang oldest welterweight champion sa kasaysayan ng mundo at ang tanging 5-time welterweight champion.

 

 

Liban pa ito sa nag-iisang eight division world champion.

 

 

Sinasabing ang laban ni Pacquiao kontra kay Ugas ang kanyang magiging ika-26 na beses sa pay-per-view (PPV) bilang main event.

 

 

Mula pa noong taong 2005, nakapagbenta na si Pacquiao ng mahigit sa 20 million buys sa PPV, kung saan katumbas ito sa $1.2 billion na mga kinita.

 

 

Pumapangalawa siya sa retired American champion na si Floyd Mayweather Jr. sa total earnings pagdating sa pay-per-view.

 

 

Dahil dito tampulan ng debate si Pacquiao kung siya na nga ba ang maituturing na pinaka-exciting na boksingero sa buong mundo sa kasaysayan dahil sa naibibigay niyang saya sa mga fight fans.

 

 

Hindi maiwasang naihahanay tuloy siya sa mga boxing legends na sina Mike Tyson at Evander Holyfield na nagmula naman sa heavyweight division.

Pacquiao talo kay Ugas via unanimous decision

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Napanatili ni Yordenis Ugas ang kaniyang WBA “super” welterweight belt matapos na talunin si Manny Pacquiao.

 

 

Pinaburan ng tatlong judges ang Cuban boxer para makuha ang unanimous decision 115-113, 116-112, 116-112.

 

 

to na ang pang-27 na panalo ni Ugas habang pang walong talo naman ng fighting senator na mayroong 62 panalo, walong talo at dalawang draw.

 

 

Magugunitang si Errol Spence Jr sana ang makakaharap ni Pacquiao subalit umatras ito 11 araw bago ang laban dahil sa injury sa mata kaya ipinalit si Ugas.

 

 

“I’m sorry that we lost tonight. I did my best. I apologize, ” humingi ng sorry ang Pinoy boxing legend na si Sen. Manny Pacquiao matapos siyang talunin ni Cuan fighter Yordenis Ugas sa kanilang WBA welterweight championship bout.

COA, binakbakan ni PDu30 sa kanyang Talk to the People

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINAKBAKAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Audit (COA) dahil biglang pagpasok sa “giyera” sa pagitan ng virus at government’s vaccine sa pamamagitan ng pagpapalutang ng audit observation nito na may natuklasang ilang mali sa pamamalakad ng COVID-19 funds ng DOH.

 

Bagaman hindi pa naman masasabing anomalya ang COA Audit Observation ay dapat pa ring maipaliwanag at masagot ang mga hinala sa paggamit ng pampublikong pondo.

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Sabado ay binira ng Pangulo ang COA sa paga-audit sa gastusin na “ongoing” pa ang pinagkakagastusan.

 

Sinabi nito na walang pera ang DoH dahil ang may pera aniya ay DBM.

 

Kung may programa man aniya ang DoH ang magbabayad ay ang DBM.

 

“Hindi humahawak si Sec. (Francisco) Duque ni piso. The perception of the public .. flogging. ‘Yan ang mahirap dyan . Alam ng COA yan. ngayon sabihin nila eh batas ito..paano? eh di question and answer mo. huwag kayong magdraw ng conclusion.. sabihin mo.. Ito yung tanong ninyo.. ito ang sagot. para malaman ng tao. and give him a chance also to answer. Sufficient time.at saka itong ginagawa ngayon ni Secretary Duque, Ano, Galvez, Sec. . Defense.. on going ito. So, you do not conduct unnecessarily ‘yung mga audit na audit na ongoing pa. We are fighting a pandemic,” litanya ng Pangulo.

 

‘They are fighting a war against an enemy na hindi natin nakikita. Give them an enough elbow room to move. At saka iyong sabi ninyo na documentation.. alam ninyo pandemic skeletal force lahat. Ang COA alam ninyo ‘yan. So, ang documentation, hindi mo kaagad-agad kasi validate mo pa, reviewhin ito at makuha pa ka ng validation ‘yan ang tapos papasok ka in the middle of the battle,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Ang suhestiyon ng Pangulo ay patapusin muna sana ng COA hanggang sa katapusan ng taon ang giyera ng gobyerno laban sa covid 19 bago pumasok sa eksena.

 

‘Huwag kang pumasok ngayon kasi on going ang barilan between the virus and the government’s vaccine. There’s a war there. Huwag iyong bigla ka na lang pumasok .. conduct ka ng ano.. i-timing ninyo,” anito.

 

Kailangan ding na ayusin ang report ng COA gaya ng hindi ito akusasyon, walang perang sangkot. (Daris Jose)

6 Para athletes may tsansa sa unang Paralympic gold—Agustin

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kahit sino sa anim na national para athletes ay may pag-asang makamit ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Paralympics sa Tokyo, Japan.

 

 

Ito ang paniniwala ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin kina swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino, taekwondo jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, discus thrower Jeanette Aceveda at powerlifter Achele Guion.

 

 

“Itong anim po, ito po iyong ating mga magigi­ting at handang lumaban, matatapang at hindi basta-basta sumusuko sa anumang laban,” ani Agustin.

 

 

“Sila po ang iniidolo ng ating mga may kapansa­nan na mga kababayan. Mayroon din silang kakayahan na magbigay ng karangalan sa ating bansa.”

 

 

Sasabak sina Gawilan, Bejino, Ganapin, Mangliwan, Aceveda at Guion sa Tokyo Paralympics sa Agosto 24 hanggang Set­yembre 5.

 

 

Magtutungo ang de­legasyon sa Japanese capital ngayong araw.

