NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa tatlo umanong drug personalities na naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jimmy Iligan, 46, construction worker, Darius Cabrales, 55, aircon technician, at Ernesto Savarez, 50, construction worker at pawang ng Brgy. Marulas.
Sa report ni PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy-bust operation sa No. 34 De Guzman St., Brgy. Marulas.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P7,000 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang pitong transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t-kumulang sa 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P340,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 at 13 pirasong P500 boodle money, P350 cash, cellphone at pouch.
Kasong paglabag sa Section 5, 26 at 11 under Article of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging desisyon ng pamahalaan na bigyan ng special financial assistance ang mga residente ng Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City, Misamis Oriental na naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions noong Hulyo 16 hanggang 31 na nag-extend hanggang Agosto 7.
SINABI ni National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr. na isang tao lamang sa kada pamilya ang papayagan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa oras na magsimula na ang two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Target ng mga Metro Manila mayors na makapagbakuna ng 250,000 katao kada araw habang nakataas ang ipatutupad na pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr.
Kabilang si eight-division world champion Manny Pacquiao sa mga nag-celebrate matapos umabante sa semifinals si Eumir Felix Marcial sa Tokyo Olympics.
YOU are what you eat.
Matagumpay na naidaos ngayong unang araw ng Agosto ang 40 misa nationwide para sa 40 days ng pagpanaw ni dating Pangulong “Noynoy” Aquino.
Nagtapos na ang kampanya sa Tokyo 2020 ni tennis world number 1 Novak Djokovic matapos talunin siya ni Alexander Zverev (No. 5).
Nanawagan ang Quezon City Advocates for Responsible Entertainment, Sports + Gaming and Wellness (QCARES+) kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na hilingin sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagang magpatuloy ang business operations ng mga miyembro nito sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) na iiral sa Agosto 6.
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang Cebu Province sa General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula ngayong araw, Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021.