• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2021

Pagkatalo ni 8-time World Champion Sen. MANNY, senyales na mag-retire na at umatras sa pagka-Pangulo

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI inaasahan nang marami ang pagkatalo ni Sen. Manny Pacquiao sa laban nila ni Yordeni Ugas via unanimous decision.

 

 

Comment ng mga netizens, parang kulang na raw sa power ang suntok ni Manny. Hindi na rin daw masyadong mahusay ang ipinakita ni Manny sa laban.

 

 

Kung nanalo si Manny, yun ang kanyang springboard sa pagtakbo niyang president sa 2022. Pero dahil talo siya, aatras kaya siya desire niyang maging susunod na Pangulo ng Pilipinas bagamat marami ang may ayaw sa pagtakbo niyang president.

 

 

Natalo man si Manny, hindi naman natin dapat kalimutan ang karangalan na naibigay niya sa bayan bilang 8-time world champion.

 

 

Mahirap nang maulit ang record ni Manny kaya if ever decides to retire (na matagal na niyang dapat ginawa, nakaukit na sa kasaysayan ng history ng boxing ang kanyang achievement.

 

 

Kung maraming nalungkot sa pagkatalo ni Manny, may mga ilang nagbunyi, tulad ng some members of the LGBTQIA+, na galit sa mga naging pahayag ni Manny laban sa LGBTQIA+ community.

 

 

Hindi pa sure kung lalaban muli si Manny. Malalaman daw natin ang kanyang magiging pasya next month.

 

 

Pero sana magretiro na siya. He has done enough to bring honor to the country.

 

 

  ***

 

 

AFTER just six months since it was launched, masayang-masaya ang Viva Entertainment group sa tagumpay ng streaming service nila na Vivamax.

 

 

Ito ang pahayag nina Vincent del Rosario, President at COO ng Viva Comm., Inc. at Ronan K. de Guzman, Chief Operating Officer ng Vivamax.

 

 

Base sa kanilang data, kabilang sa most watched movies sa kanilang streaming platform ay ang Gusto Kong Maging Porn Star at Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

 

 

Kasama rin sa most-watched list Revirginized na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta at ang bagong sexy film na Nerisa.

 

 

Mukhang si Darryl Yap ang box-office director ng Vivamax dahil tatlong pelikula ang kasama sa most-watched list.

 

 

Ayon pa kay Vincent, committed sila na mag-provide ng 15 new movie titles a week at sisiguraduhin nila na they will meet the quota.

 

 

Available na rin ang Vivamax sa Japan, Singapore, Hong Kong, Malaysia, the Middle East at Europe.

 

 

Pero kahit na may Vivamax na, umaasa pa rin sina Vincent na magbubukas ang mga sinehan para maipalabas na nila ang mga nakaimbak nilang pelikula.

 

 

***

 

 

  BUKOD kay Julia Montes, si John Estrada ang bagong dagdag sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano as it enters its sixth year on television.

 

 

Excited nga si John na makabalik sa ABS-CBN at makatrabaho si Coco sa top-rating action-drama series na napapanood gabi-gabi.

 

 

Tiyak na isang markadong papel ang gagampanan ni John sa serye. In fairnes sa programa, kapag may dagdag na miyembro ng cast ay maganda ang role na ibinibigay ng production rito.

(RICKY CALDERON)

Ilang miyembro ng Paralympic team positibo sa COVID-19

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bagama’t may nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay natuloy pa rin ang biyahe ng limang national para athletes kahapon para lumahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sinabi kahapon ni Phi­lippine Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo na isang para athlete at ilang opisyales at coaches ang COVID-19 positive. Hindi binanggit ni Barredo ang pangalan ng nasabing para athlete.

 

 

“It is unfortunate for us to inform the public that some officials, coaches and a para athlete of our Philippine delegation bound for Tokyo to participate in the 2020 Paralympic Games have tested positive for COVID-19,” ani Barredo sa isang statement.

 

 

Sina swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino, taek­wondo jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, discus thrower Jeanette Aceveda at po­werlifter Achele Guion ang bumubuo sa Team Philippines.

 

 

Bilang pagsunod sa health and safety protocols ay hindi na nakasama sa biyahe ng delegasyon kahapon ang nasabing mga COVID-19 positive.