 

 

Hindi pa nagwawagi ang Pinas ng Paralympics gold sapul nang sumali noong 1988 sa Seoul, Korea.

 

 

Ang pag-angkin ni national weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold ng bansa ang nagsisilbing inspirasyon ng anim na Paralympians.

ARJO at mga co-stars, pwede na uli mag-shooting sa Baguio pag fully recovered na; FDCP, natuwa dahil tuloy ang trabaho

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAAYOS na ang magkabilang kampo sa naganap ng pakikipag-meeting ng head ng Feelmaking Productions, Inc. na si Ellen Criste at iba pang co-producers kay Mayor Benjamin Magalong sa Baguio City.

 

 

Matapos na mapag-usapan protocols na ayon nga naunang report ay nagkaroon ng violations, bagay binigyan linaw ni Criste.

 

 

Sa interview ni MJ Felipe, binigyan na ng go signal tapusin filming ng project, as soon as cleared na lahat nagka-virus at fully recovered and still following the protocols enforced by the city.

 

 

Ang pag-alis ni Arjo Atayde after his swab test positive result, was Criste’s judgement call and coordinated with Sylvia Sanchez, Arjo’s mom.

 

 

Sa mga nag-positive si Arjo lang may symptoms ng difficulty sa paghinga, fever at meron pa siyang asthma.

 

 

Ang 8 actors and 1 staff na pawang asymptomatic ay nasa isolation na sa labas nh Baguio.  Lahat ng pangangailangan nila ay pino-provide naman ng pamilya Atayde.

 

 

Nag-negative naman sa test ang 23 crew members na naging close contact nila.

 

 

Dalangin namin ang speedy recovery nina Arjo, para matapos na nila ang nasimulang pelikula.

 

 

***

 

 

NAGBIGAY naman ng pahayag si FDCP Chair Liza Dino sa naturang insidente at masaya niyang ibinalita na puwede na uli mag-shooting ang ibang film outfits.

 

 

“As FDCP has been informed of the incident with the Feelmaking Production in Baguio City, I personally reached out to Mayor Benjie Magalong to discuss the details and how we can help address the concerns.

 

 

“Mayor Magalong informed me himself that the Feelmaking Productions team has been closely coordinating with the City of Baguio already through producer Ellen Criste and that matters have been settled.

 

 

“As regards to the case of Mister Arjo Atayde, the Mayor acknowledged the actions of his family to rush him to the hospital. Any worried parent would react the same but at the same time, he reiterated the importance of compliance to the protocols set by the government to ensure the safety of the community. He also emphasized that while  Baguio has been accommodating to film shoots, restrictions are in place to keep everyone safe and that must be strictly followed.

 

 

“This was a lesson learned for everyone and that while there may be lapses, it’s important to take accountability and it’s good that the production is coordinating closely with the City.

 

 

“Finally, and for me, isang napakagandang balita para sa ating sektor, Mayor Magalong asked me to share with the film sector that Baguio is still open to production shoots and that filming is welcome as long as coordinated properly with relevant agencies like FDCP and DOLE and most importantly, the City of  Baguio.

 

 

“He also said that should the Feelmaking production team choose to finish their production in Baguio, they may still do as long as details are coordinated with the City and compliance to protocols will be strictly observed.

 

 

“We hope that this addresses all matters related to the incident. Let’s all wish for Arjo’s fast recovery as he is still in the hospital being treated for covid-19.

 

 

“P.S. As of today, August 21, productions shoots are allowed under MECQ conditions as per DOLE-DTI-DOH JAO at 50 pax maximum per day.

 

 

“Let’s all practice SAFE FILMING!

 

 

#teamFDCP #SafeFilmingPH.”

(ROHN ROMULO)

6 na atleta handa na sa pagsabak sa 2020 Tokyo Paralympics

Posted on: August 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lilisan na sa Linggo, Agusto 22 ang excited na anim na mga para-athletes ng Pilipinas sa sasalihang 2020 Tokyo Paralympics na gagawin mula Agosto 24 hanggang Septyembre 5 sa Tokyo, Japan.

 

 

Ang nasabing mga atleta ay kinabibilangan ng tig-dadalawa para sa swimming at athletics at tig-iisa naman para sa powerlifting at taekwondo.

 

 

Inihayag ng taga-Davao City na para-swimmer na si Ernie Gawilan, na kampante silang makakakuha ng medalya sa kanilang pagsali sa malaking sporting events sa buong mundo lalo na’t ilang taon din silang nag-training.

 

 

Aminado naman itong malaking hamon para sa kanila ang mga contingents mula sa Urupa at sa Estados Unidos na parehong malalakas kung saan ang iba sa kanila ay kanila ng nakaharap sa ibang mga international competitions habang ang iba naman ay mga bago pa.

 

 

Dagdag pa ni Gawilan, in-born na siyang walang isang kamay at dalawang paa habang ang iba niyang mga kasamahan gawas sa powerlifting ay isa namang polio victim habang sa athletics ay partially blind naman.

 

 

Saysay pa ni Gawilan na sa simula pa lang ay mahirap para sa kanila ang pagsasanay dahil sa kanilang kondisyon ngunit dahil sa disiplina at determinasyon ay kanilang nalampasan ang lahat ng uri ng mga pagsubok hanggang sa kanya-kanya silang nanalo sa kani-kanilang field.

 

 

Noong sumali umano siya sa Asian Para-Games na lumahok ang 45 mga bansa ay nakakuha ang Pilipinas ng 3 golds at 2 silver medals kung saan isa siya sa mga naka-gold.

 

 

Dito siya nakatikom ng malaking halaga ng pera dahil sa ibinigay na incentives ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng gobyerno na kalahati sa inilalaan na insentibo sa mga regular athletes.