Gusto ng Philippine Sports Commission (PSC) na pagsabayin ang pagbibigay ng cash incentives at awards kina Olympic Games medalists Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial sa Malacañang.
Sinabi kahapon ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na naghihintay sila ng ‘go signal’ mula sa Office of the President para sa pamamahagi ng mga tseke nina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial.
“We are awaiting for the green light of Malacanang to award these checks,” ani Ramirez kahapon sa PSC Hour program. “The President mentioned that he wants a specific date na ibibigay niya nang personal ang mga prizes sa mga atleta.”
Kasalukuyan nang inaayos ng sports agency ang P10 million check at bonus na P5 milyon sa Olympic gold medalist na si Diaz, ang tig-P5 milyon ng mga silver medal winners na sina Petecio at Paalam at P2 milyon ng bronze medalist na si Marcial.
Magbibigay pa si Pangulong Duterte kay Diaz, tinapos ang 97 taon na paghihintay ng bansa sa kauna-unahang Olympic gold, ng bonus na P3 milyon bukod sa isang house and lot sa Zamboanga City.
Sina Petecio at Paalam ay tatanggap naman ng tig-P2 milyon at P1 milyon kay Marcial.
Makukuha rin nina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial mula sa Presidente ang kani-kanilang Order of Lapu-Lapu award.
May matatanggap namang tig-P200,000 mula sa Malacañang ang mga non medalists.
“Aside from that we are adding P250,000 sa lahat ng atleta at coaches na pumunta ng Tokyo (Olympics). Very fortunate itong 19 delegates,” ani Ramirez.
Muling binigyang-diin ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. na iligal at mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng booster shots sa bansa gamit ang Covid-19 vaccines na binili ng national government lalo na at nasa 10 percent pa lamang sa buong populasyon ng Pilipinas ang fully vaccinated.
Aabot sa P3.15 billion tax liabilities ang inaasahang makokolekta ng gobyerno, kapag natapos ang paghahabol sa 84 na sinampahan ng kaso sa first half ng taong 2021.
Iniulat ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga “breakthrough COVID-19 infections” sa mga indibidwal sa kabila na sila ay mga nabakunahan pero ito ay maliliit lamang na bilang o porsyento.
SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na masyado pang maaga para pag-usapan kung palalawigin o hindi ang Enhanced Community Quarantine (ECQ ) sa National Capital Region (NCR).
ITINALAGA ni pangulong Rodrigo Duterte ang 27-anyos na anak ni Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel at An Waray Party-list Rep. Florencio ‘Bem’ Noel bilang miyembro ng Sangguniang Panlunsod at kapalit ng isang konehal na may sakit.
TINIYAK ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang naging naging close contact sa kahit na kaninuman sa kanyang apat na staff na nagpositibo sa Covid-19.
Humarurot ng husto ang Chery Tiggo sa huling sandali ng laro upang makuha ang 23-25, 20-25, 25-21, 25-23, 15-8 come-from-behind win laban sa Creamline at matamis na kubrahin ang kampeonato sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.
Ayaw tantanan ni eight-division world champion Manny Pacquiao si reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr.
Arestado ang isang lalaki na nagawang pasukin ang isang saradong bangko para magnakaw sa pamamagitan ng pagsira ng glass panel nito sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.