NCR ayuda distribution, pumalo na sa 70.29% – Año

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na naipamahagi na ang P7.9 bilyong piso mula sa P11.25 bilyong pisong ayuda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) recipients sa National Capital Region (NCR).

 

Ani Año, ang naipamahaging ayuda ay may katumbas na 70.29% ng ayuda allocation sa low-income individuals sa Kalakhang Maynila.

 

Ang Kalakhang Maynila ay inilagay sa ilalm ng ECQ, itinuturing na “strictest health protocol”, mula Agosto 6 hanggang 20 para mapabagal ang paghawa ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) Delta variant na sinasabing mapanganib na kumalat sa buong bansa sa mga nakalipas na linggo.

 

Dahil sa economic concerns, ang Kalakhang Maynila ay kalaunang inilagay sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 21 hanggang 31 gaya ng Laguna habang ang Bataan naman ay nasa ilalim din ng kahalintulad na restriksyon mula Agosto 23 hanggang 31.

 

Sa kabilang dako, sinabi pa ng Kalihim na hanggang ngayon ay wala pa ring update ukol sa ayuda distribution sa Bataan at Laguna na isinailalim din sa ECQ noong nakalipas na 2 linggo.

 

Ang bawat low-income individual sa ECQ hit areas ng NCR, Bataan at Laguna ay binigyan ng P1,000 cash aid habang maximum financial assistance naman na P4,000 sa bawat pamilya.

 

Ngayon naman at nasa ilalim na ng MECQ ang NCR, Bataan at Laguna ay marami pa ring mahihirap na pamilyang filipino ang nananawagan sa pamahalaan na magbigay ng karagdagang ayuda lalo pa’t hndi naman lahat ng negosyo ay nagbugs.

 

Tikom naman ang bibig ni Año kung ibibigay pa rin ang ayuda sa mga qualified recipients sa MECQ areas lalo pa’t operational na ang ilang negosyo. (Daris Jose)

HEART, nagawang ire-enact ang shopping scene ni JULIA ROBERTS sa ‘Pretty Woman’ after gayahin si AUDREY HEPBURN

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAPAGLARO ang #CharaughtChronicles ni Heart Evangelista-Escudero sa Instagram dahil nagawa niyang ire-enact ang the famous “shopping scene” sa Pretty Woman ni Julia Roberts.

 

 

Sa original 1990 movie, ginampanan ni Julia si Vivian, isang Hollywood hooker at naghahanap ito ng dress sa isang Rodeo Drive shop, pero inalipusta siya ng mga nagtatrabaho sa shop dahil hindi raw bagay ang tulad niya na isuot ang mga damit nila.

 

 

Noong bumalik si Vivian, nakapustura na siya at ‘di siya nakilala ng mga nanlait sa kanya sa dress shop. Ang immortal line ni Vivian ay: “You people work on commission, right? Big mistake. Big. Huge. I have to go shopping now.”

 

 

Sa version ni Heart, siya si Vivian at ang stylist niyang si Kat Cruz-Villanueva ang mataray na shop assistant.

 

 

Hindi ito ang first video ng #CharaughtChronicles ng bida ng I Left My Heart in Sorsogon. Nauna yung gayahin niya si Audrey Hepburn sa famous scene nito sa tapat ng Tiffany’s New York sa pelikulang Breakfast At Tiffany’s. Naaliw ang netizens na ang iniinuman na kape ni Heart at mula sa garapon ng Nescafe!

 

 

***

 

 

ANG boyfriend ni Miss International 2016 Kylie Verzosa na si Jake Cuenca ang nag-push sa kanyang beauty queen girlfriend na tanggapin ang pelikulang The Housemaid.

 


Ang The Housemaid ay remake ng Viva Films sa isang 2010 South Korean erotic thriller.

 

“Jake was the one who convinced me to do this project. He told me, ‘Gawin mo ‘yan. Magandang project ‘yan.’ Sobrang supportive niya sa career ko. I believe he will even go with me to watch this.

