REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang magkapatid matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unti (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na si Romeo David, 45, at Benito David, 51, kapwa ng 2233 Bilog Kabesang imo, corner Atyesa St. Brgy. Balangkas.
Sa report ni SDEU investigator PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, habang nasa loob ng kanilang opisina ang mga operatiba ng SDEU nang makatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen at ipinaalam sa kanila ang hinggil sa nagaganap na pot session sa Kabesang Imo, corner Atyesa St. Brgy. Balangkas.
Bumuo ng team ang SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo, kasama PSSg Luis Alojacin, PCpl Christian Rey Corpuz at PCpl Alfredo Mendoza III saka pinuntahan ang naturang lugar dakong alas-5 ng hapon upang alamin ang naturang ulat.
Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga operatiba sa loob ng isang bahay ang mga suspek na sumisinghot ng umano’y shabu na naging dahilan upang arestuhin nila ang mag-utol.
Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 13,600.00, isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalias.
Kasong paglabag sa Sec. 11, 12 at 15 under Article II of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
PINARANGALAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga atletang Filipino na lumahok sa 2020 Tokyo Olympic Games.
Naibigay na ng gobyerno ang inaasam na pagkilala kay 1996 Atlanta Olympic silver boxing medalist na si Mansueto “Onyok” Velasco.
Maaaring isama na sa A3 vaccination priority group ng gobyerno ang mga batang may comorbidities.
Tinanggap ni Manny Pacquiao na may pasasalamat ang maraming bumati sa kanya at kinilala ang kanyang mga nagawa sa boksing sa kabila ng kanyang pagkatalo kay Yordenis Ugas.
LUNGSOD NG MALOLOS – Isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando ang paggamit ng mga pasyenteng may Tuberculosis (TB) sa Bulacan ng Digital Adherence Technologies (DAT) ng ASCENT Project (Adherence Support Coalition to End TB).
SONY Pictures and Marvel Studios have just dropped the first trailer for
Mananatili pa rin ang small bubbles o tiny bubbles policy kung saan hindi pa rin papayagan ang mga indibidwal na makapamili ng mga basic goods sa labas ng kanilang mga siyudad o municipalties.
MINABUTI na lamang sagutin ni bagong Kapuso actress Bea Alonzo ang mga issues tungkol sa paglipat niya sa GMA Network.