 

 

Kami ni Jake, when were at home, we always talk about acting. Ang dami kong nakukuha na information at natutunan sa kanya. Sobrang swerte ko na partner ko siya and we work in the same industry,” sey ni Kylie.
Big challenge daw kay Kylie ang mag-shoot ng movie dahil sa mahigpit na COVID-19 quaratine protocols.
“The circumstances we were shooting in, very careful kaming lahat sa set. Sobrang grateful, but very difficult because it was a very heavy role for me. I needed to unload after every shooting each day. Parang lahat talaga naging challenge for me. The challenges in my character, the intimate scenes. I had to take note of everything.
“Direk Roman is an actor’s director. He was very hands-on all throughout the shoot. When we all reported to the set, ready na siya sa lahat ng dapat gawin. Ready siya sa questions on the set, while shooting, after the take, 24/7. There were times I doubted myself compared to the past year, I’m really new. Like my character Daisy, she is always doubtful of herself. No confidence.”

 


Kasama rin sa The Housemaid ay ang mga award-winning actors na sina Jaclyn Jose at Albert Martinez. Kasama rin sina Louise de los Reyes at Alma Moreno.

 

 

***

 

 

ISANG family day para kina Jennifer Lopez and Ben Affleck ang makasama ang kanilang mga anak sa pagpanood nila ng musical na Hamilton sa Los Angeles.

 

 

Bitbit ni J.Lo ang kanyang twins na sina Max at Emme. Si Ben naman ay dala sina Violet at Seraphina.  Bonus na sinaman ni Ben ang kanyang mother na si Chris.

 

 

Hindi nakasama ang anak na lalake ni Ben na si Samuel dahil kasama nito ang inang si Jennifer Garner.

 

 

Hindi ito ang first time na nakasama ng Bennifer ang kanilang mga anak. Nagkasama sila sa Magic Castle a few weeks ago.

(RUEL J. MENDOZA) 

Community transmission ng Delta variant sa Pinas kumpirmado

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May nagaganap ng community transmission ng Delta variant sa bansa sa gitna ng tumitinding pagsipa ng mga kaso nito kahit wala pang natutukoy kung saan nagmula.

 

 

Ayon kay Philippine Genome Center (PGC) Exe­cutive Director Dr. Cynthia Saloma, dahil sa kalat na kalat na sa iba’t-ibang  rehiyon sa Pilipinas ang Delta variant, para sa PGC ay mayroon nang community transmission na dahilan ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

“Sa aking palagay, may kinalaman ang Delta va­riant sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.”

 

 

Batay aniya sa isinagawang sequencing, sa national average ay mayroon silang nakitang 5% ng Delta variant cases noong Hunyo ngunit pagsapit ng Hulyo ay umabot na ito kaagad sa 48%.

 

 

Sa National Capital Region (NCR), wala pang 5% ng Delta cases ang naitala noong Hunyo ngunit umabot kaagad ito ng 68% noong Hulyo.

 

 

“Based on the data of the 5% to 48% and 5% to 68%, in my opinion, the Delta variant has something to do with this to a large degree, as well as to our ASEAN neighbors,” dagdag niya. (Gene Adsuara)

Addams Family 2 Will Hit the Big and Small Screen This Halloween Season

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE upcoming Addams Family 2 sequel is set for a theatrical and rental release this October, hitting the big screen and small screen on the same day.

 

 

The animated comedy will feature familiar voices from a long list of stars, including Charlize Theron as Morticia, Oscar Isaac as Gomez, Chloë Grace Moretz as Wednesday, Bill Hader as Cyrus, Snoop Dogg as It, Nick Kroll as Uncle Fester, Bette Midler as Grandma, and Javon ‘Wanna’ Walton as Pugsley.

 

 

The trailer for Addams Family 2 revealed the film’s action-packed premise, which involves an Addams Family RV road trip fueled by an unsurprising amount of wacky, spooky fun.

 

 

THR reported the anticipated adventure-comedy will make its US and Canada debut on October 1 in both theaters and through online rental with Premium On Demand. Per THR, many studios are considering this form of dual release in light of the new Delta variant and recent surge of COVID-19 cases. Should circumstances remain similar to how they are now, it’s safe to assume there will continue be a mixed bag of movie-goers and at-home watchers.

 

 

Longtime fans of the horror-comedy franchise will be happy to know MGM kept their word on releasing Addams Family 2 this Halloween season. It seems like it’s been a while since audiences have been graced with a plethora of these kinds of seasonal gems.

 

 

With old-school reboots and sequels like Candyman and Halloween Kills on the radar, Halloween 2021 may just be the comeback season for classic creepy staples, Addams Family 2 included.

(source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Kelot arestado sa P102K shabu sa Valenzuela

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang naarestong suspek na si Allan Warde, 39 ng Lawa Meycuayan, Bulacan.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-10:40 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy-bust operation kontra sa suspek sa harap ng covered court Garnett St., Brgy. Lawang Bato.

 

 

Nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Josem Dela Rosa na nagpanggap na poseur-buyer sa suspek ng P8,000 halaga ng droga.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang sa 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000.00, buy-bust money, P440 cash, cellphone at Marlboro cigarette pack.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

JOHN LLOYD , tuloy na tuloy na ang paggawa ng sitcom ayon kay WILLIE, leading lady hindi pa malinaw

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY season break ang GMA Telebabad romantic-drama  series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez. 

Kaya this week mapapanood ang last 5 EPIC episodes, August 23-27, after 24 Oras sa GMA-7.

Maraming maiiwanang katanungan sa mga televiewers, sa pagbabalik ng serye, magiging happy ending na ba para kina Louie (Alden) at Lia (Jasmine)?  Ano ang magiging twist ng story ngayong alam na ni Brian na hindi pala siya tunay na anak ni Rachel (Dina Bonnevie)?

Paano muling bubuuin ni Louie ang kanyang sarili after ng break-up nila ni Lia?  Aamin ba ang tunay na ina ni Brian, dahil hindi rin alam ni Rachel kung sino ang tunay na ina nito matapos iuwi ng namatay niyang asawa ang bata sa kanila na lumaking ang alam ay anak siya ni Rachel at magkapatid sila ni Lia?

Muling papasok sa lock-in taping ang serye kapag pwede na muling mag-taping sa NCR.

***

   BALIK-Fantine sa Les Miserables ang Filipino international stage actress na si Rachelle Ann Go-Spies. 

Muli niyang gagampanan ang role ni Fantine sa stage play na pinost niya sa kanyang Instagram ang confirmation sa muling pagbabalik sa London’s West End ng Les Miserables.

   “I wasn’t able to finish my run last year… so I’m really excited to do Les Miz Concert on my birthday!  What a treat!  I’m performing from August 31st (her birthday), to September 4th.  I hope Lukas won’t mind. PS: I need to start vocalizing & most importantly ‘pump’ for Lukas.”

  Rachelle Ann gave birth to their baby Lukas ng husband niyang si Mark Spies last March 26, kaya after five months back to work na siya.

Sinimulan ni Rachelle gampanan ang role ni Fantine simula noong 2015, sa West End, London, United Kingdom, at nahinto ito last year dahil sa pandemic.

  Repost naman ng @lesmizofficial: From 31 Aug. @gorachelleann will once again dream the dream as Fantine for SIX SHOWS ONLY.

***

NAG-ANNOUNCE muli si Wowowin: Tutok to Win host Willie Revillame last Friday, na tuloy na tuloy na ang paggawa ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA Network.

Ayon pa kay Willie, nagkaroon na ng brainstorming si Direk Edgar Mortiz sa writer ng sitcom.  Makakasama raw ni JLC ay mga Kapuso artists, pero hindi pa niya sinabi kung sino ang magiging leading lady ng actor.

Unang nabalita na si Andrea Torres ang makakatambal ni JLC, excited man si Andrea dahil isa ito sa hinahangaan niyang actor, pero hindi siya makapag-comment dahil wala pa raw namang sinasabi sa kanya ang Kapuso Network.

Dagdag pa ni Willie ay magkakaroon pa siya ng ibang shows na ipu-produce sa GMA.

  Patuloy pa ngang mula sa beach resort niya sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, ang live presentation ng Wowowin: Tutok To Win, kasama ang buong staff ng show at si Direk Randy Santiago. At habang naka-break sila ng show ng Saturday at Sunday, ginugugol ni Willlie at ng mga kasama niya ang pagbisita sa mga Mangyan doon at mga mangingisdang nawalan ng trabaho at pagkabuhay dahil sa pandemic, at namimigay sila ng mga pangangailangan ng mga ito.

(NORA V. CALDERON)

PDu30, ipinaalala sa DoH na bayaran ang allowances at benepisyo ng mga medical frontliners

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III ang naging kautusan niya rito na bayaran ang allowances at benepisyo ng mga medical frontliners sa gitna ng may ilang grupo ang nagpopotesta dahil sa pagkakaantala ng bayad sa kanila.

 

Sinabihan din ng Pangulo ang Kalihim na bayaran ang mga vaccinators na boluntaryong nakiisa sa COVID-19 inoculation program ng gobyerno.

 

“Unahan na lang kita. May pera man sabi nga, ang pera obligated na… Babayaran lahat ‘yung nagrereklamo na frontliners about their allowances, about whatever, pati…itong mga volunteers na nagbakuna,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Sabado.

 

“I am now ordering, this is now an order, Secretary Duque. Bayaran mo. Use whatever money there is. Bayaran mo ang mga hinihingi ng nurses both in government and those outside of our government na volunteers,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang, ipinag-utos na ni Pangulong Duterte sa DoH na iprayoridad ang pagbabayad sa mga allowance at iba pang benepisyo na nararapat sa mga health worker sa gitna ng protesta ng ilang grupo dahil sa naantalang pagbabayad.

 

Sa ulat, may ilang grupo ng mga health workers mula sa mga government hospital at private institution ang nagrereklamo ng non-release ng kanilang special risk allowance at pagtanggal ng kanilang benepisyo gaya ng meal and transportation allowance sa kabila nang patuloy nilang pagiging mga frontliner sa laban kontra COVID-19.

 

May ilan naman na ang nagbanta ng mass leave dahil sa tila pagbabalewala ng pamahalaan sa kanilang kalagayan.

 

Tinatayang nasa P15 bilyong piso ang nakalaan para sa special risk allowance at hazard pay ng mga health worker mula sa Bayanihan 2 law, ayon naman kay Undersecretary Leopoldo Vega.

 

Sinabi naman ni Health Sec. Francisco Duque III na titignan niya ang nasabing ulat na may ilang health workers ang hindi pa nababayaran hanggang sa ngayon.

 

Nauna rito, nagtakda ang Senate Blue Ribbon Committee ng pagdinig sa umano’y nadiskubre ng Commission on Audit (COA) sa pangangasiwa ng DOH sa P67.32 bilyong pondo para panlaban sa COVID-19.

 

Para naman kay Vega, marami sa “major findings” ng COA ay naresolba na.

 

“Kapag ang COA nagsabi sa deficiency, ‘di mo masabi na ninakaw mo ang pera, deficiency is really in producing the necessary documents,” ayon sa Pangulo.

 

“Alam ninyong emergency ito, it is a matter of life and death so you have to understand and give it a little elbow room to move. Make emergency purchases, kung wala, mag-utang kayo, ito utos ko sa lahat sa gobyerno, especially connected with COVID. Hindi ako papayag you do everything you can, mamatay ka, nakita mo yung frontliners, tapos wala kang ibigay na suporta,”dagdag na pahayag ng Chief Executive. (Daris Jose)

Pacquiao, liyamado sa mga sugarol sa pustahan sa Las Vegas

Posted on: August 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Liyamadong liyamado sa mga pustahan ng mga sugarol sa Las Vegas si Manny Pacquiao.

 

 

Kinikilala pa rin ng mga mananaya doon ang kakayahan ni Pacman sa kabila na 42-anyos na ito.

 

 

Lalo namang nabaon sa pagiging underdog ang Cuban champion na si Yordenis Ugas dahil hindi pa ito kilala.

 

 

Lumalabas sa betting odds sa Vegas na dehado sa mga sugarol si Ugas.

 

 

Sa report mula sa MGM Grand, ang $375 na taya mo kay Pacquiao ay mananalo lamang ng $100 dollars.

 

 

Habang kung pupusta naman ng $100 dollars ang isang mananaya kay Ugas ay malaki ang panalo na aabot ng $295 dollars.

 

 

Kung maalala ang Las Vegas ay matagal ng itinuturing na gambling capital of the world.